FAZER LOGINCelle's POV
" Hay! Ngayon palang kausapin mo na siya. Hanga pa naman ako sa batang iyon. Kahit mapera sila,pinagtiyagaan ka talaga niyang ligawan. Ibig sabihin lang no'n seryoso sa'yo," dagdag pa ni mama. Tumango lang ako. Nakikita ko naman iyon kay Kevin na seryoso talaga siya sa akin. Pero ayaw ko naman sagutin siya dahil lang sa awa.He deserves better than me. Nagpaalam na si mama na mauna na siya sa akin. Mabilis ko naman inubos ang gatas ko. Napangiti ako ng maalala ko na naman ang tinginan namin ni sir Draken kagabi.Bigla tuloy pumintig ang puso Pati pa yata tinggíl ko pumitik din. NAPANGITI na ako nang matanaw ko na ang restaurant nina tita Sheila. Alas-sais palang ng umaga marami-rami na ang nag-aalmusal kaya mabilis na akong pumasok. " Oh, Celle...pakihatid muna ito doon sa matandang babae na naka-uniform," agad na wika ni tita ng tuluyan na akong pumasok sa loob. Nagkapwesto na si Grace sa cashier. Ningitian ako ng pinsan ko, mukhang blooming ah... " Magandang araw po, ito na po ang order ninyo." Mabilis kong wika ng makalapit na ako sa babae na sinasabi ni tita Sheila sa akin. Ngumiti ito sa akin. " Napakaganda mong bata,ineng," wika nito na nakangiti sa akin. Bigla naman akong nahiya sa sinabi nito. Ano naman ikaganda sa mukha ko? Ni wala nga akong nilagay na lipstick man lang. Pakiramdam ko pa nga ang putla-putla ko ngayon dahil wala akong maayos na tulog kagabi. Paano ba naman kasi dumadalaw na naman sa panaginip ko ang lalaking dumila sa híwa ko. Ang malupit pa no'n mismong mukha na ni sir Draken ang nakikita ko sa aking panaginip. " Ako pala si Neri. Yaya ako ng anak ng may-ari ng mataas na building na iyan sa tapat ng restaurant ninyo," pakilala nito sa akin. Natigilan ako sa narinig ko. Anak ng may-ari? So,ibig sabihin may asawa na nga si sir Draken at may anak pa. Sa hindi malaman ang dahilan bigla na lamang akong nalungkot sa nalaman. Sinasabi na nga eh, tama ako baka taken na talaga si sir Draken. " Talaga ho? Kumusta po kayo, manang Neri?" tanong ko sa kanya. Hindi ko pinapakita dito ang lungkot ng boses ko. " Maayos naman kaya lang, hindi ko na kayang magbantay pa ng bata. Makulit na kasi ang alaga ko," sagot nito sabay tawa. " Hindi n'yo po sinabi kay sir Draken?" tanong ko ulit. Nakapalagayan na kami ng loob ni manang Masarap naman kasi siyang kausap para lang din siyang si tita Sheila. Kung hindi pa ako tinawag ni Grace para kakain na kami ng almusal. Gusto ko pa sanang makipag-kwentuhan dito saglit. " Kilala mo si sir Draken, ineng?" nahiwagaan nitong tanong. " Opo, kami kasi iyong nagka-cater kahapon," mabilis na sagot ko. " Sayang hindi ka namin nakita kahapon ni Marah, " na ang tinutukoy siguro nito ang alaga niya. " Maghahatid po ako mamaya ng rasyon sa site,manang Neri." Wika ko dito. " Sige salamat,ineng.Sana magkita tayo sa site para ipakilala ko sa'yo ang alaga ko," masayang wika nito. Tumango na lamang ako. Hindi na ako interesado pa na makilala ang alaga niya. Nalungkot ako sa katotohanan na taken na pala ang pinapantasyahan namin ni Grace. What do you expect, Celle? Sa gwapong iyon at sa yaman no'n,walang magkandarapa doon? pang-aasar ng kabilang isip ko. Nagpaalam na ako sa kanya nang tuluyan para kakain na ng almusal. Naghatid na ako ng rasyon na pagkain sa mga construction workers na nagtatrabaho sa building nila sir Draken. Nakangiti naman sa akin ang mga ito. " Masarap talaga ang kain natin ito.Kung kasing ganda ni Celle ang taga-hatid ng mga pagkain natin."Wika ng foreman. Sinalubong din ako ng foreman na nakangiti. Ngumiti lang ako sa kanila. Nahihiya akong makipag-usap lalo na puro mga lalaki sila. Baka may masabi pa sa akin ang mga tao. Pagkatapos kong maibigay sa kanila ang mga orders. Mabilis na akong umalis para bumalik sa restaurant. Tumabi ako sa gilid ng may papasok na magarang sasakyan sa site. Kinabahan pa ako ng biglang huminto ito kung saan ako nakatayo. " Celle, ineng..." may tumawag sa akin sa loob ng sasakyan. Napatingin ako sa bintana.Si manang Neri pala. " Hello po,manang Neri." Yumukod pa ako para bumati. Tumingin ako sa may bandang driver's seat binaba din kasi nito ang bintana. Ganoon nalang ang pagtibok ng puso ko na para bang may mga kabayong nagrarambulan sa loob.Nag lakas ng tībok nito. Si sir Draken pala ang nasa driver's seat. Siya ang nagmamaneho ng magarang sa sasakyan. Ang gwapo nito sa suot niyang kulay itim na t-shirt na mas lalong nakadagdag sa karisma nito. Nakasuot ito ng dark shade. Kaya hindi ko mawari kung nakatingin din ba ito sa akin. " Excuse me po babalik na po ako sa restaurant,manang Neri," paalam ko dito. Mainit kasi sa tinatayuan ko kaya kailangan ko ng magpaalam. Atleast nakita ko parin si sir Draken. Tumigil ka Celle may asawa na iyong pinapantasyahan mo. " Sige kita nalang ulit tayo mamaya,ineng," wika din ni manang Neri. Napangiti ako sa isipin na nagustuhan ni manang Neri ang pagkain sa restaurant .Balak pa yata nitong kakain mamaya ng hapunan. Mabilis na akong naglakad pabalik sa restaurant. MALAPIT nang mag-alas otso ng gabi.Magsasarado na kami. Hindi na yata makapunta dito si manang Neri.Mag-cr nalang muna ako bago ako uuwi ng bahay. Nagkwentahan pa naman sila tita at Grace ng benta kaya antayin ko nalang din si Grace pauwi. " Celle, may bisita ka." Salubong sa akin ni Grace na parang kinikilig. "Si Kevin na naman..." walang gana kong sagot. " Hindi! Si sir Draken ." Bulong niya sa akin. Ito na naman ako, marinig ko lang ang pangalan na iyan. Mawala na naman sa isip ko na pamilyado na iyong tao. " Ha? Bakit daw?" naguguluhan kong tanong. " Kausapin ka daw ang gwapo niya,cas," wika ulit nito sa akin bago ako iniwan. Mabilis na akong bumalik sa customer's area. Kung saan nakalagay ang mga mesa ng mga customer na kakain. Humigit pa ako ng buntong-hininga nang makita ko si sir Draken. Nakatalikod ito na nakaharap sa entrance at exit ng restaurant. Hindi pa pala nagsara sila tita kahit wala ng kumakain. Si sir Draken nalang yata ang inaantay na aalis bago magsara. Pero wait...kakausapin daw ako nito?Celle's POV Nagulat pa ako ng biglang may nagflash sa cellphone ni sir Draken na mismong sa tapat ng mukha ko.Nahiya ako doon dahil nakangiti siya sa akin. " I'm sorry, napindot ko ang camera." Wika niya. Wow ha... mukhang sinadya naman niya akong kinuhaan ng larawan.Sa isip ko. " Ilang taon ka na ba,Celle?" tanong niya sa akin. " Twenty-one na po ako,sir." "Hmm...ang bata mo pa nga," nakangiti niyang wika. Hindi ko mapigilan, hindi mapataas ang kilay ko. Bata? Twenty-one na ako hindi na ako ganun kabata sa inakala niya. " Sa palagay ko magkasundo kayo ng anak ko. Masabayan mo pa siya,lalo na sa mga trend ngayon. Matanda na kasi si yaya Neri kaya siguro ayaw na din ni Marah sa yaya niya," wika ulit niya pero ngayon ay natatawa na. Mas lalo siyang gumagwapo kapag nakatawa o nakangiti.Ang gaan kasi sa pakiramdam hindi iyong tipong seryoso at masungit. Napalakas din ang tawa ko.Tumigil nga lang siyang nang tumawa ako.Kaya bigla tuloy akong natigilan. Nakatitig na k
Celle's POV Excited na akong ibalita kay Grace ang bago kong trabaho.Magpaalam na din ako kay tita Sheila na aalis na ako sa restaurant nila. Pagkakataon ko na ito na makapag-ipon para makapag-aral ulit ako.Sa gan'on matulungan ko din ang mga kapatid ko. Nakita ko si tita nakaupo sa mesa. Talagang inaantay ako kung anong napag-usapan namin ni sir Draken. "Tita, may sasabihin sana ako..." pabitin kong wika. Nakatingin lang siya sa akin. Naghihintay ng kasunod ko pang sasabihin. " Ano kasi si sir Draken, nangangailangan ng bagong yaya sa anak niya." " Kung malaki naman ang pasahod ni sir Draken sunggaban mo na,Celle," sabad agad nito sa akin. Hindi na ako nito pinatapos sa nais ko pang sasabihin. " Basta mag-ingat ka lalo na sa mga mayayaman.Si sir Draken ay okay lang dahil mabait naman iyon. Pero hindi natin alam ang mga kasamahan n'ya sa bahay nila," habilin nito sa akin. " Opo,tita,mag-iingat po ako do'n. Isang araw nalang po ako dito sa restaurant ninyo." Wika ko.
Celle's POV Baka kakausapin yata ako nito na bawal na magdala o papasok ang ibang tao na hindi construction workers for safety purposes. Pero may permiso kami kay engineer Giovanni. Kung gan'on ang sadya niya bakit hindi si tita Sheila ang kakausapin nito? " Magandang gabi po,sir Draken. Kakausapin n'yo daw po ako?" wika ko sa mahinang boses. Nahihiya kasi ako sa kanya. At isa pa kinabahan ako kung anong sadya nito sa akin. Nilingon ko pa sila Grace at tita Sheila na naghihintay lang din sa counter. Lumingon siya sa akin. Tama nga si Grace,subrang gwapo nga naman nito. Siya iyong mga tipo ng lalaki na mapapanood ko sa mga palabas sa ibang bansa. O iyong mga male lead na sikat ngayon panoorin. " Take a sit, Celle." wika niya. Mabilis naman akong umupo sa harapan niya. Pero nakayuko ako dahil hindi ko kayang tumingin sa kanya. Para siyang may magnet sa mata nito na kaya niya akong hilahin para mawala ako sa aking sariling katinuan. Tumukhim muna ito bago nagsalita uli
Celle's POV " Hay! Ngayon palang kausapin mo na siya. Hanga pa naman ako sa batang iyon. Kahit mapera sila,pinagtiyagaan ka talaga niyang ligawan. Ibig sabihin lang no'n seryoso sa'yo," dagdag pa ni mama. Tumango lang ako. Nakikita ko naman iyon kay Kevin na seryoso talaga siya sa akin. Pero ayaw ko naman sagutin siya dahil lang sa awa.He deserves better than me. Nagpaalam na si mama na mauna na siya sa akin. Mabilis ko naman inubos ang gatas ko. Napangiti ako ng maalala ko na naman ang tinginan namin ni sir Draken kagabi.Bigla tuloy pumintig ang puso Pati pa yata tinggíl ko pumitik din. NAPANGITI na ako nang matanaw ko na ang restaurant nina tita Sheila. Alas-sais palang ng umaga marami-rami na ang nag-aalmusal kaya mabilis na akong pumasok. " Oh, Celle...pakihatid muna ito doon sa matandang babae na naka-uniform," agad na wika ni tita ng tuluyan na akong pumasok sa loob. Nagkapwesto na si Grace sa cashier. Ningitian ako ng pinsan ko, mukhang blooming ah... " Magandang
Celle's POV Mahinahon namin kinatok ang pintuan ng opisina nang nasabing may-ari ng building. " Come in..." boses ni engineer Giovanni ang narinig namin. Mahina namin tinulak ang pintuan hindi pala nakasirado ito. Napatigil muna kami ni Grace bago kami nakapagsalita. " Magandang araw po. Nandito na po ang pagkain ninyo, sir," halos panabay pa namin na bigkas ni Grace. Parang gusto ko nalang din na makiuso kay Grace na magpantasya sa may-ari ng building. Dahil kung gwapo man si engineer Giovanni. Mas kakaiba ang kagwapuhan nitong nasa harapan namin. Prenteng nakaupo lamang siya sa swivel chair niya. Sa tantiya ko nasa thirties na ang edad nito. Pero malakas ang karisma niya papable kumbaga. Saktong nagtama pa ang aming paningin kaya nagkatitigan pa kami. Bago ko binawi ang tingin ko sa may-ari biglang tumibok nalang ang puso ko na hindi ko malaman kung anong dahilan. Ang gwapo niya, iyong gwapo na luluhuran mo. Pero teka lang...Shit! Bakit parang kamukha niya ang lal
Celle's POV Napataas naman agad ang kilay ko. Buti pa ito napansin niya, samantala ako hindi ko napansin iyon. Dahil ang alam ko may relasyon yata si engineer Giovanni sa kasamahan niya din na engineer na babae. Nakalimutan ko na ang pangalan n'on, hindi ko nga iyon gusto dahil nahuhuli ko siyang inirapan ako ng minsan kinausap ako ni engineer Giovanni. May mga tao talaga na hindi naman inaano pero naiinis sa'yo. " Tsk! Huwag kang isyu, Grace. Magdyowa yata sila n'ong isang kasamahan niya na babae na engineer din." " Ah, si ma'am Irish. Sus, ang arte n'on hindi ko iyon bet para kay engineer Giovanni. Mabait si engineer pero iyong si ma'am Irish hindi. Panay irap nga iyon sa'yo eh," nakanguso na sabi ni Grace. Nagkatinginan kami. Sabay kaming natawa dahil hindi lang pala ako ang nakapansin n'on na panay irap siya sa akin. " Bilisan niyo na diyan mga, ineng.Mamaya na ang daldalan kapag tapos na tayo," basag sa amin ni tita. Naramdaman ko ang kasiyahan nito kaya aligaga i







