“Aba parang pumayat ka, ginugutom mo ba ang sarili mo nitong mga nakaraan?” sabi ng lola ni Nexus habang tinitingnan siya ng mabuti. Tinawag niya ang kasambahay.
“Halika, dagdagan mo ng stir-fried na gulay ang pagkain, ayusin na natin at maghanda para sa hapunan. Hulaan ko na lang, hindi ka pa kumakain, kaya bumalik ka para sabayan ako, ano?”
Ang lola ni Nexus ay mukhang masigla at elegante. Puting kulot ang buhok, may suot na salamin na may manipis na frame, at nakasuot ng modernong estilo ng Chinese dress. Halatang alagang-alaga ang itsura.
Pagdating ni Nexus, magalang siyang binati ng personal na assistant ng kanyang Lola. Pinilit siya ng lola na sumabay na rin sa hapunan. Hindi na siya nakatanggi, kaya nagsalo silang tatlo sa hapag-kainan.
Malaki ang lumang bahay ng pamilya Watson. Si Marky ay dating nagtatrabaho kasama ni Nexus at iniwan sa bansa para samahan ang matanda habang nasa Amerika ang amo.
Tahimik lang si Marky, pero mukha siyang maaasahan. Matagal na rin siyang kasama ni Nexus kaya itinuturing na rin siyang pamilya ng matanda.
“May ikukuwento ako sa’yo,” biglang bungad ng lola.
“Naalala mo si Lola vic? Yung dati kong karga-kargang kapit bahay noong bata ka pa? Aba, yung apo niya, nakapagtapos na ng doctorate ngayong taon! Ang ganda-ganda ng bata. Bumisita siya sa akin, matagal na raw siyang hindi dumadalaw.”
“O ayan, o ayan, tignan mo ‘tong picture—hindi ba’t maganda?”
Akala ni Nexus simpleng hapunan lang ito, pero hindi pa man nakakaubos ng ulam, nagsimula na agad ang lola sa “project: paghahanap ng kanyang mapapangasawa.”
“Lola, may gusto na po akong babae.”
Sa sinabi niyang iyon, nabitin ang lola sa pagsubo. Pero agad ding bumalik ang ngiti sa kanyang mukha.
“Totoo ba ‘yan? Saan siya galing? Ilang taon na siya? Gaano na kayo katagal?”
Maging si Marky, na kaharap nila sa mesa, nagtataka sa narinig. Araw-araw niyang kasama ang boss niya—wala naman siyang nakita o nabalitaan na may nililigawan ito.
“Graduate siya mula sa Philippine University. Dati ko siyang scholar. Mas bata siya sa akin, at kakagraduate lang niya ngayong taon. Journalism ang course niya.”
Simple lang ang pagkakakwento ni Nexus, pero sobra na ang tuwa ng matanda.
“Ay, maganda ‘yan! Journalism, ibig sabihin may malasakit sa lipunan. At sa isang malaki at kilalang unibersidad pa—mahusay na paaralan! Mukhang masipag yung bata. Dahil mas bata siya sa’yo, dapat mas mapagpasensya ka sa kanya.”
“Kayo na ba?”
“Opo, sa totoo lang po ikinasal na rin po kami. Kanina lang.”
“ANO?!”
Kung tuwang-tuwa si lola kanina nang malaman niyang may nililigawan si Nexus, ngayon naman, halos mahulog siya sa kinauupuan sa gulat. Matapos ulit-uliting tanungin kung totoo ba talaga ang sinabi, doon lang siya nakumbinsi.
Noong bata pa si Nexus, may nabanggit siyang nililigawan. Pero matagal na rin mula noon at wala nang sumunod. Lahat ng barkada niya ay lalaki rin, kaya minsan ay napapaisip ang lola niya kung ano ang tunay nitong kasarian o kapwa pa niya ang kanyang gusto.
Bukod sa dating kasintahan na si Sonya Villafuerte, wala siyang narinig na ibang pangalan ng babae mula sa apo. Kaya naman nababahala na rin siya, lalo na’t nagkaroon siya ng sakit kamakailan.
Pero kahit anong pilit nila, hindi nila inakalang magpapakasal ito nang hindi man lang nagpapaalam.
“Hindi mo naman siguro ako niloloko, ‘no?” Tila ayaw pa rin maniwala ng matanda.
“Hindi po, lola. Totoong mahal namin ang isa’t isa,” sagot ni Nexus, taimtim. Pilit pinapaniwala ang kanyang Lola.
May mga nagsabi na dinala ni Franz ang bata pabalik para makipagkumpitensya kay Nexus sa mana ng pamilya. Anak pa rin si Franz ng matandang lalaki, at hindi naman siya ganoon katanda kumpara kay Nexus. Ayon sa batas, kapag nawala ang isang tao, ang mana ay ibinibilang muna sa asawa bago sa mga anak. Sa pagkakasunod-sunod, mas nauuna pa rin si Franz kaysa kay Nexus.Pero ang Wise Corporation ay iba sa ibang kumpanya. Sa huli, wala namang ibang kumpanya na ganito kalaki ang negosyo, at wala ring babaeng kasing husay at tapang ng matandang ginang.“Salamat, pinsan,” simpleng sagot ni Franz na parang wala siyang naiintindihang ibang ibig sabihin sa usapan. Nananatili pa rin ang bahagyang ngiti sa kanyang mukha habang kalmado siyang sumagot kay Lara.Si Yuan naman ay walang sinabi, tinitingnan lang sinaFranz at Nexus sa harap niya. Sa totoo lang, nakakaaliw talagang tingnan ang mag-tiyuhing magkatabi.Sa kabilang banda, hawak ng matandang ginang ang braso ni Hiraya at magkasama silang nagl
“Salamat po, lola.” Mahinang nagpasalamat si Hiraya, at narinig niyang nagpatuloy si lola, “Hindi naging madali para sa’yo, Hiraya. Mula ngayon, ito na rin ang magiging tahanan mo. Bumalik ka dito nang mas madalas at samahan si lola.”“Opo.” Tumango nang masunurin si Hiraya. “Salamat po, lola.”Sa totoo lang, inaasahan na rin ni Hiraya ang ganitong klaseng sitwasyon. Noon, hindi pa siya nagkakaroon ng seryosong pag-ibig. Maraming tao ang tila labis na nahuhumaling habang nanliligaw sa kanya, pero kapag nalaman nilang galing siya sa ampunan, bigla na lang silang tumitigil sa panliligaw.Tanging si Kris lamang ang naiiba. Malapit sa ampunan ang bahay ng pamilya nila, kaya sa isang banda, parang magkapitbahay na rin sila. Mula pagkabata hanggang paglaki, magkasama sila sa iisang paaralan—elementarya, junior high school, at high school. Kaya nang umamin si Kris kay Hiraya noong kolehiyo, pumayag siyang subukan.Pero hindi niya inasahan na hindi pala sinabi ni Kris sa kanyang mga magulang.
“Jaze, halika rito!”Hindi na natapos ni Jaze ang kanyang sasabihin, pero ang kalahating pangungusap na binitiwan niya ay lalo pang nagpasindak sa mga tao sa paligid.Lalo na kay Yuan, na tumingin kay Hiraya na may ngiting mapanukso at parang natutuwa sa gulo.“Si Jaze na ito, kadalasan tahimik at hindi mahilig magsalita. Hindi rin siya basta nalalapit kaninuman, pero kay Hiraya ay sobrang lapit niya. Mukhang madalas magkita sina Hiraya at Tito Franz.” Galit na galit si Yuan nang marinig niya ilang araw ang nakalipas na ikinasal na si Nexus. Hindi niya matanggap na ganoon kabilis itong nag-asawa. Kaya ngayong may family dinner, kahit hindi sila inimbita ng lola, pinilit niya ang kanyang ina na isama siya.Gusto lang talaga niyang makita kung anong itsura ng babaeng nakakuha kay Nexus. Pero ngayon, parang mas lalo niyang iniisip na may pakana at plano ang babaeng ito.Si Franz naman, ilang taon nanirahan sa Amerika, at nang bumalik ay may dalang batang hindi kilala kung sino ang ina. S
Sumunod si Hiraya kay Nexus at pumasok sa sala ng pamilya ni Nexus sa gabay ng kanyang lola.Pagkatapos ng maikling pagpapakilala ng lola, nagkaroon si Hiraya ng pangkalahatang ideya tungkol sa mga kamag-anak na nasa harapan niya.Ang medyo matabang babaeng nakasuot ng pulang coat ay ang tiyahin ni Nexus, at ang lalaking nasa kalagitnaang edad na nakasuot ng madilim na asul na coat ay ang tiyuhin niya, at kasama nila ngayon ang kanilang mga anak.Isa roon ay si Yuan, na nakasuot ng pulang maikling palda. Siya ay nag-aaral sa UK at nasa dalawampu’t dalawa pa lamang ang edad. Ang isa naman ay si Riley, na nasa tatlumpu’t tatlong taong gulang at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang middle-level manager sa Wise Corporation. Masigla ang pinsan nang makita sina Nexus at Hiraya, ngunit hindi maganda ang ekspresyon ni Yuan.Hindi naman tanga si Hiraya, kaya alam niyang kilalanin kung sino ang may mabuting tingin at sino ang may masamang loob.“Oh, magaling pumili si Nexus. Tingnan mo ang na
Habang nag-iisip, hindi namalayan ni Hiraya na nakatulog siya. Nang magising siya, ginising na siya ng stylist sa likod niya.“Mrs. Watson, kumusta po?”Medyo malabo pa ang isip ni Hiraya nang idilat niya ang kanyang mga mata, pero nang makita niya ang sarili sa salamin, napamangha siya.Ang kanyang mahabang itim na buhok ay maingat na inayos, kaya mas naging smooth ang hugis ng kanyang mukha. Ang dati nang pino at eleganteng features niya ay mas lalong pinaganda sa kamay ng stylist.Ang dalawang hibla ng buhok na iniwan sa gilid ng kanyang tenga ay nagbigay ng tamang lambing sa kabuuan ng look niya.Masayang tumayo si Hiraya, at paglingon niya, nakita niyang nasa likod niya si Nexus.Kita niyang malinaw ang bakas ng pagkabigla at paghanga sa mga mata ni Nexus.Nagulat din si Nexus. Kung kaninang umaga si Hiraya ay parang puting ulap sa sobrang ganda, ngayon naman ay para siyang malamig na willow tree na naglakad palabas ng isang Chinese painting—banayad at elegante, malamig pero hind
“Nag-almusal ka na ba? Bumili ako ng kape at tinapay.” Buti na lang iyon lang ang sinabi ni Nexus, sabay turo sa bag na nasa tabi niya.“Ah, salamat.” Isang itlog lang ang kinain ni Hiraya kaninang umaga. Wala siyang masyadong gana sa tinapay, pero handa siyang uminom ng kape.Suot ni Hiraya ang asul at puti ngayon. Pagpasok niya sa kotse, napansin niyang naka-asul din si Nexus na may puting pantalon. Parang couple outfit tuloy ang suot nila.Bago pa makarating ang kotse nila sa tindahan, nakita ni Hiraya ang dalawang hanay ng mga taong nakatayo sa labas ng pinto. Pagkaparada ni Nexus, agad binuksan ang pinto ng kanilang sasakyan.Dalawang hanay ng mga nakasuot ng suit at puting guwantes ang nagsimulang sumalubong sa kanilang pagpasok.Pagkapasok nina Hiraya at Nexus sa loob ng tindahan, agad na naglagay ng mga barikada ang staff, senyales na wala nang ibang customer na tatanggapin.Karaniwan, nakikita lang ni Hiraya ang mga logo ng mga ganitong mamahaling brand sa Internet, pero ngay