Share

Kabanata 2

Kabanata 2

Napatigil ako sa paglalakad nang napansin ko na nawawala na ang distansya sa pagitan namin. Hinarap ko siya at pagkatapos ay itinaas ko ang kamay ko upang ipagtabuyan siya palayo.

"Bakit ka lumalapit? Dalawang dipa dapat ang layo mo sa akin!" mariin kong sabi. Humakbang ako ng apat na hakbang palayo sa kaniya.

Sa sobrang kulit ng lalaking ito ay inasar niya pa ako at lumapit pa rin siya sa akin. Nanggigigil na napahawak ako sa rosas na dala ko. Mabuti na lang at wala ng mga tinik ang hawakan nito.

"Because I want to be close to you," banat niyang sabi.

Wala nang ibang lumabas sa bibig niya kundi pick up lines. Imbis na kiligin naman ako ay naaalibadbaran ako sa mga sinasabi niya.

Kakababa lang namin kanina sa taxi at naglalakad na kami sa gate entrance ng simbahan. Akala ko ay tatahimik na siya sa kakabanat niya pero may lumalabas na naman na mga salitang sweet.

Ininuro ko sa kaniya ang hawak kong rosas. Panandalian siyang napasulyap sa bulaklak pero agad niya rin namang inilipat sa akin ang tingin.

"Ang sarap mong pi-"

Ang aking pagsasalita ay pinutol niya agad.

"Pikutin?" tanong niya habang may nakapaskil na ngisi sa kaniyang labi.

Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa pagngiwi. Naiinis na tiningnan ko siya gamit ang nanlikisik na mga mata.

"Hindi! Ang sarap mong pingutin sa tainga! Ang landi mo! Ganyan ka ba pinalaki ng Mama mo?" hindi ako natutuwa sa mga ginagawa niya.

Baka naman sa mental galing ang lalaking ito at nakatakas lang? Para kasing wala sa tamang pag-iisip. Sinong matinong lalaki ang susunod sa isang estrangherang babae?

"Para kang kulang sa aruga kaya papansin ka!" panghuhusga ko sa kaniya.

Imbis na mainis sa akin ay nakita ko pa ang pagliwanag ng mukha niya. Nagkibit balikat siya at mabilis na ngumuso bago magsalita.

"Pinalaki ako ng Mama ko sa mapagmahal na environment kaya sweet ako," sagot niya.

Utas na. Confirmed! Baliw nga siguro ito.

"Lumayo. Ka. Sa. Akin!" matigas kong sabi habang pinandilatan siya ng mata.

Humakbang siya papunta sa harapan ko at pagkatapos ay itinaas niya ang kamay niya. Inayos niya ang mga hibla ng buhok na nahulog na mula sa pagkaka-pony tail ko. Marami na kasi akong baby hair at hindi na kayang ipuyod pa.

"Ayokong lumayo sa'yo dahil gusto kong manatili sa tabi mo habang buhay," sabi niya. May lambing sa boses niya.

Imbis na kiligin ay tinabig ko ang kamay niya. Nakakaramdam na ako ng takot sa mga pinaggagagawa niya.

"Distansya o Ha-"

"Halik?" malokong pagpuputol niya sa sinasabi ko.

Nanlalaki ang mga mata na napahampas ako sa kaniya. "Hampas! Gago!" sigaw ko at pagkatapos ay nagtatakbo ako papunta sa may simbahan.

Narinig ko ang nakakairitang tawa niya habang sumusunod sa akin. Kahit na hindi ko siya lingunin ay alam ko na nasa tabi ko pa rin siya.

"You have a bad mouth, Honey bunch. We're here infront of Our Lady of Atonement Cathedral," sabi niya kaya napatigil ako sa tapat ng simbahan.

Malayo pa ang lalakarin namin para makarating sa mismong simbahan. Kitang-kita na namin ang kabuuan ng labas nito.

Tiningnan ko siya. Unti-unting tumaas ang kilay ko habang nakasimangot ang mukha ko.

"Pagdating sa'yo ay nagkakasala ako," may inis na sambit ko.

Tila ba nagustuhan niya pa ang sinabi ko dahil lumawak ang pagkakangiti niya. Ang kaniyang mata ay bahagyang lumiit.

"Loving me is like a sin, Edraly. You will repent if you love me," baritono ang boses na sabi niya.

Kung saka-sakali nga ay magsisisi ako! Paniguradong sasaktan lang ako nito. Kasalanan nga ang ibigin ka dahil pagsisisi ang tungo ko.

"Sinong may sabing mamahalin kita? Akala mo ba ay hindi ko alam na isa kang fuck boy? You can't fool me, Mr," mahina ngunit mariin kong sabi.

Galawan pa lang. Pagsasalita at ang bawat banat niya ay sinyales na iyon na nilalandi niya ako.

Madaming babae sa mundo at bakit ako pa ang napili niya?

"Really? Can't I fool you? Baka mamaya kainin mo ang sinabi mo. Magising na lang ako isang araw, and you're foolishly in love with me," may saya sa boses na sabi niya.

Napansin ko ang kakaiba niyang ngiti na tila ba may kung anong pinaplano. Naasar na singhap ang pinakawalan ko bago ko siya tinalikuran.

"Lakas ng tama mo sa-"

"Sa'yo." Pagpuputol niya sa aking sinasabi kaya napairap ako.

Umirap ako kahit hindi niya nakikita. Nagsimula akong at nanggigigil. "Lakas ng tama mo sa utak."

Hindi ko na siya inimikan kahit na nagsasalita siya at nagkukwento ng kung ano-ano. Para lang akong bingi sa tabi niya habang kinukuhanan ng litrato ang kabuuan ng simbahan.

The cathedral has a distinctive pink facade with a rose window. Rose window is often used as a generic term applied to a circular window but is especially used for those found in Gothic Cathedrals and churches. This church also has a twin square bell tower with pyramidal roofs. Within its large courtyard is a viewing deck that overlooks Session Road and the downtown commercial district of Baguio.

Nang matapos kong kuhanan ng huling beses ang simbahan ay naglakad na ako papunta sa entrance nito. Huminga muna ako nang malalim bago tumigil sa paglalakad. Tatlong hakbang ang pagitan bago makarating sa mismong pinto ng simbahan.

Pumikit ako nang mariin. Ang aking gagawin ay hindi natuloy dahil sa pagtatanong ni Roisin sa akin.

"Why did you stop, Honey bunch?" tanong niya kaya napasinghap ako nang mariin.

"Keep Quiet, Mr. Playboy," sabi ko habang nakapikit pa rin. Naintindihan niya agad ako at hindi na siya nangulit pa.

Humiling muna ako bago ako nagmulat ng mga mata. Tatlong wish at sana ay matupad ang lahat. Unti-unting napangiti ako.

"You seems like you are praying," sabi niya nang magsimula akong maglakad.

"I did," tipid kong sabi sa kaniya.

"Why did you pray outside? That's unusual. Lahat ng tao ay pumupunta muna sa loob ng simbahan para magdasal tapos ikaw ay sa labas nagdadasal?" tanong niya. Halata sa boses niya ang kuryosidad.

"Walang pakialaman ng trip," tinatamad kong sagot sa kaniya.

Hinawakan niya ang braso ko kaya inalis ko iyon. Inilipat ko ang atensyon ko sa kaniya at sinamaan ko ulit siya ng tingin. Ilang beses ko nang ginagawa iyon pero hindi siya natatakot sa akin.

"Bakit ka nga sa labas nagdadasal? I'm curious," tanong niya kaya napapikit ako nang mariin.

Nawawalan na ako ng pasensya sa kaniya. Sobrang nipis na ng pasensya ko. Kasing laki na lang yata ng karayom.

"May sinabi ang lola ko dati na kapag unang beses mo lang daw pinuntahan ang isang simbahan ay humiling ka. Tatlong hakbang bago ka makarating sa pinto ay pumikit ka at bigkasin mo sa isip mo kung ano ang tatlo mong kahilingan," paliwanag ko sa kaniya at pagkatapos ay umupo na agad ako sa bakanteng upuan.

Napansin kong maraming bakanteng upuan at kakaunti ang mga taong nagdadasal. Walang misa kaya nasa plaza ang mga tao upang manood sa kapistahan.

"Is it true?" hindi makapaniwala na tanong niya kaya tumango ako sa kaniya.

Kita ko ang noo niyang halos naging kahawig na ng noodles dahil sa pagkakakunot. Inismidan ko lang siya bago ako sumagot.

"Marami na akong napuntahan na simbahan at ang lahat ng hiling at dasal ko ay nagkakatotoo," sabi ko at pagkatapos ay lumuhod na ako sa luhuran.

"So, what's your wish?" tanong niya sa akin.

Nilingon ko muna siya at tsaka ko siya tiningnan ng diretso sa mata. Walang kangiti-ngiti sa aking mukha kabaliktaran ng ipinapakita niya. Malawak ang pagkakangiti niya sa akin.

"It's a secret, Mr. Playboy," mariin kong sagot at pagkatapos ay tumalikod na ako.

Ipinatong ko muna ang rosas na hawak ko sa maliit na patungan. Bago ako pumikit ay narinig ko pa ang sinabi niya.

"My name is Ròisìn," pagpapakilala niya.

Kanina ay sinabi niya na ang pangalan niya. Alam ko na iyon dahil hindi naman ako mabilis makalimot sa pangalan.

"I'm not interested to know you," pagsisinungaling ko.

"I'm hurting, Honey bunch," may lungkot ang boses niya habang sinasabi iyon pero hindi ko na siya nilingon pa.

Nanatili akong nakapikit habang pinagsisiklop ang aking mga kamay. "It's a pleasure to hurt you by my words," sambit ko.

"Ouch!" Reaksyon niya bago ako nagsimulang magdasal at magpasalamat sa Diyos.

Pinasalamatan ko si God sa mga blessings na ibinigay niya, at sa araw-araw na paggabay niya sa buong pamilya ko. Pati ang simpleng panalangin para maging healthy ang pamilya ko ay taimtim kong hiniling. Humiling ako ng gabay sa kaniya at humingi ng mga blessing pa para sa araw-araw. Lahat ay tungkol sa pamilya, pangsariling hiling at sa ibang tao na nangangailangan ng dasal.

Nang matapos akong magdasal ay tumayo na agad ako at naglakad papunta sa kwarto kung nasaan ang mga santo. Maliit itong chapel na pwede ring pagdasalan. Tahimik lang na nakasunod sa akin si Roisin. Sa simbahan lang pala siya tatahimik.

Tumapat ako sa santo ng Nazareno at pagkatapos ay inilabas ko ang panyo sa bag ko. Hinaplos ko ang mga paa ng santo bago ko ipinunas ang panyo sa paa nito.

"Relihiyoso ka?" tanong ni Roisin kaya napalingon ako sa kaniya.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa itinanong niya. "Bakit mo na itanong? Kagulat-gulat ba iyon?"

Umiling siya sa akin. Tiningnan niya ang santo na nasa harapan namin. Itinaas niya ang mahabang damit at pagkatapos ay hinawakan niya ang paa ng santo.

"No. I'm just curious," sagot niya sa akin.

Narinig ko na kinatok niya ito nang mahina kaya nanlaki ang mga mata ko habang sinusuway siya. Para naman siyang tuta na nahiya.

Humingi siya ng sorry sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at ibinaba ko ang luhuran. Lumuhod agad ako doon. Lumapit siya at umupo sa may likod ko. Katulad kanina ay ipinatong ko rin ang rosas sa makipot na patungan ng gamit.

"What are you doing?" tanong niya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

Ngayon lang ba siya nakapunta sa simbahan? Ang dami niyang tanong. Hindi ko muna siya pinansin at ginawa ko ang dapat kong gawin. Nang matapos ay tiningnan ko agad siya at sinagot.

"Luhod at magdasal," tipid kong sagot sa kaniyang tanong kanina.

"Sa rebulto o santo?" Nakita ko na kumunot pa lalo ang kaniyang noo.

Kinuha ko ang rosas at pagkatapos ay marahan ko itong inihampas sa kaniyang noo kaya napapikit siya sa ginawa ko. Sumilay sa aking labi ang ngisi.

Nang alisin ko ang rosas sa kaniyang noo ay nagmulat na rin siya ng mata. Tumingin ako sa cross na nakabitin sa itaas ng santo.

"Sa Diyos. Hindi porket nagdadasal kami sa harap ng santo ay sa kaniya na kami sumasamba. Hindi iyon ang ibig sabihin noon. Hindi lahat ng pagluhod at panalangin ay nangangahulugan ng pagsamba. Dahil ang pagluhod o pagyukod sa harap ng imahe, larawan, o statwa ay nagpapakita lang ng pagrespeto at paggalang sa mga kinatawan ng Diyos. Ang mga santo ay instrumeto ng Diyos para maging gabay din ng mga katoliko," mahabang paliwanag ko sa tanong niya.

Muli akong tumingin sa kaniya kaya nakita ko ang pagtaas baba ng kaniyang ulo. Tipid akong napangiti sa kaniya.

"Some people thought Catholics praise their saints because they can heal them, and it gives miracles," sabi niya na ikinailing ko.

Wrong. It is not what it means.

"No. They are wrong. I just want to make it clear. Hindi ang imahe o rebulto ang nagpapagaling sa mga taong humihiling ng kagalingan sa kanilang karamdaman at hindi rin sila ang nagtutupad ng mga hiling. Pananampalataya nila kay Jesus ang gumawa nito. Hindi mga santo kundi pananampalataya," sagot ko sa kaniya at pagkatapos ay tumingin ulit ako sa cross.

Hindi naman talaga kami nagdadasal sa santo dahil ang dasal namin ay direkta sa panginoon ngunit nakaharap lang kami sa santo. Ang pananampalataya namin ay para kay Jesus lang.

"Right," Tipid na reaksyon ni Roisin.

"If you have faith in God then nothing is impossible," sambit ko.

Ang lahat ay pinapagaling, ang lahat ay pinagbibigyan ng diyos.

"Ibibigay niya sa'yo ang hiling o kagustuhan mo kung ito talaga ang will niya sa'yo," paliwanag ko sa kaniya habang nakangiti na tinitingnan ang cross.

"Yes. You have a point." pagsang-ayon niya sa aking sinabi. Inilipat ko ang atensyon sa kaniya.

"Pananampalataya, paniniwala at pagmamahal sa Diyos," nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kaniya.

Napansin ko na medyo nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil sa nakita. Para akong natauhan kaya inalis ko ang pagkakangiti ko. Ngayon lang ako ngumiti sa kaniya nang malawak. Ilang beses ko na kasi siyang tinarayan at sinimangutan.

"I'm an Atheist," sambit niya kaya nakuha niya ulit ang buo kong atensyon.

"Wala kang relihiyon? Hindi ka naniniwala sa Diyos," tanong ko sa kaniya.

Marahan siyang tumango sa akin. "Yes, but I respect all the religions. Wala man akong pinaniniwalaan pero iginagalang ko ang mga paniniwala ng bawat isa," sambit niya kaya napangiti ulit ako.

Ayos lang naman kung wala siyang relihiyon at hindi siya naniniwala sa Diyos. Iba ang paniniwala niya at iba rin ang akin kaya tulad ng sinabi niya ay igagalang ko rin siya.

Ang alam ko ay hindi porket Atheist ay kampon na ng masama. Wala lang silang relihiyon pero hindi sila kabilang sa kulto.

Niyakag ko na siyang lumabas sa simbahan. Alam kong hindi na siya komportable na mag-stay pa rito. Bago kami tuluyang umalis ay nagtirik muna ako ng kandila.

"What's our next stop?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami palabas sa gate.

"The Mansion."

Napatigil ako sa pag-se-selfie nang bigla niya akong kulbitin. Lumingon ako sa unggoy na kasama ko. Para siyang si Boots, ang unggoy na laging nakabuntot kay Dora.

"Do you want me to take a photo of you?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Tiningnan ko muna siya nang mariin at pagkatapos ay tumango na rin ako. "Yes, please."

Ibinigay ko ang cellphone ko sa kaniya. Kinuha niya agad ito sa akin. Lumayo ako sa kaniya at tumayo ako sa may hardin. Simple lang ang ginawa kong pose. Inilagay ko ang aking mga kamay sa bulsa ng jeans ko at ngumiti ako sa camera ng cellphone. Nang marinig ko ang shutter sound ay lumapit agad ako sa kaniya upang tingnan ang picture ko.

Ini-zoom ni Roisin ang picture kaya kitang kita ang mukha ko. "Pretty, Edraly," he said sweetly.

Napatingin ako sa kaniyang mukha at nakita ko na nakangiti siya habang pinagmamasdan ang picture ko. Kinuha ko agad ang cellphone ko at pagkatapos ay lumayo ako sa kaniya.

Labas sa ilong na nagpasalamat ako habang tinitingnan ko ang picture ko. Maganda ang pagkakakuha niya. Hagip ang buong The Mansion at ang ilang mga bulaklak. Maganda. Maganda kasi ako.

"The Mansion House is the official summer palace of the President of the Philippines. Sa tingin mo ba ay pag nangampanya ako bilang presidente ay mananalo ako?" tanong niya sa akin habang lumalapit sa akin.

Nakuha niya ang buo kong atensyon. Itinaas ko ang aking balikat at pagkatapos ay ibinaba ko din ito.

"Hindi ko alam. Hindi ako manghuhula," pabalang na sagot ko sa kaniya.

"What if lang naman," sabi niya.

Ibinalik ko ang cellphone ko sa bag ko at pagkatapos ay tumalikod ako sa kaniya. Tingnan ko ang magandang mansyon sa harap namin.

"Siguro mananalo ka pero hindi ka magiging magaling na presidente," sabi ko habang inilalagay ang kamay sa tapat ng aking dibdib.

"Bakit mo naman nasabi iyan?" Rinig kong tanong niya.

Pinagmasdan ko ang mga bulaklak na nasa may harapan namin. May ibang rosas doon. Iba't-iba ang kulay ng mga rosas. May kulay puti, red at pink.

"Dahil babaero ka. Baka mamaya ay sa babae ka mag-focus at mapabayaan mo ang bansa," sagot ko sa kaniya.

Napatingin ako sa hawak kong rosas. Kanina ko pa ito hawak at kahit na mamawis na ang kamay ko ay hindi ko pa rin ito magawang itapon o iwan na lang.

"Hinusgahan mo agad ako," malungkot ang boses na sabi niya kay napatingin ako sa kaniya.

Nagasumot ang aking noo. Napapailing na lamang ako habang pinagmamasdan siya na nakasimangot.

"Masanay ka na dahil nasa Pilipinas ka. Isang kibot mo ay huhusgahan agad ng iba," wika ko bago ko siya nginisian.

Hindi ako nagmamalinis. May pagkakataon talaga na may mahuhusgahan kang ibang tao. Minsan lang naman mangyari iyon. Hindi naman ako katulad ng iba na halos araw-araw at minu-minuto ay kamalian na ng iba ang lumalabas sa bibig.

"So, pag naging presidente ako ay huhusgahan din ako ng maraming tao?" tanong niya sa akin.

Bilang pagsang-ayon ay tumango ako sa kaniya. Hindi imposible iyon. "Oo naman. Kahit sino pang maluklok sa pagiging presidente ay babatikusin pa rin ng iba. Kahit gumawa ito ng mga magagandang bagay ay matatabunan pa rin ito pag nakagawa ito ng isang pagkakamali o pagkukulang. Wala namang nakikita ang ibang tao kundi ang kamalian at pagkukulang ng iba, diba?"

"Do you have anything to say about our current situation?" halata sa mukha niya ang kuryosidad.

Nakaramdam ako ng kalituhan sa tanong niya ngunit nang maintindihan ko ang sinabi niya ay napailing na lang ako.

"Wala. As much as I want to say something about my opinion, I will stop myself to spill out my words. It's better to lie low and stay quiet, hindi ko naman alam ang lahat ng bagay bagay at wala pa naman akong naiaambag sa lipunan," paliwanag ko sa kaniya.

Mas maganda na iyong nananahimik para maging peaceful ang buhay.

"Respeto ang kulang sa ibang tao," pagbo-voice out ko sa opinyon ko.

"Hindi kasi sila marunong makuntento," opinyon ni Roisin pero hindi ko siya sinang-ayunan sa sinabi niya.

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Umiling ako habang nakangisi. "No, hindi sa ganoon. Sadyang may hinahanap lang sila at ine-expect pero hindi kayang tugunan o hindi nagawa ang inaasahan nilang mangyari."

"Mahirap naman mag-asikaso ng buong bansa. It's hard to be a president," sambit niya habang inililipat ang atensyon sa malaking mansyon.

Napatingin na lang din ako doon. Pinagmasdan ko ang kagandahan ng malaking bahay na laging pinupuntahan ng mga naging presidente tuwing tag-araw.

"Oo, Sa isang simpleng pamilya nga ay hirap na ang ama na iahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Sa isang bansa pa kaya na puro katiwalian at hindi magkakasundo ang iba't-ibang partido?" Wika ko habang napapailing.

"Para kang nag-alaga ng mga sawa na itinuring mong anak pero sa huli ay tutukain ka rin naman kapag nakatalikod ka," pagpapatuloy ko.

Unity din ang kulang sa bansa. May mga nagmamagaling na tao sa gobyerno. Ayaw ng iba na nalalamangan, may iba na hindi sumusunod o sumasang-ayon dahil kalaban sa partido. Hindi sila magkasundo lahat kaya imbis na maayos ang problema ay nagkakagulo pa. Wala namang akong pakialam sa politikal na usapin. Isa lang naman akong tahimik na mamamayan na nagmamasid-masid sa mga pagtatalo nilang lahat.

Kukuha lang ng pop corn at kakain habang pinapanood silang lahat na magkagulo. Mas maganda iyon. Less stress means slow aging.

"Can you support me?" biglang tanong ni Roisin kaya nakuha niya ang atensyon ko.

"Saan?" tipid kong tanong sa kaniya.

Tumingin siya akin habang ngumingiti. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa rosas nang makita ko siyang ngumuso.

"Kung magiging presidente ako?" Tanong niya sa akin.

Umiwas ako sa kaniya ng tingin. "Oo naman. Susuportahan kita pero hindi ko maipapangako na lagi akong kakampi sa'yo. Doon ako sa patas at tama," sagot ko sa kaniya.

Minsan kasi ay sumusuko na akong suportahan ang mga taong binigo ako.

Naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan nang biglang lumapat sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Inalis ko kasi ang jacket ko kanina dahil medyo tumaas ang klima kaya uminit ng konti. Hinaplos ko nang marahan ang aking braso. May pumatong na jacket sa aking balikat kaya napatingin ako rito.

Inilagay ni Roisin ang jacket niya sa akin. Hindi ko ito tinanggihan pa at hinayaan na lang ang Jacket niya na yumayakap sa katawan ko.

Tinatamad akong alisin sa bewang ko ang jacket ko. Itinali ko kasi ito sa bewang ko.

"Pinahanga mo ako lalo, Edraly," mahina ngunit may lambing sa boses na sabi niya.

Napataas ang kilay ko dahil sa kaniyang sinabi. "So, crush mo na ako niyan?"

Imbis na tumanggi siya sa akin ay sumang-ayon pa siya. Sumilay ang masaya niyang ngiti kaya napasimangot ako.

"Yes. I crush you. No, let me rephrase that, I love you, Edraly," he said and I saw how his eyes twinkled as a result of happiness.

Napasinghap ako at pagkatapos ay namilog ang mga mata ko dahil sa biglang napagtanto.

Now, I remember why he looks familiar! Siya yung lalaking nagsabi sa akin ng ‘I love you’ sa highway! Yung lalaking nakasakay sa magarang kotse na nakatapatan ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status