Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View
Kinagat ko ang aking ibabang labi, at inis na isinarado ang librong binabasa ko. May exam kami mamaya, pero ang gumugulo sa isipan ko ay ‘yong lalaking ‘yon? Damn!
“Jas, hindi ka nagre-review?” nalilitong tanong sa akin ng kaibigan ko.
Inis ko naman siyang nilingon, at tinaasan ng kilay. “Obvious ba?”
“Ang sungit mo ngayon. May dalaw ka ba?”
Umiling na lamang ako, dahil totoo naman na wala akong dalaw. Sadyang stress lang ako kaya ganito. Hindi rin kasi matanggal-tanggal sa isipan ko ang naging usapan namin ng lalaking ‘yon.
Wala pa rin akong ideya kung ano ang pangalan niya, pero kung hapitin niya ako sa bewang, akala naman niya ay close talaga kami.
‘You’re mine.’
Wala sa sariling napahilamos ako, at medyo nakararamdam ng inis. Bakit kasi pilit niya akong inaangkin, hindi ba? Porque nahawakan niya ako sa private part ko, pagmamay-ari na niya ako?
“Ano ba ang problema mo?” pukaw sa akin ni Luna. “Kanina ka pa bumubuntong hininga. Tungkol ba sa pera?”
“Oo,” sagot ko na lang para hindi siya magtaka na lalaki ang gumugulo sa isipan ko.
Medyo nakapag-ipon naman na ako. Kaya puwedeng-puwede ko na ring bayaran ang mga utang na hindi ko pa nababayaran. Mabuti na lang talaga ay hindi naman nila ako pinipilit na magbayad. Alam kasi nilang hindi naman ako ang umutang, eh.
Pero siyempre ay nahihiya ako. Hindi porque hindi ako ang umutang, ganoon na lang ‘yon. Ayaw ko pa rin namang abusuhin ang kabaitang ginagawa nila sa akin. Kaya kapag alam kong kaya kong bayaran kahit paunti-unti, babayaran ko.
“Bakit kasi hindi mo pa sagutin ‘yong mangliligaw mo sa College of Engineering?” tangkang tanong nito sa akin. “Mayaman ‘yon, hindi ba? Puwedeng-puwede kang iahon sa hirap, Jas!”
Nagtaas naman ako ng ulo, at kaagad na nagsalubong ang aking mga kilay sa kaniyang itinanong sa akin.
Ano ang gusto niyang iparating? Na gamitin ko ang mangliligaw ko para lang yumaman, at makapagbayad ng utang?
“Ganiyan ba ang gusto mong gawin ko, Luna? Ang mag-boyfriend, at gamitin ang isang tao?” nalilito kong tanong sa kaniya, dahil hindi ko talaga maintindihan kung saan patungo ang usapan.
“Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin, Jas. Ang akin lang ay puwede ka namang magpatulong sa kaniya kung boyfriend mo na siya,” paglilinaw nito, pero nanatili pa rin akong nakatitig sa kaniya.
Natawa naman ako nang pagak, at isinandal ang aking likuran sa silya. “Luna, hindi ako ganiyan. Sasagutin ko lang ang isang lalaki kung alam kong mahal ko siya, at seryoso siya sa akin. Hindi ako makipagbo-boyfriend para lang gamitin sila. I’m not like that.”
Kahit gaano kahirap, hindi ko ‘yon gagawin. Kung alam kong kaya ko namang iahon ang sarili ko sa hirap, gagawin ko.
Matapos ang klase, kaagad akong lumabas ng classroom namin. Hindi ko na hinintay pa si Luna, dahil kailangan ko na ring magpunta sa bahay para magpahinga saglit.
May work na naman ako mamayang gabi, at kahit na day off ko, ayaw kong lumiban. Sayang ang sahod na kikitain ko pa.
Ngunit natigilan ako nang mapansin ang isang pamilyar na lalaking nakaupo sa isang mamahaling sasakyan. Kahit sabihing hindi ko gaanong nakita nang maayos ang kaniyang mukha noon, sigurado ako sa sarili na siya ‘yon, dahil hindi naman maghaharumento ang puso ko kung hindi siya.
Tindig pa lang niya, alam na alam ko na. Paano na lang ‘yong hubog ng katawan niya, at boses Nakahalukipkip siya, at nakatingin sa malayo. Hindi man lang pinapansin ang mga babaeng na nakatingin sa kaniya.
Pasimple kong sinuri ang kaniyang suot na damit. Black shirt, black pants, and black rubber shoes. His outfit was perfectly hugging his body frame, revealing how beautiful his muscles were. From his broad shoulders, and triceps down to his chiselled chest, and abs—I don’t think they’ll ignore that.
To think that the guy who said I’m his possession is handsome enough to make everyone fall in love.Nang maramdaman niyang nakatingin ako, kaagad kong inilihis ang aking mga mata, at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Malapit na ako sa gate. Kaunti na lang ay makalalabas na ako, pero bigla siyang lumitaw sa gilid ko, at hinuli ang aking bewang nang walang kahirap-hirap.
“Where do you think you’re going?” he asked huskily.
Nanuyo ang aking lalamunan sa paraan ng kaniyang pagsasalita, at hindi maiwasang tingnan siya, habang umaaktong matapang.
“Uuwi.”
Umangat ang sulok ng kaniyang labi na para bang naaliw sa aking sinabi.
“I’ll drive you home.”
Umiling ako. “Hindi na. Puwede namang sumakay na lang sa jeep.”
“I don’t accept rejection, woman,” he retorted. “Don’t be stubborn.”
Napalunok ako sa kaniyang sinabi, at sinubukan siyang itulak sa kaniyang dibdib. Ang problema lang ay hindi man lang siya natinag nang gawin ko ‘yon. Kaya unti-unting sumama ang timpla ng aking mukha.
“Bakit ka ba nanggugulo?” tanong ko nang hindi ko na makontrol ang aking emosyon.
Sa kabila ng pagkabog nang malakas ng aking puso, nandoon pa rin ang pagtataka sa aking isipan. At kung hindi ko siya tatanungin, paano naman ako matatahimik?
“Just trying my luck.”
Mas lalo akong naguluhan sa kaniyang sinabi. Bakit ba hindi na lang niya ako diretsuhin?
“Kaya kong umuwi,” saad ko, at buong lakas siyang itinulak. “Kung gusto mi akong iuwi, sundan mo na lang ako hanggang sa makauwi ako. Hindi ‘yong sasakay ako sa sasakyan mo.”
Hindi na siya nakipagtalo pa sa akin. Kagaya ng sinabi ko, sinundan niya ako, habang nakasakay ako sa jeep.
Minsan ay napasusulyap pa ako sa kaniyang kotse, dahil halata namang sports car ‘yon—ginagamit sa racing. Pero dahil may kabagalan ang jeep, sinasabayan niya ‘yon.
Pagkababa ko ng jeep, hindi ko na siya hinintay pa. Naglakad na lang ako palayo sa kaniya, at hindi na nilingon kahit na ramdam ko naman ang titig na ipinupukol nito sa akin.
“Ano ba ang kailangan no’n sa akin?” tanong ko, at pasimpleng sinulyapan ang cellphone ko.
Ngunit natigilan ako nang mapansin ang isang text massage na katatanggap ko lang.
From: Unknown
I’ll be back. Susundan ulit kita mamaya papunta sa bar. Just to make sure that you’re safe.
Pinaglaruan ko ang aking mga daliri sa aking kandungan. Tahimik akong nakaupo sa passenger seat, at hindi magawang iangat ang aking ulo.Busy siya sa pagmamaneho, at wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Wala rin ako sa sarili ko magmula pa kanina. Ni hindi ko nga alam kung ano ang aking gagawin matapos naming maghalikan ni Helios kanina, eh.Kung hindi pa niya ako pinaupo rito sa passenger seat, baka kanina pa ako tulala, habang nasa kandungan niya.Ramdam ko pa rin naman ang tensyon sa pagitan namin. Hindi naman mawawala kaagad ‘yon, pero para sa akin na unti-unting nalilinawan, hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya.“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya.“Penthouse.”Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Kasi bakit kami pupunta roon kung may trabaho ako?“May trabaho ako. Hindi pa ako puwedeng umalis. Ibalik mo muna ako roon sa bar.”Marami pa akong kailangan gawin. Kailangan ko pa ng pera para sa pag-aaral ko. Hindi naman puwedeng lumiban ako sa trabaho, at basta n
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View“Hindi mo ako pag-aari,” mariin kong wika.Natawa naman siya nang pagak sa aking sinabi, at mas lalong inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Kaya nagawa kong higitin ang aking hininga, dahil sa pagkabigla.Hindi ko kasi talaga inaasahan ang paglapit ng kaniyang mukha sa akin. Akala ko ay lalayo na siya, o pagbubuhatan ako ng kamay, pero hindi. Ginamit niya ang kaniyang mga mata, at presensya para lang makaramdam ako nang panghihina.Kahit gaano pa yata ako katapang, nawawala ‘yon pagdating sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasang mainis sa sarili ko. Bakit kasi ang lakas ng epekto niya sa akin?“You’re mine, Elsie,” he muttered dangerously.Umigting ang aking panga, at inis na inilapat ang aking mga kamay sa kaniyang dibdib, at sinubukan siyang itulak palayo sa akin. Kaya lang ay hindi naman siya natinag sa kaniyang kinatatayuan.Buong lakas ko na nga siyang itinulak, pero wala pa rin. Parang hindi man lang niya naramdaman ang aking pagtulak sa kan
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View“Table six, Jasmine,” utos sa akin ni Alexa.Kinagat ko ang aking ibabang labi, at pasimpleng nilingon saglit ang table six. Kanina pa siya nakatingin sa aking gawi, at parang binabantayan ang aking galaw.Gusto ko siyang iwasan, pero paano kung makahalata ang mga kaibigan ko rito sa trabaho na para bang may iniiwasan?Ibinalik ko naman ang aking mga mata kay Alexa na ngayon ay seryoso sa paglalagay ng mga order sa tray.Nakasunod lang kanina sa akin ‘yong lalaking ‘yon kahit na sumakay ako ng jeep papunta rito sa bar para sa duty ko. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako kung bakit sinusundan niya ako. Dahil ba gusto niya akong bantayan, o sadyang trip niya lang?“Comfort room na muna sana ako, Alexa,” saad ko na lang para iwasan ang paghatid muli ng order ng lalaking ‘yon.“Ihatid mo muna ang order niya,” pamimilit nito. “Kanina pa siya naghihintay.”Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Kung kanina pa siya naghihintay, hindi ba dapat
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of ViewKinagat ko ang aking ibabang labi, at inis na isinarado ang librong binabasa ko. May exam kami mamaya, pero ang gumugulo sa isipan ko ay ‘yong lalaking ‘yon? Damn!“Jas, hindi ka nagre-review?” nalilitong tanong sa akin ng kaibigan ko.Inis ko naman siyang nilingon, at tinaasan ng kilay. “Obvious ba?”“Ang sungit mo ngayon. May dalaw ka ba?”Umiling na lamang ako, dahil totoo naman na wala akong dalaw. Sadyang stress lang ako kaya ganito. Hindi rin kasi matanggal-tanggal sa isipan ko ang naging usapan namin ng lalaking ‘yon.Wala pa rin akong ideya kung ano ang pangalan niya, pero kung hapitin niya ako sa bewang, akala naman niya ay close talaga kami.‘You’re mine.’Wala sa sariling napahilamos ako, at medyo nakararamdam ng inis. Bakit kasi pilit niya akong inaangkin, hindi ba? Porque nahawakan niya ako sa private part ko, pagmamay-ari na niya ako?“Ano ba ang problema mo?” pukaw sa akin ni Luna. “Kanina ka pa bumubuntong hininga. Tungkol ba
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View“Kanina ka pa tulala riyan, Jasmine!” pukaw ni Gail sa aking atensyon.Napalingon naman ako sa kaniya, at wala sa sariling napakunot ang aking noo. Natulala ba ako nang hindi ko napapansin?“Oras ng trabaho. Baka gusto mong tumulong?” tanong nito, at halata ang sarkasmo sa kaniyang boses.“Sorry,” hinging paumanhin ko naman sa aking kaibigan.Dinagsa ang bar ngayon, at magmula pa kanina ay busy kaming dalawa. Si Alexa naman, hindi mahagilap. Madalas naman siyang wala, at kung tutuusin ay medyo sanay na kami.Ramdam naman na namin ni Gail ang pagod ngayon. Sadyang gumugulo lang sa isip ko ang sinabi ng lalaking nagligtas sa akin no’ng gabing ‘yon.Ilang gabi na ang nagdaan, at aaminin kong gumugulo pa rin sa isipan ko ang naging interaksyon namin ng lalaking ‘yon.Sa totoo lang, hindi ko pa alam ang kaniyang pangalan. Hindi ko naman kasi itinanong sa kaniya ‘yon, dahil nilamon ako nang init, at hiya. Matapos din ang pagkikita namin no’n, hindi
Jasmine Elizabeth Valiente’s Point of View“Spread your legs,” he muttered dangerously.Napalunok na lamang ako, at sinubukang pigilan ang kamay niyang gumagapang sa aking hita.Madilim naman ang puwesto namin. Maingay rin ang bar kaya kahit gumawa man ako ng ingay, hindi ako maririnig.“Sir,” nanghihinang daing ko.Ang sabi ko, ise-serve ko lang ang order niya. Bakit naman umabot sa puntong makokontrol niya ako sa pamamagitan lang nang isang salita?Sa ilang taon kong pagtatrabaho rito, kapag may nangbabastos sa akin, nagiging kalmado lang ako. Mahirap ipagtanggol ang sarili, pero nagpapasalamat ako sa mga bouncer, dahil dumadating sila on time. Kahit papaano ay nakaliligtas naman ako.“Spread your fucking legs, baby,” mariing utos nito sa akin. “Don’t make me repeat myself.”Lumipad ang aking kamay sa kaniyang balikat para kumuha ng lakas, at sinunod ang kaniyang kagustuhan. Doing it inside the bar feels so freaking weird. I didn’t expect myself to let this man touch me.Wala naman