Share

KABANATA 3

Desperate

“Uh, sir? Nasaan po tayo?” Hindi nakawala sa boses ko ang nerbyos na siyang dahilan upang balingan ako ni Mr. Salazar ng tingin.

He was looking at me with indifference while his hand was resting on the doorknob of the double glass door in front of us. Sinubukan kong hulaan sa aking isipan kung nasaan kami at nakuha ko pang sumilip sa glass door mula sa kinatatayuan ko sa kaniyang likod para tignan kung ano ang mayroon sa loob, pero hindi ko pa rin mahinuha kung ano ang lugar na ‘yon.

The building was huge and extravagant. Hindi ako pamilyar sa mga istilo ng arkitektura na ginamit sa gusaling ‘yon pero pansin ko na sobrang laki ang ginamit doong pera para maging ganoon na lang talaga kaganda. Pansin ko rin ang pagiging modern ng gusali na siguro ay may halong klasikal na istilo dahil sa ganda ng kurba ng mga bintana at pintuan papunta sa mga balkonahe.

I looked at Mr. Salazar again and I saw his eyes remained on me, probably observing the expressions that I will show. Hindi niya rin sinagot ang tanong ko kanina at talagang nanatili lang ang kaniyang mga matang walang buhay sa akin.

“You can ask questions later once we’re settled, alright?” he suddenly said which made me nod immediately. Sobrang lamig ng boses niya at may halo pa itong iritasyon kaya pinigilan ko ang sarili ko na magsalita pa.

Nang makapasok kami sa loob ay halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang sobrang gandang tanggapan. I think it is called lobby. Kahit malamig sa loob ay hindi ko mapigilan ang mamangha sa ganda noon lalo na ang kulay gintong mga ilaw mula sa naglalakihang chandelier sa taas na mas lalo nagpapadepina ng ganda nga mga gamit sa loob.

“Miss Alquiza…” Mabilis akong naalarma dahil sa boses ni Mr. Salazar. My eyes immediately went to him, and I saw him offering his hand to me. Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ‘yon. Until he said, “Come here.”

Para akong batang sumunod sa utos niya at lumapit sa kaniya. His hand slid into my right hand which made my heart go wild for some reason. Napahigpit ang hawak ko sa strap ng aking body bag habang nakatitig sa kamay niyang nakahawak sa akin.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng isa pang pinto na sobrang laki pero hindi katulad noong nasa entrance. This time, it’s a defined wooden door with a lot of artistic waves on it. It looks so elegant that I couldn't help but be in awe as my eyes rested on the door. 

Naramdaman ko ang pagbitaw ni Mr. Salazar sa aking mga kamay at agad kong hinawakan ‘yon, habang hindi pa rin kumakalma ang puso ko. I took a heavy sigh which made him look at me.

“Are you okay?” he casually asked. Agad akong tumango. Saglit pa siyang tumitig sa akin bago muling bumaling sa pinto at binuksan ‘yon. Pumasok siya roon at sumunod lang ako nang tahimik.

Buong magdamag yata akong mamamangha sa ganda ng lugar na ‘to. The place we are in right now seems like a penthouse. Sobrang lawak na para na siyang isang mansyon. It even has plenty of floors. At mukhang marami rin ang k’warto. Lumunok ako at agad napaisip kung dadating kaya ako sa punto ng buhay ko na magkakaroon ako ng ganito ka-enggrandeng buhay. Iyong maganda ang bahay at hindi pinoproblema ang pera at utang.

“Vien…” Mr. Salazar called with a very relaxed and soft voice.

I wasn’t expecting him to let out such a sweet and gentle voice. Agad akong napatingin sa sahig nang makita ang isang maliit na golden retriever na dali-dali ang pagtakbo papunta kay Mr. Salazar. Muntikan pa ‘tong madulas dahil sa pagmamadali. I heard Mr. Salazar let out a sweet laugh as he kneeled and welcomed his dog.

Parang may humaplos sa puso ko nang mapanood siyang yakapin ang kaniyang aso at magpakita ng isang hindi maipaliwanag na ngiti rito. For a moment, I felt like my heart was aching, so I looked away from them and let them have their peace without some stranger watching them.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nasa harapan ko na ulit si Mr. Salazar, madilim ang tingin sa akin bago nagsalita, “We’ll have the meeting and contract signing in my office. It’s on the third floor. Fifth door on the left. Mauna ka na,” he instructed and immediately turned his back on me.

I just watched him walk away from me with his dog following him. Nang makawala sila sa paningin ko ay napabuntong hininga ako at muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng penthouse. After some time, I decided to go to Mr. Salazar’s office. Mabuti na lang at mabilis kong natandaan ang sinabi niya kaya hindi ako naligaw kahit pa sobrang laki ng penthouse niya.

I was already in front of his office’s door, and just when I was about to knock, I heard the doorknob turned. Agad akong napalayo sa pinto nang magbukas ‘yon at tumambad sa akin si Mr. Salazar na halos hindi maipinta ng mukha.

“What took you so long?” iritado niyang tanong habang mas binuksan pa ang pinto para mapapasok ako.

“I’m sorry,” I said as I entered the room.

I heard him sigh as he closed the door behind us. Then he immediately went to his swivel chair and gestured at me to sit down on the chair just across the table in front of him. Sinunod ko naman iyon agad para hindi na siya mas lalo pang mairita sa akin.

Pagkaupong pagkaupo ko, may inilapag siyang papeles sa mesa niya at ini-slide palapit sa akin.

“You at least know how to read and comprehend English, right?” tanong niya at hindi ko alam pero para akong nainsulto sa tanong niyang ‘yon na muntik pa akong mapaismid.

Tumango ako at kinuha iyong papeles. It’s a contract. Mabilis ko ‘yong binasa at naintindihan naman agad ang punto ng mga nakalagay roon na rules and regulations tungkol sa magiging trabaho ko. It was also stated in the contract that my schedule of work is during weekends only.

“Feel free to highlight the things you want to change,” aniya. Ramdam ko ang madidilim niyang mga titig sa akin habang pinapanood akong magbasa at mag-highlight sa kontrata.

Other than my schedule, wala naman akong ibang pinabago roon. Pagkabigay ko sa kaniya ng kontrata ay ipinaliwanag ko na rin na balak ko nang mag-full time waitressing sa bar niya dahil umalis na ako sa huli kong pinagtatrabahuhan.

“Alright,” aniya bago pinirmahan ang kontrata at muling binigay sa akin para sa pirma ko naman.

I quickly signed the contract and returned it to him. Tumayo siya pagkakuha mula sa akin ng kontrata kaya tumayo na rin ako. He offered his hand to me for a hand shake once again and said, “Congratulations for getting the job, Miss Alquiza. I have high expectations from you.”

Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya. “Maraming salamat po! Makakaasa po kayong pagbubutihin ko ang trabaho ko!” I said with full enthusiasm.

I let go of his hand and he immediately retrieved it and used it to brush his slightly disheveled hair. Muntik nang mapaawang ang bibig ko dahil sa ginawa niyang ‘yon. It was only a small gesture, but it would probably enough for women to drool over just at the sight of him doing that. He’s a god-like creature, that’s for sure.

“It also seemed like you have no place to stay the night, so you can rest here for now. I can offer you the guest room. Only if you’d like, though…” He looked away and went to the door and opened it.

Habang ako ay nakatulala lang dahil hindi pa ma-proseso ang sinabi niya. He’s letting me stay the night here… in his penthouse. Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili. I wanted to say no, but he’s right… I have no place to stay the night and the loan sharks might find me again if I wandered in the streets.

I bit my lower lip. Lumapit ako sa kaniya at tumango. “Thank you so much for your hospitality and kindness, sir…” sabi ko, hiyang hiya na.

“I’m not kind. I just pity you. You look like a little kitten desperate for shelter,” aniya na siyang nagpaangat ng tingin ko.

I felt so offended and insulted. Hindi ko ugaling tumanggap ng ganoong klase ng insult kahit pa alam kong tama siya. At kung ibang tao lang siguro siya ay malamang sumagot na ako at lumaban. Pero dahil kailangan ko pa ang trabahong kakabigay niya lang, ay mas pinili ko na lang na hindi na magsalita at tumungo na lang ulit para hindi niya makita ang inis at galit sa mukha ko.

“You can stay in the guestroom on the second floor. First room on the right,” dagdag niya bago lumabas ng opisina, iniwan ako roong halos mapuyos na sa inis at galit.

Inis kong isinarado ang pinto ng guestroom pagkapasok ko. As usual, nagandahan na naman ako sa loob kahit pang-guest lang ang silid na ‘yon. It doesn’t look like a guestroom, honestly. Mukha na siyang bedroom ng mga mayayaman. Napaisip tuloy kung ganito kaganda ng guestroom, paano pa kaya ‘yong master’s bedroom?

The floor of the room is tiled with beautiful and unique design of marble tiles. There were two single couches on the side and between them is a small circular glass table with a Japanese style carpet under them. Mayroon din doong 32-inches na Smart TV na nakadikit sa walls ng k’warto. On the other side of the room just meters away from the bathroom door, a queen-sized bed stood proudly with its royal-like design.

Bumuntong hininga ako at ibinaba ang body bag ko sa couch at dumiretso ng bathroom. May damit doon na sukat ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na maligo ulit bago magpahinga. I was so relaxed the whole time I was showering and staying in the bathtub that I almost dozed off. However, I quickly dried myself and put on my clothes when I heard someone knocked on the guestroom’s door.

Lumabas ako ng banyo at dumiretso sa pinto ng guestroom. Mr. Salazar was outside when I opened the door. He was carrying a tray of food with one hand and the other inside his pocket. When he looked at me, he was a bit stunned for a split second. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at bumalik din naman agad sa mga mata ko ang tingin niya.

“Your food. In case you haven’t eaten dinner yet,” aniya bago iabot sa akin ang tray.

Tahimik kong kinuha ‘yon bago sumagot, “Salamat.”

I waited for him to say something, but nothing came for minutes. Nanatili siyang nakatitig sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Iba ang kabang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga titig niya. It seemed like he wanted to say or maybe ask something, but he’s refusing to do so.

“Eat your dinner and sleep after. Good night, Miss Alquiza.” Iyon lang sinabi niya bago ako talikuran at umalis na.

Mabilis kong kinain ‘yong dala niyang pagkain, o baka talagang gutom lang ako kaya hindi ko namalayan na naubos ko na ‘yon. Umiinom ako ng tubig nang mapansin ko ang pagpatak ng mga luha mula sa mga mata ko. And all of a sudden, I was already crying for whatever reason.

Alam ko naman ‘yon… na desperada talaga ako. Desperada magkatrabaho, magkaroon ng titirhan, makaipon, at makabayad sa utang ng pamilya ko. Pero ano nga bang magagawa ko? Wala naman akong choice dahil simula pagkabata ko ulila na ‘ko.

I don’t seek help from anyone, not at all. Pero syempre, kapag pinaunlakan ako ng tulong, tatanggapin ko ‘yon out of desperation. Na minsan kahit hindi ako sigurado kung ikakapahamak ko ‘yon, tatanggapin ko pa rin ‘yong tulong dahil kailangan ko.

Bumaba ako para makapunta sa kusina. Madilim na sa baba dahil patay na lahat ng ilaw kaya naghagilap pa ako kung nasaan ang mga switch ng ilaw. But then I suddenly saw the kitchen with the lights on. S’werte dahil doon talaga ang sadya ko kaya agad akong pumunta roon.

Ngunit agad naman akong napatigil nang nasa harap na ako ng tinted na glass sliding door. I saw two figures of people inside. One was kneeling on the floor, and the other was seated on the counter. Ganoon ang ayos ng nasa loob base sa pagkakakita ko. I immediately thought of something embarrassing and my face heated. It seemed that Mr. Salazar and I are not alone in this big penthouse, after all. Girlfriend niya kaya ‘yon? Or fiancée? Wife?

Afraid that they might notice my presence, I slowly turned and was about to walk away quietly when the tray slipped out of my hands and the terrifying sound of plates and glass breaking enveloped the place.

“Shit…” I cursed as my eyes automatically closed when I heard the kitchen’s sliding door opened aggressively.

“What the fucking hell?” Mr. Salazar’s menacing voice thundered, and I felt him standing behind me. And I could feel my heart throbbing inside my chest, feeling terrified and embarrassed because of my own stupidity.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status