“S-Sir—” nauutal na usal niya subalit hindi man lang niya mabanggit ang pangalan ng lalaki. Animo may napakalaking bikig sa lalamun niya at hindi makalabas ang kanyang boses. Parang natuka siya ng ahas sa pagkaputla habang hindi alam kung ano ang ikikilos sa harapan ng binata.
Nanginig din ang kamay niyang nakahawak sa pinto. Gulat na gulat talaga siya sa biglang pagsulpot ng lalaki sa bahay niya. Hindi niya inakalang kaya nitong tumapak sa magulong eskinita papunta rito. At lalo pa siyang naguguluhan kung bakit ito at nakatayo ito sa harap niya.Hindi niya mahulaan kung ano ang sadya nito sa kanya. Kahit pa kalkalin niya ang lahat ng bulsa sa utak niya ay wala siyang mahanap na sagot. Ang tanging tumatakbo lamang sa isip niya ay, ‘bakit ito nandito?’ at ‘kung ano ang ginagawa nito sa apartment niya.’Napalunok siya at palihim na kinurot ang kanyang sarili. Saka lihim na ngumiwi at d*****g nang masaktan siya.“Alina Lopez, I came here to negotiate with you about something,” buo ang boses na sabi nito.“A-Anong negotiate ang tinutukoy mo?”“Won't you ask me to come in first?”Kahit na normal ang pagkakasabi nito ay na-intimidate pa rin siya dahil sa malakas na awrang nagmumula rito. Parang hindi iyon pahayag kundi nang-dedemand ito. Nanlambot tuloy ang tuhod niya at agad na nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Natanaw pa niya ang lalaki kaninang umaga na nasa labas din at napasulyap sa kanya.So, tama pala ang nasa isip niya kanina na si Eros ang tinutukoy na Master nito? Kung sinagot lang sana siya nito noong tinanong niya ay hindi siya mababaliw kakaisip sa bagay na ito.“M-Maupo ka,” atubling sabi niya. Napansin niya na inilibot ni Eros ang paningin nito sa munting tahanan niya. Nanliit agad siya sa sarili sa ginawa nito. Lahat ng mga kagamitan niya ay puro luma na. Katulad ng lamang TV niya na maliit. Hindi iyong flat screen na mamahalin. Ang mga upuan niya na gawa sa kahoy at kahit man lang kutson ay wala.Hindi bumagay ang outfit ng binata na naghuhumiyaw ng karangyaan habang nakatayo sa gitna ng maliit niyang sala.Nang maupo ito ay kumibot ang mga labi niya dahil hindi nakaligtas sa mga mata niya ang bahagyang pagsalubong ng kilay nito. Sandali lamang iyon ngunit sapat na para makita niya.“I-Ikukuha lang kita ng—”“Don't bother,” agap nito at nagmuwestra na maupo siya. Sa mga kilos nito ay parang ito pa ang nagmamay-ari ng bahay.Nag-aalangan na tumango siya at naupo. Hindi pa man umiinit ang upuan ay muntik siyang malaglag sa upuan sa biglang anunsyo nito.“I want you to become my exclusive escort,” puno ng authority na sabi nito.“S-Sir?” nanlalaki ang matang bulalas niya. Lahat yata ng nerves ng katawan niya ay nagising dahil sa sinabi nito.“Hindi ako ang klase ng tao na inuulit ang mga sinabi ko,” he said icily.Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob at marahas siyang tumayo. Nanginginig ang kalamnan niya dahil sa pinipigilang galit. Hindi dahil nakipag siping siya rito ng isang beses ay pwede na siya nitong utusan kung gusto nito.“Hindi po ako bayarang babae!” madiing sabi niya.Umarko ang kilay nito kaya natameme siya. Hindi nga ba? Hindi ba at ang lalaking nasa harapan niya ngayon ang unang naging kliyente niya?“A-Ang ibig kong sabihin ay hindi ko na uulitin ang ginawa ko,” bawi niya at kinagat ang labi. Naupo rin siya dahil parang dinidiin siya ng malamig na tingin nito sa kanyang kinatatayuan.Matiim siya nitong pinagmasdan kaya pinagpawisan siya ng malapot. Pakiramdam pa nga niya ay basa na ang damit niya lalo na sa likod.May inilapag itong maliit na itim na bagay sa mesa. Sa una ay nakatingin lamang siya roon. Pero nang matanto kung ano iyon ay dumagundong ang dibdib niya. Namutla siya at napatingin sa binata na pinapanood ang reaksyon niya.“Kung papayag ka na maging exclusive escort ko ay ibibigay ko sa'yo ang copy ng video,” anito habang nakatingin sa USB.Pakiramdam niya ay sumabog ang mundo niya at nawalan siya sa tamang pag-iisip. Anong video ang tinutukoy nito? Iyong s*x video ba nila? Bakit hindi man lang niya napansin na nare-record na pala ang ginagawa nila?Nanikip ang dibdib niya at pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Ano na lamang ang mangyayari sa future niya kung kumalat ito? May tatanggap pa ba sa kanya sa trabaho?“Relax,” ani Eros at kinatok ang lamesa.Ngunit paano ba siya magre-relax kung nasa harapan na niya ang sisira sa mga pangarap niya?May namuong luha sa kanyang mata at pigil ang paghikbi na tinignan niya ito.“A-Anong kailangan mo? G-Gagawin ko lahat para—” Lumunok muna siya at kumuyom ang kanyang kamao. Inignora niya ang pagkirot ng kamay niya nang bumaon ang kanyang kuko sa balat niya.“I already told you earlier what you have to do. Be my escort and this thing will be yours,” kalmado man ang boses nito pero makapangyarihan ang dating ‘nun sa pandinig niya.Kahit na tumututol ang kalooban niya ay naghuhumiyaw naman sa utak niya ang kagustuhan na protektahan ang kanyang dignidad. Hindi niya maalis ang tingin niya sa USB sa mesa. Gusto na niyang kunin iyon ay sirain o kaya ay itago sa baul.“S-Sige, p-pumapayag ako,” mahina at pikit matang pagpayag niya. Gagawin niya ito upang makaiwas sa mga bagay na sisira sa kanya. Hindi ba at karangalan na para sa kanya na isang pipitsuging babae na nakatira lamang sa iskwater para maging escort ng Eros Ramazzotti? Kalat na sa buong mundo kung gaano karami ang mga babaeng gustong umakyat sa kama nito.Pero kahit na pilit niya itong itanim sa utak ay gusto pa rin niyang bawiin ang sinabi niya.“Here.” Itinulak nito ang USB sa mesa, malapit sa gawi niya.Mabilis pa sa hangin na kinuha niya iyon at mahigpit na hinawakan. Ngayong napasakamay niya ang bagay na ito ay wala na talagang atrasan ang pagpayag niya. Kailangan niyang pagsilbihan ito kung kailan nito gusto. Pero kung ito ang original na video ay pwede pa siguro niya itong takbuhan, ‘di ba?Malaki pa naman ang perang natira sa pinambayad nito sa kanya nang gabing yaon.“I have a copy,” bigla ay turan nito na parang nababasa ang nasa utak niya.Agad lumubog ang bangkang kinalululanan niya nang sabihin nito iyon. Huh! Ano pa ba ang aasahan niya sa isang katulad ni Eros? Hindi nito naabot ang pedestal na kinatutuntungan nito kung hindi ito tuso at magaling. Hindi ito tanga para ibigay sa kanya ang video na ito nang hindi nagtitira ng isang kopya para sa sarili nito.“K-Kung ganun ay kailan ako magsisimula?” tanong niya. Hindi niya magawang salubungin ang mata nito dahil kinakain siya ng hiya at kaba.“Now,” tipid na tugon ni Eros. Niluwagan nito ang suot na necktie habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Go and wash up first then susunod ako pagkatapos mo.”Animo walang lakas ang tuhod na tumayo siya. Pilit lamang niyang pinapatatag ang sarili. Lalo pa nang maramdaman niya ang nakasunod na tingin ng binata ay gusto niyang kumaripas ng takbo.Kung hindi siguro siya pumayag sa alok ni Bree ay hindi mangyayari ito.God!Ano ba itong pinasok niya?“Mama, bakit kailangan mo pong ilagay sa mga paso ang tanim mong petchay?” tanong ng sampung gulang na anak nina Ali at Eros na gumagawa ng assignment nito sa may maliit na mesa na nakalagay sa kanang parte ng kanyang harden.“Kasi kulang iyong kama na pinagtamnan ko, anak. Marami akong binhi at sayang naman kung hahayaan ko lang,” tugon niya sa tanong ng kanyang anak.“Eh, bakit palagi pong petchay iyong tinatanim mo? Naalala ko na nagrereklamo si Daddy na puro na lang petchay ang tinatanim mo gayong sa gabi ay kumakain siya ng petchay?” inosenteng tanong nito.Nalukot ag mukha niya nang marinig ang tinuran ng kanyang anak. Minsan ay gusto na niyang tirisin ang asawa dahil sa mga birong lumalabas sa bibig nito. Alam na nga nitong curious ang mga bata kapag may naririnig sila pero hindi pa rin nito mapigilan ang bunganga nito kapag nagsasalita.“Bakit naririnig ko ang pangalan ko?” singit ni Eros na pumasok ng greenhouse at may hawak na meryenda.Matalim na tingin ang iginawad niya ri
“What did that brat tell you?” tanong ni Eros kay Ali na katatapos lang naligo at tinutuyo ang kanyang buhok gamit ang tuwalya.Natigil siya sa ginagawa at nilinga ang binata na nakasandal sa headboard ng kama. Hindi maipinta ang mukha nito at halatang pinipigilan lang nito ang ipakitang nagseselos ito. Pero hindi iyon naitago ng pagkakasalubong ng kilay nito.Kanina kasi na nag-usap sila ni Diego at pumasok ito ay naabutan nito nang magkayakap sila at tumatawa pa. Ora-orada tuloy na pinaalis nito ang pamangkin at simula ‘nun ay ramdam niya na bad mood ito. Hindi rin siya nito kinakausap at ngayon lang siya nito pinansin.“Wala naman,” kibit balikat na tugon niya. Sinasadya niyang balewala ang pananahimik nito dahil natutuwa siyang makita ang pagseselos nito na kahit pilit nitong tinatakpan ay nahahalata pa rin niya. At gustong-gusto niyang tignan sng mga reaksyon nito na ngayon lang maliwanag niyang nakikita.Mas lalo pang nalukot ang mukha nito at lumaki ang mga ugat sa sentido nito
Days passed in the blink of an eye. Everything that happened in the hospital was already cleared by Eros’s parents. Like nothing happened from the start. Kung may lumabas man na balita ay hindi nabanggit ang pangalan ni Ali na halatang prinotektahan ng pamilyang Ramazotti ang privacy ng dalaga. Gusto nilang kapag lumalabas siya at naglalakad sa sidewalk man o kahit saang lugar ay hindi siya tinitignan ng mga tao na isa siya sa naging biktima ng mga babaeng nakatikim ng drugs kahit pa labag sa kanyang kalooban. She was protected from gossip that will ruin her life. And that's thanks to Eros that she has the privilege to avoid being the subject of their stories.Sa ngayon ay na-discharge na rin si Ali sa hospital at nakauwi na sila sa Heritage Ville. Hindi na siya pinayagan ng binata na umuwi sa kanyang bahay at balak na nitong ibenta iyon pero tinutulan niya. Sa una ay ayaw ng binata ngunit nakiusap siya. Nang tinanong siya nito kung bakit ayaw niyang ibenta ang bahay ay nag-alangan si
Subalit hindi pa rin magawa ni Ali na kumalma. She kept on trembling while tears streamed down her eyes. Nanlalamig din ang buong katawan niya habang naglalaro sa imahinasyon niya ang kung ano mang ginawa sa kanya habang wala siya sa katinuan. Animo masusuka siya habang iniisip lahat ng mga senaryong tumatakbo sa utak niya.Ngumisi ang lalaki nang makita ang reaksyon ni Ali.“Alam mo ba kung sino dapat ang sisihin mo kung bakit nangyayari sa'yo ang lahat ng ito?” Bumangis ang mukha nito at itinutok ang baril sa mag-asawang Ramazzotti. “Ang anak ng dalawang ‘to ang may sala. Si Eros ang nagdala ng kapahamakan sa buhay mo.”Pagkatapos niyong sabihin iyon ay kinalabit nito ang gatilyo at tumama iyon sa dingding. Halatang pinaglalaruan sila ng lalaki dahil humalakhak pa ito at kay Don Faustino naman niyo tinutok ang baril.“Siguro’y hindi mo ako naalala, Don Faustino. Ang mga magulang ko ay dating kasambahay ng pamilya ninyo pero dahil lamang kay Eros na anak ninyo ay nakulong ang aking m
Kumakain si Ali ng orange nang bumukas ang pinto ng private room niya at pumasok si Eros. Napakurap siya at napanganga nang mabistahan ang hitsura at outfit ng binata ngayon. Alam niyang may pupuntahan itong interview ito mamayang after lunch at akala niya ay three piece suit ang isusuot nito ngunit natulala siya nang makita ito ngayon.Puting polo ang pang ilalim at grey vest ang ipinatong nito bago ang grey jacket suit. Kulay blue naman ang kurbata nito at grey pants ang pang-ibaba. His ink-blank hair was clean and well-kempt. Animo naging bata ito kaysa sa tunay na edad nito.Sa sandaling ito ay hindi pa rin niya mapigilan ang mamangha at ma-attract sa binata. He's already handsome in her eyes but everytime it was like he's even more handsome and attractive each day. Her heart quivered at the sight of him. She unconsciously wiped the corner of her lips.“Beautiful!” hindi niya napigilang ibulong at pinasadahan ng tingin ito mula ulo hanggang paa.Eros paused and raised his eyebrows
Abala si Eros sa harap ng kanyang laptop at inaayos ang mga bagay na ginawa ni Dylan. Ang pamilya ni Mr Wang ay maayos na ring nakabalik sa kanila at naging eyewitness rin ang una. Ang iba pang mga empleyado na na naapektuhan sa gulong ginawa ng pinsan ay nabigyan na rin nila ng compensation. Mabuti na lang at hindi agad nakatunog ang ibang investors at hindi sila umatras.He remembered when Dylan said he will agree to let Ali go if he agrees to split the business. But it's impossible to complete such actions in a short period of time. Though, he's still confident that everyone will object if he does so. There are a lot of people in the Ramazzotti group who despise Dylan and they will not support him even if he succeeded in his plan. They don't want to experience such turmoil if they divide the large business of Ramazzotti. Besides, if he agreed to it that night then every single employee of their business would lose their work in just a blink of an eye.Isa pa ay hindi siya isang tan
“Master, wala si Dylan at si Ali dito,” imporma ni Penny nang bumaba siya ng sasakyan.Ang mga tauhan ni Dylan ay nahuli at may posas na. Habang si Bree na na-rescue nila ay dinala na sa hospital. Ito lang at ang ilang tauhan ni Dylan ang naabutan nila. Bree is not in her right mind. Tulala lamang ito at bumubulong ng patawarin mo ako. Kaya kailangan na madala agad ito sa pagamutan. Sa mga marka sa katawan nito at hubad pa nang makita nila Rodan ay hindi na nila kailangan pang hulaan kung anong nangyari rito.Hindi tuloy niya maiwasang isipin na ganun din ang nangyari kay Ali. At parang gusto na niyang sumabog sa galit. He would never forgive himself and Dylan if he found out that he did touch her woman. He's the kind of man who hates when someone lays their hand on his possession. Isa pa ay hindi lang isang fling si Ali sa kanya. She's the woman that his parents accepted. The woman who occupied his heart. Ang babaeng gusto niyang pakasalan at magiging ina ng kanyang mga anak.“How ab
“A-Ano pa ang kasalanan mo sa akin, Bree? Ano pa ang ginawa mo para saktan ako?” ilang minuto ang nagdaan ay tanong niya rito.Nagtagis ang bagang niya at nakakuyom ang kamao niya habang matalim na nakatingin dito. Hindi siya naniniwala na ang pagkaka-kidnap lang niya at ang pagplano nito ng gabing iyon ang nagawa nito. Alam niyang may itinatago pa ito dahil sa nakikita niyang reaksyon nito.“I-I'm sorry, Ali!”“Hindi ang sorry mo ang gusto kong marinig!” sigaw niya at paika-ikang lumapit siya rito. Tumayo siya sa harapan nito at pailalim na tinitigan niya ito. Ngunit hindi ito nagtaas ng ulo at umiyak lang ito.Kaya napaluhod din siya at niyugyog ang balikat nito.“Ano, Bree! Sabihin mo sa akin!” hiyaw niya.“A-Ako ang nasa labas noong nag-uusap kayo ni Penny. Nagselos ako at nainggit nang malaman ko kung sino si Eros sa'yo. G-Galit ako dahil bakit ikaw palagi ang maswerte sa ating dalawa. Ikaw ang magaling. Ikaw ang malapit nang makapagtapos ng pag-aaral. Ang unang kliyente mo ay na
Ali, who had just opened her eyes, frowned and groaned softly. Kumikirot ang ulo niya at ramdam niyang hindi komportable ang posisyon niyang nakahiga. Nakatagilid siya at parang nakatali ang dalawang kamay niya sa kanyang likod. Malamig ang sahig kaya hindi niya napigilan ang manginig sa lamig. Tanging manipis na pambahay na t-shirt at hanggang tuhod na shorts ang kanyang suot.Nang ma-realize ito ay nawala lahat ng antok niya at tarantang bumangon. Pero dahil nakatali ang kamay niya ay nahirapan siyang makaupo. Animo hindi pa nakikinig ang katawan niya na gusto niyang maupo kaya nahiga muna siya saglit bago muling kumilos at pinilit na maupo. Humihingal pa siya dahil nahirapan siyang bumangon at nanakit pa ang buong katawan niya. Siguro ay dahil sa tagal niyang nakahiga sa matigas na sahig.Binalot siya ng takot at nanginig ang buong katawan niya. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya at nawalan ng kulay ang kanyang mukha. She anxiously looked around. Pero hindi niya makita ang sitwasy