Share

Kabanata 23

Kabanata 23

"Do you want a fruit shake?" Tanong niya sa akin kaya napatigil ako sa pagtitiklop ng aking damit.

Tumingin ako sa hawak niyang mangkok na naglalaman ng mga strawberry at isang baso ng tubig sa kaliwa niyang kamay. Pagkatapos ko siyang tingnan ay ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ko ng mga damit namin.

"Sige."

"Ipagagawa kita. Anong prutas ang gusto mo?" tanong niya sa akin kaya muli ko siyang tiningnan.

Sumilay ang ngisi sa aking mukha at pagkatapos ay mabilis kong tiningnan ang kaniyang harapan na bahagyang nakaumbok. Umiwas din ako doon ng tingin habang tumatawa.

"Banana," sabi ko habang ngumingisi sa kaniya.

"Mahilig ka sa banana?" May ngisi niya ding tanong sa akin.

Tumawa ako at pagkatapos ay tumango. Hindi ko alam kung bakit nakikipag-usap ako sa kaniya ng ganito. Siguro ay gusto ko lang siyang pasabikin tapos pag-mainit na ay iiwan na sa ere. Para mainis sa akin tapos ako ay tatawa lang.

"Yes. Mas madami ding nutrients ang nakukuha sa saging. It's good for the health,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status