Share

Chapter 6

Hindi tumigil si Marco na ipahanap si Anna. He wanted to speak with her and confront her about her evil tactics. Ngunit kahit ang mga taong inutusan niya para hanapin ang dating asawa’y hindi ito matunton.

Marco couldn’t find Anna anymore.

Ang malala pa roon ay hindi siya pinatatahimik ng nabasang diagnosis result tungkol sa kondisyon ni Anna.

Isang lingo na ang nakakalipas, pero sa sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya, ang salitang cancer ang palagi niyang naiisip. Hindi niya maintindihan kung bakit parang sumisikip ang dibdib niya kapag naiisip iyon.

Hindi niya gustong paniwalaan na totoo ang resultang ‘yon. Mas gusto niyang isipin na gawa-gawa lamang iyon ni Anna para maghabol siya sa babae, pero sa mga nagdadaang araw, hindi na rin siya sigurado sa dinidikta ng isip niya.

Mabilis na lumipas ang isa pang linggo…

Walang ibang ginawa si Marco kung hindi ang igugol ang atensyon niya sa trabaho. Ni wala siyang ganang sagutin ang mga tawag mula sa mga business partner niya at ni Celine, kaya naman hinayaan niya si Xian na i-handle ang mga ‘yon.

Marco did everything he could to search the whole city, ngunit wala pa ring magandang balita. Hindi pa rin mahanap ng mga tauhan niya si Anna De Vera, bagay na hindi niya kinatutuwa.

Sa laki ng koneksyon niya, hindi na dapat mahirap para sa kanya ang hanapin ang babaeng ‘yon, kahit pa na halughugin pa niya ang buong bansa. Kaya nakapagtataka na hindi niya ma-trace kung nasaan ito!

         Maliban na lang kung may ibang tumutulong kay Anna na kayang pagtakpan ang kinaroonan nito.

Pero paano magagawa ni Anna ‘yon? Sino naman kaya ang maaaring tumulong sa dati niyang asawa?

Doon lamang napagtanto ni Marco na wala na siyang kontrol sa sitwasyon, na ang dating babae na mahal na mahal siya at ayaw makipag-annul kahit pa ilang beses niya na itong pinagtulakan palayo, ay talagang naglaho na nang parang bula…

***

Panibagong araw, panibagong nag-aabang na galit ni Marco Riego kapag binalita niyang hindi pa rin mahanap si Anna.

Napabuntonghininga si Xian habang nakatayo sa harap ng pinto ng President’s office. Isipin pa lang niya ang nakakatakot na tingin ng kanyang amo kahapon matapos niyang ibalita na bigo ang mga tauhan nito para hanapin ang dating asawa ay hindi na niya mapigilang makunsensya.

“Miss Fuentes,” ani ng bagong sekretarya ni Marco.

Lumingon si Xian at nakita si Celine Fuentes na papalapit sa kanya. Napakaganda ng babae sa suot nitong off-white dress at stiletto heels. Kasabay nang mahinhin na paglakad nito ang paggalaw ng mahaba at itim nitong buhok.

Ngumiti ang babae sa kanya. Kung titingnan ay nakapahinhin at tila ba hindi ito makabasag-pinggan.

Sinita ni Xian ang sarili sa naisip. Mayroong mga babae talaga na mukhang inosente at mahinhin sa panlabas na any, pero ang totoo ay mas tuso pa sa ang mga ito kaysa sa mga lalaki.

Simula nang bumalik si Celine sa Pilipinas, hindi na natigil ang kaliwa’t-kanang tsismis at report patungkol sa kanilang dalawa ni Marco Riego. Hindi mapigilang isipin ni Xian na may kinalaman si Celine sa mga istoryang naglalabasan tungkol sa kanila ni Marco.

Pakiramdam niya ay ang mga walang basehang reports ng media ang naging dahilan kung bakit napagdesisyunan ni Anna na makipaghiwalay kay Marco at iwan ito nang tuluyan.

Ang hindi lang maintindihan ni Xian ay kung bakit hinahayaan lamang ni Marco ang mga gano’ng balita na kumalat sa internet at TV?

“Miss Fuentes, good morning. I apologize but Mr. Riego is busy right now. Do you have an appointment?” tanong ni Xian sa babae.

Ngumiti sa kanya si Celine. “Wala akong appointment, pero nagpunta ako rito dahil may importante akong sasabihin kay Marco.”

‘Same reason…’ naisip ni Xian at nginitian ito. “I understand, Miss. Fuentes. Please wait for a bit, I will inform Mr. Riego about your visit.”

“Thank you, Xian, and I’m sorry for being a bother.”

“It’s okay, Miss.”

Pormal na kinatok ni Xian ang pinto ng office ni Marco bago ito tuluyang buksan upang pumasok sa loob. Sa kabilang banda, nawala ang mahinhing ngiti sa mga labi ni Celine nang magsara ang pinto ng opisina ni Marco.

Sa loob ng office…

“What is it again, Xian?” iritableng tanong ni Marco.

“Miss Fuentes is outside, Mr. Riego,” sagot ni Xian. “Sabi niya ay may importante raw siyang sasabihin sa inyo.”

Kumunot lalo ang noo ni Marco at padabog na hinagis ang pen na hawak sa kanyang desk. Huminga ito nang malalim saka tumango.

“Let her in.”

“Yes, Mr. Riego.” Tumango si Xian at saka pinagbuksan ng pinto si Celine. “Miss. Fuentes, please come in.”

“Thank you, Xian,” sabi ni Celine at mahinhing pumasok sa opisina ni Marco.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Xian. Tanging sina Marco at Celine lamang ang naiwan sa loob.

“Marco…”

Nag-angat ng tingin sa kanya si Marco. Mababakas ang malamig na emosyon sa mukha nito.

“What are you doing here, Celine? I know you didn’t come here for some petty reasons.”

Celine walked up towards his desk. “Nakita ni Tita Emilia ang mga kumalakat na balita tungkol sa atin. I think she misunderstood it, and I tried to explain. Pero hindi siya nakinig sa akin. Gusto niyang mag-schedule na tayo ng kasal sa lalong madaling panahon, Marco. I came here to tell you about it, and somehow persuade you to consider.”

“Nang dahil lang sa mga ‘yon?” Hindi makapaniwala si Marco sa narinig at napasandal na lamang sa kinauupuan habang nakataas ang isang kilay. “Kung iyon lang naman ang isyu, then I can explain it to her personally. Ako na ang bahalang kumausap sa kanya para hindi ka mapahiya.”

Ngunit tila ba hindi inaasahan ni Celine ang mga salitang lumabas sa bibig ni Marco, dahilan kaya natigilan siya nang saglit.

Hindi iyon ang sagot na gustong marinig ng babae!

Kinuyom ni Celine ang kanyang mga kamay at halos magtagis ang mga ngipin nito sa inis. Huminga siya nang malalim bago magsalitang muli.

“Actually, gusto rin kitang tanungin. Sa dami-rami ng mga balitang lumabas patungkol sa atin, bakit hindi ka gumawa ng paraan para maklaro ang mga ‘yon? You have the ability to erase those news about us, but instead you let it develop?”

Naningkit ang mga mata ni Marco. “What? Don’t tell me you misunderstood it too?”

Nagulat si Celine sa tanong ni Marco. Hindi niya mapigilan ang sarili na pagmasdan ang mga mata ng lalaki sa harap niya—ang mga matang ‘yon ay sobrang lamig, na dati ay puno ng pagmamahal kapag tinitingnan siya noon. Pero iba na ngayon… hindi na ito gano’n kung tumingin sa kanya ngayon.

Napalunok si Celine. “Alam kong marami akong nagawang mali noon. Pero ngayon, sumusugal ako. I want to donate my bone marrow to Tital Emilia. Sana maintindihan mo ang intension ko.”

“Oh?” Tumaas pa lalo ang kilay ni Marco. “Oo, naiintindihan ko.”

Celine could only look at him in disbelief. Kung naiintindihan siya nito ay kung ganoon, may plano rin itong makipagbalikan sa kanya?

Nagliwanag sa saya ang mga mata ni Celine. Lumapit pa siyang lalo sa desk nito at saka pinahayag ang totoong nararamdaman.

         “Marco, alam kong kasalanan ko na iniwan kita ilang taon na ang nakakalipas. In fact, I have regretted it every day since I went abroad. Kahit pa na hindi nagkasakit si Tita Emelia, babalikan pa rin naman kita. Dahil sa puso ko, alam kong mahal na mahal pa rin kita.”

“Really?” Marco asked. Kita sa mga mata ni Celine ang pagmamahal sa gawi  nang pagkakatitig nito sa kanya. Bagay na palagi niyang nakikita noon sa dating asawa na si Anna.

Ganoon siya kung pagmasdan ni Anna. Mali. Mas maganda pa ang mga mata nito kaysa kay Celine. Mas nangungusap at mas may emosyon… Kailangan lang niyang tingan nang maigi ang mga mata ni Anna para makita ang pagmamahal sa mga ‘yon.

Si Anna lamang ang babaeng nagparamdam sa kanya niyon…

Ngunit hinayaan niyang mawala si Anna.

Habang iniisip si Anna ay sumisikip ang dibdib ni Marco. May kung ano’ng masakit doon. Tiningnan niya nang malamig si Celine.

Ilang saglit pa ay tumaya na siya at kinuha ang coat mula sa hanger at mabilis na sinuot sa kanyang braso.

Malapad na ngumiti si Celine. “Let me make up to you, Marco. I never asked you for date before, did I?”

Ngunit malamig na tingin lamang ang pinukol sa kanya ni Marco.   

         “No, you didn’t. But I don’t want you to assume or something. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay iklaro mo kay Tita Emilia ang nangyayari at sabihin sa kanya na hindi na ako interesado pa sa iyo.”

  Nanigas sa kinatatayuan si Celine, at bigla na lamang namutla sa narinig.

Comments (41)
goodnovel comment avatar
Shirley C. Navarosa
bala namatay n ang author nito kaya wala ng ud pa, may you rest in peace
goodnovel comment avatar
Emy Garcia Nazarro
Update please
goodnovel comment avatar
Nartleb Ellehc
sayang parang maganda pa namn ang story kaya LNG wala na ata balak si author na ituloy......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status