Celle's POV Napataas naman agad ang kilay ko. Buti pa ito napansin niya, samantala ako hindi ko napansin iyon. Dahil ang alam ko may relasyon yata si engineer Giovanni sa kasamahan niya din na engineer na babae. Nakalimutan ko na ang pangalan n'on, hindi ko nga iyon gusto dahil nahuhuli ko siyang inirapan ako ng minsan kinausap ako ni engineer Giovanni. May mga tao talaga na hindi naman inaano pero naiinis sa'yo. " Tsk! Huwag kang isyu, Grace. Magdyowa yata sila n'ong isang kasamahan niya na babae na engineer din." " Ah, si ma'am Irish. Sus, ang arte n'on hindi ko iyon bet para kay engineer Giovanni. Mabait si engineer pero iyong si ma'am Irish hindi. Panay irap nga iyon sa'yo eh," nakanguso na sabi ni Grace. Nagkatinginan kami. Sabay kaming natawa dahil hindi lang pala ako ang nakapansin n'on na panay irap siya sa akin. " Bilisan niyo na diyan mga, ineng.Mamaya na ang daldalan kapag tapos na tayo," basag sa amin ni tita. Naramdaman ko ang kasiyahan nito kaya aligaga i
Last Updated : 2026-10-15 Read more