Share

Kabanata 3

Kabanata 3

"Nandito na ba ang lahat?" malamya na tanong ng isang lalaki. Ang kaniyang balat ay kulay kayumanggi ngunit kahit ganito ang kaniyang kulay ay hindi pa rin maipagkakaila ang pagiging magandang lalaki niya.

Lumapit ang isang babae na sa tingin ko ay labing pitong taong gulang pa lamang. Sila kanina ang nagpakilala na magiging tour guide namin.

"May isa pa pong kulang," magalang na na sabi ng dalagita.

Tango ang tanging ginawa ng lalaki at humarap siya sa amin. Isa isa niyang binigyan ng ngiti ang mga turistang ito-tour niya. Pinagmamasdan ko ang aking mga kasama at binilang ko sila sa aking isip. Siyam kaming tourist at may isa pang hinihintay. Sa makatutal ay sampo kami.

"Okay. Hihintayin natin siya," sagot ng lalaki.

Pumihit ang lalaki upang tumalikod sa amin at umalis muna siya. Sumunod sa kaniya ang dalagita. Bago ako lumingon sa paligid ay nakita ko pa na umupo ang dalawa sa kawayan na upuan sa may tabi ng tindahan.

Iginala ko ang aking paningin at pinagmasdan ko ang buong paligid. May ilang mga tindahan at upuan sa paligid. Dito nagtatagpo ang mga turista at ang kanilang mga tour guide. May pupuntahan kaming isang talon at iba pang malapit na sight seeing sa lugar na iyon.

Natigilan ako sa aking pagkuha ng picture sa isang baluktot na puno ng niyog dahil sa narinig na pagsitsit.

Ibinaba ko ang aking camera. Pumihit ako patalikod upang makita ang babaeng tumawag sa akin. Sumalubong sa aking paningin ang kaniyang malawak na ngiti. Bilang ganti ay ngumiti din ako sa kaniya ng malawak.

"Hi! I'm Jing Cababat. Mag-isa ka lang ba?" pagpapakilala niya sa akin. Inilahad niya ang kaniyang kamay kaya agad ko itong kinuha.

"I'm Edraly. Yes, mag-isa lang ako. Hindi kasi nakasama yung friend ko kaya solo flight ako," wika ko habang parehas kaming bumitaw sa isa't isa.

I stared at her intently. She has a thin body but it has a sexy shape. I noticed her sexiness because she was wearing a get-up for hiking. It's a baby blue jacket and stretchable pants. I also noticed her hiking boots. When I looked at her again, I saw her diamond-shaped face. Her arch-shaped eyebrows were so thin. Her nose is simple and her smile side lips were wearing red lipstick. She also has long black hair. She's simple yet pretty.

Muli kong napansin ang suot ko. I'm just wearing thick black leggings, an oversized t-shirt, and simple brown rubber shoes. Muli akong ngumiti sa kaniya. She seems nice.

"Ayos lang 'yan. Nandito naman kami. Magkakasama naman tayong lahat." sambit niya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kaniya. Marami naman kami kaya hindi ko mararamdaman na nag-iisa ako.

"Ikaw ba? Mag-isa ka rin?" balik na tanong ko sa kaniya.

Marahan siyang umiling at napansin ko na lumingon siya sa kanan. "Hindi ako nag-iisa. Kasama ko ang boyfriend ko," sagot niya sa akin.

Sana all may boyfriend na kasama. Lintanya ng mga single na babae tuwing may nakikitang magkarelasyon.

Pero pag may nanligaw naman at hindi type ay sasabihin na priority muna ang pamilya o kaya sasabihin nila ay strict ang parents ko.

"Ah, Nasaan?" mahinang tanong ko habang may ngiti sa labi.

Hindi naman ako curious kung gwapo ang boyfriend niya pero syempre makakasama ko din sila sa trip kaya kailangang kilala ko sila.

"Ayun! Yung nakasuot ng long sleeve top and jeans," sagot niya sa akin habang itinataas niya ang kaniyang kamay. Hinabol ko nang tingin ang kamay niya at nang makita ko kung saan siya nakaturo ay bahagya akong namangha.

"Foreigner?" tanong ko sa kaniya.

Inilipat ko ang tingin kay Jing at pansin ko ang paglawak lalo ng kaniyang ngiti. Tumango siya sa akin habang tinitingnan niya ako.

"Yes. Boyfriend ko," She said proudly.

Sumilay ang ngiti sa aking labi. I'm happy everytime I encountered people like them. Long distance relationship are so hard, ngunit kung mahal talaga nila ang isa't isa ay magiging madali iyon.

"Wow, ang cool. Yung friend ko din may bf na Foreigner dati pero hindi sila nag-work. Ilang taon na kayo? Mahirap pag nag-away ang nasa LDR kasi sobrang layo. Hindi agad makakapunta upang manuyo," kwento ko sa kaniya.

"Eight months pa lang kami pero going strong pa rin. Sa ngayon naman ay wala pa kaming nagiging problema. Konting asaran lang. Oo, mahirap nga pag nagkatampuhan ang LDR kasi if ever na nagkaroon ng big fight ay hindi mo agad masosolusyunan kung hindi niya sinasagot ang mga tawag mo. Siguro ay nakakabaliw pag ganoon," mahabang wika niya kaya tumango ako.

I remembered something that I'd read on F******k. She has a long-distance relationship but they didn't last long. I think If I'm not mistaken she's Rona. I don't know her personally but she's my friend on F******k.

"Sorry, ha? May tanong lang ako. Bakit foreigner ang gusto mo?" tanong ko sa kaniya.

I'm just curious. Hindi naman masamang magtanong. Everyone has their own reason and I want to know what's her reason in dating a Foreigner. Marami kasing lalaki sa Pilipinas. Bakit sa iba pang lahi ang gusto nila? Hindi naman sa pakialamera ako pero curious lang talaga ako.

"Ilang beses na kasi akong nabigo sa past relationship ko sa lalaking Pilipino. Minahal ko sila ng todo pero ilang beses nila akong ginago dahil gusto lang nilang makaisa. May nag-suggest sa akin na i-try ko daw ang Foreigner kaya sinubukan kong maghanap and I'm very happy now. Long distance relationship man at least, I can feel that he loves me," paliwanag niya sa tanong ko.

Mas lalong lumawak ang aking ngiti sa kaniyang isinagot. I'm content with her answer. Love. It's a magical way. Even if you're far from each other, love will connect you to the person you cherish.

"Support ako sa inyo. Sana sa altar na ang tungo niyo. Goodluck sa relationship niyo," may kasiyahan sa boses na sabi ko.

I wish that they will have their own happily ever after.

Hinawakan niya ang aking kamay. Hindi ko iyon inaasahan kaya bahagya akong nabigla sa kaniyang ginawa. Magaan na ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"Salamat. Sana lahat ng Pilipino ay sinusuportahan ang kapwa nila. May iba kasing tao na ang tingin ay pera lang ang habol namin sa kanila," sambit niya.

Napansin ko kung paano naglaho ang ngiti niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pagkatapos ay ngumiti ako para pagaanin ang loob niya.

Muli kong naaalala ang mga napapansin ko sa mga videos sa isang sikat na entertainment app. There's a video na nagpakita ng relationship history nila ng kanilang boyfriend na foreigner. Nakakalungkot lang dahil imbes na maging supportive ang iba ay idinodown pa nila ang kapwa nila babae.

The comment box was full of negativity. Sinasabi ng iba na may nakabingwit na naman ng ginto. May ilan ding nagsabi na 'isang kababayan na naman ang umahon sa hirap.'

It's so sad that they are also a Filipino but they are also the one who will bring you down. Pag ba may naging boyfriend ka o girlfriend na taga-ibang bansa ay awtomatikong peperahan lang? Hindi ba nila alam ang salitang love?

Dapat suportahan na lang, at hindi na ibash. Hindi dahil sa pera kaya sila nagkagusto sa taong iyon. It's because of love. Toxic Filipino mindset. Hindi ba nila alam na masasaktan nila ang taong iyon dahil sa mga sinasabi nila?

"Hayaan mo na sila. Baka siguro inggit lang? Baka gusto din nila pero wala silang makuha o kaya masyado lang silang bitter sa buhay nila. Cheer up, girl," pagbibigay ko sa kaniya ng lakas ng loob.

"Hindi naman kasi kami pare-parehas. Alam kong may ilang tao na pera talaga ang gusto but for me, it's because of love," wika niya. Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

I know it. I can see in her eyes that she loves him. There's no doubt about that.

"Iba iba din naman kasi ang tao, may iba na gustong makaraos sa buhay kaya naghahanap ng ibang lahi ngunit may iba din naman na talagang love ang hanap nila. Ang hirap lang sa ibang Pilipino ay mahilig silang mangutya at manghusga. Ayaw munang alamin ang storya ng bawat isa. Mahalin mo lang siya ng lubos, huwag mo na lang pansinin ang ibang tao," pagbibigay payo ko sa kaniya.

Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. Binitawan ko ang kamay niya at pagkatapos ay marahan kong tinapik ang balikat niya.

"Minsan nasasaktan din ako sa sinasabi nila kahit hindi totoo ang mga paratang nila pero tama ka, dapat ay huwag ko na lang silang pansinin pa," sabi niya at pagkatapos ay ngumiti siya.

Napansin namin ang paglapit ng boyfriend niya kaya panandalian kaming napatigil sa pag-uusap. Malawak na ngiti ang sumilay sa akin dahil nakita ko na hinalikan siya ng boyfriend niya sa pisngi.

It's so sweet. Sana all.

May ibinulong ang lalaki at pagkatapos ay parehas silang nagtawanan. Hinampas ni Jing ang dibdib ng kasintahan. Pinatigil niya sa pagbulong ang boyfriend niya at tiningnan niya ako.

"Love, this is Edraly. Edraly, boyfriend ko si Martin Kaczmarek. German siya kaya sobrang sweet," Pagpapakilala niya sa amin kaya tumango ako.

He smiled at me then he looked at her girlfriend. Muli siyang tumingin sa akin kaya ngumiti na din ako.

"Nice to meet you, Martin," I said with formality.

Inilahad niya ang kaniyang kamay kaya kinuha ko ito. Naging mabilis lang ang shake hands at nagbitaw na din kami.

"Nice to meet you, Edraly," he said.

Napagmasdan ko ang kaniyang mukha. Then, I remembered someone. Muli na naman ginulo ng isang lalaki ang isip ko. Roisin. Parehas sila ng kulay ng mata.

"Bongga, sis. Ang pogi," tanging nasabi ko.

Pero wala pa ring tatalo kay Roisin para sa akin.

Pinagmamasdan ko pa si Martin. He has a round face. Bagay sa kaniya ang may kakapalan niyang kilay. His brown eyes were like chocolate. Every time he smiled at her girlfriend, it looked sweet. His long nose was perfect, and his upper lips were thin while the lower part was thick.

He's handsome but I prefer Roisin.

"Oo. Kaya nga sobrang suwerte ko tapos sobrang bait pa," may pagmamalaki na sabi ni Jing.

Inakbayan siya ni Martin habang nagkukwento si Jing. They are both smiling at me. Mababait sila at pansin ko iyon.

"Saan kayo nagkakilala?" tanong ko kay Jing. Nanatili lang na tahimik ang boyfriend niya ngunit paminsan minsan naman ay nakikisali sa usapan namin ni Jing.

"Sa Asian Dating," sagot ni Jing na agad kong tinandaan sa isip ko.

"Parang gusto ko na ding maghanap ng foreigner, ah. Ita-try ko na ding mag-install ng app para makahanap. German din ang gusto ko," maloko kong sambit.

Mahinang tawa ang lumabas sa bibig ko dahil sa sinabi. Pati si Jing at ang boyfriend niya ay napatawa din. It's just a half joke. Kung wala pa ring akong matitipuhan na maging boyfriend pagdating ng limang taon ay mag-jo-join na ako sa app na iyon.

Magsasalita pa sana ako ng idudugtong ko ngunit napatigil ako nang biglang may lumapit sa amin.

"Bakit ka pa hahanap kung nandito na naman ako. Half-German din ako pero mas sweet ako kaysa sa mga full-blooded," pagsisingit ng isang lalaki sa usapan namin.

Nang lumingon ako sa lalaki ay napasinghap ako. Ang aking mga mata ay bahagyang nanlaki dahil sa gulat. Anong ginagawa niya dito? Nasa Baguio na nga siya tapos pati ba naman dito ay makikita ko siya?

Nang makita ko ang nakakalokong ngisi sa kaniyang mukha ay awtomatikong nalukot ang noo ko. Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa disgusto na nararamdaman. Mukhang hindi magiging maganda ang bakasyon ko. May unggoy na naman na laging nakasunod.

"What? Bakit nandito ka? Sinusundan mo ba ako?" Naniningkit ang mga mata na tanong ko.

Pinagmamasdan ko ang kaniyang mukha at nakita ko na umiwas siya sa akin ng tingin. Naging malikot ang kaniyang mata kaya napaismid ako sa konpirmasyon.

"No, Honey bunch. I think it's destiny," may ngiti sa labi na sabi niya at tsaka niya ako tiningnang muli.

"Are fucking kidding me?" mahinang sabi ko.

Sumilip ako sa kasama ko kanina at napansin ko na nag-uusap sila. May sariling mundo na sila kaya hindi nila kami napapansin.

"Oops, don't curse at me, Honeybunch. That lips of yours shouldn't be a sinner," He said and then my eyes widened when he bit his lower lips.

Susuwayin ko sana siya ngunit nabitin sa ere ang pagsasalita ko nang marinig ko ang tanong ni Jing.

"Boyfriend mo ba siya, Edraly?" May kuryosidad sa tono ng boses na tanong niya sa akin.

Nanlalaki ang mga mata na lumingon ako sa magkasintahan. Umiling ako nang marahas. Itinaas ko ang aking kamay at ikinumpas ko ito habang tumatanggi.

"Nope! Stalker ko yata siya. Nakita ko din siya sa Baguio, at hanggang dito ba naman?" sambit ko at nilingon ko si Roisin na nakatingin sa mga kasama ko.

Ngiting ngiti ang loko na para bang aso. Naiirita ako sa kaniyang tingin ngunit wala akong magawa para alisin iyon. Ibinalik niya sa akin ang kaniyang mga mata. Isang kindat ang ibinigay niya sa akin kaya mas lalo akong nainis.

"Future girlfriend ko siya," mapaglarong sabi niya.

Wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga. Pilit kong inalis sa aking sistema ang inis na nararamdaman.

"Paano ka nasisiguro? Takas ka ba sa mental?" mahina kong tanong sa kaniya.

Ngayon lang ako naka-encounter ng isang lalaki na ganito. Malakas ang apog. Mahangin. Mayabang. Makulit. Nasa kaniya na ang lahat ng kinaiinisan ko sa lalaki.

"No, I'm not. Like what I've said before, I'm addicted to your beauty. Adik lang ako sa'yo," sambit niya kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

May sapak. Minsan ay napapaisip ako kung talagang nakakabaliw ang ganda ko.

"You had a great taste, bro. Filipina beauty is so magnificent," sabi ni Martin kaya napatingin ako rito. Napansin kong nakatingin siya sa kaniyang girlfriend at malawak ang pagkakangiti nila sa isa't isa.

I can see the love in their eyes.

"Definitely, Bro," rinig kong sabi ni Roisin kaya napalipat sa kaniya ang atensyon ko.

Titig na titig sa akin ang mga mata niya. Hindi maalis-alis ang ngiti sa mukha niya. Kung makakakuha lang ako ng pambura ay nabura ko na ang ngiti niya.

"Okay. Let's go. Nandito na pala yung kulang. Mr. Lefebvre, Is it okay If we go now?" biglang singit sa amin ng isang lalaki. Tiningnan ko ito at napansin ko na siya ang tour guide namin.

"Yes, please!" sabi ni Roisin.

Iling na lang ang tanging nagawa ko habang inaayos ang pagkakasakbit ng bag pack sa aking mga balikat. Narinig ko na tinawag na ng lalaking tour guide ang lahat ng kasama namin.

"Honey bunch, hold my hand. Don't worry, I will make you safe in our trip.  Hinding-hindi kita hahayaan na madulas o madapa," sambit ni Roisin.

Inilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ko. Imbis na kuhanin iyon ay tiningnan ko lang ang kamay niya at unti-unti na tumaas ang kilay ko. Anong akala niya? Kukunin ko iyon? No! I won't.

Itinaas ko ang kamay ko upang tabigin iyon. Inirapan ko pa siya at pagkatapos ay inismiran.

"Leave me alone, Roisin," I said dangerously while glaring at him.

I turned away then I held Jing's hand. She's just staring at us while smiling. Umalis kami roon at iniwan siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status