Mag-log in(Xavier’s POV)
Ang katahimikan ng gabi sa loob ng aking study room ay tila isang malakas na sigaw na bumibingi sa akin. Hawak ko ang aking baso ng whiskey, pero hindi ko ito mainom. Ang tanging nakikita ko sa loob ng baso, sa bawat paggalaw ng yelo, ay ang mga mata ng batang si Axel. Sino siya? Bakit parang kilala ko ang bawat linya ng kanyang mukha? Isang matinding kirot ang biglang gumuhit sa aking sentido. "Ahhh..." napahawak ako sa aking ulo. Para akong nakatingin sa isang sirang salamin; may mga piraso ng alaala—isang amoy ng rosas, isang malungkot na melodiya ng piano, at ang init ng isang haplos—pero hindi ko sila mapagdugtong-dugtong. Naramdaman ko ang kakaibang pintig sa aking dibdib noong sandaling hawakan ko ang balikat ni Axel sa hallway ng hotel. Hindi iyon ang karaniwang pakiramdam ko kapag kasama ko si Lucas. Kay Lucas, naroon ang obligasyon at pagkalinga bilang ama, pero kay Axel... para akong nakatagpo ng isang nawawalang bahagi ng aking kaluluwa. "Who are you?" bulong ko sa hangin. Hindi ako matahimik. May kung anong boses sa loob ko ang nagsasabing kailangan kong makita ulit ang babae at ang batang lalaki na kamukhang-kamukha ko, noong ako'y bata pa. (Aria’s POV) Hindi ko mapigilan ang panginginig ng aking mga kamay habang inaayos ang mga gamit ni Axel. Mula nang magtagpo ang aming mga landas ni Xavier sa hotel, hindi na ako dinalaw ng antok. Ang bawat yabag sa labas ng aming pintuan ay tila isang banta. Paano kung malaman niya? Paano kung kunin niya si Axel? Alam ko ang kapangyarihan ng mga Knight. Sa isang pitik lang ng daliri ni Xavier, kaya niyang baliktarin ang mundo. Kaya niyang palabasin na hindi ako karapat-dapat na ina. Ang poot na nararamdaman ko para sa kanya ay unti-unting nilalamon ng isang matinding kaba. "Mommy?" Napatigil ako nang marinig ko ang boses ni Axel. Nakatayo siya sa pinto ng kanyang kwarto, yakap ang kanyang paboritong stuffed toy. "Mommy, can I ask you a question po?" "Sure anak, ano po yon?" "Mommy, is he my Papa? The tall man in the hotel?" Tila tinusok ng karayom ang puso ko. "No, Axel. Strangers are just strangers. Matulog ka na." "But Mommy, he looks like me. In the mirror, I saw his eyes. They're just like mine," pagpipilit ng bata. Ang kanyang kuryosidad ay tila isang apoy na ayaw mamatay. Nitong mga nakaraang araw, laging iyon ang tanong niya. Nagsimula itong maging paulit-ulit simula nang pumasok siya sa paaralan at makitang sinusundo ng mga ama ang kanyang mga kaklase. Hanggang sa dumating ang gabi na hindi na niya kinaya. "I want my Papa! Bakit ang mga classmates ko may Papa? Bakit ako wala?" hagulgol ni Axel. Ang kanyang mga mata ay mugtong-mugto na sa iyak. "Kilala mo siya, 'di ba? The King of the Castle! Siya ba ang Papa ko?" Sa tindi ng pagod, puyat, at takot na baka makuha ang anak ko, hindi ko na napigilan ang aking sarili. "AXEL, ENOUGH!" sigaw ko na ikinagulat niya. "Wala kang Papa! Matagal na siyang patay! Hindi ka niya gusto, hindi ka niya kailangan! Kaya huwag mo na siyang hahanapin kailanman!" Nakita ko ang takot at sakit sa mga mata ni Axel. Tumalikod siya at tumakbo papasok sa kanyang kwarto nang hindi nagsasalita. Pinagsisihan ko agad ang aking nasabi, pero ang pride ko ay nanaig. Hahayaan ko muna siyang huminahon. Ngunit kinaumagahan, nang pumasok ako sa kanyang kwarto para gisingin siya, ang kama niya ay malinis at walang tao. Ang bintana ay bahagyang nakabukas. "Axel? Axel!" hiyaw ko. Hinalughog ko ang buong unit, ang banyo, ang ilalim ng kama, pero wala siya. "Diyos ko, Axel! Nasaan ka?!" Ang kaba sa dibdib ko ay naging isang ganap na panic. Naglayas ang anak ko!. Ang kaisa-isang dahilan ng buhay ko ay nawawala dahil sa galit ko. (Third Person POV) Sa isang tahimik na parke malayo sa subdivision nina Aria, naglalakad si Xavier Knight. Kasama niya ang kanyang anak na si Lucas. Gusto sana ni Xavier na mapalapit sa bata, dahil nitong mga huling araw ay tila mas naging mailap siya rito. "Daddy, look! A bird!" masayang turo ni Lucas. Tumango lang si Xavier, pero ang isip niya ay lumilipad. Hanggang sa mapansin niya ang isang maliit na pigura na nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno ng narra. Isang bata na nakasuot ng gusot na pantulog at may bitbit na maliit na backpack. Lumalakas ang pintig ng puso ni Xavier habang papalapit siya. Hindi siya maaaring magkamali. "Axel?" Tumingala ang bata. Ang kanyang mga mata ay sobrang mugto, at ang kanyang maliliit na balikat ay nanginginig sa hikbi. "Sir..." "Anong ginagawa mo rito? Nasaan ang Mommy mo?" tanong ni Xavier habang lumuluhod sa harap ng bata para mapantayan ito. "I... I want to find my Papa. Mommy said he's dead, but I don't believe her," hikbi ni Axel. Parang may humaplos sa puso ni Xavier. Tiningnan niya si Lucas na nakatingin din sa bata. Hindi niya alam kung bakit, pero naramdaman niya ang pangangailangang protektahan si Axel. "Come on. Huwag ka nang umiyak. Bibilihan kita ng ice cream." Naglakad ang dalawang bata kasama si Xavier patungo sa isang malapit na ice cream stand. Habang pinapanood ni Xavier si Axel na kumakain, hindi niya maialis ang kanyang tingin. Ang paraan ng paghawak ng bata sa apa, ang paraan ng pagkunot ng noo nito kapag malamig ang ice cream—lahat ng iyon ay kopyang-kopya sa kanyang mga galaw. "Sir, are you a Papa?" tanong ni Axel habang nakatingin kay Lucas. "Yes, Axel. I'm a Papa," sagot ni Xavier, ang boses ay parang may bara. "Is it nice to have a Papa? Does a Papa love his son?" muling tanong ng bata. Tumingin si Xavier nang malalim kay Axel. Sa sandaling iyon, tila may kuryenteng dumaloy sa pagitan nilang dalawa. Isang hindi maipaliwanag na kutob ang bumalot sa kanya—isang pakiramdam na ang batang kaharap niya ay hindi lang basta estranghero, kundi bahagi ng kanyang sariling kaluluwa. "A Papa will do everything for his son, Axel. Everything," bulong ni Xavier, habang sa likod ng kanyang isip, nagsisimula na siyang bumuo ng mga plano. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang katotohanan sa likod ng mga mata ni Axel at ng mukha ni Aria. (Third Person POV) Matapos bilhan ng ice cream, tinangka ni Xavier na alamin kung saan ito nakatira. "Axel, ihatid na kita. Siguradong nag-aalala na ang Mommy mo," malumanay na sabi ni Xavier. Umiling ang bata at muling tumulo ang luha. "Ayaw ko po. Galit ako kay Mommy. Sabi niya patay na si Papa at hindi niya ako mahal. Ayaw ko munang umuwi." Nagulat si Xavier sa katigasan ng loob ng bata. Kahit anong pilit niya ay ayaw talagang magsabi ni Axel ng address. Dahil hindi niya kayang iwan ang bata sa lansangan at ayaw niya namang dalhin ito agad sa pulisya dahil sa kakaibang ugnayang nararamdaman niya, napagpasyahan niyang dalhin muna si Axel sa kanyang mansyon. Pagdating sa mansyon ng mga Knight, sinalubong sila ng isang nanlilisik na si Elena. "Xavier! Bakit mo dinala ang batang 'yan dito? Sino ba 'yan?" singhal ni Elena habang nakatingin nang masama kay Axel. "Nakita ko siyang mag-isa sa parke, Elena. Hindi siya nagsasalita kung saan siya nakatira," maikling sagot ni Xavier. "Edi dalhin mo sa pulis! Hindi orphanage ang bahay natin! What if mapagkamalan tayong kidnapper?" galit na sigaw ni Elena. Ngunit sa likod ng kanyang galit ay ang matinding takot na baka sa isang iglap ay mabuko ang lahat. Hindi siya pinansin ni Xavier. "Mananatili siya rito hanggang sa kumalma siya. Lucas, play with him." Sa loob ng mansyon, pansamantalang nakalimutan ni Axel ang kanyang lungkot. Nakipaglaro siya kay Lucas, at sa gulat ni Xavier, napansin niyang mas mabilis pa mag-isip si Axel sa mga puzzles at chess kaysa sa mga batang mas matanda rito. Noong oras ng hapunan, pinanood ni Xavier si Axel. Ang paraan ng paghawak nito ng kubyertos, ang pag-iwas nito sa gulay na ayaw rin ni Xavier—lahat ay tila isang malaking palaisipan na nagtuturo sa iisang sagot. Naging malapit ang loob ng dalawa sa loob lamang ng ilang oras. Nararamdaman ni Xavier ang isang uri ng kapayapaan na hindi niya naramdaman sa loob ng limang taon. (Xavier's POV) Gabi na nang maupo ako sa tabi ni Axel sa guest room. Bakas sa kanyang mukha ang pagod. "Sir... I miss Mommy na po," bulong ng bata. "Gusto ko na pong umuwi." "Sige, Axel. Saan ba ang address niyo?" tanong ko habang hinahanda ang susi ng kotse. Nang banggitin ni Axel ang address at ang eksaktong numero ng telepono ng kanyang ina, hindi ako makapaniwala. Ang talino at memorya ng batang ito ay hindi pangkaraniwan para sa isang limang taong gulang. Pero ang mas nagpasinghap sa akin ay ang subdivision na binanggit niya—doon nakatira ang mga pinakasikat na tao sa bansa, kabilang na ang international pianist na si Aria Santos. Habang nagmamaneho ako patungo sa kanilang tahanan, ang puso ko ay mabilis ang pintig. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin, pero isa lang ang sigurado ko: hindi ko na hahayaang mawala ang batang ito sa paningin ko. Tuluyan na kayang mauungkat ang nakaraan sa pagitan nina Xavier at Aria? Lukso ng dugo na ba talaga ang nararamdaman ni Xavier sa batang si Axel? Simula na kaya ito para hanapin ang mga kasagutang gumugulo sa kanyang isipan?(Aria’s POV)Malamig ang hangin sa loob ng VIP lounge, pero ang bawat hininga ko ay parang apoy na tumutupok sa aking lalamunan. Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Axel, na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa paligid. Ang apat na tauhan ni Xavier ay nakatayo sa labas ng pinto, tila mga estatwang tinitiyak na wala kaming daan palabas."Mommy, why are we here? Is the Ice King coming?" bulong ni Axel.Bago pa man ako makasagot, bumukas ang double doors. Pumasok si Xavier Knight, taglay ang awtoridad na tila sa kanya pag-aari ang buong airport. Ang kanyang mga mata ay diretso sa akin—malamig, nanaliksik, at puno ng mga tanong na hindi ko na alam kung paano iiwasan."Going somewhere, Aria?" tanong niya habang dahan-dahang lumalapit. Ibinaba niya ang kanyang paningin kay Axel at panandaliang lumambot ang kanyang ekspresyon, bago muling tumigas pagtingin sa akin."Wala kang karapatang pigilan kami, Xavier! May flight kami, at hindi mo pag-aari ang buhay namin!" sigaw ko, pilit na itinatago an
(Xavier’s POV)Ipinasok ko ang aking sasakyan sa garahe ng mansyon nang mag-iika-una na ng madaling araw. Ang bawat sulok ng bahay na ito, na dati ay itinuturing kong simbolo ng aking tagumpay at pamilya, ay tila naging isang malaking kulungan ng mga kasinungalingan.Pagpasok ko sa loob, nakita ko si Elena na nakaupo sa sala, may hawak na baso ng alak. Ang kanyang mga mata ay mapupula—hindi dahil sa pag-iyak, kundi dahil sa galit."Saan ka galing, Xavier? Bakit ngayon ka lang?" tanong niya, ang boses ay matalim. "At nasaan ang batang iyon? Huwag mong sabihing nagpalipas ka ng oras kasama ang babaeng iyon?"Tinitigan ko siya. Sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon, hindi ko nakita ang "mapagmahal na asawa" na nag-alaga sa akin noong ako ay may sakit. Ang nakikita ko ay isang estranghero na may suot na maskara."Ihatid ko lang ang bata, Elena. Hindi ako hayop para iwan siya sa kalsada," malamig kong sagot. Naglakad ako lampas sa kanya, ngunit hinawakan niya ang aking braso."Xavier
(Third Person POV)Ang kalsada patungo sa tinitirhang subdivision ni Aria ay balot ng katahimikan, tanging ang mahinang ugong ng makina ng Rolls-Royce ni Xavier Knight ang naririnig. Sa loob ng sasakyan, seryoso ang mukha ni Xavier habang nakatingin sa daan, pero sa likod ng kanyang mga mata ay ang nagtatalong emosyon. Sa kanyang tabi, mahimbing na natutulog ang batang si Axel, ang ulo ay nakasandal sa malambot na sandalan ng upuan.Habang minamasdan ni Xavier ang bata sa ilalim ng madilim na ilaw ng dashboard, tila may kung anong pwersa na humihila sa kanyang puso. Ang bawat kurba ng mukha ni Axel ay tila isang pamilyar na kanta na hindi niya matandaan ang liriko.Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Aria, nakita ni Xavier ang isang anino sa labas ng gate. Si Aria. Kahit sa dilim, bakas ang panghihina sa tindig nito, ang mga balikat ay nakabagsak dahil sa matinding pag-aalala. Agad na bumaba si Xavier at dahan-dahang binuhat ang bata."Axel!" Isang gumaralgal na boses ang s
(Xavier’s POV) Ang katahimikan ng gabi sa loob ng aking study room ay tila isang malakas na sigaw na bumibingi sa akin. Hawak ko ang aking baso ng whiskey, pero hindi ko ito mainom. Ang tanging nakikita ko sa loob ng baso, sa bawat paggalaw ng yelo, ay ang mga mata ng batang si Axel. Sino siya? Bakit parang kilala ko ang bawat linya ng kanyang mukha? Isang matinding kirot ang biglang gumuhit sa aking sentido. "Ahhh..." napahawak ako sa aking ulo. Para akong nakatingin sa isang sirang salamin; may mga piraso ng alaala—isang amoy ng rosas, isang malungkot na melodiya ng piano, at ang init ng isang haplos—pero hindi ko sila mapagdugtong-dugtong. Naramdaman ko ang kakaibang pintig sa aking dibdib noong sandaling hawakan ko ang balikat ni Axel sa hallway ng hotel. Hindi iyon ang karaniwang pakiramdam ko kapag kasama ko si Lucas. Kay Lucas, naroon ang obligasyon at pagkalinga bilang ama, pero kay Axel... para akong nakatagpo ng isang nawawalang bahagi ng aking kaluluwa. "Who are y
Ang Grand Ballroom ng Diamond Hotel ay punong-puno ng mga makapangyarihang tao. Sa gitna ng bulwagan, nakatayo si Xavier Knight, ang lalaking tila hindi tinablan ng panahon. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na anyo, naroon ang kanyang asawa na si Elena, na laging nakakapit sa kanyang braso na tila natatakot na muling mawala ang lalaki. "Xavier, kailangan nating batiin ang mga investors mula sa London," bulong ni Elena, suot ang kanyang mapagkunwaring ngiti. Tumango lang si Xavier. Simula nang magising siya mula sa coma limang taon na ang nakalilipas, pakiramdam niya ay may malaking butas sa kanyang pagkatao. May mga gabi na nananaginip siya ng isang malabong melodiya at isang boses na tumatawag sa kanyang pangalan, pero sa tuwing gigising siya, ang mukha lang ni Elena ang nakikita niya. "Excuse me, I need some air," malamig na sabi ni Xavier. Hindi niya hinintay ang sagot ni Elena at naglakad patungo sa tahimik na hallway ng hotel. Samantala, sa kabilang dako ng hallway, mabilis
Ang limang taong nakalipas ay hindi nagsimula sa palakpakan, kundi sa tunog ng kumakalam na sikmura at pagod na katawan.Matapos ang masakit na pagtataboy sa ospital, lumipat si Aria sa isang maliit at siksikang paupahan sa labas ng lungsod. Doon, ang bawat araw ay isang pakikipaglaban. Habang ang kanyang tiyan ay unti-unting lumalaki, lalo namang lumiliit ang kanyang pag-asa."Aria, magpahinga ka naman. Kanina ka pa nakatayo riyan sa harap ng lababo," pag-aalala ni Marco, ang tanging kaibigang hindi nang-iwan sa kanya."Hindi pwede, Marco. Kailangan ko ng extra shift. Malapit na akong manganak, wala pa akong pambayad sa ospital, wala pa ring gamit ang baby," sagot ni Aria habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo.Nagtatrabaho si Aria bilang dishwasher at tagalinis sa isang hamak na karinderya sa umaga. Sa gabi naman, kahit masama ang pakiramdam, tumutugtog siya ng piano sa isang mumurahing bar. Doon, hindi Chopin ang tinutugtog niya kundi mga request ng mga lasing na kustomer par







