“Scholar kita noon, tapos nagkausap tayo sa f******k dahil sa isang project. Doon na nagsimula ang lahat. Ako ang unang nanligaw sa’yo. Sa simula, tinanggihan mo ako kasi medyo malaki ang age gap natin….”
“Pero kalaunan, nakita mong okay naman pala ako. Niligawan kita ng tatlong buwan, at naging tayo ng anim na buwan. Dahil hindi ka pa grumaduate noon, hindi ko pa sinabi sa iba,"
Paliwanag ni Nexus habang magkasalo sila ni Hiraya sa hapag-kainan.
Ikinuwento ni Nexus ang kabuoang ‘script’ na naisip niya—isang kompletong love story na siya mismo ang bumuo. Kasama na rito ang mga “romantikong” eksena tulad ng,
Siya mismo ang gumawa ng bulaklak noong Valentine’s Day.
Bigla siyang lumitaw nang mawala ang phone ni Hiraya.
Nang sabihing gusto nitong mag-stargazing, agad niya itong sinamahan.
Madalas silang magkausap sa telepono hanggang madaling-araw.
“Binuo ko ‘tong mga detalye base sa mga online novel at TV drama,” paliwanag ni Nexus.
“Pumili ka ng gusto mong gamitin, tanggalin ang hindi bagay. Para mas kapanipaniwala, sana mabanggit mo rin ang paborito mong kulay, mga pagkain na ayaw mo o kung saan allergic ka, at iba pang personal na info. Para wala tayong sablay.”
Mabilis na binasa ni Hiraya ang ‘script’ na gawa ni Nexus para sa kanila, at hindi napigilang humanga.
“Sir Nexus, sayang ang talent mo. Sa galing mong ‘yan dapat nagsusulat ka ng nobela.”
Bahagyang natigilan si Nexus, pero naramdaman niyang papuri iyon, kaya seryoso siyang nagpasalamat.
Kanina lang umaga, lumipat si Hiraya sa apartment na inihanda ni Nexus. Pagdating ng gabi, tinawagan siya para sa isang hapunan para makapag-usap sila ng maayos.
“Ngayon mo lang sinabi sa Lola mo?” tanong ni Hiraya, may halong kaba. “Maniniwala kaya siya?”
“Kaya nga kailangan natin itong paghandaan,” sagot ni Nexus. “Pwede mong baguhin kung sa tingin mo may mas bagay na version. I-send mo lang sa akin. Ime-memorize ko rin.”
“Okay lang, marami na akong natandaan. Bukas ng umaga, pwede mo akong tanungin ng kahit ano.” Sadyang romantiko at madaling tandaan ang mga kwentong gawa ni Nexus.
“Sige.” Tumango si Nexus. “Isa pa, saan ka na nagtatrabaho ngayon?”
“Ngayon lang ako nakatanggap ng offer. Journalist na ako sa isang TV station.”
“Okay. Kung may tanong ka, message mo lang ako.” Tumayo si Nexus at iniabot ang kamay.
“Happy cooperation.”
Lumapit si Hiraya at kinamayan siya. “Happy cooperation.”
Nang nakahiga na siya sa kama, parang hindi pa rin makapaniwala si Hiraya. Tinitigan niya ang kanilang marriage certificate sa kamay, at ang papel na punong-puno ng detalye.
Naalala niya si Nexus na katabi niya lang kanina—parang panaginip lang lahat.
Kakadd lang din niya sa f******k si Nexus. Ang profile picture nito ay langit na may ulap, at ang nickname ay “NXS.”
Walang status, walang post, at ang background ay ganoon din—bughaw na langit at ulap.
Kumpara sa halos blankong profile ni Nexus, makulay ang kay Hiraya.
May mga post ng pagkain, inuman kasama ang barkada, mga movie reviews, at pati na rin ang mga drawing na siya mismo ang gumawa.
Matapos mag-isip, binuksan ni Hiraya ang chat box niya kay Hunter.
Hiraya: Gising ka pa?
Hunter: Hindi pa ako natutulog, ate~
Hiraya: Hunter, may sasabihin ako sa’yo.
Hiraya: In love ako.
&
Unang araw ng trabaho. Maagang gumising si Hiraya. Suot niya ang light-colored na pantalon at isang maayos na shirt. Nakapusod nang mataas ang mahaba niyang itim na buhok. May kaunting makeup sa kanyang batang mukha.
Ilang beses pa siyang tumingin sa salamin para masiguradong ayos na bago lumabas ng kwarto.
Pagbukas niya ng pinto, nagulat siya. Nasa dining table na si Nexus, nakaupo’t parang naghihintay sa kanya.
“Gising ka na pala.”
Suot ni Nexus ang isang gray suit. Ang kanyang itim na pantalon ay bumagay sa matangkad niyang tindig. Mga 6 feet ang taas niya, at sa itsura niyang maayos at seryoso, para na siyang isang tunay na "domineering CEO".
At ang CEO na ito ay may hawak na plato, at tinatawag siya para mag-almusal.
“Hindi ka naman malelate kung kakain ka muna, ‘di ba?”
“Hindi naman, maaga pa.” Medyo nahiya si Hiraya. Tumingin siya sa oras—maaga pa naman. Simple lang ang mga inihanda ni Nexus, pero mukhang malinis at masarap. Para sa isang taong sanay na hindi kumain ng almusal, ayos na ito.
“May kakilala akong tao sa TV station niyo. Gusto mo ba, kausapin ko muna siya para sa’yo?”
“Ah, hindi na po kailangan.” Mabilis ang kamay ni Hiraya sa pagtanggi. “Small employee lang naman ako. Wala namang dapat ipaliwanag. Pero salamat po, Sir Nexus.”
“Nexus, iyon lang ang itawag mo sa akin.”
“Ha?” Hindi agad naka-react si Hiraya.
“Sanayin mo na sarili mo. Baka mabuking tayo.” Kalma lang ang mukha ni Nexus. Napakunot lang ng kaunti ang noo ni Hiraya bago siya tumango at sumunod.
Nagtapos sila ng almusal at sabay na lumabas ng bahay. Nakahintay na ang sasakyan ni Nexus sa labas. Nakatayo si Marky sa tabi ng kotse.
Walang imik si Nexus tungkol sa sasakyan, kaya hindi rin nagsabi si Hiraya. Pero sa itsura nito, malinaw na nais siyang ihatid sa trabaho.
Naupo si Hiraya sa likod ng kotse, halatang kabado. Kung pwede lang, gusto niyang may isa pang tao sa pagitan nila.
Pagkaupo ni Nexus, agad nitong binuksan ang tablet habang si Hiraya ay panay ang silip sa mapa ng direksyon.
Panay ang tingin ni Marky sa rearview mirror. Ang boss niya at ang bago nitong asawa—parang... hindi pa ganun kakilala ang isa’t isa?
Nang palapit na sila sa TV station, wala nang choice si Hiraya kundi magsalita.
“Ano..N-Nexus, dito na lang po sa unahan. Hindi niyo na kailangan pang ihatid sa mismong harap.”
“Bakit naman?”
Bakit nga ba?
"Ah, hindi ba’t ilegal ‘to?" tanong ni Hiraya, kunwari’y nagulat."Walang batas na tahasang nagbabawal nito." Walang pakialam ang anyo ng manager ng tindahan. "Mrs. Watson, karaniwan na ito sa mga mayayamang tao. Para lang itong in vitro fertilization.""Talaga?" Patuloy na nagkunwari si Hiraya na may pagdududa.Para tuluyang maalis ang pag-aalinlangan ni Hiraya, umupo ang store manager sa tabi niya at sinimulang ipaliwanag nang detalyado ang buong proseso sa kanilang panig.Pagsapit ng hapon, natapos na lahat at lumabas na si Hiraya.Pagkasakay sa sasakyan at pag-alis sa tindahan, saka lang nakahinga nang maluwag si Xian."Kumusta?" tanong ni Xian."Narekord ko ang lahat kanina. Nandito lahat." Itinaas ni Hiraya ang kanyang maliit na kamera at mikropono, may ngiting tagumpay sa labi. "Nakipag-ayos pa nga kami na bumisita sa kumpanya nila sa susunod na linggo. Itong store manager ay siya palang pinuno ng ibang kumpanya. Sobrang tapang nilang magtayo ng ganyang negosyo.""Malamang peke
Suot ni Hiraya ang isang kaswal na suit ngayon at walang make-up, ngunit maganda pa rin ang kutis niya.May dala siyang simpleng bag, pero nagkakahalaga ito ng anim na digit. Kagagaling lang niya mula sa bahay, sakay ng kotse, at si Xian ang nagmaneho.Pagdating nilang dalawa sa harap ng tindahan, nadatnan nilang nakatayo mismo sa labas ang manager para salubungin sila."Mrs. Watson, narito na po kayo."Hindi sigurado si Hiraya kung guni-guni lang ba niya, pero pakiramdam niya mas malapad ang ngiti ng manager kaysa noong huli silang magkita.Pagdating ni Hiraya, doon lang niya napansin na siya lang pala ang tao sa napakalaking tindahan."Mrs. Watson, pinaalis na po namin ang lahat ngayong araw at kayo lamang ang aming tatanggapin na bisita."Isang ganito kalaking tindahan, at pinaalis nila ang lahat? Kayabang naman!Tumango si Hiraya, ngumiti sa manager, at bumulong, "Salamat.""Walang anuman. Karangalan pong paglingkuran kayo, Mrs. Watson."Nauna nang naglakad si Hiraya, habang si Xi
Sa mga sumunod na minuto, puro paghingi ng tawad ni Xian ang narinig.Noong una, nagpapanggap lang si Hiraya na umiiyak. Pero hindi niya alam kung bakit, bigla siyang nadala ng sariling emosyon at tuluyang napaiyak nang totoo.Hindi siya umiyak noong iniwan siya ng kanyang mga magulang noong bata siya. Hindi rin siya umiyak kahit tinutukso at inaapi siya ng ibang bata sa ampunan. Hindi siya umiyak nang hindi siya binayaran at pinagalitan pa ng amo sa kanyang part-time na trabaho. Pati noong nalaman niyang may sakit si Hunter, pinigil pa rin niya ang luha.Pero ngayong araw… kahit gusto niyang magpanggap at kalimutan ang nangyari, bigla na lang siyang naluha. Parang biglang bumalik sa isip niya ang mga piraso ng nakaraan. Mga alaala na matagal nang kupas, muling lumitaw kasabay ng kanyang pag-iyak.At lahat ng madilim, masakit, at hindi niya maipahayag na damdamin na matagal nang nakabaon sa puso niya, biglang lumabas kasabay ng mga luha.Sa huli, hindi na niya alam kung gaano siya kat
Hindi niya namalayang naubos na ang pagkain niya. Nilagay niya ang mangkok sa lababo, tapos napansin ang isang bag ng basura sa kusina. Kinuha niya ito at lumabas.Naka-casual lang si Hiraya sa bahay. Dahil nakatira sila ni Nexud sa medyo liblib na lugar, kaunti lang ang mga tao roon. Kaya ipinagpatuloy niya ang tawag kay Katelyn, medyo malaya ang kilos."Huwag mo nang paulit-ulit banggitin ang tungkol sa kontrata namin sa kasal. Nasa set ka, at baka maraming tao diyan. Paano kung may tsismisero na marinig tayo balang araw? Delikado ‘yon."Sinabi niya ito para paalalahanan si Katelyn na mag-ingat. Pero hindi niya inasahang sa pag-angat niya ng ulo, may makaririnig na kaagad sa kanya.Hindi, walang nagsabing may tsismisero ngang pupunta mismo sa pintuan niya. At walang nagsabing ang tsismiserong ito ay siya ring katrabaho na umamin ng pag-ibig kagabi.Naka-headphone si Hiraya habang may dalang basura, at napatitig kay Xian na tila gumuho ang langit sa kanya.Ano bang problema ng mundo?
Nang dumating sila sa kwarto tulog na tulog pa rin si Hiraya.Totoo ngang nahirapan si Hiraya nitong mga nakaraang araw.Hinahanap-hanap ni Nexus ang pakiramdam ng pagkakadikit ni Hiraya sa kanyang katawan. Isa itong dagdag na pakiramdam ng seguridad at ginhawa—isang bagay na bihira niyang maranasan sa lahat ng mga taong iyon.Matapos hubarin ang sapatos ni Hiraya, humiga si Ning Yisen sa tabi niya, nakasuot pa rin ng kumpletong damit.Sa labas, malabo at mapayapa ang gabi, at ang halimuyak ni Hiraya ay bumabalot sa kanyang katawan, na nagdulot kay Nexus ng matinding kapanatagan at init.Samantala, matapos ang pagpupulong, nagmaneho si Sonya sa ilalim ng overpass ng lungsod.Pagdating niya, nandoon nga ang isang itim na SUV na nakaparada sa harap.Bumaba si Sonya at lumapit sa lalaking nakatayo sa tabi ng itim na sasakyan, naninigarilyo.Patuloy pa ring naninigarilyo ang lalaki, kaya lumapit si Sonya at niyakap mula sa likuran si Franz."Franz, sobra kitang namiss." Ilang araw na ring
"Sooo, iniisip mo pa rin ako sa gabi?""Xian, may sakit ka ba?" Umupo nang tuwid si Hiraya at tumingin kay Xian nang seryoso. "Baka… gusto mo ba ako?"Katahimikan. Pagkatanong ni Hiraya, biglang natahimik ang madaldal na si Xian.Ang katahimikan ni Xian ay tila isa pang anyo ng pag-amin."Magaling si Nexus, ako…""Oo, gusto kita."May balak pa sanang sabihin si Hiraya para alisin ang pag-asa ni Xian, pero sa ikinagulat niya, tila nakapagpasya na ito.Salamat sa madilim na ilaw sa likod-bahay, sa wakas ay nahanap ni Xian ang lakas ng loob na magsalita."Gusto kita, gusto na kita mula noong una kitang makita. Hindi ko iniisip na mas bagay sa’yo si Nexus na nakikipaglandian sa ibang babae.""Kung bagay o hindi, hindi mo ‘yan saklaw, Xian."Inakala nilang silang dalawa lang ang nasa maliit na hardin, pero may biglang sumingit na ikatlong boses.At pamilyar si Hiraya sa boses na iyon. Sa katunayan, iyon ang taong nagpopondo sa kanya.Si Nexus, na kanina’y kausap si Sonya sa ikalawang palap