Kabanata 4
Pinuno ko ng hangin ang aking baga at hinabol ko ang aking paghinga dahil kinakapusan na ako ng hangin. Pagkahapo at paghabol hininga ang ginagawa ko habang nakayuko ako. Ang aking kamay ay nakahawak sa tuhod ko. May naramdaman akong humagod sa likod ko kaya tumayo agad ako ng tuwid.
"Hindi mo na ba kaya? Gusto mo na bang buhatin na kita?" May pag-aalala sa tono ng boses na tanong ni Roisin.
"Kaya ko pa!" Desidido na sagot ko.
Kayang kaya ko ito. Hindi ko ugaling sumuko. Ang lahat ng hirap ay alam kong may magandang kinakalabasan.
"Do you need water?" nag-aalala na tanong niya.
Umiling ako sa kaniya at pagkatapos ay tingnan ko siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin kaya panandalian akong natigilan sa paghinga. Bakit niya ipinapakita sa akin ang pag-aalala niya?
"May tubig ako," tanging sabi ko.
May nakatago akong tubig sa loob ng bag ko. Hindi ako hihingi sa kaniya. Inalis ko ang pagkakasabit ng isang strap ng bag sa aking balikat at pagkatapos ay binuksan ko ang zipper nito. Kinuha ko ang hindi pa nabubuksan na mineral water. Ininom ko ito at hindi ko na pinansin pa si Roisin.
Saglit kaming pinagpahinga ng tour guide dahil napansin niya na hirap na sa paglalakad ang mga kasama niya.
"Sabihin mo lang kung napapagod ka na. Nandito lang ako upang pas-anin ka kung nahihirapan ka na," may lambing na pagbibigay alam ni Roisin.
Tulad ng lagi kong ginagawa ay irap ang naging tugon ko sa kaniya. Pag hindi lambing ay pag-aalala ang ipinapakita niya.
"Kaya ko," tipid na sabi ko sa kaniya.
Nagsimula na akong lumakad at iniwan ko siya doon na nakatayo. Nagsilakad na din ang iba naming kasamahan.
Tahimik akong naglakad habang tinatanaw ang buong paligid. The view on the way was highly encouraging. Napapatigil ako tuwing nakakakita ng interesante na bagay.
Itinaas ko ang camera ko at kinuhanan ko ng picture ang hagdan-hagdang palayan. Maraming ganito sa northern Luzon, pero mas maganda at natural dito.
We are in the middle of the terraced hillside. It is planted with all sorts of vegetables and rice crops. The view was spectacular. It makes me breathless.
Simple man sa ibang tao ang ganitong kagandang view pero, sa katulad ko ay sobrang ganda nito. Mas gusto ko ang natural scenery ng kapaligiran kaysa sa mga man made katulad ng mga naglalakihang building at pasyalan sa metro.
Akala ko ay sa Bomod-ok falls lang ang magiging interesante sa paningin ko ngunit may magaganda pa pala na mga tanawin sa aming madadaanan. Pupunta kami sa Bomod-ok falls. Isa ito sa kilalang waterfalls sa Sagada.
Bomod-ok Falls is also called the Big Falls because, it is definitely bigger than Bokong Falls. Isa din itong sikat na talon sa Sagada na pinupuntahan din ng maraming turista.
Ang Bomod-ok falls ay nakatago sa isang malayong valley. It takes an hour to two to get there by foot from the main road. Sa nabasa kong isang blog ay sobrang lamig daw ng tubig dito. May dala akong damit ngunit hindi ko pa sigurado kung maliligo ako.
Nagyakag na ang tour guide namin at pinatuloy na ulit kami sa paglalakad kaya napatigil na ako sa pag-picture sa paligid.
The start of the trek was easy. The concrete path that leads to the falls is easy to walk on. Sa paglalakad namin ay hindi ako naiinip dahil namamangha ako sa magandang view ng mga terraces, hills, at valley. We also see a quick glimpse into their lifestyle in the community.
Sa daan ay napatunayan ko na sobrang laking hirap ang pinagdadaanan ng mga taong naninirahan sa pupuntahan naming baryo. Mas namangha ako nang makita ang mga local na naninirahan dito. May buhat silang rice sacks sa kanilang likod. Kahit na sobrang matarik ang daan ay kaya pa din nila itong buhatin. Sa daan ay may nakita din kaming mga bata na nagtatanim ng mga kamote at luya. May ilan ding bata na naglalaro sa paligid ng terraces. They are smiling at us. May nakita din kaming mga binatilyo na nagtatanim at kumakanta habang dumadaan kami sa kanilang tabi.
Nang mapagod ulit ay tumigil muna kami sa nadaanan naming small village. There are restrooms there and stores selling food and drinks. Hindi ako bumili pero si Roisin ay bumili ng mga pagkain. Nagbigay siya sa akin ng tinapay. Ayoko sanang tanggapin ngunit nang may nakita akong bata na nakatingin sa akin ay walang pagdadalawang isip na kinuha ko kay Roisin ang tinapay at ibinigay ko ito sa bata. Nagpasalamat siya kaya mas natuwa ako.
Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad at inaalalayan na ako ni Roisin dahil nakita na niya kong nahihirapan. Hindi ko na siya sinuway dahil kailangan ko na talaga ng tulong.
After the long walk, we had our first glimpse of the mighty waterfall. It's such a wonderful waterfall. Sobrang taas kaya sobrang lakas ng pressure ng pagtama ng tubig nito sa pinaka-basin. Kontentong ngiti na may pagkamangha ang unang sumilay sa aking mukha sa kagandahan ng paligid. Malawak ang paliguan kaya kung natatakot kang pumunta sa pinaka-pinagbabagsakan ng tubig ay pwede kang magtungo sa malayo. May ilang waterfalls na maliit sa ibang parte. I did not plan on swimming at the water but it was so inviting.
Lumapit ako sa paliguan. Naramdaman ko na sumunod sa akin si Roisin pero pinabayaan ko siya at hindi sinuway. Nag-squat ako upang abutin ang tubig. Inilagay ko ang kamay ko sa tubig kaya naramdaman ko ang temperatura nito. The water was extremely cold, I knew that soaking in it would be the most refreshing part of the trip.
Hindi na ako nagdalawang isip na umupo sa batong malaki. Napansin ko din na ginaya ako ni Roisin. Tumabi siya sa akin. Nanatili akong nakatingala sa mataas na talon habang nakangiti. Magiging sapat na sa akin na pagmasdan na lang ang kagandahan nito.
"Hindi ka ba maliligo?" tanong niya sa akin.
"Kung magsu-swimming ka ay sasama ako," dagdag niya pa.
"So, nakasalalay sa akin ang desisyon mo?" mahina kong tanong habang hindi inaalis ang tingin sa talon.
I'm so exhausted but seeing this wonderful creation of God makes me relax. Nawawala na ang pagod na nararamdaman ko.
"Yes. I will give you the privilege to decide for myself," may hinahon ang kaniyang boses habang sinasabi iyon.
"Sige. Maglalangoy ako tapos ikaw magpapakalunod ka, ha?" biro kong sabi sa kaniya.
Nakakalokong ngiti ang ipinaskil ko sa aking mukha bago ko siya tingnan. Pansin ko ang pagkunot ng noo niya ngunit bahagya din siyang nakanguso.
"No. Hindi na ako lalangoy." Pagbabago ng isip niya. Nakita ko na itinaas niya ang kamay niya at kinamot niya ang kaniyang batok.
"Akala ko ba ay bibigyan mo ako ng karapatan na magdesisyon para sa gagawin mo?" tanong ko habang natatawa.
"Pero hindi ang pagpapakamatay," alintana niya kaya mas lalong lumakas ang tawa ko.
Hindi ko alam pero ngayon ay natatawa ako sa kaniya. Himala iyong maituturing. Siguro ay may mahika ang talon na ito?
"Joke lang naman iyon," sabi ko at pagkatapos ay tumingin ulit ako sa talon.
Nakapagbiro pa ako sa kaniya. Is this my first time to make fun of him?
Natahimik kami ng ilang minuto. Ang aking isip ay unti-unting napuno ng mga plano at problema sa buhay habang pinagmamasdan ang nakaka-relax na tanawin.
"Minsan pag nahihirapan na ako gusto ko na lang maglaho sa mundo," biglang sabi ko. Dapat ay sa isip ko lang iyon sasabihin ngunit naisatinig ko iyon.
Napansin ko sa peripherals vision ko na napalingon siya sa akin. "Why? Oh, Edraly, Don't you ever think of doing suicide."
Napatawa ako ngunit sobrang hina lang. Iling at pagnguso ang ginawa ko bago ako magsalita.
"Ang advance mo namang mag-isip. Hindi iyon ang tinutukoy ko," sabi ko.
"And what is it? What are you thinking? Kindly elaborate it," aniya habang pinagmamasdan ako.
"Maglaho na parang bula. Yung feeling na katulad ng sa magic. Pag nahihirapan ka na sa mga problema mo at ikukumpas mo lang ang kamay mo then, Taraannnn! Naglaho ka na at pumunta sa kabilang mundo para magbakasyon at takasan ang problema mo," paliwanag ko sa kaniya habang sinasabi iyon ay ikinukumpas ko ang aking kamay.
"Ah, I got it. Gusto mo ba iyon?" tanong niya sa akin kaya agad akong tumango.
"Oo, pero impossible," sagot ko sa kaniya at pagkatapos ay lumabas sa aking bibig ang malalim na pagbuntong hininga.
"Walang may magic," sambit niya kaya natawa ako.
Hindi ko naman sinabing merong magic ang tao. What if lang iyon.
"Wala nga kaya hindi mangyayari ang gusto ko," sabi ko sa kaniya. Umiling ako nang marahan habang yumuyuko.
Isinawsaw ko ang aking kamay sa tubig at banayad kong inikot ang kamay ko. Nilaro ko ang malamig na tubig ka nagkaroon ito ng maliit na waves.
"Nahihirapan ka na ba sa buhay mo?" Tanong niya sa akin.
Panandalian akong tumingin sa kaniya at nagkibit balikat. Bumuntong hininga muna ako bago ko ibinalik sa tubig ang atensyon ko.
"Hindi naman masyado. Marami naman talagang problema sa buhay kaya kahit ayaw mo na ay kailangang mong maging matatag," paliwanag ko sa kaniya. Itinigil ko ang paglalaro sa tubig.
"Ano bang mga problema mo?" May kuryosidad na tanong niya sa akin.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa kaniyang itinanong. Kalaunan ay napagpasyahan kong sabihin sa kaniya ang mga tumatakbo sa isip ko.
"Tungkol sa pamilya ko. Alam ko naman na bilang anak ay responsibilidad ko na buhayin sila pero parang naiisip ko na hindi na tama," sambit ko at pagkatapos ay sumilay sa aking mukha ang malungkot na ngiti.
"Why? Bakit mo nasabi na hindi na tama?" magkasunod niyang tanong sa akin.
"Sa akin na kasi umaasa ang lahat. Si Mama kasi ay lasinggera. Hindi ko alam pero simula bata pa ako ay ganoon na siya. Anak niya ako sa pagkadalaga. Nag-asawa siya noong sampong taong gulang na ako. Ang naging step dad ko ay may anak na tatlong babae. May maayos naman na trabaho ang step dad ko dati kaya nakatungtong ako ng College. Ang kaso nga lang ay napatigil din dahil natanggal si Dad sa kompanya na pinagtatrabahuhan niya. Nagnakaw kasi nang malaking halaga. Nakulong siya kaya wala kaming nagawa ni Mama kundi ang magtrabaho. Nineteen years old ako nang magsimula akong mamulat sa katotohanan na hindi lahat ng bagay ay madaling makuha. Hindi mabilis kumita ng pera." Kwento ko sa kaniya. Napatigil ako ng panandalian dahil naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko.
"Ilang buwan lang nagtrabaho si Mama dahil nagkaroon siya ng sakit dahil sa kakainom ng alak. Ako ang naging bread winner ng pamilya. Umaasa sa akin ang tatlong anak ni Dad at ako ang napaaral sa kanila."
"Marami akong trabaho na pinagtiisan. Halos sa BPO company ako laging nag-aapply. Lahat ng pinagtrabahuhan ko ay sa pamilya ko ibinibigay. Nakapagtapos na ng pag-aaral ang mga anak ni Dad dahil sa tulong ko. Ang kaso nga lang ay isa lang ang nagtrabaho ngayon. Ako pa rin ang bumubuhay sa kanilang lahat. Nagbibigay naman ang isa nilang kapatid pero paminsan-minsan lang. Nakalaya si Dad noong isang taon at wala naman siyang ginawa kundi ang maging tambay. Lulong din siya sa sugal." Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mata ko. Tumingala ako upang pigilan ang luha na gustong pumatak.
Nakakatawa lang dahil hindi ko masabi sa kaibigan ko ang tungkol sa hinaing ko sa buhay ngunit sa isang estranghero ay madali ko itong nasabi.
"Nakakapagod na dahil ako na lang lagi. Gusto kong magreklamo pero hindi ko magawa dahil takot akong masabihan na walang utang na loob. Sila kasi ang bumuhay sa akin at nagbigay ng mga bagay bagay na kailangan ko noong maliit pa lang ako," pagpapatuloy ko sa mga gusto ko pang sabihin.
Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga kaya naman nakuha niya ang atensyon ko. Nang magtama ang tingin namin ay nakita ko ang malamlam niyang mga mata.
"Edraly, obligasyon naman talaga ng magulang ang gawin iyon kaya hindi ka nila pwedeng sabihan na wala kang utang na loob. It's a parents obligation and responsibilities to take care of you," makahulugan niyang sabi kaya mabagal akong tumango.
"Alam ko. Nagpapasalamat pa nga ako kay Mama kasi binuhay niya pa ako," makahulugan kong sabi.
Matapos kong sabihin iyon ay hindi na ako nagsalita pa. Pinagmamasdan ko na lang ang magandang tanawin na nasa aming harapan. Hindi niya na rin ako inimikan kaya naging tahimik ang paligid namin. Tanging ingay na lang sa talon at sa ibang tao ang aming naririnig.
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil nasabi ko sa kaniya ang dinadala kong sama ng loob.
Kabanata 5 "Pst! Roisin," pagtawag ko sa atensyon ni Roisin. Walang lumabas sa tent na nirentahan niya kaya muli ko siyang tinawag. Kakapasok ko pa lang sa tent ko kanina ngunit wala pang sampong minuto ay lumabas agad ako. Bigla akong nakaramdam mag-cr. Ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko. Kanina noong naghapunan kami ay ilang beses akong kinulit ni Roisin na kumain ng laing. Hindi ako mahilig sa pagkain na iyon dahil ayoko sa gabi. May allergy din ako sa gabi at kahit na anong luto doon ay hindi ako kumakain. Hindi niya ako napilit sa gusto niya. Iba ang pinili ko. Ginataang papaya na may manok ang kinain ko kanina. Napadami ang kain ko dahil sarap na sarap ako sa ulam. Nakakapanlumo lang sapagkat hindi yata kinaya ng tiyan ko ang gata. Masama nga ang sobra. Muli kong tinawagan si Roisin. Hindi pa rin siya lumabas kaya yumuko ako at sinimot ko ang maliit na bato na nasa lupa. Itinaas ko ang kamay ko at pagkatapos ay bumwelo ako sa paghahagis. Bumilang ako hanggang tatlo at ibinat
Kabanata 6Ang aking atensyon ay napalipat kay Eunice Faye nang marinig ko ang boses niya. Itinikom ko ang bibig ko at ibinaba ko ang pop corn na isusubo ko sana."Edraly, naging maganda ba ang bakasyon mo?" tanong niya. Pansin ko ang magaan niyang ngiti."Ayos lang pero may nakasama akong baliw," sagot ko sa kaniya kaya nakuha ko ang buong atensyon niya.Lumapit siya sa akin habang ang kaniyang mata ay bahagyang nanlalaki. Hinawakan niya ako sa braso at nakita ko ang pasimple niyang pagtingin sa kabuuan ko."Ano? Sinaktan ka ba?" tanong niya. Halata sa boses niya ang pag-aalala sa akin.Umiling ako at bahagyang natawa. "Hindi naman, Eunice Faye. Sumunod lang sa akin.""Sumunod lang sa'yo? Sabi mo ay baliw iyon? Hindi ka ba natakot na baka saktan ka noon? Dapat ay ipinapulis mo para sila na ang magdala sa mental," nakatingin siya nang mariin sa akin habang sinasabi niya iyon.Sumilay sa aking mukha ang ngiti. Nag-aalala talaga siya sa akin. "Hindi naman nananakit. Medyo masaya din nam
Kabanata 7"Edraly, how's your weekday?" I smiled at my coach when our eyes met."Work lang, coach," sagot ko sa kaniya habang sinisiklop ang mga buhok ko. I started to stretch my hair tie and then I put my hair into bun."So, are you ready to burn some fats?" tanong niya sa akin. Tumingin siya sa salamin at tiningnan niya ang kaniyang sarili.Hinawi niya ang buhok niya at pagkatapos ay inilagay niya ang kaniyang daliri sa ilalim ng baba niya. Nag-pogi sign siya sa harap nito kaya ako ay napatawa."Sexy na ako pero marami akong nakain this past few days kaya kailangan kong magpapawis," pahayag ko sa kaniya.Tumagilid ako at tiningnan ko ang repleksyon ko sa mirror wall. Pansin ko ang may kagandahang hubog ng katawan ko. Noong naligo ako ay napansin ko ang pagbilog ng tiyan ko. Ayokong magkaroon ng baby fats sa tiyan kaya kailangan ko na agad solusyunan iyon."Okay. Kaya mo na naman mag-isa, diba? May bago akong ite-train. Magandang babae," wika niya at sabay kaming napatawa."Ligawan
Kabanata 8It's Sunday. There are so many people in the beach, since it's weekends, It is definitely their family day or restday. Ini-enjoy nila ang kanilang oras kasama ang mga mahal nila sa buhay.Walang imik at kalmado akong nakaupo sa isang beach chair. Pinagmamasdan ko ang buong paligid. Tirik na tirik pa ang araw ngunit hindi ko alintana ang init dahil nakasilong ako sa isang umbrella hut. Nasasangga nito ang init na dapat ay tatama sa akin.I'm alone, and I like it very much. May pinuntahan ang iba kong kasamahan, sa souvenir shops na nasa tabi ng entrance ng hotel. Hindi na ako sumama dahil tinatamad akong maglakad at gusto kong mapag-isa.Kanina pang alas-dos natapos ang activity sa Team Building at napagdesisyunan kong magpahinga sa dalampasigan. It's incredibly relaxing.Blue sky, and blue sea. White sand, and white clouds. Staring at these things puts me at ease."Sana laging ganito. Always at peace," mababa ang tono ng boses na sabi ko sa sarili.Sa ilang oras kong pagtit
Kabanata 9Hindi pa nakakalayo ang lalaki kaya naman naabutan agad namin siya. Tinawag ko siya at humingi ako ng despensa."Kuya, I'm sorry for being rude. Payag na po kaming maging model," pagbibigay alam ko sa kaniya.Nakita ko kung paano lumawak ang pagkakangiti niya. "Talaga? Salamat. Wala kasi akong pambayad sa model kaya naghahanap ako ng taong pasok sa taste ko bilang model. Saktong nakita ko kayong dalawa. Sobrang ganda mo at sobrang gwapo niya. Kita ko ang Chemistry sa inyo kaya akala ko ay mag-asawa kayo," paliwanag niya kaya napangiwi ako.Chemistry? Paano nagkaroon ng Chemistry sa pagitan namin, ni-hindi nga kami sweet. Hello, nag-aaway kaya kami kanina kaya paano nagkaroon ng Chemistry?"Hindi po kami mag-asawa," pagtanggi ko sa kaniya.Napansin ko na napangiwi siya at pagkatapos ay mahinang siyang tumawa na tila ba nahihiya."Sorry, akala ko kasi kayo," sambit niya. Tumango na lang ako sa kaniya at tipid na ngumiti.Walang kami..."Para saan po ba ang photoshoot?" tanong
Kabanata 10I'm enjoying my own company while window shopping at the little Seaside Shops. Being alone is what I like. Minsan tuwing nalulungkot ay mas mabuting mapag-isa muna para makapag-isip isip.Maganda ang mga beach resorts dito. For me, Palawan is the best Island in the Philippines. There are a lot of beautiful places here. Some places are quaint and fun to explore. If you want to unwind by yourself, you can do that here.Nakatambay ako kanina sa dalampasigan ngunit nang dumami ang mga tao sa paligid ko ay napagpasyahan ko kanina na maglakadlakad.Pumunta ako sa tagong bahagi ng resort at doon ko lang nalaman na may mga kabahayan pala doon. In the side of the seashore, there's a bunch of little stores set up along the beach.May mga souvenirs, t-shirts, at pagkain kang makikita. May ilan ding mga seashells na decorations ang ipinagbebenta.Ngayon ko lang nalaman na may ganito dito. Kakaunti ang mga tao, siguro ay hindi rin alam ng iba na may mga stores din dito. Akala nila sigu
Kabanata 11"Kung mamahalin mo naman ako ay gagawin ko ang lahat para sa'yo. Magbabago ako. Hindi na ako mambababae. Ikaw na lang ang mas pagtutuunan ko ng pansin," mahaba niyang sabi sa akin kaya kahit nahihilo ng konti ay tumingin ako sa kaniya."Sigurado ka ba?" Mahinang tanong ko sa kaniya.Nakita ko ang pagngiti niya at narinig ang mahinang pagtawa niya. Marahan niyang itinaas baba ang kaniyang ulo bilang pagsang-ayon."Kung bibigyan mo ako nang pagkakataon na alagaan at mahalin ka. Sisiguraduhin ko na ikaw lang ang iibigin ko, Edraly," muling pagbibigay niya sa akin ng matatamis na salita.Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Lumapit siya ng kaunti sa akin at ramdam ko ang masuyo niyang paghaplos sa pisngi ko."Ròisìn," tipid na tawag ko sa kaniya. Napalunok ako ng laway dahil parang nakaramdam ako ng pagkauhaw.Ilang beses niyang hinaplos ang aking pisngi. Nakaramdam ako ng pagkahilo at may kakaibang init akong naramdaman sa bawat pagdampi ng balat niya sa katawan ko
Kabanata 12Sa pagmulat pa lang ng aking mga mata ay hindi pamilyar na kwarto na ang aking nakita. Nabundol ng kaba ang puso ko dahil sa pagkataranta. Hindi na ako nakapagkusot pa ng mga mata at hinigit ko na agad ang comforter upang ibalot sa aking hubad na katawan. Nanlalaki ang mga mata na tumingin ako sa paligid at mas lalo akong hindi mapakali nang makita ko si Ròisìn na nakahiga sa tabi ko.He's also naked!Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko habang hinahanap ang mga damit ko. Nang makita ko ito sa sahig ay agad akong nagbihis ng damit. Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman ko ang pagkirot ng pagkababae ko.I'm not stupid! I know what happened! Mas lalong naging malinaw ang nangyari dahil ramdam ko ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko.Nang matapos akong magbihis ay binigyan ko nang matalim na tingin ang natutulog na lalaki. Unti-unting napuno ng galit at inis ang puso ko.Hindi ko matandaan ang lahat ng nangyari kagabi ngunit isa lang ang malinaw sa akin. He