Pagbukas ng pinto ay nagulat na lang si Roldan nang makita niya si Hannah. Alam niyang narinig ni Hannah ang lahat pero ngumiti lang siya na para bang walang nangyari.
“Hinahanap mo si Jared? Nandito siya,” sabi ni Roldan.
“Kanina ka pa ba nandyan? Pasok ka,” sabi ni Jared, pagkatapos ay pinaupo niya si Hannah.
Umalis na noon si Roldan. Para bang bumigat ang dala-dalang gamit ni Hannah habang sinasara niya ang pinto. Hindi niya alam kung paano haharapin si Jared pero alam niyang kailangan niya itong gawin.
Kahit hindi nakatingin si Jared kay Hannah ay alam nito na may mali kaya agad niya itong tinanong.
“Bakit hindi ka yata komportable? May problema ba?”
Tahimik lang na naglakad si Hannah papunta sa lamesa ni Jared saka siya nagsalita.
“Kung ayaw mo akong pakasalan, pwede akong bumalik sa mga magulang ko.”
Dahil sa sinabi ni Hannah ay alam na ni Jared na narinig ni Hannah ang pinag-usapan nila ni Roldan kanina.
“Anong nangyari sa’yo? Bakit ganoon?”
“Sa mata ng tao, mag-asawa na tayo nang matagal na panahon,” sagot ni Jared.
Hindi makapaniwala si Hannah sa sinagot ni Jared sa kanya. Ano naman ngayon? Pakiramdam ni Hannah ay ginawa lang ‘yon ni Jared para sa ikakasaya ng mga tao sa paligid nila. Samantalang, ang gusto talaga niya e kaya siya pinakasalan dahil totoong mahal nila ang isa’t isa.
Tumigil si Jared sa ginagawa niya nang makita kung ano ang hawak ni Hannah.
“Kukunin na natin ang certificate sa Miyerkules.”
Iyon naman talaga ang gusto niyang marinig mula kay Jared pero parang may mali. Hindi siya masaya sa narinig niya.
“Jared, hindi mo naman kailangang gawin ‘to kung ayaw mo. Hindi ko naman kailangan ng awa mo.”
“Hannah!” sigaw ni Jared.
Natakot si Hannah, kitang-kita niya ang nanlilisik na mga mata ni Jared. Sinusubukan nitong kunin kay Hannah kung ano man ang nasa kamay nito.
“Akin na ‘yan. Ibigay mo sa akin iyan.”
Hindi pa rin kumilos si Hannah, nanatili pa rin siyang nakatayo malayo kay Jared. Dahil doon ay si Jared na ang lumapit sa kanya.
“Ano ka ba? Nakikipagbiruan lang naman ako kay Roldan.”
“O baka naman sinasalba mo lang ang sarili mo? Ganyan kayong mga lalaki, e,” sagot ni Hannah.
Hinawakan niya si Hannah sa braso at sa kamay pagkatapos ay inalis kung ano man ang hawak nito at nilagay sa drawer. Kinuha rin niya ang kanyang amerikana sa tabi.
“Huwag ka ngang makikinig sa kung anu-anong nasa paligid mo. Gusto kong umalis,” sabi ni Jared.
Madalas nang umaalis si Jared, pumupunta kung saan-saan. Hindi na nga siya nagpapaalam kay Hannah. Kapag umalis ito, asahan mo na napakatagal bago bumalik.
“Jared,” tawag ni Hannah sa kanya.
“Gusto mo ba ako?” tanong ni Hannah.
Pagkatanong ni Hannah noon ay napatigil si Jared at lumapit ito kay Hannah. Ngumiti ito kay Hannah nang mabilis, kitang-kita nga ang dimple sa kanyang pisngi.
Si Jared lang ang may ganoong klaseng ngiti. Naaalala pa ni Hannah noong unang beses silang pinakilala sa isa’t isa. Grabe ang pagtanggap ni Jared sa kanya, sobrang lambing pa ni Jared noon. Ang ngiting iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit niya minahal si Jared nang sobra.
“Aba, oo naman. Gusto kita. Sa tingin mo ba, gagawin ko ang lahat ng ito kung hindi kita gusto? Binili ko ang lahat ng gusto mo, binibili ko ang paborito mong bulaklak tuwing birthday mo. Sabay tayong nakatingin sa mga ulap at bituin tuwing gabi. Papakasalan pa nga kita, di ba?” sagot ni Jared.
Di makapaniwala si Hannah sa kanyang narinig. Para siyang isang saranggola na nalipad sa langit. Gustong-gusto niya kung anong narinig niya mula kay Jared. Dahil sa sinabi niyang ‘yon ay parang tumigil ang mundo ni Hannah.
“Ganoon ba talaga kapag gusto ng lalaki ang isang babae?” tanong ulit ni Hannah kay Jared.
Ang kamay ni Jared ay unti-unting napunta sa pisngi at ilong ni Hannah. Kinurot niya ito nang konti at saka nagsalita.
“Gusto mo ba ng isda? May inutusan ako para lutuan tayo ng fresh salmon ngayong gabi,” sabi ni Jared, halatang iniiwasan niya ang mga tanong ni Hannah.
Kahit inalis na ni Jared ang kanyang kamay ay amoy pa rin ni Hannah ang pabango ni Jared. Ramdam pa rin niya ang mga hawak ni Jared sa kanyang pisngi pero may kulang sa mga iyon. Malamig ang nararamdaman ng kanyang puso.
Alam naman niyang inaalagaan siyang mabuti ni Jared, binibigay nito ang lahat ng gusto at kailangan niya pero para lang silang magkapamilya. Hindi niya nararamdaman na ang relasyon nila ay para sa mag-asawa.
Pero, mahal niya si Jared. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Papakasalan ba niya ito at mamumuhay sila na pamilyar lang sa isa’t isa at hindi man lang interesado na magtabi sa kama? Ang gusto na lang ni Hannah ay pakawalan siya, sa tingin niya ay mas maigi pa iyon para sa kanila.
Buong araw ay inisip iyon ni Hannah. Tinatawagan na siya ni Jared pero hindi siya sumagot pero sinundan niya pa rin kung saan papunta si Jared. Mahirap ang isang bagay na nakasanayan mo ng sampung taon. Sanay na si Hannah na pabalik-balik sa bahay ni Jared pagkatapos ng trabaho.
“Bakit hindi ka nagsasalita dyan? May problema ba?” tanong ni Jared, alam niyang hindi okay si Hannah kaya natanong niya ito.
“Jared, sa tingin ko ay mas okay kung,” hindi na natapos ni Hannah ang kanyang sinasabi dahil may tumawag sa cellphone ni Jared.
Hindi nakarehistro ang numero noong tumatawag. Nagulat na lang si Hannah nang biglang ginilid ni Jared ang kanyang kotse para sagutin ang tawag. Pansin ni Hannah na sobrang kabado ni Jared nang sagutin niya ang tawag.
“Hello? Sige, papunta na ako dyan ngayon.”
Mabilis lang na natapos ang tawag na iyon. Pinatay agad ni Jared ang tawag at kinausap si Hannah.
“Hannah, I’m sorry. Hindi kita maihahatid ngayon sa bahay dahil may kailangan akong asikasuhin,” walang pag=aalinlangan na sabi ni Jared kay Hannah.
Tumango na lang si Hannah dahil hindi pa man bumubuka ang bibig ni Jared ay alam naman niyang iiwan na naman siya sa ere nito. Hindi naman kasi iyon ang unang pagkakataon na ginawa iyon ni Jared sa kanya.
Pagkatapos ibigay ng tindera ang sunflower ay nakangiting pumasok sa loob ng kanyang kotse si Hannah. 'Buti pa 'yong tindera, naa-appreciate ako,' sabi niya sa sarili. Nag-drive na si Hannah papunta sa sementeryo. Iniwan niya muna sa shotgun seat ang sunflower na bigay sa kanya ng tindera at kinuha niya 'yong flowers na ilalagay niya sa puntod ng kanyang ama at ina. Nagulat si Hannah pagkarating niya sa puntod, may flowers na nakalagay sa puntod ng kanyang mga magulang. Sa hula niya, dalawang linggo na ang nakakalipas simula noong may naglagay noon doon. Agad na nag-isip si Hannah kung sino ang dumalaw sa puntod ng kanyang mga magulang, walang iba kasi ang gagawa noon kung hindi si Mr. and Mrs. Falcon. Pero, labis ang pagtataka niya dahil wala namang nabanggit si Mrs. Falcon noong nagkita sila at nag-usap. Ang inisip na lang niya ay baka nakalimutan nitong sabihin sa kanya ang pagdalaw nito dahil sa sobrang busy at marami rin namang iniisip na bagay ang ginang. Agad niya
Nanlaki ang mga mata ni Hannah at napabitaw sa pagkakahawak ni Simon sa kanya. Hindi niya maisip na gustong totohanin ni Simon ang relasyon na para sa kanya ay laro lang. "Pwede mo akong maging totoong boyfriend. Try natin. Kung hindi mo magugustuhan ang ugali ko, pwede naman tayong mag-break. Basta, totoong relationship ang gusto ko. Mas okay na sa akin iyon kaysa 'yong laro lang. Alam mo naman na hindi dapat laruin ang feelings ng isang tao, 'di ba?" Dahil sa sinabi ni Simon ay natigilan si Hannah. Napatingin siya nang matagal sa binata. Mataas ang respeto niya sa taong nasa harap niya at mataas din ang tingin ng ibang tao kay Simon kaya hindi niya pwedeng gawin 'yong gusto nito. "Simon, nilinaw ko naman ang lahat, 'di ba? Anong sabi ko sa'yo, laro lang ang gusto ko. Hindi totoo. Kung hindi mo kaya 'yong gusto ko, kalimutan mo na lang. Isipin mo na hindi tayo nag-usap kahit kailan," sagot ni Hannah. Aalis na sana ang dalaga pero pinigilan na naman siya ni Simon. "Pero, kai
Nang makapunta na sa amusement park ay agad na nakita ni Hannah si Simon. Binaba niya ang window ng kotse niya kaya nanlaki ang mga mata ni Simon. Natawa pa si Hannah sa kanyang sarili dahil nakita pa niyang nahirapang lumunok si Simon nang makita siya. 'Ngayon lang ba niya ako nakita na ganito kaganda? Grabe siya kung makatingin sa akin, ah?' sabi ni Hannah sa kanyang sarili. Ang buong akala ni Hannah ay hindi magagandahan si Simon sa kanya. Palagi kasi itong seryoso kapag magkasama sila. Sa isip-isip niya, siguro ay totoo nga na mabilis magandahan ang lalaki sa outer appearance ng mga babae. Dahil alam niyang nagandahan na si Simon sa kanya ay nilugay pa niya ang kanyang buhok. Doon na napatingin ng masama si Simon sa kanya. "O, nagbago na ba ang isip mo? Tinatanggap mo na ba ang offer ko?" tanong ni Hannah pero mukhang hindi agad naintindihan ni Simon iyon. "Ha? Anong sinasabi mo?" tanong pabalik ni Simon kaya lalong nainis si Hannah pero napansin niyang umiiwas ng ting
Pagbaba ng tawag ni Hannah ay inis na inis siya. Hindi niya alam na aabot sa ganoon ang pagkabaliw sa kanya ni Jared. Nang isipin niya muli na magpo-propose ito sa kanya ay napailing siya. Paano nakakaya ni Jared na gawin iyon kahit alam naman niyang wala na sila ni Hannah?Dahil sa inis ay naalala niyang ka-text niya pala noong gabi si Simon kaya minabuti niyang i-text ulit ito. Titingnan niya kung nagbago na ba ito ng isip sa ino-offer niya.HANNAH: Ano? Nagbago na ba ang isip mo? You know, para maging fake boyfriend ko?Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay todo tingin na si Hannah sa kanyang cellphone pero wala pa ring reply si Simon sa kanya.Iniisip niya na busy lang ito sa amusement park kaya hindi ito nagrereply sa kanya. Dahil sobrang gusto na niyang malaman ang sagot nito ay hindi na siya nakatiis, tinawagan niya na ito. Nainis pa siya dahil noong unang beses siyang tumawag ay hindi ito sinagot ni Simon. Nangulit pa siya kaya inis ang tono ng binata ng sagutin nito ang taw
Nagising si Hannah na masakit ang ulo dahil sa labis na kalasingan. Hindi na nga niya napansin na wala na pala si Liane sa bahay nito, marahil ay nasa trabaho na. Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Hannah kaya kahit hindi pa niya nababasa kung sino ang tumatawag ay sinagot niya na iyon. "Hello," antok na antok pa ang kanyang boses. "Miss Hannah, ready na po ba kayo?" tanong ni Secretary Martinez. Kumunot naman ang noo ni Hannah habang iniisip kung tungkol saan ang sinasabi ni Secretary Martinez. Kahit ayaw pa niyang magising ay nagising na ang diwa niya. "Secretary Martinez? Tungkol saan na naman ito? Bakit ka tumatawag sa akin?" naguguluhang tanong ni Hannah. "Miss Hannah, hindi nga po talaga pwedeng hindi kayo pumunta rito sa amusement park. Sige na po, pumunta na po kayo, please?" pagmamakaawa ni Secretary Martinez kaya lalong nainis si Hannah. "Secretary Martinez, sige nga. Tatanungin kita. Bakit ba gustong-gusto mo akong papuntahin dyan? Anong meron?" tanong ni
"At ano, pagkatapos ng kasal natin, itatago mo siya sa isang mansion na siya lang mag-isa dahil kabit mo siya? Oh, pkease, Jared. Alam ko na ang mga ganyang galawan mo, hindi mo na ako maloloko pa."Dahil inis na rin si Jared ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Nasabi na niya ang kanina pang nasa isip."Hannah, ano ba? 'Di ba, sinabi ko na sa iyo noon pa na buntis siya at kailangan ng isang taong mag-aalaga sa kanya? Alam mo rin na nakakaawa siya, pero bakit hindi mo man lang magawang maawa kahit konti? Intindihin mo ang kalagayan niya dahil wala na si Lyndon!" Sa sobrang lakas ng boses ni Jared ay nilayo na ni Hannah ang kanyang cellphone sa tenga. Pero kahit nilayo na niya ang kanyang cellphone ay rinig na rinig pa rin niya ang boses ni Jared, kung anu-ano ang sinasabi. "Hannah, babae ka rin. Dapat ay naiintindihan mo ang sitwasyon niya. Isa pa, noong ikaw naman ang inampon ng pamilya ko ay minahal at tinanggap ka lang nila? Binigay nila ang lahat sa iyo at inintindi ka