Share

KABANATA 1

The Antares E

“Cha, hija, ikaw na magsarado ng karenderya pagkatapos mo mag-imis, ha? Iniwan ko r’yan sa may mesa ang susi,” paalala sa akin ni Aling Nora, ang may-ari ng karenderya kung saan ako nagtatrabaho.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango bago sumagot, “Ako na po ang bahala rito. Aagahan ko na rin po ang dating bukas para maihanda ko na rin po mga gagamitin ninyo,” masigla kong sagot na ikinangiti naman ni Aling Nora.

“O s’ya, ako ay uuna na at ‘yong anak ko ay kanina pang tawag nang tawag sa akin. Huwag mong kakalimutan ikandado ang pinto ng apartment na pinauupahan ko sa ‘yo pagkauwi mo, ha?” bilin niya pa.

“Opo!” sagot ko at umalis na siya pagkatapos noon.

Mabilis kong tinapos ang paglilinis ng kainan at isinarado ‘yon at ikinandado na rin. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina para maghugas ng mga plato. Sobrang dami noon kaya inabot ako ng halos isang oras bago matapos lahat. At nang makumpirma kong ayos na ang lahat ay hindi na ako nag-atubiling lumabas sa may likod at ni-lock na rin ang pinto pagkalabas ko.

Mag-aalas dose na ng hatinggabi kaya naman sobrang dilim at tahimik sa lugar. Palinga-linga pa ako sa paligid dahil baka biglang may sumulpot na kung sino at pagtangkaan ang buhay ko. Ang hirap pa man din dahil bago pa lang ako sa trabaho at kailangan kong makaipon ng pera para bayaran ang utang ng mga magulang ko.

Malalim ang buntong hininga ko nang makalagpas sa madilim na iskinita. Matagal na akong namumuhay mag-isa pero hindi pa rin talaga mawala ang takot sa akin kapag dumadaan sa mga ganitong klase ng lugar. Matapang lang siguro ako kapag tinatakbuhan na ang mga inutangan ng mga magulang ko ng pera.

Simula bata pa lang ako ay mag-isa na ako. Tumakas pa ako sa bahay ampunan noon dahil hindi ko gusto ang trato nila sa mga kagaya ko. Wala ring sumama sa akin sa pagtakas dahil mas ginusto na lang nilang maalipusta basta may makain at matulugan. Para sa akin ay mas gusto ko pa ang mag-isa at maging batang kalye kaysa ang ganoon. Ayaw na ayaw kong inaalipusta ako at kahit bata pa lang ako noon ay nilalabanan ko talaga sila kapag alam kong dehado na ‘ko.

Buong buhay ko nakatira ako sa kalsada at noon lang na maglabing limang gulang ako na may kumupkop sa akin at pinagtrabaho ako. Si Aling Nora ‘yon. Pinatira niya ako sa apartment niya at ang bayad ko roon ay ang pagtatrabaho sa karenderya niya. At pinapasahod niya rin ako kahit kaunti para makaipon ako at mabayaran ko ang inutang ng mga gulang ko sa isang group ng mga loan sharks.

I was abandoned by my parents and brother. At siguro naging trauma sa akin ‘yon kaya hindi ko na rin naaalala ang mga mukha nila pati ng kapatid ko. Siguro dahil sa galit ko sa ginawa nila sa akin ay pati mga itsura nila ay nakalimutan ko.

Nakarating ako sa apartment ko at agad kong isinarado at ni-lock ‘yon. Kumain na rin naman ako kanina kaya hindi na ako nagutom pa. Naligo lang ako nang mabilis at nagbasa ng kaunti bago matulog.

Hindi rin ako nakapag-aral kaya laking pasasalamat ko kay Aling Nora noong tinuruan niya akong magbasa at magsulat pati magbilang. Marunong naman ako noon pa lang pero hinayaan ko siyang turuan ako para hindi rin mawala sa akin ang kakayahang ‘yon. Binigyan niya rin ako ng mga libro na pinaglumaan ng anak niyang graduate na ng college para kahit papaano ay marunong akong umintindi ng English. ‘Yon na nga lang, labag sa loob ng anak niya ang ginawang ‘yon ni Aling Nora pero wala na rin siyang choice dahil iyon ang gusto ng ina.

Nang matapos ako sa pagbabasa ay inihanda ko na ang tulugan ko. Humiga ako sa comforter at ipinikit ang mga mata ako. I let myself fall asleep.

“Mommy…”

A child was crying. I looked at the people in the room, but it was so dark that I couldn’t even see anything but the walls. The walls of the place were somewhat familiar, though. Pero hindi ko mahinuha kung saan ko ‘yon nakita.

“Don’t do this, please…” I heard the mother begged.

Sinundan ko ng tingin kung saan nanggagaling iyong mga boses. A crying child. A mother begging. A person trying to catch his breath. And another person who's breathing was calm and almost scary. 

“No, please. Huwag ang anak ko, please…” pagmamakaawang muli ng ina.

Kunot noo kong sinundan ang boses. I walked further to hear the voices clearly, but it felt as if something was keeping from walking. Or the hallway seemed going further and further.

“Shhhh, don’t cry, mija. Mommy is here,” sabi noong ina. “Love, please, wake up. Please, wake up…” she added. Like she was talking to the person who was catching his breath.

“Ah!”

Nanginig ang buong katawan ko nang marinig ko ang walang humpay na sigaw ng bata kasabay ang pag-iyak niya nang malakas. She seems hurting and I wanted to help, but I couldn’t move my feet.

“No! Pakiusap! Huwag ang anak ko, please. She’s still a kid, please… please. I’m begging you, please… Ako na lang, ako na lang…”

I fell into my knees when I heard the sound of a knife stabbing a person… continuously. I could even hear the person’s evil laugh as he continued stabbing the person. My body trembled in fear and the sound of cries of the kid began fading.

Agad akong bumangon pagkadilat na pagkadilat ng mga mata ko. I held my pounding chest, and I could feel beads of sweat running down my face from my forehead. I also held my throbbing head. Ang sakit ng ulo ko at halos hindi ako makahinga nang maayos.

It was that nightmare again. At hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung para saan iyon at kung bakit ako gabi-gabing dinadalaw noon. I don’t know who those persons were. But they were a family of three… being killed in my nightmare. I couldn’t… help them.

I took a deep sigh to calm myself down. Napatingin ako sa orasan sa gilid ko at napansing alas sais na ng umaga. Pinilit kong tumayo at maligo dahil mahuhuli na ako sa trabaho. Nangako pa man din ako kay Aling Nora na aagahan ko para hindi na siya maghihintay pa pagkarating niya.

Dali dali akong nagbihis at kinuha ang mga gamit ko pati na rin iyong susi ng karenderya. Lumabas na ako ng apartment at ni-lock ‘yon. Pagkatapos ay tumakbo na ako papunta sa trabaho.

Labing limang minuto at naroon na ako. Kaya lang naroon na rin si Aling Nora, naghihintay. Nginiwian niya ako habang nakalahad ang kamay sa akin para sa susi.

“Pasensya na po,” sabi ko pero wala namang sinabi si Aling Nora at hindi rin naman siya mukhang galit. Nginiwian niya lang ako at para pang natatawa.

Agad kong ginawa ang mga kailangan gawin bago magbukas ang karenderya ni Aling Nora. Abala rin siya sa pagluluto ng mga ipapaninda niya.

“Nakakapagod,” aniya pagkaupong-pagkaupo pagkatapos ng nakakapagod na araw.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa balikat para hilutin iyon. Bumuntong hininga siya at hinayaan akong magpatuloy sa pagmamasahe sa kaniya.

“You did well po,” sabi ko. Narinig ko ang marahan niyang tawa habang tinatapik ang kamay ko, hudyat na ayos na siya.

I was about to retrieve my hands when she suddenly held on to it and turned to meet my eyes.

“May kailangan pa po kayo?” agap kong tanong.

Her lips were thin as she shook her head. Nanatili akong nakatingin sa kaniya upang hintayin ang sasabihin niya.

“Binangungot ka na naman ba? Kaya halos huli ka nang dumating kanina?” My lips parted in shock. I cleared my throat and laughed awkwardly.

“Ayos lang po ako, Aling Nora. Pasensya na po talaga at na-late ako kanina,” sabi ko, bilang paghingi muli ng paumanhin.

Muli siyang umiling at tinapik ulit ang kamay ko.

“Hindi ko alam kung anong nangyari sa ‘yo para bangungutin ka ng ganoong klase ng bangungot, pero ingatan mo ang sarili mo, hija. Lagi kang mag-iingat, ha. Iyon na lang ang ipapakiusap ko sa ‘yo at para na rin kitang anak…”

I was awake the whole night until dawn came, and the sun rises. Nanatili akong nakahiga sa comforter na nakalatag sa sahig, iniisip pa rin ang mga sinabi niya. I don't know if it was really a genuine concern. O maging siya ay natatakot dahil sa bangungot ko dahil alam niya ang tungkol doon.

I shook my head to erase the thoughts before getting out of the comforter. Inimis ko ang pinaghigaan ko at naligo na pagkatapos.

Wala akong pasok ngayon at ang plano ko lang para sa araw na ito ay maghanap pa ng trabaho para sa araw ng sabado ng linggo. Hindi kasi ako pinagtatrabaho ni Aling Nora kapag weekends dahil sabi niya ay pahinga ko na raw ‘yon, kaya lang ay kailangan ko talagang makaipon agad ng pera pambayad ng utang.

Lumabasa ko ng apartments at ni-lock ang pinto. I once again checked all the necessary documents that I might need sa pag-apply ng trabaho. At nang makumpirma naroon na ang lahat at wala na akong naiwan sa loob ay umalis na ako.

“Pero nakita ko pong hiring pa kayo. Nakalagay po sa tapat ng pinto ninyo ‘to,” sabi ko sabay pakita ng papel na may nakalagay na ‘Hiring House-help’. “Marunong po akong magluto at maglinis, promise!” dagdag ko pa, desperada nang matangap sa trabaho.

“Nakalimutan ko lang tanggalin ‘yan, hija, pero talagang may katulong na ako rito. Siya pa nga iyong sumagot sa ‘yo kanina noong kumatok ka,” aniya at tuluyan na akong pinagsaraduhan ng pinto.

Bumuntong hininga ako at umalis na lang sa lugar na ‘yon.

Inabot na ako ng hapon pero wala pa ring tumatanggap sa akin para sa interview or kung ano man. Hindi pa rin ako nakakakain ng umagahan at tanghalian at puro tubig lang dahil na rin nga sa nag-iipon ako.

Nakaupo ako ngayon sa batong upuan sa tapat ng isang mamahaling bar. Pinag-iisipan ko kung maga-apply ako rito dahil feeling ko ay malaki ang kikitain ko rito. Kaso nga lang since mamahalin ang bar na ‘to, imposibleng tanggapin ako gayong wala naman akong pinag-aralan.

I have no educational background. Dahil hindi ko rin naman maalala ang childhood ko kaya wala akong malagay na credible enough sa resume ko. Ang nandoon lang ay ang basic information ko at ilang naging trabaho kasabay ng trabaho ko sa karenderya ni Aling Nora.

I was secretly working before dahil ayaw nga ni Aling Nora na magtrabaho ako ng sabado at linggo. Kaya nasisisante ako kada nalalaman ni Aling Nora na nagtatrabaho ako sa iba bukod sa kaniya.

Tumayo ako at pinagmasdan ang mataas at halatang luxurious na bar. The Antares E, is the name of the bar which is engraved elegantly on the main gate. Mayroon din mismo sa taas ng main entrance. Somehow, it doesn’t look like a bar, but a 5-star hotel. Sobrang ganda ng building.

Maraming pumapasok doon sa gate na mga sasakyan. At kahit bar ‘yon ay hindi naririnig ang mga tugtog mula sa loob. Mukhang makapal ang mga pader at haligi noon kaya ganoon.

Huminga ako nang malalim at nagpasyang subukan na ang pag-apply room. I went to the information area sa labas at mabilis naman nila akong pinapasok pagkatapos kuhanin iyong documents ko. Sabi noong isang staff ay hiring daw ngayon ang waitressing position at balita niya’y wala pang natatanggap kahit maraming nag-apply kanina.

Kaya naman mas naging desidido akong pumasok at mag-apply. When I entered a separate building, a staff immediately went to me and told me to follow her to the owner’s office. Na siyang ikinamangha ko naman dahil mismong owner pa ang mag-iinterview at talagang diretsong interview na. Ganoon nga siguro ang sistema ng mga mayayaman.

Iiling iling akong sumunod sa staff. Nakarating naman agad kami sa tapat ng office ng may-ari na nasa pinakataas na floor ng building.

Kumatok ‘yong staff sa pinto at agad na may umilaw na kulay green sa gilid noon. It seemed that the green light indicates that the office is available for people to enter at hindi busy ang nasa loob.

“Pasok na po kayo.” Tinanguan ko ‘yong staff at umalis na rin siya agad.

I cleared my throat as I entered the room. Nanginig agad ang katawan ko dahil sa sobrang lamig sa loob. My eyes automatically roamed around the office as I hugged myself.

“Miss Chantria Venice Alquiza…” I immediately looked at the person who called my name, and he was already standing in front of me.

My lips parted in shock when I saw a darkly gorgeous man in white button-down polo and black trousers that I think was supposedly partnered with a suit jacket. Nakabukas ang apat na butones ng polo niya at kitang kita ang nadedepina niyang d****b dahil sa paghinga.

“I’m Evarius Salazar and I will be the one to interview you. Please, kindly take a sit.” His voice was cold, dark, and very formal.

And I couldn’t help but immediately do as he say like I was being compelled. I could already feel like I’m a helpless rabbit trapped in a lion’s den. He looks so dangerous.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status