LOGINJasmine Elizabeth Valiente’s Point of View
“Kanina ka pa tulala riyan, Jasmine!” pukaw ni Gail sa aking atensyon.
Napalingon naman ako sa kaniya, at wala sa sariling napakunot ang aking noo. Natulala ba ako nang hindi ko napapansin?
“Oras ng trabaho. Baka gusto mong tumulong?” tanong nito, at halata ang sarkasmo sa kaniyang boses.
“Sorry,” hinging paumanhin ko naman sa aking kaibigan.
Dinagsa ang bar ngayon, at magmula pa kanina ay busy kaming dalawa. Si Alexa naman, hindi mahagilap. Madalas naman siyang wala, at kung tutuusin ay medyo sanay na kami.
Ramdam naman na namin ni Gail ang pagod ngayon. Sadyang gumugulo lang sa isip ko ang sinabi ng lalaking nagligtas sa akin no’ng gabing ‘yon.
Ilang gabi na ang nagdaan, at aaminin kong gumugulo pa rin sa isipan ko ang naging interaksyon namin ng lalaking ‘yon.
Sa totoo lang, hindi ko pa alam ang kaniyang pangalan. Hindi ko naman kasi itinanong sa kaniya ‘yon, dahil nilamon ako nang init, at hiya. Matapos din ang pagkikita namin no’n, hindi na nasundan pa. Doon pa lang, may kutob na akong may iba siyang pakay sa akin. Siguro ay hinihintay lang ako nitong bumigay, at kapag nagawa na niya ang kaniyang gusto, iiwan na ako.
Tahimik kong inilagay ang beer, at pulutan na order nila sa kanilang table. Hindi naman nila ako napansin, dahil busy ang mga lalaking ‘to sa kanilang mga kasama. Hula ko ay mga ka-hook up nila.
“Fuck me, please?” ungol ng babae.
Since nasa gilid ko lang naman ang babae, at medyo hindi gaanong malakas ang tugtog, narinig ko ang kaniyang sinabi.
“You want it here?”
“Yes.”
“So, you’re up for public sex, huh?”
Mabilis akong tumalikod, at naglakad palayo. Kalmado pa rin ako, at parang walang narinig na kung ano. Hindi naman kasi ako interesado kung ano ang kanilang ginagawa, eh. Sanay na sanay na akong makakita ng mga ganoon, dahil matagal naman na ako ritong nagtatrabaho. Noong una, siyempre ay nakaiilang, pero kaulanan naman ay nasanay ako.
Bar nga naman kasi ‘to. Kaya ang mga ganoong senaryo ay normal lang. Hindi ko rin naman masisisi ang ilan kung gawin na nila ‘yon mismo sa table nila. Liberated naman yata ang mga taong nagpupunta rito. Ako lang siguro ang naiilang noong una, dahil hindi naman ako mahilig sa pagpunta ng bar.
Bukod sa wala naman akong pera, wala akong panahon doon. Busy ako sa pag-aaral para itaguyod ang aking sarili. Wala naman na akong mga magulang, eh. Ang tanging aasahan ko na lang naman ay ang sarili ko. Wala ng iba.
“Table six daw,” bungad sa akin ni Gail nang makarating ako sa counter.
“Ikaw na lang. Break time muna ako,” bulong ko.
“Ibigay mo na ang order niya bago ka mag-break,” pamimilit sa akin ni Gail.
Bumuga na lang ako ng hangin, at napilitang kunin ang tray na kung saan ay naglalaman nang isang mamahaling alak. Tahimik kong tinahak ang pamilyar na table na kung saan ay naging table ng lalaking ‘yon. Sa puwestong ‘yon pa niya ako hinawakan. Ipinagpapasalamat ko na lang talaga na madilim ang parteng ‘yon, dahil kung hindi? Makikita ako ng mga kasama ko.
Pagkalapag ko ng order nito, akma na sana akong umalis, dahil gusto ko na talagang mag-break. Kahit fifteen minutes lang. Hindi na kasi talaga kaya ng katawan ko, at isa pa ay wala pa akong tulog, dahil matapos kong gumawa ng assignment, pumasok na kaagad ako rito para magtrabaho. Pero natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. Boses na kahit kailan ay hindi ko inaakalang maririnig kong muli.
“Elizabeth.”
Napalunok ako ng aking laway, at tila nanigas pa sa aking kinatatayuan. Pamilyar sa akin ang boses na ‘yon kahit na ilang minuto lang kami nagkausap noon. Maingay rin ang paligid, pero kahit na ganoon ay malinaw ang aking pangdinig.
Hindi ako puwedeng magkamali. Hindi ko man kilala ang boses nito, awra, mga mabibigat na titig, at boses pa lang nito ay alam ko na kahit madilim ang paligid.
Ramdam ko ang kaniyang presensya sa aking likuran. Ilang pulgada lang ang layo nito sa akin, pero parang kilala na siya ng aking katawan. Maging kaniyang mamahaling pabango, humaplos sa aking ilong, at pilit ipinapaalala sa akin ang panahong magkalapit lamang kami.
“Magbi-break time ako,” bulong ko.
Ramdam ko ang paggapang ng kaniyang kamay sa aking bewang. Ang marahan naman nitong paglapit sa akin ang halos nangpahina sa aking mga hita. Tila nawalan ng lakas nang idikit niya ang kaniyang katawan sa aking likuran.
“Break time?” bulong nito sa likod ng aking tainga.
Nahigit ko naman ang aking hininga, at hindi magawang makapagsalita lalo na nang tuluyan niyang ipinulupot ang kaniyang bisig sa aking bewang. Mapang-akin, at parang ipinapakita sa lahat kung kanino ako nagmamay-ari.“Join me, baby.”
Dahan-dahan akong napailing, pero wala rin naman akong lakas nang hatakin niya ako palapit sa sofa, at pinaupo sa kaniyang kandungan.
Nanuyo ang aking lalamunan, at ramdam ko ang pagtayo ng aking mga balahibo sa katawan nang maipuwesto niya sa ako sa kaniyang kandungan nang hindi ko man lang namamalayan.
Hindi ko mawari kung ano ang aking nararamdaman ngayon. Pinaghalong sabik, saya, at gulat lalo na nang ilang araw ko siyang hindi nakita. Buong akala ko ay hindi ko na siya masisilayan pang muli, bagay na hindi ko maintindihan kung bakit bigla ko siyang gustong makita.
Alam ko sa sarili ko na wala naman akong gusto sa lalaking ‘to, dahil alam ko naman ang priority ko sa buhay. Kaya bakit bigla kong naramdaman ang ganito? Hindi ko man lang ba naisip na maaaring ginagawa lang naman niya ‘to ay dahil gusto niya lang magkaroon ng kasama sa kama?
Kumirot ang aking puso sa sumaging tanong sa aking isipan. Parang libo-libong punyal ang bumaon doon na kahit kailan ay hindi ko maintindihan.
“Pakawalan mo ako,” bulong ko, dahil kailangan kong magtrabaho.
Itinatak ko sa isip ko na hindi ko dapat ibigay ang aking sarili sa kung sino lalo na kung hindi ko naman mahal. Ilang taon kong pinigilan ang aking sarili na magpahawak sa kung kanino. Kaya bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin nang makilala ko ang lalaking ‘to?
“No,” mariin nitong sambit. “Why would I do that? You’re mine, remember?”
“Hindi mo ako pag-aari,” giit ko naman, at mabilis na tiningala siya.
Tumama ang kaunting ilaw sa kaniyang mukha, at ganoon na lang ang gulat ko nang mapansin ko ang pagsilay ng ngisi nito.
“The moment I slid my hand in your underwear and stroked your clit, you’re already mine, Elizabeth.”
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View“Are you sure you’re not going to wear this?” he asked.Umiling na lamang ako bilang sagot, dahil ayaw ko naman talagang isuot ‘yong hearing protection. Since nasa isang shooting range kami ng kanilang headquarters, kampante akong gagamit ng silencer si Helios.Kanina pa niya ako pinipilit na suotin ‘yon. Kaso kanina ko pa siya tinatanggihan, kahit nang inaayos niya ‘yong baril na gagamitin niya.Tingin ko kasi ay kailangan kong masanay sa ganoong klase ng tunog. Kasi kung matatakot pa rin ako, paano ang buhay ko kung si Helios talaga ‘yong gusto kong makasama hanggang sa huli?Sabihin na nating ganoon nga ang plano ng tadhana sa amin. At kung hindi kami handa, ano na lang ang mangyayari? Palagi na lang ba akong matatakot sa putok ng baril na dapat ay hindi?“I’m fine,” sagot ko.Walang kahit anong suot na personal equipment si Helios. Tanging baril lang ang hawak niya, at bukod doon? Wala na.Tinitigan niya lamang ako nang mariin, at halatan
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewPinanood ko ang pagmamaneho nila nang matulin. Sa tuwing dumadaan sila sa harapan ko ay literal na inililipad ng hangin ang aking buhok, at damit. ‘Yong tipong humahampas talaga sa akin ang hangin na para bang nakasakay ako sa isang motor na sobrang tulin ng takbo? Ganoon ang pakiramdam.Halos hindi ko nga sila masundan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nila, eh. Hirap na hirap ako, pero nang nakailang lap na sila, saka ko lang sila nasundan.Nagawa ko pa ngang ilabas ang aking cellphone para lang kuhanan ang sasakyang minamaneho ni Helios, eh. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isip, at talagang kinuhanan ko pa nang video si Helios.Nang tuluyan na silang tumig
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewNang makarating kami sa racetrack na sinasabi ni Helios, kaagad akong namangha. Malawak kasi ‘to, at hindi ko masiguro kung ano nga ba ang eksaktong sukat nito, dahil halos malula ako, habang inililibot ang aking mga mata.Matapos naming dumaan sa bundok, malawak na bukid naman ang bumungad sa akin na kung saan ay roon nakatayo ang racetrack na sinasabi ni Helios.‘Yong racetrack na sinasabi ni Helios, parang kagaya talaga sa mga napanonood ko. Parang umaabot yata sa billion peso ang halaga para lang ipatayo ‘to, eh.“Kanino ‘to?” tanong ko sa kaniya, dahil hindi ko talaga kayang manahimik.Nang isara naman niya ang pinto ng kaniyang sasakyan ay saka lamang ako napalingon sa kaniya.Inayos niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri, habang nanatiling nakatitig sa akin.“Triumphus.”“Kayo mismo ang nagpatayo nito?” pang-uusisa ko pa sa kaniya.Tumango siya bilang sagot. Maya-maya pa ay lumitaw naman si Darius sa gilid ni Helios na ma
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View“Puwedeng sumama?” tanong ko kay Helios.Ang sabi niya ay pupunta ulit siya sa race track. Since gusto ko naman siyang mapanood na makipagkarera, wala naman sigurong masama kung sumama ako, hindi ba?Lumingon naman siya sa akin, saka isinuot ang kaniyang itim na damit. Hindi pa naman ako nagsusuot ng damit.Sa katunayan ay tanging roba lamang ang suot ko, dahil pinatutuyo ko pa ang aking buhok.“You’re not a fan of racing, baby. I don’t want to scare you.”Nag-init naman ang aking mga pisngi sa kaniyang naging tugon. Tama naman kasi siya, eh. Hindi kasi talaga ako fan ng racing. Natatakot ako lalo na kung matulin ang takbo nang isang sasakyan.Pakiramdam ko kasi ay mababangga ‘yon, o mawawalan ng preno. Kaya nga kapag may nakikita akong mga sasakyan, o motor na sobrang tulin ng takbo ay kinakabahan ako.Pero kung pagdating naman kay Helios. Tingin ko ay kaya ko naman ‘yong harapin kahit papaano. Alam ko naman sa sarili ko na kaya ni Helios na
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewPagkagising ko, ramdam ko ang sakit sa aking katawan. Ni hindi ko nga alam na tanghali na pala, dahil inabot kami nang madaling araw ni Helios.Mabuti na lamang, dahil Sabado ngayon. Wala akong klase, at hindi ako matataranta na lumiban ako sa klase.Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap ni Helios. Nasa likod ko lamang siya, at nakasiksik ang kaniyang mukha sa aking batok. Kaya nararamdaman ko ang kaniyang mainit na hininga.“Maaga pa,” ungot niya. “We still need to sleep.”Natawa naman ako nang mahina, at hinaplos ang kaniyang bisig na nasa aking bewang.“Tanghali na,” paos kong wika. “Kailangan nating kumain.”“Are you hungry?”Umiling ako bilang sagot, dahil hindi ko naman talaga ramdam ang gutom. Matapos kasi namin ‘yon gawin, gumawa siya ng sandwich. Early breakfast ang nangyari, pero ayos lang naman.Kailangan din naman kas
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewNaalipungatan naman ako nang maramdaman ko ang paghaplos ng kung sino sa aking mga mata. Bahagya pa nga akong napakurap, dahil nagulat ang aking mga mata sa dilim.Kahit pa nakabukas naman ang lampshade sa tabi ng aming kama, nahihirapan akong imulat ang aking mga mata.Kahit pa hindi ko alamin kung sino ‘yong nasa harapan ko, alam ko kung sino ‘yon.Napansin yata niyang nagising ako. Kaya pinili na lamang nitong ipatong ang kaniyang kamay sa aking pisngi. Gamit ng kaniyang hinlalaki, hinaplos niya ang aking pisngi.“You cried,” he said huskily.Hindi naman ako makapagsalita lalo na nang dumaan ang kaniyang mamahaling pabango sa aking ilong. Lahat ng lungkot, at sakit na naramdaman ko kanina nang sabihin niya kaninang may pupuntahan siya, bigla na lang nawala.Siguro ay dahil nawala na ‘yong galit niya, at bigat ng kaniyang presensya. Bigla tuloy lumabo ang aking mga mata, pero pinili kong tatagan ang aking sarili. Hindi dapat ako umiyak lalo







