HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong
“IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni
“FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit
HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan
HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha
Nasa kusina si Natalia at naghihiwa ng mga sangkap na kanyang lulutuin para sa kanilang pananghalian nang marinig niya ang pagdating ng isang sasakyan. Ang Papang naman niya ay nagkakape, sisilipin sana niya kung sino ang dumating ngunit mabilis na tumayo ang kanyang ama, “Ako nalang. Asikasuhin mo na lang ang pagluluto mo,” sabi nitong tila natataranta nang lumabas ng kusina. Maya-maya ay naulinigan niyang bumukas ang pinto sa salas. “Maniningil na ako ng pagkakautang mo, Mr. Delgado!” Dinig niyang sabi ng tinig ng isang lalaki, ramdam niya ang authority sa tono ng pananalita nito. Ano na naman bang pagkakautang ang kailangan kong bayaran? Diyos ko naman, makukuba na ako sa pagtratrabaho sa kababayad sa utang ni
“GUSTO ninyong makabayad? Isanla mo sa akin ang panganay mo, Mr. Delgado!” Mula sa kanyang kuwarto ay dinig na dinig ni Natalia ang sinabing iyon ng panauhin ng kanyang Papang. Nagpupuyos ang kanyang kalooban. Gustong-gusto na niyang sugurin ito at sampalin. Ano bang akala nito sa kanya? Hindi siya makapaniwalang may mga taong kagaya nito na kulay itim na ang budhi. Maging ang kanyang Papang ay nabigla sa sinabi nito. “Mr. Sy. . .” Anang Papang niya, umiiyak itong lumuhod sa harapan ng lalaki, “Matt, pagbigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.” &l
“TEN MILLION PESOS ang halaga ng kwintas na ito?” Hindi mapaniwalang bulalas ni Natalia habang isinusuot sa kanya ni Alysson ang kwintas na gawa sa white gold at mga diamante. “Oo kaya ingatan mo,” sagot ni Alysson sa kanya, “Yang kabuuan mong bihis, kasama ang bag at sapatos mo, pati na rin yang gown at mga alahas mo, humigit kumulang nasa 45 million pesos.” Bahagya siyang nasamid, “45 million pesos?” May pait sa mga labing napangiti siya, konting-konti na lang at katumbas na iyon ng halaga ng inutang ng Papang niya. Napatingin siyasa suot niyang kumikinang na bracelet. Ang mahal pala ng mga alahas na ito and yet ipinagkakatiwala lang ito sa aking ipasuot ni Mr. Sy? “Naghihin