INICIAR SESIÓNCelle's POV
Napataas naman agad ang kilay ko. Buti pa ito napansin niya, samantala ako hindi ko napansin iyon. Dahil ang alam ko may relasyon yata si engineer Giovanni sa kasamahan niya din na engineer na babae. Nakalimutan ko na ang pangalan n'on, hindi ko nga iyon gusto dahil nahuhuli ko siyang inirapan ako ng minsan kinausap ako ni engineer Giovanni. May mga tao talaga na hindi naman inaano pero naiinis sa'yo. " Tsk! Huwag kang isyu, Grace. Magdyowa yata sila n'ong isang kasamahan niya na babae na engineer din." " Ah, si ma'am Irish. Sus, ang arte n'on hindi ko iyon bet para kay engineer Giovanni. Mabait si engineer pero iyong si ma'am Irish hindi. Panay irap nga iyon sa'yo eh," nakanguso na sabi ni Grace. Nagkatinginan kami. Sabay kaming natawa dahil hindi lang pala ako ang nakapansin n'on na panay irap siya sa akin. " Bilisan niyo na diyan mga, ineng.Mamaya na ang daldalan kapag tapos na tayo," basag sa amin ni tita. Naramdaman ko ang kasiyahan nito kaya aligaga ito. Kumbaga, first time namin na magcater ng ganoon karaming tao kaya hindi talaga maiwasan na mapressure. Pero kami ni Grace na pinsan ko ay kalmado lang. Sa wakas natapos na din namin ang gawain. Tapos na din ni tita Sheila ang niluto niyang limang ulam at ako ang nagluto sa dalawang ulam. Pahinga muna kami ni Grace habang naghihintay ng almusal namin. Tanghalian pa naman ang cater namin kaya makapagpahinga pa kami kahit kaunti. Hindi muna kami tumatanggap ng ibang tao na kakain. Dahil hindi na kayanin ng mga powers namin. Bukod sa amin ni Grace na katuwang sa restaurant, si tito Damaso naman ang katuwang sa pagluluto. May dishwasher din sila tita Sheila at tatlong nagsisilbing server sa maliit nilang restaurant. Si Grace ang cashier at ako naman kasama sa taga-serve ng mga customers order. Malakas ang nasabing restaurant dahil narin daanan ito ng mga tao, tabi ng highway at malapit lang din sa public school. Nagkataon din na may bagong tayo na building kaya halos karamihan sa mga trabahante ng building sa amin din kumakain. " Halika na kayo mga,ineng. Kakain muna tayo." tawag sa amin ni tita Sheila. May lamesa kasi kami na nakabukod sa lamesa ng mga customer. Mabilis na namin tinungo ni Grace ang hapag-kainan. Nagtawanan pa nga kami dahil narinig namin ang pagtunog ng tiyan ni Grace. " Hindi na kinaya ng bulate ko sa tiyan, nagugutom na sila," Natatawang sabi nito. " Sarap naman ng luto mo,tita," singit ko naman. " Aba, kailan pa ako hindi masarap magluto. Kaya nga, tayo ang kinuha na magcater sa bagong tayo na gusali dahil masarap ang tita ninyo na magluto," pagmamalaki pa nitong wika. Nagkatinginan kaming dalawa ni Grace sabay ngiti. " Naku! tita, kung alam mo lang bakit tayo ang kinuha ni engineer Giovanni na magcater malamang..." hindi pa natapos si Grace sa nais nitong sabihin ay sumingit na agad si tita Sheila. " Dahil gusto niya si Celle? Naku, wala akong tiwala sa engineer na iyon mukha palang babaero na," wika ni tita Sheila na umiiling pa. "Kung binata pa naman iyong engineer na iyon bakit hindi? Wala naman problema iyon basta manligaw lang ng maayos," sabad naman ni tito Damaso. Bigla naman akong napaubo. " Naku po, hindi naman nanligaw iyong tao sa akin. Nakakahiya naman po na basta-basta nalang tayo mag-akala na may gusto sa akin iyong tao," natatawa kong sabi. " Oh, siya bilisan na natin ang pagkain para maihanda natin ang kanilang tanghalian. Maihatid na natin ito sa opisina nila," sabay bulalas ni tita Sheila na naging seryoso na kami sa pagsubo ng pagkain. DUMATING na daw ang may-ari ng building kaya kanya-kanya na ang mga trabahante sa construction site sa kanilang ginagawa. Hinatid na namin ni Grace ang pagkain, kasama ang tita Sheila at si tito Damaso. Hindi lingid sa paningin ko, na napalingon sa akin ang mga kalalakihan na nagtatrabaho sa building na ito. Nakikita sa mga mata ng mga ito ang paghanga sa akin. Pero napailing nalang ako dahil natural na talaga ito sa mga lalaki na kapag may dumadaan na babae lalo na kapag bago sa paningin nila.Talagang susundan pa ang mga hakbang mo. Nakasuot ako ngayon ng bulaklakin na bestida na mas lalong nagpapatingkad sa kaputian ko at natural ko na ganda. Simple lang naman ako, wala na kung anong kulurete sa mukha. Pero sabi nga nila, simple lang daw ang ganda ko pero iyong tipong nakakaakit. " Hi,Celle... mas lalo kang gumanda. Bagay sa'yo ang suot mo," salubong sa amin ni engineer Giovanni. Lihim akong siniko ni Grace. Na tila kinilig pa ang pinsan ko. Para naman akong pinanganak lang na kahapon. Alam ko naman ma may gusto si Grace kay engineer Giovanni. " Hindi naman po sir," magalang kong sabi. " Aray, ang sakit naman sa tuhod n'yan. Hindi pa naman ako masyadong matanda para tawagin mo akong po ." Natatawang wika nito. " Just call me, Giov. Maiksing tawag sa pangalan ko." Nakangiti pa nitong sabi. " Thank you, engineer Giov. Kumpleto na pala ang pagkain. May kulang pa ba?" tanong ko. " I think wala na. Ikaw nalang ang kulang sa buhay ko, Celle," hirit pa nito. Bigla naman napaubo si Grace. Bigla akong nahiya sa sinabi ni engineer Giovanni. Hindi ako sanay na harap-harapan may magpapalipad hangin sa akin. Kasama ko pa si Grace, tiyak na tampulan na naman ako ng tukso nito. " Ah by the way, may kausap lang sa phone si boss . Draken. After his call, magstart na iyong lunch. Kaya be ready girls and thanks for assisting us, " mahaba na wika nito. Tinawag na nito ang kasamahan na engineer, na pipila na ang mga tauhan para sa tanghalian. Kami naman ni Grace ay pumuwesto na din sa mahabang lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Si tita Shiela naman sa kanin at si tiyo Damaso naman sa mga inumin. Maya-maya pa ay magsimula nang magtanghalian. Madami sila kaya nakakapagod ang kalabasan nito pagkatapos. Hindi ko pa nakita ang may-ari. Siguro na sa loob na ng pinaka-opisina nito. " Hi, miss ganda. Sarap naman ng mga pagkain n'yo," sabi ng isang trabahante sa akin. Ningitian ko lang siya. Sanay na ako sa mga ito dahil lagi naman itong dumadaan sa restaurant at minsan doon na rin kumakain. " Hindi ko man lang nakita ang may-ari ng building. Malay mo pogi, mapag-pantasyahan man lang," bulong sa akin ni Grace sabay humahagikhik pa. " Ano naman kung pogi hindi naman mapa-sa'yo," mataray na wika ko. " Pantasya lang diba?" balik na sagot nito sa akin. " Hindi nga eh, baka dumiretso na mismon sa opisina niya." Wika ko. " Celle, sabi ni engineer Giovanni pakihatiran nalang daw sila ng pagkain sa opisina. Nandoon din daw mismo ang may-ari." Wika ni tita sa akin. Nagkatinginan kami ni Grace. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Alam ko na ang iniisip ng pinsan ko na ito. " Okay na ba ang mukha ko, cas? " tanong nito sa maarte na boses. " Maganda ka na, Grace. Kaya ihatid na natin ito baka nagutom na sila," wika ko sa seryosong boses. Grabe, hindi pa man tapos ang buong araw na ito ay nanlalanta na ako. Sana naman pwedeng umabsent bukas sa restaurant para makapagpahinga ako. Pero kawawa naman sila tita kung ganun wala silang katuwang.Celle's POV MALAPAD na ngiti sa labi ko nang makita ko na sila aling Neri at Marah. Kasama ang mga tauhan ni sir Draken na nakasuot ng uniform na kulay itim. May nakalagay pa na headseat sa tainga ng mga ito. Idol yata nila ang kanilang amo dahil katulad ni sir Draken, nakasuot din ang mga ito ng kulay itim na salamin. Kaya hindi ko na naman mawari kung nakatingin ba sila sa akin. " Hello,pretty ate! How are you? Are you excited to come to Manila with us?" bati sa akin ni Marah. " Yes... pretty girl," matipid kong sabi. Dios na mahabagin,huwag na sana akong englisin ng alaga ko. Baka dudugo na ang ilong ko nito. Minsan din kasi si sir Draken in-engles din ako. "Hi, daddy pogi... " wika ni Marah," Karga mo po ako." " Sure, sweetheart..." wika ni sir Draken, na agad nang kinarga si Marah. Nakaprivate plane pala kami. Nauna nang sumakay si sir Draken habang karga niya si Marah. Nakasunod lang kami ni aling Neri. Nakasunod naman sa amin ang mga tauhan ni sir Draken. N
Celle's POV Nagulat pa ako ng biglang may nagflash sa cellphone ni sir Draken na mismong sa tapat ng mukha ko.Nahiya ako doon dahil nakangiti siya sa akin. " I'm sorry, napindot ko ang camera." Wika niya. Wow ha... mukhang sinadya naman niya akong kinuhaan ng larawan.Sa isip ko. " Ilang taon ka na ba,Celle?" tanong niya sa akin. " Twenty-one na po ako,sir." "Hmm...ang bata mo pa nga," nakangiti niyang wika. Hindi ko mapigilan, hindi mapataas ang kilay ko. Bata? Twenty-one na ako hindi na ako ganun kabata sa inakala niya. " Sa palagay ko magkasundo kayo ng anak ko. Masabayan mo pa siya,lalo na sa mga trend ngayon. Matanda na kasi si yaya Neri kaya siguro ayaw na din ni Marah sa yaya niya," wika ulit niya pero ngayon ay natatawa na. Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakatawa o nakangiti.Ang gaan kasi sa pakiramdam hindi iyong tipong seryoso at masungit. Napalakas din ang tawa ko.Tumigil nga lang siyang nang tumawa ako.Kaya bigla tuloy akong natigilan. Nakatitig na k
Celle's POV Excited na akong ibalita kay Grace ang bago kong trabaho.Magpaalam na din ako kay tita Sheila na aalis na ako sa restaurant nila. Pagkakataon ko na ito na makapag-ipon para makapag-aral ulit ako.Sa gan'on matulungan ko din ang mga kapatid ko. Nakita ko si tita nakaupo sa mesa. Talagang inaantay ako kung anong napag-usapan namin ni sir Draken. "Tita, may sasabihin sana ako..." pabitin kong wika. Nakatingin lang siya sa akin. Naghihintay ng kasunod ko pang sasabihin. " Ano kasi si sir Draken, nangangailangan ng bagong yaya sa anak niya." " Kung malaki naman ang pasahod ni sir Draken sunggaban mo na,Celle," sabad agad nito sa akin. Hindi na ako nito pinatapos sa nais ko pang sasabihin. " Basta mag-ingat ka lalo na sa mga mayayaman.Si sir Draken ay okay lang dahil mabait naman iyon. Pero hindi natin alam ang mga kasamahan n'ya sa bahay nila," habilin nito sa akin. " Opo,tita,mag-iingat po ako do'n. Isang araw nalang po ako dito sa restaurant ninyo." Wika ko.
Celle's POV Baka kakausapin yata ako nito na bawal na magdala o papasok ang ibang tao na hindi construction workers for safety purposes. Pero may permiso kami kay engineer Giovanni. Kung gan'on ang sadya niya bakit hindi si tita Sheila ang kakausapin nito? " Magandang gabi po,sir Draken. Kakausapin n'yo daw po ako?" wika ko sa mahinang boses. Nahihiya kasi ako sa kanya. At isa pa kinabahan ako kung anong sadya nito sa akin. Nilingon ko pa sila Grace at tita Sheila na naghihintay lang din sa counter. Lumingon siya sa akin. Tama nga si Grace,subrang gwapo nga naman nito. Siya iyong mga tipo ng lalaki na mapapanood ko sa mga palabas sa ibang bansa. O iyong mga male lead na sikat ngayon panoorin. " Take a sit, Celle." wika niya. Mabilis naman akong umupo sa harapan niya. Pero nakayuko ako dahil hindi ko kayang tumingin sa kanya. Para siyang may magnet sa mata nito na kaya niya akong hilahin para mawala ako sa aking sariling katinuan. Tumukhim muna ito bago nagsalita uli
Celle's POV " Hay! Ngayon palang kausapin mo na siya. Hanga pa naman ako sa batang iyon. Kahit mapera sila,pinagtiyagaan ka talaga niyang ligawan. Ibig sabihin lang no'n seryoso sa'yo," dagdag pa ni mama. Tumango lang ako. Nakikita ko naman iyon kay Kevin na seryoso talaga siya sa akin. Pero ayaw ko naman sagutin siya dahil lang sa awa.He deserves better than me. Nagpaalam na si mama na mauna na siya sa akin. Mabilis ko naman inubos ang gatas ko. Napangiti ako ng maalala ko na naman ang tinginan namin ni sir Draken kagabi.Bigla tuloy pumintig ang puso Pati pa yata tinggíl ko pumitik din. NAPANGITI na ako nang matanaw ko na ang restaurant nina tita Sheila. Alas-sais palang ng umaga marami-rami na ang nag-aalmusal kaya mabilis na akong pumasok. " Oh, Celle...pakihatid muna ito doon sa matandang babae na naka-uniform," agad na wika ni tita ng tuluyan na akong pumasok sa loob. Nagkapwesto na si Grace sa cashier. Ningitian ako ng pinsan ko, mukhang blooming ah... " Magandang
Celle's POV Mahinahon namin kinatok ang pintuan ng opisina nang nasabing may-ari ng building. " Come in..." boses ni engineer Giovanni ang narinig namin. Mahina namin tinulak ang pintuan hindi pala nakasirado ito. Napatigil muna kami ni Grace bago kami nakapagsalita. " Magandang araw po. Nandito na po ang pagkain ninyo, sir," halos panabay pa namin na bigkas ni Grace. Parang gusto ko nalang din na makiuso kay Grace na magpantasya sa may-ari ng building. Dahil kung gwapo man si engineer Giovanni. Mas kakaiba ang kagwapuhan nitong nasa harapan namin. Prenteng nakaupo lamang siya sa swivel chair niya. Sa tantiya ko nasa thirties na ang edad nito. Pero malakas ang karisma niya papable kumbaga. Saktong nagtama pa ang aming paningin kaya nagkatitigan pa kami. Bago ko binawi ang tingin ko sa may-ari biglang tumibok nalang ang puso ko na hindi ko malaman kung anong dahilan. Ang gwapo niya, iyong gwapo na luluhuran mo. Pero teka lang...Shit! Bakit parang kamukha niya ang lal







