Share

Chapter 7 (Part 7)

"At anong mga p-plano 'yon?" Lumuluhang tiningnan niya ako.

Tumayo ako at tiningnan siya habang siya ay nakatingala sa akin.

"Cassie." Nabalot ng matinding lamig ang aking mukha. "Sisuguruhin ko na madudurog ang lahat ng nanakit sa akin. It's too impossible to retreat now. Huwag mo rin akong diktahan na kalimutan ang mga paghihirap na naranasan ko." Umatras ako at tinalikuran siya. "Dahil nagbago na ako. Handa akong maging isang masamang tao para lamang makausad sa tinahak ko. Dahil kayo ang nagdala sa akin sa ganitong sitwasyon."

"Shianna!" Hindi ko na pinansin si Cassie at lumabas sa kuwarto. Sakto ay dumating din ang doctor at mga nurse na paniguradong narinig ang pagsigaw ni Cassie. Mas nagwala ang pinsan ko, at bago ko sinara ang pinto ay nakita ko pa siyang humahagulhol na nakatanaw sa akin.

Sumandal ako sa pinto at dito na ako bumigay. Tahimik akong napaluha habang pinapakinggan ang palahaw ni Cassie. Unti-unti itong humina hanggang sa tuluyan itong nawala. Napayuko na laman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status