Share

Chapter 7 (Part 8)

"Mag-s-stay po ako sa Kalinga House." Bumaling si Solei sa mga nakatuping damit na nasa kan'yang kama. Kinuha niya ang mga ito at nilagay sa maleta na tila ay wala siyang pakialam sa magiging reaksyon ng kan'yang ina.

"A-Ano?" Naglakad papalapit ang ginang kay Solei. Samantala, ang kasambahay naman ay napaatras. Nagtago siya sa gilid ng kuwarto habang kinakabahang pinakinggan ang usapan ng mag-ina.

"Mag-s-stay ka sa Kalinga? At bakit naman? Hindi ka na ba masaya rito?" Nang nalapitan ni Asunta ang kan'yang anak ay kinuha niya ang mga damit na hawak nito. Nabigla si Solei sa kan'yang ginawa at pinagmasdan na lamang nito ang mga damit na nasa sahig.

"WALANG AALIS!" Galit na kinuha ni Asunta ang maleta at pinagtatapon ang mga laman nito sa sahig. "Ako ang masusunod!"

"Mom!" Napalingon siya kay Solei nang mabigat nitong hinawakan ang kan'yang braso. "Anak mo ako at hindi robot!"

Marahas na napabuga ng hangin ang ginang. "Ano'ng sinabi mo?"

"PAGOD NA PAGOD NA AKO! Hindi ba puwedeng ha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status