Share

The Billionaire's First Love
The Billionaire's First Love
Author: Michelle Vito

CHAPTER 1

  Nasa kusina si Natalia at naghihiwa ng mga sangkap na kanyang lulutuin para sa kanilang pananghalian nang marinig niya ang pagdating ng isang sasakyan.  Ang Papang naman niya ay nagkakape, sisilipin sana niya kung sino ang dumating ngunit mabilis na tumayo ang kanyang ama, “Ako nalang.  Asikasuhin mo na lang ang pagluluto mo,” sabi nitong tila natataranta nang lumabas ng kusina.

            Maya-maya ay naulinigan niyang bumukas ang pinto sa salas.

            “Maniningil na ako ng pagkakautang mo, Mr. Delgado!” Dinig niyang sabi ng tinig ng isang lalaki, ramdam niya ang authority sa tono ng pananalita nito.

            Ano na naman bang pagkakautang ang kailangan kong bayaran?  Diyos ko naman, makukuba na ako sa pagtratrabaho sa kababayad sa utang ni Papang.  Kailan ba mahihinto sa bisyo ang tatay ko?

            “Mr. Sy, maari bang bigyan nyo pa ako ng palugit. . .” Dinig niyang pakiusap ng Papang niya sa kausap nito.

            “Masyado nang matagal ang palugit na ibinigay ko sainyo.  Ang usapan ay usapan!” Mariing sagot ng lalaki.

            Napalabas siya.  Sino baa ng mayabang na lalaking ito?  Ang gulat niya ng isang guwapo, matangkad at mukhang mabango na lalaki ang nakita niyang kausap ng Papang niya.  Tantiya niya ay nasa early 30’s lamang ito.  Malayo sa mga madalas naniningil sa kanila na inuutangan ng Papang niya.  Napakaguwapo nito.  Parang mga bidang artista sa mga napapanuod niyang koreanovela. 

            Pero may mayabang.  Ni hindi na iginalang ang Papang niya considering na nasa loob ito ng kanilang pamamahay.

            “Magkano bang utang ni Papang? Sampong libo? Ako ng bahalang magbayad!” Sabi niya rito kahit pa ang totoo, nakalaan sana ang pera niya pandagdag sa tuition fee ng bunso niyang kapatid na si Marco. 

            Nilingon siya ng lalaki, sinipat siya na animo’y isa siyang item sa department store.  Napahumindig siya.  Hindi lang mayabang ang lalaking ito. Me pagkabastos pa.

            Maya-maya ay napangisi, “70 million pesos, kasama ang interes.  May pambayad ka?” May sarcasm na tanong nito sa kanya.

            MUntik na siyang mabuwal mula sa kinatatayuan niya.  Hindi makapaniwalang napatingin siya sa ama.  Napatungo ang Papang niya, “Pasensya na.  Naisanla ko itong bahay at lupa sa kanya. N-nagipit kasi ako. . .”

            “Papang, eto na lang ang meron tayo!  Pano mo nagawa iyon?” Galit na tanong niya dito. Nanghihinang tiningnan niya ang lalaki, “Pwede bang bigyan mo muna kami ng palugit. . .gagawa ako ng paraan. . .maghahanap ako ng mahihiraman,” natatarantang sabi niya rito, “Mahalaga saming magkakapatid ang bahay na ‘to.  Ito na lang ang alaala ng masaya naming childhood, ‘nung buhay pa si Mamang. . .please naman,” Nakikiusap nang sabi niya rito.  Lumuhod pa siya sa lalaki.

            Ayaw niyang gawin ito lalo pa at napakahambog ng lalaking ito.  Ngunit nagbabakasakali siyang kaawaan siya nito kapag lumuhod siya sa harapan nito.

            Ngunit bato yata ang puso ng lalaki.

            “Babalik ako bukas para kunin ang bahay na ito.  Kaya simulant nyo ng mag-empake ngayon pa lang!” Pagkasabi niyon ay mabilis na itong lumabas ng kanilang bahay.

            Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi.  Ang daming masasakit na salitang gusto niyang sabihin sa ama ngunit nagtimpi na lamang siya.  Tatay pa rin niya ito kaya kahit hindi na niya matanggap ang mga pinaggagawa nito ay kailangan pa rin niya itong irespeto.

            Hindi naman dating ganuon ang Papang niya.

            Masaya silang namumuhay na magkakapatid nuong nabubuhay pa ang Mamang nila.  Masipag ang Papang at Mamang niya.  May malaki silang pabrika ng tela nuon.  Namumuhay sila ng marangya.  Nakakapag-aral sa mamahaling eskwelahan.  Kahit na kailan, hindi sila sumasala sa pagkain.  May mga maids sila at lahat ng gusto nilang magkakapatid, naproprovide ng mga magulang nila.

            Hanggang sa ma-scam ng isang networking company ang Papang niya.  Natangay lahat ng naipundar nito, pati na rin ang ginagamit na capital sa pagnenegosyo.  Sa sobrang stress ay nagkasakit ang Mamang niya.  Kinamatayan na nito ang sakit sa puso.  Nagsara ang pabrika nila ng tela.  Nalulong sa sugal ang Papang niya at nabaon sila sa utang.

            At ngayon, waring nakatakda pang mawala ang kaisa-isang alaala nilang magkakapatid nuong okay pa sila.

            “Papang naman eh, sumusobra na kayo!” Di na nakatiis na sabi niya saka umiiyak na tumakbo siya sa kanyang kuwarto.  Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya.  Kung minsan ay naiisip na lamang niyang sumama na sa kanyang nobyo at pabayaan na lang ang kanyang mga kapatid gaya ng madalas sabihin ni Timothy sa kanya.

            “Mabubuhay naman na ang mga kapatid mo kahit wala ka.  Pakasal na tayo.  Okay naman ang takbo ng business ko.  Kapag kasal na tayo, hindi ka na magtratrabaho.  It’s about time sarili mo naman ang intindihin mo!”

            “Nag-aaral pa iyong dalawa kong kapatid.  Si Nathan naman, hindi pa stable iyong trabaho niya.  Si Girlie. . .”

            “Si Girlie, puros sarili lang ang iniisip habang ikaw, wala ka ng inisip kundi ang pamilya mo. 13 na si Marco.  Kaya na nung tumayo sa sarili niyang mga paa.  Natalia, may sarili ka rin namang buhay. . .”

            “Timothy, pwedeng hayaan mo muna akong makapag-isip?”

            “Kinukulit na ko nina Mama.  Sabik na silang magkaapo.  We are not getting any younger, Natalia.”

“Ate, totoo bang aalis na tayo sa bahay natin?” Nag-aalalang tanong ng bunsong kapatid ni Natalia nang pasukin siya nito sa kanyang kuwarto.  Napaawa siya rito.  Three years old pa lamang ito nang mamatay ang ina nila.  Ni hindi nito naranasan ang maalwan na buhay.  Tumabi ito sa kanya, “San na tayo titira, ate?”

            “Hindi tayo aalis dito, hindi ako papayag!” Pangako niya dito. 

            “Pero sabi ni Papang. . .makukulong raw siya kapag hindi natin binigay itong bahay natin dun sa lalaking pumunta dito kanina.”

            “Huwag mo ng isipin iyon. Ako ng bahala dun,” sabi niyang tumayo na, “Teka nga at itutuloy ko na iyong pagluluto ko.  Alam kong gutom na gutom ka na. By the way, tapos ka na ba sa mga assignments mo?”

            “Oo, Ate.”

            Inakbayan niya ito, “Basta mag-aaral ka ng mabuti ha?  Iyong mga problema dito sa bahay, ‘wag mo ng alalahanin iyon.  Ako ng bahala dun.”

            “Hindi na ba magbabago si Papang?” Tanong nito sa kanya, “Palagi ka na lang nyang binibigyan ng problema.  Kaya siguro nilayasan na tayo nina Kuya Nathan at Ate Girlie, napagod na sila kay Papang.  Ate, pano kapag napagod ka na rin? Pano na kami ni Kuya Jun?”

            “Hinding-hindi ako mapapagod sa inyo,” Nangingilid ang luhang sabi niya sa kapatid.

           

           

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jeff S Gauci
Nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status