Home / Romance / The Billionaire's Forgotten Seed / KABANATA 6: ANG ECHO NG NAKALIMUTANG KAHAPON

Share

KABANATA 6: ANG ECHO NG NAKALIMUTANG KAHAPON

Author: Nyleloott
last update Last Updated: 2026-01-22 14:16:21

(Third Person POV)

Ang kalsada patungo sa tinitirhang subdivision ni Aria ay balot ng katahimikan, tanging ang mahinang ugong ng makina ng Rolls-Royce ni Xavier Knight ang naririnig. Sa loob ng sasakyan, seryoso ang mukha ni Xavier habang nakatingin sa daan, pero sa likod ng kanyang mga mata ay ang nagtatalong emosyon. Sa kanyang tabi, mahimbing na natutulog ang batang si Axel, ang ulo ay nakasandal sa malambot na sandalan ng upuan.

Habang minamasdan ni Xavier ang bata sa ilalim ng madilim na ilaw ng dashboard, tila may kung anong pwersa na humihila sa kanyang puso. Ang bawat kurba ng mukha ni Axel ay tila isang pamilyar na kanta na hindi niya matandaan ang liriko.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Aria, nakita ni Xavier ang isang anino sa labas ng gate. Si Aria. Kahit sa dilim, bakas ang panghihina sa tindig nito, ang mga balikat ay nakabagsak dahil sa matinding pag-aalala. Agad na bumaba si Xavier at dahan-dahang binuhat ang bata.

"Axel!" Isang gumaralgal na boses ang sumalubong sa kanya. Akmang kukunin ni Aria ang bata mula sa kanyang mga bisig nang bahagyang umiwas si Xavier.

"Lower your voice, Aria. He just fell asleep after a long day of crying," malamig ngunit may awtoridad na sabi ni Xavier.

Pilit na nagpaubaya si Aria. Binuksan niya ang gate at iginaya si Xavier papasok sa loob ng kanilang bahay. Pagkapasok sa sala, maingat na inilapag ni Xavier si Axel sa sofa. Hinayaan niya munang ayusin ni Aria ang kumot ng bata bago siya tumayo nang tuwid at hinarap ang babaeng naging malaking katanungan sa kanyang buhay.

(Xavier’s POV)

Pinagmasdan ko si Aria habang hinahalikan niya ang noo ng kanyang anak. Ang kanyang pagmamahal ay ramdam na ramdam sa hangin, pero ang poot na ipinupukol niya sa akin sa tuwing titingin siya ay hindi ko mapigilan na pagtakhan.

"Salamat sa paghatid sa kanya. Maaari ka nang umalis, Mr. Knight," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.

Hindi ako gumalaw. Sa halip, iginala ko ang aking paningin sa paligid ng kanyang bahay. Simple lang ito pero elegante—malayo sa imahe ng isang babaeng "gold digger" na ipininta ni Elena sa isip ko.

"Aria, mag-usap tayo," panimula ko. "The child... Axel. Hindi ako bulag. He’s the spitting image of me. And he knows my name. He knows who I am even though I don't know him."

Lumingon si Aria, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy na sa galit. "Anong gusto mong palabasin? Na dahil lang magkamukha kayo, may karapatan ka na sa kanya? Sabi ko sa'yo, nagkakamali ka."

Isang imahe ang biglang pumasok sa isip ko. Isang malabong alaala noong unang linggo ko sa ospital matapos akong magising mula sa coma. Isang babaeng umiiyak, pilit na lumalapit sa akin habang pinipigilan siya ng mga guard. Naalala ko ang sarili ko—malamig, galit, at puno ng pandidiri sa babaeng iyon dahil ang sabi ni Elena ay isa lamang itong oportunista.

"Naalala ko na," bulong ko, na ikinatigil ni Aria. "Five years ago. Sa ospital. Ikaw 'yung babaeng nagpupumilit pumasok sa kwarto ko, 'di ba? You were shouting something about a connection... about a night we shared."

Tumigas ang ekspresyon ni Aria. "Ah, so naalala mo na rin pala ang sandaling pinahiya mo ako? Ang sandaling tinawag mo akong basura at nag-utos ka sa mga guards na kaladkarin ako palabas dahil ayaw mong marumihan ang pangalan mo?"

"Wala akong maalala noong panahong 'yon! Ang tanging alam ko lang ay ang sinabi sa akin ng mga tao sa paligid ko!" pagtatanggol ko sa sarili, kahit nararamdaman ko ang unti-unting pagbigat ng aking konsensya.

"At iyon ang problema sa'yo, Xavier!" bulyaw ni Aria, ang boses niya ay nanginginig sa sakit. "Mas naniwala ka sa kanila kaysa sa sarili mong kutob! Nagpunta ako roon hindi para sa pera mo. Nagpunta ako roon dahil akala ko, may naiwan tayong pangako noong gabing 'yon. Pero anong ginawa mo? You looked at me like I was the filthiest thing on earth!"

Huminga ako nang malalim, pilit na nilalabanan ang kirot sa aking ulo. "Kung totoo ang sinasabi mo... kung may nangyari sa atin... bakit hindi mo sinabing buntis ka? Bakit mo sinarili ang lahat?"

"Dahil bakit ko sasabihin sa isang lalaking hindi man lang ako kilala? Bakit ko ibibigay ang anak ko sa isang pamilyang itinuturing akong kaaway?" lumapit sa akin si Aria, halos magdikit na ang aming mga dibdib. "The moment you threw me out of that hospital was the moment Axel’s father died. At huwag mong sabihing nagdududa ka ngayon dahil sa mukha niya. Limang taon, Xavier! Limang taon kaming nagdusa habang ikaw ay namumuhay bilang hari!"

"I have amnesia, Aria! I lived a lie for five years!" sigaw ko rin, hindi ko na mapigilan ang emosyon ko. "Sa isip ko, si Elena ang kasama ko noong gabing 'yon! I was told she was the one!"

"Then go back to her!" pagtataboy niya. "Go back to your perfect life and leave us alone! Axel is my son, and mine alone."

(Aria’s POV)

Pinapanood ko ang pagbabago ng emosyon sa mukha ni Xavier. Galit, kalituhan, at... pagsisisi? Pero huli na ang lahat. Hindi sapat ang pagsisisi para burahin ang limang taon ng pangungulila ni Axel sa isang ama. Hindi sapat ang amnesia niya para bigyan siya ng karapatang pumasok muli sa buhay namin ngayon.

"Hindi pa tayo tapos, Aria," sabi ni Xavier, ang boses niya ay bumaba pero puno ng determinasyon. "I may not have my memories back, but I have eyes. At hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung paano ako nalinlang ni Elena at kung anong papel mo sa buhay ko."

"Wala ka nang malalaman pa, Xavier. Lumabas ka na sa bahay ko," huling sabi ko bago ko binuksan ang pinto para sa kanya.

Nang tuluyan siyang makalabas at marinig ko ang pag-andar ng kanyang sasakyan, doon lang ako napa-upo sa sahig. Nanginginig ang aking buong katawan. Ang lihim na pilit kong itinago ay unti-unti nang nabubunyag.

Tumingin ako kay Axel na mahimbing pa ring natutulog. Ang kanyang paglayas ang naging susi para magtagpo silang muli. "Anak, patawarin mo ako..." bulong ko. "Pero kailangan nating lumayo. Hindi ko hahayaang makuha ka niya."

(Xavier’s POV)

Habang nagmamaneho ako pabalik sa mansyon, ang bawat salita ni Aria ay paulit-ulit na umeecho sa aking isipan. “You looked at me like I was the filthiest thing on earth.”

Isang matinding poot ang naramdaman ko, hindi para kay Aria, kundi para kay Elena. Kung totoo ang sinasabi ni Aria, ibig sabihin ay ninakawan ako ni Elena ng limang taon kasama ang tunay kong anak. Ninakawan niya ako ng pagkakataong maging ama kay Axel.

Kinuha ko ang aking cellphone at muling tinawagan si Marcus.

"Marcus, change of plans. I don't just want a DNA test. I want a full background check on Elena’s pregnancy with Lucas. I want to know who the doctor was, and I want the real records, hindi 'yung mga ibinigay niya sa akin."

"Masusunod po, Sir. May problema po ba?"

"A big one, Marcus. At kapag napatunayan ko ang hinala ko, sisiguraduhin kong walang matitira kay Elena kahit isang sentimo."

Ibinaba ko ang telepono. Tumingin ako sa rearview mirror at nakita ko ang sarili kong mga mata. Ngayon ko lang napansin... ang mga matang iyon ay ang eksaktong mga mata ni Axel.

Ang laban na ito ay nagsisimula pa lang. Kung kailangang gibain ko ang buong Knight Industries para makuha ang katotohanan, gagawin ko. Dahil ang nakalimutang binhi ay nagsisimula nang tumubo, at hindi ko hahayaang may muling humadlang sa amin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Forgotten Seed    KABANATA 20: ANG NAGLALAHONG KAHAPON

    Aria’s POV Ang papel na hawak ko ay tila naging isang hatol ng kamatayan. Sa bawat salitang medikal na nababasa ko, degenerative, atrophy, memory loss, ay tila may bahagi ng puso ko na unti-unting namamatay. Tiningnan ko si Xavier. Ang lalaking dati ay tila isang diyos sa kapangyarihan, ngayon ay mukhang marupok sa ilalim ng malamig na ilaw ng Geneva. "Kailan pa?" tanong ko, ang boses ko ay halos pabulong na lang. "Nagsimula ang mga sintomas dalawang taon na ang nakalilipas," sagot niya habang nakatingin sa malayo. "Sakit ng ulo, pagkalimot sa maliliit na bagay... akala ko pagod lang. Pero ito pala ang kapalit ng paggising ko mula sa coma noon. A ticking time bomb." "At binalak mong mamatay nang mag-isa sa dilim habang pinapanood kami mula sa malayo?" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya, pero agad ko rin siyang niyakap nang mahigpit. "Napaka-selfish mo, Xavier Knight! Napaka-selfish mo!" Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik. Mahigpit, tila ba ito na ang hu

  • The Billionaire's Forgotten Seed    KABANATA 19: ANG PAGTATAGPO SA DILIM

    Aria’s POV Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ang boses na iyon... ang boses na pilit kong ibinaon sa limot, ay heto at muling humahaplos sa pandinig ko. Ang cellphone sa kamay ko ay tila naging kasing-init ng baga. "Nasaan ka?" garalgal kong tanong. "Xavier, magpakita ka sa akin!" "Lumingon ka, Aria." Dahan-dahan akong pumihit. Sa dulo ng madilim na pasilyo ng opera house, malapit sa anino ng mga malalaking column, nakatayo ang isang lalaki. Hindi na siya ang bilyonaryong laging naka-slick back ang buhok at perpekto ang suit. Ngayon, ang kanyang buhok ay medyo mahaba na, may manipis na balbas, at suot ang isang simpleng trench coat. Pero ang tindig niya—ang awtoridad na tila pag-aari niya ang mundo—ay hindi nagbago. "Limang taon, Xavier," sabi ko, ang boses ko ay puno ng pait habang lumalapit ako sa kanya. "Limang taon mo kaming pinanood na parang mga hayop sa zoo? Bakit?" "Hindi ko kayo pinapanood na parang mga hayop, Aria," mahina niyang sagot. Ang kanyang mga mata ay pago

  • The Billionaire's Forgotten Seed    KABANATA 18: ANG MGA LIHIM NA NOTA

    Third Person POV Limang taon ang lumipas. Switzerland. Ang payapang tanawin ng Lake Geneva ang nagsilbing kanlungan ni Aria Santos sa nakalipas na kalahating dekada. Sa loob ng limang taon, hindi na siya ang "biktima" sa mga headline ng tabloid sa Pilipinas. Ngayon, kilala siya bilang si Maestra Aria, isa sa mga pinaka-prestihiyosong composer at pianist sa buong Europa. Ang kanyang musika ay puno ng lungkot, pait, at pag-asa, mga damdaming tila naging katuwang na niya simula nang lisanin niya ang bansa. "Mom, are you ready? The gala starts in thirty minutes," tawag ng isang boses na nagpatigil sa kanyang pag-iisip. Pumasok sa silid ang isang sampung taong gulang na batang lalaki. Si Axel. Hindi na ito ang batang paslit na mahilig maglayas. Siya na ngayon ay isang matangkad at matalinong bata. Ngunit sa bawat pagdaan ng taon, mas lalong nagiging masakit para kay Aria ang tumingin sa anak. Ang mga mata, ang panga, at ang aura ni Axel ay isang carbon copy ni Xavier Knight. "Ready n

  • The Billionaire's Forgotten Seed    KABANATA 17: ANG PAGLAYO NG HULING HIMIG

    Aria’s POV Isang linggo matapos ang aksidente, ang mga sugat sa aking katawan ay unti-unti nang naghihilom, ngunit ang sugat sa aking puso ay tila lalong lumalalim. Nakatayo ako sa harap ng bintana ng aking private room sa ospital, pinagmamasdan ang mga sasakyang nagdaraan sa ibaba. Sa bawat sasakyang itim na nakikita ko, naaalala ko ang takot. Ang takot na mawala sa akin ang lahat dahil sa mundong kinabibilangan ni Xavier. "Mommy, are we going to see Daddy today?" tanong ni Axel habang naglalaro sa kama. May benda pa rin siya sa ulo, isang permanenteng paalala ng kapabayaan ni Xavier. "No, baby. We're going on a trip. Just the two of us," mahina kong sagot. Bumukas ang pinto at pumasok si Marco. Mukha siyang pagod, pero ligtas. "Handa na ang lahat, Aria. Ang private flight ay maghihintay sa atin sa isang hangar sa Clark para maiwasan ang mga tauhan ni Xavier. Ang mga papeles mo para sa paninirahan sa Switzerland ay ayos na rin." "Salamat, Marco. Salamat sa hindi pag-iwan sa

  • The Billionaire's Forgotten Seed    KABANATA 16: ANG PAGHINTO NG MGA NOTA

    Xavier’s POV Ang puting ilaw ng ospital ay tila sumasariwa sa bawat sugat ng nakaraan ko. Nakaupo ako sa tapat ng Intensive Care Unit (ICU), ang aking mga kamay ay puno pa rin ng tuyong dugo—dugo ni Aria. Ang bawat patak ng dextrose at tunog ng heart monitor ay parang isang mabagal na torture. "Sir, si Axel po ay ligtas na. He has a minor concussion, pero nagising na siya at hinahanap ang kanyang Mommy," ulat ni Marcus, ang boses ay puno ng pait. Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa salamin ng ICU kung nasaan si Aria, nakakabit sa napakaraming tubo. "Sino, Marcus?" tanong ko, ang boses ko ay kasing lamig ng kamatayan. "Sino ang may gawa nito?" "Ang van ay rehistrado sa isang dummy corporation na konektado sa pamilya ni Lady Cassandra, Sir. Pero ang driver... ayon sa nakuha naming ebidensya, ay direktang tumanggap ng tawag mula sa mansyon bago ang aksidente. Mula sa linya ng iyong Lola." Tumayo ako, ang panga ko

  • The Billionaire's Forgotten Seed    KABANATA 15: ANG HUWAD NA TAGPO

    Xavier’s POV Ang alak na iniinom ko ay kasing pait ng sitwasyon ko ngayon. Mag-iika-dose na ng gabi at nasa mini-bar ako ng mansyon. Gusto kong puntahan si Aria, gusto ko siyang yakapin at sabihing naniniwala ako sa kanya, pero ang bawat hakbang ko ay tila pinipigilan ng banta ni Lola Aurora. Isang maling galaw ko lang, mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko para sa kinabukasan ni Axel. "You look troubled, Xavier," isang malambing na boses ang narinig ko sa likuran. Si Lady Cassandra. Nakasuot siya ng isang manipis na silk robe na halos walang itinatago. Lumapit siya sa akin at kinuha ang baso ko. "Huwag mo nang isipin ang babaeng 'yon. She’s just a distraction. You deserve someone who understands the weight of your crown," bulong niya habang dahan-dahang hinahaplos ang aking balikat. "Leave, Cassandra. Lasing ako, pero hindi ako tanga," tabig ko sa kamay niya. Pero biglang umikot ang paningin ko. Ang huling baso na ininom ko... may kakaiba sa lasa niyon. "You're not just drunk,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status