Share

Chapter Three

"Finally, Jane nakapili ka na rin ng susuotin mong damit sa araw ng kasal ko," parang bata na wika ni Ate Shiba.

Day off ko ngayon kaya nandito lang ako sa bahay para magpahinga pero dahil narito si Ate Shiba ay tiyak hindi na ako magkakapagpahinga nito. Maybe the bridal shop called her yesterday that I already picked my attire para sa nalalapit pero nanganganib niyang paparating na kasal.

"Kung hindi ko pa sinama kahapon si Keiron sa office mo hanggang ngayon siguro ay hindi ka pa rin nakakapili ng susuotin mo," tunog tampo niyang wika.

For pete's sake it's just a f***ing attire, pero ang OA, ng acting niya. C'mon!

"Akala mo ba hindi ko nahahalata, Jane?" seryosong wika niya na nagpaalarma sa akin, baka kasi maburilyaso pa ang plano ko sa araw ng birthday ni Keiron.

Mula sa pagbabasa ng libro ay mabilis ko itong tiniklop upang bigyang pansin ang kapatid ko.

"Na ano, Ate?" kunot-noo kong tanong at abot langit ang hiling ko ngayon na sana wala siyang malaman tungkol sa plano ko.

"Na mas paborito mo si Keiron kaysa sa akin," nakalabing sagot niya na ikinaluwag naman agad ng paghinga ko.

"Hindi ko lang paborito si Keiron, Ate dahil ang totoo ay mas higit na mahal ko siya kaysa sa'yo at hindi bilang brother-in-law kundi bilang siya," tanging usal ko sa aking isipan.

Kapag isinaboses ko kasi ang tugon kong iyon ay malamang mag-iiba ang kwento at ayokong mangyari 'yon. Gusto ko e treasure na ngayon ni Ate ang mga natitirang araw nila ni Keiron dahil sa pagsapit ng kaarawan ni Keiron ay papasabugan ko siya ng napakalaking surprisa.

"Bueno, ang mahalaga ay nakapili ka na ng susuotin mo," dagdag niya.

Maya-maya pa ay nagpasya na ring umalis ang kapatid ko dahil may lunch date raw sila ni Keiron.

Nagpapainggit ba siya?

Kung alam ko lang talaga na matitipuhan siya ni Keiron ay sana inagahan ko na ang pagharot-harot kay Keiron nang sa ganun ay ako ang nasa posisyon niya.

Nang mapag-isa na lang ako ay minabuti ko na lang matulog magpahinga sa aking kwarto para naman masulit ko ang aking day off.

Sa mga sumunod na araw ay inabala ko ang aking sarilli sa trabaho nakalimutan ko na ngang bisitahin si Ate Shiba tulad na pinakiusap sa akin ni Keiron.

Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarilli ko sa loob ng bahay nina Ate Shiba at Keiron malakas sa akin si Keiron, e, at kahit ano pa siguro ang hingin niya ay hindi ako magdadalawang isip na sundin ang mga utos niya.

"Sobrang saya ko dahil dinalaw mo ako rito ngayon, Jane!" masayang wika ng aking kapatid habang narito kami sa pool area ng bahay nila at kasulukuyang nag me-meryenda.

Pagkatapos ko kasi kanina sa trabaho ay dito na ako dumiretso.

"I'm glad you're here, my sister-in-law." Damn!

Pwede namang Jane na lang bakit kailangan pa talagang ipamukha sa akin ni Keiron na hindi ako ang pakakasalan niya at hindi ako ang babaeng mahal niya.

"Don't be too formal, Keiron just call me by my name," kunwari'y natatawang tugon ko kahit na ang totoo ay labis na inis ang naramdaman ko.

"Practice lang."

Napairap na lamang ako sa aking isipan dahil sa sinabi niya.

"Halika muna sa kwarto ko, Jane may ibibigay ako sa'yo," wika ni Ate Shiba sabay tayo mula sa couch.

"Babe, wait lang ha?" paalam pa niya kay Keiron.

"I don't mind, Babe," nakangiting turan naman agad ni Keiron.

Ang sarap lang makita ng ngiti niya araw-araw at kahit simpleng sagot lang niya ay bumibilis na ang tibok ng puso ko.

Ika nga nila nakakabaliw ng ng husto ang pag-ibig

Habang naglalakad kami patungo sa kwarto ni Ate Shiba ay lihim kong inaaral ang pasikot-sikot ng bahay nila gamit ang aking mga mata. May silbi rin pala ang pagpunta ko rito dahil makakatulong ito sa plano ko sa nalalapit na kaarawan ng pinakamamahal kong si Keiron Bornea.

"Jane!" pumapalantik na pukaw ni Ate Shiba sa akupado kong utak tungkol sa aking plano.

"Ah, y-yes, Ate?" nauutal kong turan.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ate.

"Oo naman sadyang pinapamilyar ko lang ang mga mata ko sa bagay-bagay at bawat sulok ng bahay ninyo ni Keiron para sa susunod na balik ko ay hindi na ako mahirapan," pagkukunwari ko.

"You're so clever." Isang tipid naman agad ang tinugon ko sa papuri sa akin ni Ate Shiba.

Kung alam niya lang talaga ang totoong pakay ko.

And base on Keiron's story last time my sister bought me a lot of stuffs hindi ko tuloy alam ang dapat kong maramdaman ngayon dahil sa mga binili niya, even though I don't asked for those stuffs.

"Bakit mo ako binilhan ng mga ganito, Ate?" tanong ko habang isa-isang sinasalansan ang mga bigay niya sa akin.

"E, kasi hindi kita kasama sa tuwing namamasyal kami ni Keiron kaya binibilhan na lang kita," sagot niya.

Tila lumambot ang puso ko dahil sa aking narinig mula kay Ate Shiba.

"Pasensiya ka na kung hindi mo matipuhan ang iba riyan ha? Hindi ko kasi alam ang ibang paborito mo," may halong hiya niyang wika.

Of course how would she know my favorite stuff, e ngayon lang naman siya naging ganito sa akin palagay ko nga ay inutusan pa siya ni Keiron na bilhan ako. Knowing Ate Shiba I'm not a sister to her in her eyes I'm her competitor. Kaya iyong naramdaman ko kani-kanina lang ay hindi 'yon totoo. After all she's just pretending para siya na naman ang magaling sa mga ng lahat.

Damn it!

"Thanks," pasalamat ko sabay tayo mula sa kama niya.

"Anyways, its getting dark already kaya uuwi na ako may mga kailangan pa kasi akong asikasuhin for tomorrow's conference sa PDC," paalam ko na sa kaniya.

"Hindi ka na mag di-dinner dito? Nagpaluto ako ng mga paborito mong ulam," tanong pa niya.

Bakit ba ganito si Ate Shiba kung tratuhin ako? Bumabawi ba siya dahil malapit na siyang ikasal kay Keiron? Kay Keiron na mas una kong minahal pero napasakaniya nang walang kahirap-hirap.

Hindi ako sanay na ganito ang kapatid ko sa akin, dahil hindi siya 'to. If I know nagbabait-baitan lang siya para hindi mabuko ni Keiron ang totoong siya.

"Marami pa po kasi talaga akong aasikasuhin para bukas," giit ko.

Isang ngiti na may halong lungkot ang kusang sumilay sa mga labi ni Ate Shiba at heto na naman ang puso ko nakakaramdam na naman ng hindi tama dahil nalungkot din ako sa nakikita kong emosyon sa mukha ng kapatid ko.

"Okay if you really insist," ani ni Ate Shiba at sabay na kaming lumabas ng kaniyang silid.

Nang makababa na kaming dalawa ay agad na rin akong nagpaalam kay Keiron at tulad ni Ate ay pinigilan pa niya ako noong una pero dahil hindi ko naman sila gustong makasama sa iisang hapag-kainan ay tumanggi ako. Alam ko naman kasing maiinggit lang ako sa kanilang dalawa at ayokong i-torture ang sarilli ko at ayoko ring makipagplastikan kay Ate Shiba.

Never!

"Wait, Jane!" pigil pa sa akin ni Keiron bago ako tuluyang makalabas sa loob ng bahay nila.

"Yes, Keiron?"

"See you sa birthday ko." Of course!

"Of course, Keiron and that's a promise," paniniyak ko sa kaniya bago tuluyang lumabas ng bahay nila.

Mula rito sa labas ng gate nila ay muli kong nilingon ng isang beses ang napakalaki at napakagarang bahay ng magkasintahan.

"Sulitin niyo na ang mga nabibilang na araw na magkasama kayong dalawa dahil sa araw mismo ng kaarawan mo Keiron ay mapapasaakin ka na," usal ko sa aking isipan.

Then a demonic smile appeared on my lips.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status