Share

Chapter 5

Kinagabihan…

         Ginugol ni Marco ang kaniyang atensyon sa trabaho matapos ang mga nangyari sa Civil Affairs Bureau. Hanggang mga oras na ‘yon ay nagngingitngit pa rin siya tuwing naaalala ang mga sinabi ni Anna sa kanya.

         Hindi siya makapaniwala na sa loob lamang ng ilang araw ay nagbago ang ugali ng babae.

         Dalawang katok mula sa saradong pinto ng kanyang opisina ang nagpabalik sa kanya sa realidad.

         “Mr. Riego, Ms. Fuentes is here to visit you,” pormal na wika ni Xian mula sa labas ng pinto.

         Hindi tumigil sa pagbabasa ng mga dokumento si Marco, at hindi rin nag-aksayang mag-angat ng tingin.

         “Hindi ba’t sabi ko ay hindi ako tatanggap ng bisita?” malamig niyang sabi.

         “I’m sorry, Mr. Riego. Ang sabi ni Ms. Fuentes ay may mahalaga raw siyang sasabihin sa ‘yo.”

         Nakakunot-noong nag-angat ng tingin si Marco, pagkatapos ay hinubad ang kanyang suot na gold-rimmed glasses.

         “Let her in,” aniya habang minamasahe ang kanyang sintido.

         After a few minutes, binuksan ni Xian ang pinto. “Ms. Fuentes, please get in.”

         “Thanks, Xian,” nakangiting pasalamat ni Celine habang nakahalukipkip at sopistikadang pumasok sa opisina ni Marco.

         Pagkasara ng pinto ay hindi napigilan ni Xian na tingnan ang kanyang relos. Pasado alas-onse na ng gabi. Ano naman kaya ang mahalagang bagay na gusting sabihin ni Celine sa kanyang amo? At sa gano’ng oras pa talaga nito napiling bumisita? Malamang ay excuse lamang ng babae iyon para makita ang presidente.

         Samantala, may ngiti sa labing lumapit si Celine sa desk ni Marco. “Tumawag si Tita Madel kanina. Mukhang alam na niya.”

         Kumunot lalo ang noo ni Marco. “Ano’ng sinabi mo sa kanya?”

         “I just said what you told me to say. Hindi na rin naman siya nangulit dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. I’ll have my operation next week. Sabi ng doktor ay kailangan ko raw na maging kalmado palagi.”

         “I see.” Bumuntonghininga si Marco. “You should leave and prepare for our trip tonight, Celine.”

         Masayang umikot si Celine sa desk at kinintilan ng halik si Marco sa labi. “I’ll see you in the airport, love…” aniya sa malanding boses.

         Tumango lamang si Marco, tila ba walang dating sa kanya ang kagandahan ng babae sa harapan at hindi pa rin natitinag ang malamig nitong emosyon sa mukha.

         ***

Kinabukasan, umulan ng balita patungkol kina Marco at Celine. Ayon sa mga reporter at paparazzi, nakita ang dalawa sa airport ng Cebu. The news about them dominated the front pages of articles and media again.

         Maraming mga tagahanga ang natutuwa sa mga kumakalat na balita, anila’y nagta-travel daw ang dalawa ng sekreto, at magkakaroon pa ng mga magagandang balita patungkol sa kanila sa mga susunod na araw!

         Samantala, bumulahaw sa tunong ang phone ni Marco. Tumaas ang kilay nito nang makitang isang estranghero ang tumatawag sa kanya.

         “Hello, this is May from QualiMed Hospital. Ito po ba ang number ng asawa ni Ms. Anna De Vera?”

         “What do you want?” tanong ni Marco.

         “Sir, nakalimutan pong i-pick up ng asawa Ninyo ang mga resetang gamot sa kanya. Naka-schedule po itong for pick up kahapon. Kritikal na po ang sakit niya at hindi po pwedeng hindi siya uminom ng mga gamot na payo ng doktor.”

         Nayanig ang mundo ni Marco sa narinig. Para bang huminto sa pagtibok ang kanyang puso. Nanginginig ang kanyang boses nang magsalitang muli, “A-Anong sabi mo? Liwanagin mo at hindi ko maintindihan! Sinong may sakit?!”

         ***

         Kinagabihan…

Sa isang bakanteng villa, sa sala sa unang palapag, isang lalaki ang tahimik na nakaupo sa sofa, na may diagnosis result sa coffee table sa harap niya.

Madilim ang buong sala at tanging liwanag lang ng buwan ang pumapasok sa mga bintanang mula sahig hanggang kisame.

Nakatago sa dilim ang guwapong mukha ng lalaki, at ang maitim niyang mga mata ay nakatitig sa papel sa mesa. Hindi ito kumukurap.

Stage 4 gastric cancer…

         May cancer si Anna?

Biglang napangiti ang lalaki at itinaas ang mga kamay para takpan ang mga mata. He could not just believe it. Marahil ay isa ito sa mga patibong ni Anna. Ang babaeng ‘yon, may sakit? Kalokohan!

Sa tatlong taon nilang pagsasama, ni hindi niya ito nakitaan nang kahit anong sakit. At benta-sinko pa lang ito. Paano siya magkaka-cancer sa murang edad?

Dahil ba sa nagsisisi siya na hiniwalayan siya nito? Kaya ngayon ay nagpa-panic ito? Mukhang nag-iba pa ng taktika at sinusubukang magpanggap na may sakit para mapalambot ang kanyang puso!

Para ano? Makahingi ito ng tawad sa kanya?

Damn, he wouldn’t believe her lies!

Anna was greedy. Hinding-hindi makakalimutan ni Marco ang mgaa ginawa nito sa kanya noon.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang sinabi ni Anna noon sa dalawang babaeng kinompronta niya sa clubhouse noon.

Ayon kay Anna ay hindi raw siya nito mahal, at ang tanging rason kung bakit siya pinakasalan ng babae ay dahil sa katayuan at yaman niya.

Anna loves vanity so much. Kung talagang may cancer ito, bakit ito nakipaghiwalay sa kanya at umalis ng bahay kahit hindi naman ito pinapalayas?

Batid ni Marco na niloloko lamang siya ni Anna at ang resultang nasa harap niya ay peke.

Hinilamos niya ang mga kamay sa kaniyang mukha. Pilit na binubura ang imahe ni Anna sa kanyang isipin. Pero bakit tila ba ang puso niya ay parang natatanga sa babaeng ‘yon?

“Anna, ano ba ‘tong laro na sinisimulan mo?” bulong niya.

Naalala niya ang kakaiba at walang pakialam na paraan ng pagtingin nito sa kanya sa meeting room noong nakaraang araw, bagay na hindi pa niya nakikita noon.

Hindi niya mapaliwanag ang kung ano’ng nararamdaman niya. Kinuyom niya ang kanyang palad at nagtagis ng bagang.

Hahanapin niya si Anna at kakausapin nang personal… Ilalantad niya ang lahat ng kabulukan nito at ang paglilinlang nito sa kanya!

Tumayo siya at tinawag ang kanyang assistant na si Xian habang naglalakad siya palabas ng villa.

“Yes, Mr. Riego?”

“You need to do something for me, Xian, and make sure Celine will not find out about this,” sabi niya sa malamig na boses.

“Ano po iyon, Mr. Riego?”

Nang tuluyan nang makalabas ng villa ay hinarap niya si Xian.

“Do everything you can to track down Anna. Ipadala mo sa akin ang location ng hotel na tinutuluyan niya. I need to speak with my ex-wife as soon as possible.”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elizabeth Cabanilla
thankyou more please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status