Share

Chapter 4

Eros narrowed his eyes when he saw Alina's picture. Pagkatapos ng mainit nilang pagtatal*k noong isang gabi ay nag-utos agad siya ng private investigator para kumalap ng impormasyon ukol sa dalaga. Isa na itong graduating sa korsong agriculture sa isang pampublikong unibersidad. Ulilang lubos at lumaki sa isang orphanage na matagal na sinusuportahan ng Ramazzotti foundation. Pero umalis ito noong edad kinse dahil ito ang rules ng orphanage. At hanggang ngayong edad twenty-one ito ay nagsumikap pa rin ito.

Nasa impormasyon din ang kung paano naging escort ang dalaga. Ito mismo ay kay Corey nanggaling. Ang tinatawag nilang Mamu sa Midnight Haven. Kaya pala berhin at malinis ito. At kung hindi lang dahil sa pangangailangan nito ay hindi pa ito mapapadpad sa lugar na iyon. Muntik pa raw itong umatras ayon kay Corey kung hindi lang dahil sa pamimilit ng kaibigan nito.

Siguro ay limang taon na rin siyang VIP client ng nasabing club. At minsan sa isang buwan kung magpadala si Corey ng babae sa hotel na iyon. Iyon kasi ang lugar kung saan sinabi niyang doon niya kikitain ang alaga nito na ipapadala nito. Pero siyempre ay kailangan na malinis at pina-medical muna nito ang mga babae dahil iyon ang utos niya. At lahat ng mga babaeng iyon ay katulad ni Alina, may suot silang piring sa mata. Wala sa kanila ang nakakakilala kung sino siya. At napakaswerte ng dalaga dahil nalaman nito kung sino ang lalaking nauna sa pagkabab*e nito. Sa halip na magalit siya ay nagustuhan pa niya nang magtama ang mata nila. Lalo na nang makita niya ang animo luhang kumikislap sa mata ng dalaga.

Katunayan ay sinabihan na siya ng kaibigan niya na baka jinx ang ginagawa niya pero nagkakamali ito. May mas malalim pa siyang dahilan kung bakit pinili niya ang ganitong proseso ng pagpili ng babaeng magpapaligaya sa kaniya. Hindi rin naman dahil sa broken hearted siya kaya ginagawa niya ito. Para sa kaniya ay ang isang gabing pakikipagtal*k niya sa mga babaeng iyon ay parang day-off niya sa deretsong pagtatrabaho. Kumbaga parang unwind niya ito dahil wala siysng oras para magbakasyon. Pero hindi ito maintindihan ng kaibigan niya.

“Sino ba ang tinitignan mong ‘yan at nakangisi ka pa? You look terrible,” tanong ni Bryan, ang childhood friend niya. Noon pa man, kapag sinusubukan niyang ngumiti ay ganito na ang palaging puna nito. Mas nasanay na raw ito na palaging seryoso siya na parang may facial paralysis.

Mabilis na inilapag niya ang litrato at tinakpan ng isang folder.

“Kung ang project proposal ang pinunta mo rito ay napirmahan ko na. Matutuloy na ito sa susunod na buwan,” sabi niya at hindi pinansin ang tanong nito.

Bahagyang natawa si Bryan at ipinatong ang braso sa sandalan ng sofa. Pagkatapos ay nagde-kuwatro ito at ngumiti.

“This project, kapag naging successful ito ay magpo-propose na ako kay Magda,” natatawang turan nito. Ang babaeng tinutukoy nito ay ang anak ng kaibigan ng ina nito na parang lalaki kung kumilos kaya palaging binibiro ni Bryan na tomboy ito.

Ang project kasi na ito ay matagal na nilang pinagpaplanuhan ng kaibigan. Isa itong agribusiness. May napakalawak kasi na rancho na binenta ng may-ari at naisip nilang ito ang itayo nilang negosyo sa lugar na iyon. At gusto naman ni Bryan na ito ang mag-manage para makalayo na rin sa istriktong ama nito.

Bigla niyang naisip si Alina na malapit ng makapagtapos ng agriculture. Kung nanaisin niya ay pwedeng magtrabaho ang dalaga sa kanila pero hindi ito ang nasa isip niya dahil may iba siyang plano.

Dumako ang mata niya sa USB na nakapatong sa mesa niya. Alam na niya kung paanong mapapapayag si Alina bilang escort niya. Sa ugaling taglay nito na nasa impormasyon ng dalaga ay siguradong mas pipiliin nito ang alok niya kaysa ang kumalat ang video nilang dalawa.

“Noong nalaman niya na sosyo tayo ay nakarinig pa ako ng sermon sa kaniya. Dapat daw ay matagal na akong nakipag-usap sa'yo tungkol sa negosyo at hindi ang pagkakarera ang inaatupag ko,” nababagot na kuwento nito kaya nawala ang atensyon niya sa USB.

“You made a name because of that race. Proud si Tito pero may point naman siya. Hindi ka magiging habang buhay na racer. Anong gagawin mo ‘pag matanda ka na? Magiging trainer ng mga baguhang racer?” a matter of fact na wika niya.

“What's wrong with that? Marangal pa rin na trabaho iyon,” giit nito kaya napailing siya.

Bumukas ang pinto ng office niya kaya hindi na muna siya nagkomento sa sinabi nito. Hinintay niya mailapag ng kaniyang secretary ang tray na may lamang mug ng kape. Saka lamang siya nagsalita nang muling sumara ang pinto at maiwan silang dalawa.

“It would be a laughing stock in your whole clan if you became a trainer. Mabuti sana kung ikaw ang may-ari ng racing track at siguradong aaprobahan agad ni Tito,” wika niya at tumayo. Pagkatapos ay naupo siya sa kaibayo nitong pangdalawahang sofa at kinuha ang isang mug.

Mahilig siya sa kape lalo na ‘pag nakatutok na siya sa trabaho. Pero mas gusto niya ang mapait na timpla at walang asukal dahil napapanatili nitong gising siya.

“Wala na akong masabi. Business na ang nakatatak diyan sa utak mo at alam ko na iyan ang sasabihin mo,” sumusukong wika nito.

Tinignan lang niya ito at hindi na nagkomento pa. Politiko ang buong angkan nina Bryan at gusto nilang sumunod din ito sa yapak ng ama nito. Pero mas matigas pa yata sa bato ang ulo nito dahil kahit magkaedad sila ay animo nasa rebellious stage pa rin ito at hindi nakikinig sa ama nito. Mas pinili nitong maging isang sports car racer at nakilala sa buong mundo dahil sa mga naiuuwi nitong trophy. Pero hindi pa rin masaya ang ama nito. Kung ayaw nitong maging politiko ay maging katulad na lang daw niya ito.

“Ikaw? Hanggang kailan mo ba ipagpapatuloy ang jinx mong iyan?” tanong nito.

“I told you it's not a jinx!” malamig na wika niya.

“Oo na! Hindi na kung hindi,” tumatawang wika nito. “Pero, dude, wala ba ni isa sa kanila ang nakakuha ng interest mo? Impossible naman na wala. Sigurado naman ako na magaganda sila.” Pero bigla itong napaisip at umiling. “Pero I guess wala. Sino ba ang magkakaroon ng interest sa mga katulad nilang babae?”

Biglang lumitaw sa balintataw niya ang maamo at kinakabahang mukha ni Alina. So far ay ito lang ang babaeng nakilala niya na nakapukaw ng kaniyang interest.

Kaswal na sinulyapan niya ang kaibigan at nagkibit ng balikat. Bumakas naman ang pagkadismaya sa mukha nito pero hindi niya pinansin.

Hinding-hindi niya aaminin sa lalaking ito na tama ang hinala nito. Iinisin lamang siya nito at baka umabot pa sa magulang niya. At baka matuklasan pa nila ang ginagawa niyang pagbabayad ng mga babae para makasiping niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status