Agad na nag-panic si Lily sa tanong ni Charles, nagsala-salabat sa isip ang mga tanaong. Paano nalaman ni Charles na may asawa na siya? Sinabi ba mismo ni Liam dito? Pero wala namang naikwento si Liam sa kanya tungkol doon. Kung alam na ni Charles ang tungkol sa tunay na relasyon nila ni Liam, what about Paul and Chantal? Alam na rin ba ng mga ito?Kumabog na ang dibdib ni Lily. She doesn’t want it to be a big deal. It’s the truth, kasal sila ni Liam at nagmamahalan sila kaya lang…“Liam said your he’s wife. Is it true?” dugtong na tanong ni Charles nang manatiling tahimik si Lily matapos ang ilang sandali.He loved her. Hindi niya alam kung kailan nagsimula. He just joined the company recently. But he had always had his eyes on her since day one. Lily is patient and kind. Napakasipag din nito sa trabaho. It’s also a plus that she is pretty. He had been meaning to approach her, to tell her his intention secretly dahil bawal ang office romance sa AdSpark. But when he was just gaining h
“Are you sure you don’t want me to go up with you?” tanong ni Liam kay Lily nang marating nila ang building kung nasaan ang opisina ng AdSpark. Hinatid ng binata ang asawa kahit na ayaw sana nito. Alam ni Liam na hindi pa sanay si Lily sa set-up nilang dalawa. It was just yesterday that they have finally cleared the air between them. Lily needs some time to adjust.Subalit ayaw magpa-awat ng binata na gawin ang dapat niyang gawin para sa asawa. He wanted to be her helper in every possible way. Kaya naman nang magpaalam ito na papasok na sa opisina at magta-taxi na lang daw, ipinilit talaga ni Liam na ihatid ang asawa.It was the least he could do for her today. Ngayong papasok na ito sa trabaho, ibig sabihin maghapon din silang hindi magkikita. He will go on with his day too. May meeting siya pagkatapos niya itong ihatid at doon na siya didiretso. But that doesn’t mean Lily is not his priority anymore.His wife will always be his priority. Always will. Always.Marahang umiling si Lily
“These are the document you’ve asked us, Liam. Lahat ng properties na naiwan ng Lolo mo, naitago na naming lahat,” umpisa ni Jace, inabot ang folders na hawak sa binata. Nasa library sila. Doon sila dumiretso matapos ang hapunan. “For sure, sakaling kumilos ang mga kalaban mo sa ibang bansa, they cannot touch your other properties here anymore. Nagpalagay din ako ng encryption sa mga legal documents mo dito sa Pilipinas for another layer of protection. I know Darwin is frantic now to take back what he thought was meant for him. That’s why we need to be extra careful,” dugtong pa na paliwanag ng lalaki.Mabilis na binuklat ni Liam ang folders na hawak. Tumango-tango pagkatapos, nag-angat ng tingin. “Thank you, Jace. Alam kong malaking kaabalahan sa inyo ito.”“Hindi ka kaabalahan, Liam. In fact, this is the only thing that we could do for you after so many years that you went missing. Lola even wanted to pull some strings abroad just to make sure na hindi ka na muling gugulihin ng pam
“Feeling better?” bungad na tanong ni Liam pagkalabas na pagkalabas ni Lily sa silid. Nakaupo na ito sa couch sa sala at nanonood ng TV. Basa ang buhok nito, marahil nag-shower sa banyo sa guest room.Tumikhim si Lily, marahang tumango bago naglakad palapit sa asawa. “N-naghintay ka ba? S-sorry natagalan ako.”“It’s okay, I told you to take your time,”anang binata, marahang tinapik ang espasyo sa tabi nito sa sofa.Muling lumunok si Lily, maingat na umupo sa tabi ng asawa.“My shirt looks good on you,” komento ni Liam sa naaaliw na tinig, masuyong inipit sa likod ng tainga ni Lily ang ilang hibla ng buhok ng dalaga. “Do you want coffee first or you want eat now?”Kumurap-kurap si Lily, malakas ang pagkabog ng dibdib. Masyadong malapit si Liam sa kanya. She’s trying to get use to his presence kaya lang… hindi pa talaga siya sanay rito. Siguro bukas o kaya sa mga suusnod pang bukas.Ngumiti si Liam, pinisil ang tungki ng ilong ng asawa. Lily looked confused and he found it cute. Marami
Sandaling nanatili ang katahimikan sa loob ng silid habang nagpapakalma ng kanilang mga sarili sina Liam at Lily. Hindi naglaon, umalis sa ibabaw ng dalaga si Liam at tuluyang humiga sa tabi ng asawaSi Lily naman ay mabilis na kinuha ang kumot at itinago ang kanyang kahubdan.Ngayong naglalaho na ang init ng katawan, unti-unti nang bumabalik ang linaw ng lohika ng dalaga. Pati ang mga tanong sa kanyang isip, lalong dumami. Nagawa na niyang ialay kay Liam ang kanyang sarili. Nagawa na niyang ibigay ang kanyang lahat-lahat para sa kasal-kasalang iyon. Sapat na ba iyon upang manatili si Liam sa kanya?Ang sabi nito, mahal siya nito. Sapat na ba talaga ang pagmamahal na ‘yon upang gawin nilang pangmatagalan ang pansamantala lamang?Napalunok si Lily nang biglang sumakit ang kanyang lalamunan. It was her first time to fall in love. She doesn’t know the things she needs to know when it comes to love. Ang alam lang niya, nagmamahal siya at sa kasalukuyan, masaya siya. Kung hanggang kailan a
They say that the greatest thing in the world is to love and be loved in return. At isa iyon sa mga bagay laging naiisip ni Lily habang lumalaki.Hindi niya priority ang umibig, yes. Pero hindi rin naman naalis sa isip niya kung sino ba ang lalaking inilaan ng langit para sa kanya. She had always believed that the man for her would be like the prince charming described in books she had read growing up— handsome, kind and would even be willing to burn the whole world just to save her.Nang magpakasal siya kay Liam tatlong buwan na ang nakararaan, hindi niya naisip ang mga bagay na gusto niya sa isang lalaki. She married Liam out of her desperate need for money. It was a marriage with a planned ending before it even began.Akala niya noon, lilipas lang ang mga buwan at matatapos ang kasunduan nila ni Liam na parang wala lang. Subalit.... nahulog siya rito. Nahulog siya sa asawa kahit na hindi dapat. That got her scared. Akala niya, walang katugon ang pag-ibig niya kay Liam. Ang akala n