Share

Chapter 4

Mula sa driver’s seat ay nakita rin ni Xian ang nangyari sa harap ng Civil Affairs Bureau. Tiningnan nito ang oras. Pasado alas nuebe na at tumataas na rin ang sikat ng araw…

         “Mr. Riego, kanina pa po nakatayo si Madam sa labas ng gate—”

         “Bakit? Naiinip ka na ba?” Naiinis na wika ni Marco.

         Hindi na sumagot si Xian, bagkus ay tinuon ang mga mata sa harapan. Tiningnan naman ni Marco ang klima para sa araw na ‘yon.

         Ang sabi sa weather update ay magiging maaraw at papalo ng 38 degrees ang temperature sa bandang katanghalian.

      Kumunot ang noo niya.

         “Mag-drive ka na.”

         “Yes, Mr. Riego.”

  Samantala, bagot na sa paghihintay si Anna. Tatawagan na sana niya si Xian nang makita ang mamahaling kotse na huminto sa kanyang harapan.

         Isang Bentley. Sa pagkakaalam niya ay isa ito sa pinakamamahaling kotse sa buong mundo. Hindi lahat ng mayayamang pamilya ay mayroong gano’ng klase ng kotse sa Pilipinas.

         Tanging si…

         Nang bumukas ang pinto nito ay nakumpirma ni Anna kung sino ang may-ari niyon. Lumabas mula roon si Marco, tila bai sang modelo sa isang magazine sa postura nito.

         Napatingin lamang si Anna kay Marco na pinagpagan ang suot na jacket at animo’y nagpapagwapo pa.

  Oo nga’t gwapo, ngunit hindi kagaya noon ay iba na ang nararamdaman ni Anna. Galit… iyon lang!

         Nandidiri niya itong inirapan at saka tinalikuran ang lalaki para pumasok sa Civil Affairs Bureau.

         “Why are you such in a hurry, Anna?” ani Marco.

         “Wala akong oras makipag-plastikan sa ‘yo. At pwede ba? Huwag mo akong kausapin!” ganting wika ni Anna habang mabilis na naglalakad. Halata ang galit sa kanyang mukha na nagmistulang naging “tan” dahil sa init ng araw.

         Ang nakakainis pa ay nang dumating siya rito ay nakita na niyang naka-park ang kotse ni Marco sa ‘di kalayuan. Hindi niya naisip na si Marco pala ang nasa loob niyon dahil sa pagkakaalam niya ay kahit na marami itong kotse ay tanging ang Maybach at Subaru lang ang ginagamit nito sa tuwing babyahe.

         Kaya naman nang lumabas si Marco sa kotse ay mas lalong nag-alab ang kanyang galit para sa lalaki. He tricked her! Paano nito naatim na hayaan siyang magbilad sa araw samantalang prente itong nakaupo sa loob ng kotse habang naka-aircon?

Ang tagal-tagal niya kayang nakatayo!

         Kailangan na talagang ma-annul ang kasal nila. Ayaw niyang mamatay na lang dahil sa kunsumisyon sa lalaking ito!

         Nang makarating sa loob ng building ay mabilis na pinirmahan ni Anna ang certificate. Maganda ang sulat-kamay nito pero para kay Marco ay nakakairita itong tingnan.

         “Pumirma na ako. Ikaw na lang.”

         Nilapag ni Anna ang certificate sa harapan niya. Malamig ang mga mata ni Anna. Ni wala man lang interest na tingnan siya.

         “Sa tingin mo ba ay may mapapala ka sa kalokohan mong ‘to, Anna? You better stop this fuss while I still have mercy,” sabi ni Marco.

         “Sinasabi mo bang gusto mo pa akong maging asawa? You want to keep me now?” Inirapan siya ni Anna.

         Napansin ni Anna ang mag-asawa sa likod nila. Tinaasan siya ng kilay ng babae. Gayunpaman ay wala siyang panahon para sitahin ang babae dahil ang gusto niya lang ay matapos na ang annulment.

         Nagdilim ang mga mata ni Marco. “Anna De Vera, I will give you one last chance. If you—”

         “Hindi na kailangan!” Tinuro niya ang parte ng certificate na dapat pirmahan ni Marco. “Pirmahan mo na lang. Ang dami pang taong nakapila sa likod natin.”

         Magsasalita pa sana si Marco ngunit nagsimula nang magreklamo ang babaeng nasa likuran nila. “Ano ba ‘yan! Matagal pa ba kayo riyan? Kung hindi pa kayo desidido, baka pwedeng paunahin niyo muna kami? May trabaho pa ako, e!”

         “Narinig mo?” Ani Anna. “Please, huwag mong aksayahin ang oras ko at ng mga tao rito.”

         Mas lalo pang kumulo sa galit si Marco dahil sa ugaling pinapakita ni Anna. Nagtagis ang kanyang bagang. “I’m telling you this, Anna. You will regret this decision. Hihintayin ko na magmakaawa ka sa akin para lang balikan kita!”

         Sarkastikong tumawa si Anna. “Maghintay ka kung gusto mo!”

         Kahit na ano pang gawin ng lalaki ay hindi na niya ito babalikan hangang sa mamatay siya!

         “We’ll see, Anna. Let’s just see.” Dinampot ni Marco ang pen at nanggigigil na pinirmahan ang dokumento.

         Tiningnan lamang ni Anna ang dalawang pirma sa certificate na ‘yon. Ang noong sakit sa kaniyang puso ay nawala nang parang bula.

         Mukhang hindi naman pala gano’n kahirap ang magparaya.

         ***

         Pagkalabas ng building ay nagmamadaling naglakad palayo si Anna. Si Marco naman ay nakasunod lamang sa kanya, pinagmamasdan siya.

         Hawak-hawak ang annulment certificate na aprubado ng hukom, animo’y nag-aalab ang kalooban niya sa matinding galit.

         Biglang huminto si Anna, dahilan para umusbong ang malokong ngiti sa labi nito.

         Sinasabi na nga ba’t hindi siya makakatagal, naisip ni Marco.

         Naisip niya na kung lilingunin siya ni Anna at magmamakaawa na balikan niya ito, hindi imposible na patawarin niya ito…

         Subalit hindi siya nilingon ni Anna, bagkus ay lumapit sa garbage container at pinunit ang annulment certificate saka ito tinapon sa basurahan. Pagkatapos niyon ay saka lamang ito lumingon sa kanya.

         “Sa wakas at natapos na rin tayo. Ayaw ko nang makita ‘yang pagmumukha mo, Mr. Riego!”

         Nanigas sa kinatatayuan si Marco. Nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwala sa sinabing ‘yon ng dating asawa.

         Tinalikuran siyang muli ni Anna at mabilis na nagpara ng taxi, hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.

         Matagal bago nakabawi si Marco mula sa pagkapahiyang ‘yon. Nanumbalik ang galit sa kanyang kalooban nang maproseso ang lahat ng nangyari.

         “Tingnan lang natin kung hanggang saan ‘yang tatag mo, Anna…” aniya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status