FAZER LOGINCelle's POV Nagulat pa ako ng biglang may nagflash sa cellphone ni sir Draken na mismong sa tapat ng mukha ko.Nahiya ako doon dahil nakangiti siya sa akin. " I'm sorry, napindot ko ang camera." Wika niya. Wow ha... mukhang sinadya naman niya akong kinuhaan ng larawan.Sa isip ko. " Ilang taon ka na ba,Celle?" tanong niya sa akin. " Twenty-one na po ako,sir." "Hmm...ang bata mo pa nga," nakangiti niyang wika. Hindi ko mapigilan, hindi mapataas ang kilay ko. Bata? Twenty-one na ako hindi na ako ganun kabata sa inakala niya. " Sa palagay ko magkasundo kayo ng anak ko. Masabayan mo pa siya,lalo na sa mga trend ngayon. Matanda na kasi si yaya Neri kaya siguro ayaw na din ni Marah sa yaya niya," wika ulit niya pero ngayon ay natatawa na. Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakatawa o nakangiti.Ang gaan kasi sa pakiramdam hindi iyong tipong seryoso at masungit. Napalakas din ang tawa ko.Tumigil nga lang siyang nang tumawa ako.Kaya bigla tuloy akong natigilan. Nakatitig na k
Celle's POV Excited na akong ibalita kay Grace ang bago kong trabaho.Magpaalam na din ako kay tita Sheila na aalis na ako sa restaurant nila. Pagkakataon ko na ito na makapag-ipon para makapag-aral ulit ako.Sa gan'on matulungan ko din ang mga kapatid ko. Nakita ko si tita nakaupo sa mesa. Talagang inaantay ako kung anong napag-usapan namin ni sir Draken. "Tita, may sasabihin sana ako..." pabitin kong wika. Nakatingin lang siya sa akin. Naghihintay ng kasunod ko pang sasabihin. " Ano kasi si sir Draken, nangangailangan ng bagong yaya sa anak niya." " Kung malaki naman ang pasahod ni sir Draken sunggaban mo na,Celle," sabad agad nito sa akin. Hindi na ako nito pinatapos sa nais ko pang sasabihin. " Basta mag-ingat ka lalo na sa mga mayayaman.Si sir Draken ay okay lang dahil mabait naman iyon. Pero hindi natin alam ang mga kasamahan n'ya sa bahay nila," habilin nito sa akin. " Opo,tita,mag-iingat po ako do'n. Isang araw nalang po ako dito sa restaurant ninyo." Wika ko.
Celle's POV Baka kakausapin yata ako nito na bawal na magdala o papasok ang ibang tao na hindi construction workers for safety purposes. Pero may permiso kami kay engineer Giovanni. Kung gan'on ang sadya niya bakit hindi si tita Sheila ang kakausapin nito? " Magandang gabi po,sir Draken. Kakausapin n'yo daw po ako?" wika ko sa mahinang boses. Nahihiya kasi ako sa kanya. At isa pa kinabahan ako kung anong sadya nito sa akin. Nilingon ko pa sila Grace at tita Sheila na naghihintay lang din sa counter. Lumingon siya sa akin. Tama nga si Grace,subrang gwapo nga naman nito. Siya iyong mga tipo ng lalaki na mapapanood ko sa mga palabas sa ibang bansa. O iyong mga male lead na sikat ngayon panoorin. " Take a sit, Celle." wika niya. Mabilis naman akong umupo sa harapan niya. Pero nakayuko ako dahil hindi ko kayang tumingin sa kanya. Para siyang may magnet sa mata nito na kaya niya akong hilahin para mawala ako sa aking sariling katinuan. Tumukhim muna ito bago nagsalita uli
Celle's POV " Hay! Ngayon palang kausapin mo na siya. Hanga pa naman ako sa batang iyon. Kahit mapera sila,pinagtiyagaan ka talaga niyang ligawan. Ibig sabihin lang no'n seryoso sa'yo," dagdag pa ni mama. Tumango lang ako. Nakikita ko naman iyon kay Kevin na seryoso talaga siya sa akin. Pero ayaw ko naman sagutin siya dahil lang sa awa.He deserves better than me. Nagpaalam na si mama na mauna na siya sa akin. Mabilis ko naman inubos ang gatas ko. Napangiti ako ng maalala ko na naman ang tinginan namin ni sir Draken kagabi.Bigla tuloy pumintig ang puso Pati pa yata tinggíl ko pumitik din. NAPANGITI na ako nang matanaw ko na ang restaurant nina tita Sheila. Alas-sais palang ng umaga marami-rami na ang nag-aalmusal kaya mabilis na akong pumasok. " Oh, Celle...pakihatid muna ito doon sa matandang babae na naka-uniform," agad na wika ni tita ng tuluyan na akong pumasok sa loob. Nagkapwesto na si Grace sa cashier. Ningitian ako ng pinsan ko, mukhang blooming ah... " Magandang
Celle's POV Mahinahon namin kinatok ang pintuan ng opisina nang nasabing may-ari ng building. " Come in..." boses ni engineer Giovanni ang narinig namin. Mahina namin tinulak ang pintuan hindi pala nakasirado ito. Napatigil muna kami ni Grace bago kami nakapagsalita. " Magandang araw po. Nandito na po ang pagkain ninyo, sir," halos panabay pa namin na bigkas ni Grace. Parang gusto ko nalang din na makiuso kay Grace na magpantasya sa may-ari ng building. Dahil kung gwapo man si engineer Giovanni. Mas kakaiba ang kagwapuhan nitong nasa harapan namin. Prenteng nakaupo lamang siya sa swivel chair niya. Sa tantiya ko nasa thirties na ang edad nito. Pero malakas ang karisma niya papable kumbaga. Saktong nagtama pa ang aming paningin kaya nagkatitigan pa kami. Bago ko binawi ang tingin ko sa may-ari biglang tumibok nalang ang puso ko na hindi ko malaman kung anong dahilan. Ang gwapo niya, iyong gwapo na luluhuran mo. Pero teka lang...Shit! Bakit parang kamukha niya ang lal
Celle's POV Napataas naman agad ang kilay ko. Buti pa ito napansin niya, samantala ako hindi ko napansin iyon. Dahil ang alam ko may relasyon yata si engineer Giovanni sa kasamahan niya din na engineer na babae. Nakalimutan ko na ang pangalan n'on, hindi ko nga iyon gusto dahil nahuhuli ko siyang inirapan ako ng minsan kinausap ako ni engineer Giovanni. May mga tao talaga na hindi naman inaano pero naiinis sa'yo. " Tsk! Huwag kang isyu, Grace. Magdyowa yata sila n'ong isang kasamahan niya na babae na engineer din." " Ah, si ma'am Irish. Sus, ang arte n'on hindi ko iyon bet para kay engineer Giovanni. Mabait si engineer pero iyong si ma'am Irish hindi. Panay irap nga iyon sa'yo eh," nakanguso na sabi ni Grace. Nagkatinginan kami. Sabay kaming natawa dahil hindi lang pala ako ang nakapansin n'on na panay irap siya sa akin. " Bilisan niyo na diyan mga, ineng.Mamaya na ang daldalan kapag tapos na tayo," basag sa amin ni tita. Naramdaman ko ang kasiyahan nito kaya aligaga i







