“At namuhay sila nang masaya magpakailanman…”
Isinara ni Stacy ang napiling librong pambata ng kambal para sa gabing ito.
Napangiti siya nang makitang mahimbing nang natutulog sina Athena at Collins. Sa kabila ng pagiging abala ni Stacy sa trabaho ay hindi niya pa rin pinapabayaan ang responsibilidad niya bilang ina sa mga anak. Kung maaari nga lang na nasa tabi nila siya lagi ay gagawin niya.
Tumayo na siya sa pagkakaupo at saka itinabi ang silyang ipinuwesto niya sa pagitan ng mga kama ng kambal. Matapos ay saka niya binalikan ang dalawa at kinintalan ng tig-isang halik sa noo.
“Mahal na mahal ko kayo, mga anak…”
Sa loob ng limang taon ay sina Athena at Collins ang nagsilbing lakas niya upang mabuhay sa mundo. Sawi man siya pagdating sa lalaki, hindi naman siya binigo ng Maykapal pagdating sa kaniyang mga anak.
Likas na mababait na mga bata ang mga ito. At mahal na mahal siya ng mga ito.
Sa kabila ng pagiging premature babies, lumaking normal at malusog ang dalawa. Nalagpasan nila ang kritikal na kalagayan nila noong mga sanggol pa sila. At itinuturing iyong isang himala ni Stacy.
Laking pasasalamat niya rin kay Santi dahil hindi natapos ang pagmamalasakit niya sa kanila matapos niya silang tulungang makatakas mula sa mga mata ng mga Ford at Andres. Umabot siya sa puntong ipinahiram niya ang apelyido niya sa kanilang mag-iina. Sa mga mata ng batas, si Stacy ay isa sa mga pinsan ni Santi.
“Stacy, hija…”
Napatayo si Lourdes, ang yaya ng kambal, sa kaniyang kinatatayuan nang makita ang pagbaba ng amo mula sa ikalawang palapag ng bahay. Bakas ang pagtataka sa mukha nito nang makitang bihis na bihis ang dalaga, dala pa ang bag pangtrabaho.
“Alas nuwebe na ng gabi ah. Papasok ka pa sa trabaho?” usisa niya.
“Opo, yaya. Kayo na po muna ang bahala sa mga bata. Short staff po kasi kami ngayon,” pagsisinungaling nito.
Alanganin ma’y tumango ang matanda. “O siya. Mag-iingat ka at gabi na.”
Tumango si Stacy at saka nagpaalam sa matanda.
***
Nang makarating si Stacy sa ospital ay kaagad siyang dumiretso sa kaniyang opisina. Naabutan niya pa roon ang kaniyang assistant.
“Ayy, dok. Good evening po…” paunang bati ng assistant niya. “Akala ko po ay umuwi na kayo.”
“Oo. Galing ako sa bahay.”
“Tapos na po shift niyo, hindi ba? Bakit po kayo bumalik?”
Nginitian lang ni Stacy nang makahulugan ang dalaga.
Napatungo naman ang babae sa pagkapahiya. “Pasensya na po, dok. Napadaldal lang.”
“Okay lang,” sagot ni Stacy saka inilapag ang bag sa mesa.
“Gusto niyo pong kape, dok?” alok ng dalaga.
“Yes, please.”
Agad na tumalima ang babae at ipinagtimpla siya ng kape. Nang mailapag niya ang kape sa mesa ay saglit siyang tumitig sa mukha ng doktor.
Sa isip niya ay pinupuri niya ang doktor. Napakaganda kasi talaga nito. Sa kabila ng hectic na schedule niya ay hindi man lang kakakitaan ng stress ang mukha nito. Mukha itong laging fresh. At ang ganda niya, parang artista.
Kung ganito lang talaga siya kaganda, sa-sideline na siya bilang model.
“May gusto ka bang sabihin, Mitsy?” untag ni Stacy nang mapansin ang pagtitig sa kaniya ng assistant.
Natauhan si Mitsy kasabay no’n ang pag-alala niya sa lalaking pumarito kaninang takipsilim.
“Opo, dok. May bumisita po kasi kanina rito sa opisina niyo.”
Kumunot ang noo ni Stacy. “Sino naman?”
Wala namang ibang bumibisita sa opisina niya maliban sa kapwa niya doktor at mga nars. Pero madalas naman na binabanggit ni Mitsy agad kung sino iyon at kung ano ang pakay nito.
“Si Mr. Ford po,” napapangiwing sagot ni Mitsy. Nakarating kasi sa kaniya ang ginawang pagtanggi ng doktor sa kaso ng anak nito. Sa isip niya ay baka pumarito ito kanina para sibakin sa trabaho ang dalaga.
Mas lumalim ang linya sa noo ni Stacy. “Ano daw ang kailangan niya?”
Nagkibit-balikat ito. “Hindi po sinabi, dok. Basta tinanong niya kung nasaan kayo. Tapos no’ng sinabing kong out niyo na, dinampot niya ‘yong calling card niyo na nasa mesa saka umalis. Hindi niya po ba kayo tinawagan?”
Umiling si Stacy. Wala naman siyang natanggap na mensahe o tawag mula sa unknown number.
Inubos na ni Stacy ang kape at saka nagpaalam sa kaniyang assistant.
Agad siyang dinala ng mga paa niya sa harapan ng kwarto kung nasaan si Axel. Sa labas nito ay nakatayo ang isang matikas na lalaking, siguradong isa ito sa mga bodyguard ng mga Ford.
“Magandang gabi, dok,” bati nito saka agad na tumabi upang bigyang-daan si Stacy.
“Salamat.”
Bago siya pumasok sa loob ng silid ay humugot muna siya nang malalim na hininga.
Tahimik ang silid nang makapasok siya. Nagpalinga-linga pa siya upang tingnan kung may ibang tao ba sa loob. Sumama ang timpla niya nang makita niyang wala.
‘Ito ba ang sinasabi mong hindi papabayaan ni Diether ang anak ko, Santi?’ reklamo niya sa isip.
Ni hindi man lang magawang bantayan ng ama ang anak nito. O kahit na ‘yong nagmamagaling na Mildred at Jane na ‘yon. Iniwan nila si Axel sa kamay lamang ng isang bodyguard.
Ang isiping iyon ay nagpangalit sa panga niya. Dapat niya talagang bawiin ang anak niya sa mga ito.
Sinamantala ni Stacy ang kawalan ng bantay ni Axel sa loob ng silid. Kaagad siyang umupo sa silya sa tabi ng kama ng bata.
Nanginginig niyang hinaplos at hinawakan ang kamay nito. Awtomatikong bumuhos ang luha niya nang maramdaman ang init ng palad ng bata. Napuno ng pangungulila ang puso niya.
Sa loob ng limang taon, akala niya ay maayos na ang lahat. Akala niya ay hindi na muling magtatagpo ang landas nila ng dating asawa. Ngunit paano na iyon ngayong nalaman niyang nasa poder nito ang isa niya pang anak?
“Patawarin mo si mama, anak,” mahinang iyak ni Stacy. Naninikip ang dibdib niya sa sakit at pagsisisi. “Patawarin mo ako dahil wala ako sa tabi mo sa loob ng limang taong nakalipas. Hinayaan kitang mapasakamay ng mga taong ‘yon. Ni hindi ko alam kung anong naging buhay mo sa mga kamay nila.”
Walang mapagsidlan ang pangungulila niya. Parang kalahati ng buhay niya ang nawala nang matuklasan ang tungkol kay Axel.
Sa mga oras na ‘to ay gustong-gusto niyang itakbo at ilayo si Axel. Kung pwede niya lang gawin ang ginawa nila noong sanggol pa ang mga kapatid nito ay ginawa na niya. Pero mahirap na ‘yong gawin ngayon.
Kahit sabik siya ay hindi nawawala sa utak niya kung gaano kalaking tao si Diether. Kailangan niya ng masusing plano kung gusto niyang mabawi ang anak.
Marahang pinisil ni Stacy ang kamay ni Axel at saka hinalikan ang likod ng palad nito. “Ipinapangako ko, anak. Magsasama tayong muli. Makakasama mo rin ang mga kapatid mo. Bigyan mo lang ng panahon ang mama para makagawa ng paraan.” Hinaplos nito ang buhok nito. “Mahal na mahal kita, Axel. Mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid mo.”
Gusto pa sanang magtagal ni Stacy ngunit nakatanggap siya ng tawag mula kay Dr. Medina.
“Babalik si mama, anak,” paalam niya kay Axel.
Maingat siyang kumilos patungo sa pintuan. Ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata sa bumulaga sa kaniya nang buksan niya ang pinto.
“D-Diether…”
Chapter 12.1Sa kasalukuyan…“Sabi ng doctor, stable na siya. Pero it’s been three days at hindi pa rin siya nagigising. Ang sabi ay nagre-regain pa ang katawan niya ng lakas kaya ganoon,” paliwanag ni Diether kay Calix. “That’s good to hear. Nag-alala talaga ako nang marinig ko ang nangyari. Excited pa naman akong umuwi dahil madami akong biniling pasalubong para sa kaniya.”Talagang sobrang malapit ang loob ni Calix sa inaanak. Napakabait at masunurin kasi nitong bata. Kaya naman hindi nito nakakalimutang bumili ng pasalubong para dito kada uuwi siya galing sa ibang bansa. “Bawas-bawasan mo naman ang pag-spoil sa anak ko. Nagseselos na ako sa ‘yo ah. Baka sa susunod mas gusto ka na no’ng makasama kaysa sa ‘kin,” biro ni Diether. Hindi naiwasang mapahalakhak ni Calix. Alam niya kasing may halong katotohanan ang biro ng kaharap. Maya-maya pa ay mayabang siyang nagkibit-balikat. “Hindi ko na kasalanan kapag nangyari ‘yon. Bawasan mo rin kasi ang kakasubsob sa trabaho. Kung wala ka l
“Angas ah. Hindi lang siya pumayag na bumuntis ka ng iba. Talagang nag-suggest pa siya ng candidate,” natatawang komento ni Calix. Hindi rin maiwasang mapatawa ni Diether. “Maybe she’s just helping me. After all, siya rin naman ang kikilalaning ina ng magiging anak ko sa babae.”Napakibit-balikat si Calix. “Siguro nga. Pero bakit daw? Why that specific Anastacia girl?”Hindi agad nakasagot. Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at saka naglakad patungo sa glass wall ng kaniyang opisina. Napako ang kaniyang tingin sa ganda ng city lights sa ibaba. Para itong mga alitaptap na pakinang-kinang sa gabi. Muli ay sumimsim siya sa kaniyang baso bago hinarap si Calix. “She told me she hated that girl. Malaki raw ang kasalanan nito sa kaniya which caused her to transfer school in the past.”Napangiwi si Calix. “Oh ano namang kinalaman no’n sa pagha-hunting mo ng mapapangasawa? ‘Wag mong sabihing gagamitin ka niya para maghiganti ro’n sa babae?”“Exactly.”“At pumayag ka naman?!” gulantan
“Nabalitaan ko ang nangyari. Kumusta na ang pamangkin ko?” untag ni Calix sa tulalang kaibigan. Kakabalik niya lang galing sa ibang bansa para sa isang business venture nang mabalitaan niya ang nangyari sa kaniyang inaanak. Si Calix Olivarez ang pinakamatalik na kaibigan ni Diether. Mula pa high school ay magkasanggang-dikit na ang dalawang ito. Mapatrobol man o kasiyahan palagi silang magkasama. Kaya alam nito lahat tungkol kay Diether. Alam din nito ang ginawa niyang kagaguhan sa nakaraan. Naroon siya noong panahong pinakasalan ni Diether si Anastacia. Isa pa nga siya sa mga naging witness noon. Nang ibalita sa kaniya ni Diether ang pagpapakasal nito ay nagulat pa siya. Ang alam kasi nito ay mahal pa rin nito ang kaniyang ex na si Jane, na hiniwalayan siya para sa kaniyang career noon. Sa kabila ng hiwalayan nila, sina Diether at Jane pa rin ang nakatakdang magpakasal sa hinaharap dahil pinagkasundo na sila ng kanilang mga magulang noon pa man. At ang hiwalayan ng dalawa ay pans
"Anastacia?”Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ni Jane sa mga sandaling iyon. Pati ang mga balahibo niya ay mabilis na nanindig. Para siyang hahapuin dahil sa bilis ng paghinga. Dahil sa panghihina ay nahulog ang sling bag niya sa sahig mula sa pagkakadulas sa kamay niya. Agad siyang natauhan nang marinig niya ang bulungan ng mga tao sa paligid niya. “Hoy, ‘di ba si Jane Andres ‘yon? ‘Yong sikat na artista?”“Grabe! Mas maganda pala talaga siya sa personal ‘no?”“Oo nga. Tapos parang wala siyang ka-pores-pores!”Kung sa normal na pagkakataon, pumapalakpak na ang tainga ni Jane sa mga komento ng mga tao. Mahal na mahal nito ang kasikatan niya. At gustong-gusto niya kapag binabato siya ng mga puri ng mga tao. Subalit ang galak na nararamdaman niya kapag gano’n ay hindi lumitaw. Hindi ngayong nakakita siya ng multo mula sa kaniyang nakaraan. Nang mapansin niyang dumadami na ang taong nakakapansin sa kaniya ay agad siyang kumilos at pinulot ang laman ng bag niyang natapon. At nang muli
Pupungas-pungas na kinusot ni Stacy ang kaniyang mga mata. Kakagising niya lang mula sa mahabang oras na pagkakahimbing. Kaagad niyang inapuhap ang bedside clock niya para tingnan ang oras. “Oh, shit!” napapamura siyang bumangon, muntik pang mahulog sa kaniyang higaan. Paano ba namang hindi siya mapapamura?Alas onse na ng umaga. Sigurado siyang napasarap ang tulog niya dahil sa halos bente kwatro oras niyang duty kahapon. Kung hindi pa nga siya sinita ni Dr. Medina at pinauwi ay talagang mananatili pa siya sa ospital hanggang alas kwatro ng madaling araw. Ngunit dahil sa pamimilit ni Dr. Medina sa kaniya, wala na siyang nagawa kundi ang umuwi bandang alas dose y media ng madaling araw. Panatag na rin naman siya dahil alam niya nang binabantayan ni Diether ang anak niya sa mga oras na ‘yon. Nagmamadali niyang hinablot ang kaniyang twalya sa sabitan at akmang papasok na sa banyo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. “Good morning, mama!” masiglang bati nina Athena at Co
“D-Diether…” Halos hindi na umabot sa pandinig ni Diether ang boses ng doktorang nasa harapan. Saglit lamang siyang umalis mula sa pagbabantay kay Axel dahil nakaramdam siya ng gutom. At hindi niya inaasahang madadatnan niya ang doktora mula sa silid ng anak. Nanatiling nakaawang ang kaniyang mga labi dahil sa nasilayan. “Mr. Ford, ayos lang ba kayo? Para kayong nakakita ng multo,” komento ni Stacy nang mapansin ang pagkatulala ng lalaki. Hindi iyon sapat para bumalik ang katawang lupa ni Diether. Tunay na para siyang nakakita ng multo sa katauhan ng doktora. Hindi niya nasilayan ang mukha nito kanina dahil lagi itong may suot na face mask. Pero ngayon ay malaya niyang natitigan ang mukha ng babae. At kamukhang-kamukha nito ang yumao niyang asawa, si Anastacia. Ilang beses na kumurap si Diether upang masiguradong hindi siya niloloko ng kaniyang paningin. Akala niya ay binabangungot siya nang mga oras na ‘yon. Ngunit hindi naglaho ang babae sa kabila nang mariin niyang pagpikit.