Share

KABANATA 4

Follow

“You should go back to your room. I’ll handle this,” malamig na sabi ni Mr. Salazar nang hindi ako tinitignan.

His movement was swift, and he was already in front of me, sweeping the broken pieces of plates and glass. Kinagat ko ang labi ko at hindi iyon nakatakas nang mag-angat ng tingin sa akin si Mr. Salazar. He licked his rosy lips while looking at my lips. But he immediately cleared his throat, looked away, and continued what he was doing.

Lumuhod ako at aambang kunin na sana iyong malaking piraso ng bubog but Mr. Salazar was quick to move it away from my reach. “Stop…” aniya. “I told you to just go back to your room and let me handle this,” ulit niya na may halong inis na sa tono niya.

“Pero kasalanan ko po ito, Mr. Salazar,” matigas kong sabi at mariin siyang tinignan habang nakaluhod pa rin. “Ako na po rito. Pasensya na…” dagdag ko.

Nawala ang atensyon ko sa usapan namin nang marinig ko ang marahang tunog ng stilettos mula sa likod ko.

“Evander…” Isang marahan pero sabik na sabik na boses ang narinig ko mula sa likod ko. I refused to look at the woman behind me. “You should let your maid do that since it’s her fault in the first place. Let’s go back to our business, Evander…” Halos kilabutan ako sa paraan niya ng pagtawag sa pangalan ni Mr. Salazar.

Agad akong napatingin kay Mr. Salazar nang maramdaman ko ang matigas niyang braso na marahang pumulupot sa aking baywang at inangat ako mula sa pagkakaluhod. My hand accidentally rested on his chest which made him look at me. Mabilis ko ‘yong tinanggal at lumayo sa kaniya at umayos nang tayo.

Mabilis ko ring kinuha mula sa kaniya iyong walis at dustpan na siyang ikinagulat niya. “Ako na po rito, Sir…” marahan kong sabi bago tumungo at ipagpatuloy ‘yong sinimulang gawin ni Mr. Salazar.

I heard him walk past me, towards the woman behind me.

“It’s best if you should just go home, Heidi.” Rinig kong sabi ni Mr. Salazar sa babae.

Mukhang hindi niya ‘yon girlfriend, fiancée, or asawa. Dahil kung isa siya sa tatlo ay hindi siya basta basta pauuwiin ni Mr. Salazar sa ganitong oras. Pero hindi ko rin sigurado. Baka naman girlfriend niya talaga, pero hindi niya lang gustong patirahin kasama rito kasama niya.

I refused to listen more to what they were talking about and just continued cleaning the mess. Pero dahil malapit lang sila sa akin ay hindi ko maiwasang madinig ang pinag-uusapan nila.

“But we didn’t finish earlier because of your damn maid. I’m still turned on, Evander…” I quietly sighed when I heard what she said. Umiiling iling kong tinapos ang pagwawalis at aalis na sana para itapon ‘yong mga bubog nang makita ko ang kamay ni Mr. Salazar na nakaturo sa akin.

“Stay right here, Miss Alquiza,” aniya na siyang nagpatigil sa akin agad. “She’s not my maid, Heidi. You should go home. I’ll let my driver know so you can go home safely,” ani Mr. Salazar sa babae bago siya tinalikuran at bumalik sa harap ko.

I heard the woman cursed so I looked at her. Kitang kita ko ang iritado niyang mga matang nakatingin sa akin at kulang na lang ay patayin ako sa titig. She turned her back on us and immediately left. Mr. Salazar moved, blocking me from looking at the women more. Umangat at tingin ko sa kaniyang mga mat ana madilim na naman ang titig sa akin. He was towering over me.

“Pasensya na po kung naistorbo ko kayo ng… uh… girlfriend niyo,” sabi ko at iniiwas ang aking tingin.

“She’s not my girlfriend, Miss Alquiza,” he said, denying.

I licked my lips and nodded. May kakaibang kaba na naman akong nararamdaman ngayong nasa harap ko siya at sobrang lapit niya, kaya kahit subukan kong hindi na lang ‘yon pansinin ay hindi ko magawa. He’s making me feel things I can’t even name.

Suddenly, I felt his hand brushed mine as he took the broomstick, the dustpan, and the tray from me. Nagtindigan ang balahibo ko dahil doon. I closed my eyes and licked my lips again as I took a deep breath, calming myself down.

“Stop licking your lips,” Mr. Salazar said which made me look at him, confused. Nangunot ang noo ko habang tinitignan siya. “Go back to your room,” he said in a very authoritative tone and with firm finality.

Sa takot ay tumango na lang ako. Umalis siya sa harapan ko papunta sa loob ng kitchen para siguro itapon iyong mga bubog sa basurahan. Muli akong bumuntong hininga bago bumalik sa guestroom.

Humiga ako sa kama at agad nakaramdam ng antok nang maramdaman ang lambot noon. I covered my eyes with my arms as I felt myself dozing into sleep.

“I… lo… ve … yo… u, mija…” I heard the mother say to her daughter.

The other person who was with them was no longer breathing. I could only hear the mother gasping for air and the child crying in pain and misery while calling her mother. Dinig ko rin ang pagyugyog ng batang umiiyak sa balikat ng kaniyang ina.

“Mommy… Mommy… no… please…” The child cried more.

Suddenly, I felt a stabbing pain in my stomach. It was painful and scary. The child was no longer crying. She’s already gasping for air and her mother was no longer breathing.

I felt a hot blood when I touched my stomach and I realized that it was actually me gasping for air. I got stabbed. I opened my eyes and I saw my hands covered in blood. I screamed while I gasped for air.

Then I heard someone laughing.

I was sweating again when I opened my eyes. Umupo ako sa kama. I held my throbbing head as well as my chest. Huminga ako nang malalim habang pinapakalma ang sarili. I wiped my face and noticed that there tears under my eyes. I was… crying.

It was that nightmare again. But I couldn’t remember what happened at the last part. Hindi ko alam kung bakit ba ako binabangungot ng ganoon. I tried aligning my nightmare with my childhood, but they don’t match. My family abandoned me. They are alive somewhere. They left me. They weren’t… killed.

Nawala ako sa aking iniisip nang marinig ang marahang katok mula sa pinto ng guestroom kung nasaan ako.

“Saglit lang po!” sagot ko at mabilis na umalis ng kama ay inayos ‘yon.

Inayos ko rin ang sarili ko bago binuksan ang pinto ng guestroom. Isang matandang babae ang bumungad sa akin na nakasuot ng uniporme na pang-kasambahay. Siya siguro ang maid ni Mr. Salazar.

“Magandang umaga, iha. Ibinilin ka sa akin ni Evarius bago siya umalis para pumunta sa trabaho. Kumain ka raw muna ng umagahan bago pumasok sa trabaho mo. May inihanda rin akong damit na susuotin mo,” sunod-sunod niyang sabi.

Halata rin sa kaniya na hindi niya ako gusto dahil sa lamig ng tono ng pananalita niya. Mabilis niya akong tinalikuran kaya agad akong sumunod sa kaniya pagkasarado ng pinto ng guestroom.

“Ito ang pagkain mo,” aniya pagkaupong pagkaupo ko sa hapag.

“Salamat po,” sagot ko.

Nagsimula na akong kumain at hindi na lang pinansin ang mga titig sa akin ng mga kasambahay na naroon din sa dining room at nag-aayos ng mga pagkain. Hindi ko na lang din pinansin ang mga bulungan nila kahit naririnig ko.

“Bagong waitress daw ‘yan sa bar ni Sir. Evarius.”

“Wala raw yatang matuluyan kagabi kaya pinatuloy raw muna rito ni Sir.”

Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa guestroom dahil sabi noong head maid ay na nakahanda na raw ang damit ko at mga gamit ko. Mabilis naman akong naligo dahil halata sa head maid na pinagmamadali niya ako kanina noong nakain pa lang ako. Tanong siya nang tanong kung tapos na raw ba ‘ko.

I put on my clothes, and I noticed that every piece I’m wearing is expensive. Maging ang bag na ipinalit sa luma kong bag ay halatang mamahalin. Naroon ang lahat ng gamit ko at wala naman kulang o labis sa loob.

May gamit din doon na para raw sa akin at napansin ko na makeup kit iyon na galing sa isang mamahaling brand. Inilagay ko ‘yon sa bag ko pati na rin ‘yong bagong cellphone na naka-box pa na para rin daw sa akin.

Pinag-isipan ko pa ‘yon kanina at matagal akong nakatitig sa mga gamit na ‘yon bago ako nagpasyang kunin na. Mukhang utos din naman ni Mr. Salazar na ibigay talaga ‘yon sa akin dahil kailangan ko sa trabaho. It’s not like he gave it to me for free. Dahil magtatrabaho naman ako para sa kaniya.

The last thing I took is my uniform for my job at The Antares E. Hindi ko na ‘yon napasadahan ng tingin at sukat dahil may kumatok na agad sa pinto ng guestroom. I assumed that it was the head maid again and I wasn’t wrong.

Lumabas ako ng k’warto at sumunod sa kaniya hanggang sa makalabas kami ng penthouse ni Mr. Salazar.

“May kotseng nag-iintay sa ‘yo sa baba sa labas ng building, ihahatid ka noon papunta sa trabaho mo,” huling bilin noong head maid.

“Maraming salamat po.” Tumungo ako at hindi pa man ako nakakaangat ng tingin ay pinagsaraduhan na agad niya ako ng pinto.

Ngumuso ako at umalis na roon.

“Miss Alquiza,” bungad sa akin noong driver ni Mr. Salazar na nakita ko kagabi.

Binuksan niya ang pinto ng passenger seat at pumasok na ako sa loob at isinarado niya agad ‘yon. He went to the driver’s seat and started the engine.

Nang makarating kami at makapasok sa parking ay may nag-iintay rin sa akin doon. Ngumiti sa akin ang babae at lumapit.

“Binilan ka sa akin ni Mr. Salazar. Chantria, tama? I’m Heena, head waitress ng The Antares E. I’ll be the one to train you and supervise your work. Let’s go muna sa office para mapag-usapan ang magiging trabaho mo,” she instructed.

Tumango ako bago sumagot, “Nice to meet you po, Ma’am.” Ngumiti siyang muli sa akin bago kami pumasok ng elevator ng parking lot.

Mabuti na lang at mukhang mabait si Ma’am Heena kaya kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag hanggang sa makarating kami ng office niya. Pinaupo niya ako sa mahabang couch at umupo siya sa single couch sa gilid ko.

May kahanda sa coffee table sa tapat namin na dalawang kape at kinuha niya iyong isa at uminom doon nang marahan bago muling nilapag ang tasa at ngumiti sa akin. Then she explained to me the things I need to remember and consider about my work.

“You are a waitress, so if someone asks you to escort him or her, you have all the right to decline. Ang waitress ay hindi p’wedeng maging escort. Iba ang uniform natin sa uniform ng mga escorts, pero mayroon talagang mga customer na kahit waitress ay gusto silang gawing escort,” paliwanag niya.

Sinabi niya sa akin na ang trabahong gagawin ko muna ay ang paghahalo ng mga drinks. Hindi pa ako p’wedeng sumabak sa pagtanggap ng order at kailangan ko raw munang matutunan ‘yong mga basic works na ginagawa ng mga waitress at waiter.

Nabanggit din ni Ma’am Heena na hindi madalas pumunta si Mr. Salazar sa bar kaya ang usually na nago-oversee ng bar ay ang management under Mr. Salazar. Bawat department ay may mga head din. From utility to management. Maging ang waitressing, waitering, and escorting ay may kani-kaniyang department. Namangha ako sa ganoong sistema ng bar ni Mr. Salazar dahil talagang organize at hindi nakakalito.

Nang matapos niya akong i-orient ay pumunta muna ako sa locker room para magpalit ng uniform ko at mag-ayos ng sarili. Hindi ko pa ginamit ‘yong makeup dahil hindi pa ako marunong pero nagpulbos ako at nagpabango bago lumabas. Pagkatapos ay pumunta na kami sa mismong bar at kahit umaga pa lang ay marami na ring tao. Halata sa mga tindig at pananamit pa lang nila na sobrang yayaman at mga kilala silang tao kaya hindi ko na naman napigilan ang sariling mamangha.

I don’t know but I could feel some eyes on me. Binalot ako ng kaba kaya mas lalo akong dumikit kay Ma’am Heena na agad naman ‘yong nahalata. I heard her chuckled as she reached for my trembling wrist.

“You’re just new and yet agaw pansin na agad ang ganda sa mga customers,” aniya na siyang pinagtaka ko.

“P-Po?” nauutal kong sambit dahil sa kaba.

Muli siyang tumawa nang mahina at dinala ako sa likod ng bar counter kung saan nandoon ang iba’t ibang klase ng mga mamahaling alak at kung ano-ano pa.

“Ladies, this is Chantria, our new waitress,” pagpapakilala sa akin ni Ma’am Heena sa dalawang waitress din na naroon at busy sa paghahalo ng mga drinks. They immediately looked at us… or me and smiled. “Chantria, these are Tessa and Dina. Mag-iisang taon na silang nagtatrabaho rito kaya marami kang matututunan sa kanila,” ani Ma’am Heena.

“Hello!” bati noong Dina. Ngumiti ako at nahihiyang kumaway sa kaniya.

“Hi, Chantria. Nice to meet you.” Si Tessa na agad lumapit sa akin at ngumiti.

“Nice to meet you,” bati ko sa kanilang dalawa.

“They will be the ones to teach you kung paano maghalo ng drinks. Good luck,” Ma’am Heena said before she left me with Tessa and Dina.

Mabilis silang kumilos kaya pagkaalis na pagkaalis pa lang ni Ma’am Heena ay agad na nila akong tinuruan kung paano maghalo ng drinks. Madali lang pala talaga ‘yon kahit noong una ay nahihirapan pa ako, pero dahil magaling silang magturo ay mabilis naman akong natuto. They even commended me, saying that I am a fast learner.

Nang may mga nag-order na ng alak ay si Tessa na lang ang natirang magturo sa akin dahil si Dina na ang humarap sa mga customers.

At nang magdagsaan ang mga customers sa harap ay agad akong nataranta. Humarap na rin sa kanila si Tessa kaya ako na lang ang natira sa likod nila. Pinapanood silang i-entertain ang orders ng mga customers.

“Hey,” tawag sa akin noong isang customer. “I’d like to order, please…” aniya sa matigas ng Ingles.

“Uh… I’m sorry, Sir, but I’m not allowed to entertain orders yet. I’m still new and learning so…” sabi ko at abot abot na ang tahip ng puso ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman.

“Come on. It’s easy. I’ll order a drink that won’t need mixing, so you won’t get a hard time.” He smiled at me, and I knew immediately his intentions were.

Pero dahil customer siya at mas mataas na tao kumpara sa akin, sumunod ako.

“What drink would you like to order, Sir?” tanong ko na may buong galang.

He leaned on the counter so he’s just inches away from me right now.

“Would you like to escort me instead, hmm? Malaki ako mag-tip–”

“Excuse me.” The customer was cut off by the sudden appearance of Mr. Salazar which shocked everyone near the counter. “She’s not allowed to escort anyone. She’s a waitress and she’s still training,” sabi niya roon sa customer na nagulat naman nang makita siya.

“Uh… Mr. Salazar!” tawag noong customer sa natatawa pero kinakabahang boses. “Right. I wasn’t aware. I’m sorry,” paghingi niya ng paumanhin kay Mr. Salazar bago lumingon muli sa akin. “I’m sorry, Miss…” aniya. Tumango ako agad, takot na baka magkagulo sa unang araw ko sa trabaho.

Umalis na roon ang customer at natapos na rin mag-entertain ng orders sina Tessa at Dina pero nanatiling nakatayo roon si Mr. Salazar at nakatingin sa akin. Sa sobrang kaba ko ay umiwas na lang at ng tingin, pero hindi pa rin natitinag ang mga titig sa akin ni Mr. Salazar. People are watching him watch me and I couldn’t help but feel nervous and scared more.

“Miss Alquiza…” tawag niya sa akin.

“Yes, Sir?” agad kong tugon at tumingin ulit sa kaniya.

“Follow me,” he said coldly, before turning his back on us and started walking away.

I was stunned for a second that Tessa had to push me so I could go back to my senses.

“Bilisan mo! Nakakatakot ‘yan si Sir at ayaw niya sa mga mababagal kumilos. Bilis!” aniya nang natataranta kaya naalarma ako at agad na umalis doon para sundan si Mr. Salazar.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status