Share

CHAPTER 6

Halos hindi na ako makahinga ng maayos habang magkadikit ang aming mga katawan. Idagdag pa na halos magdikit na rin ang aming mga mukha habang lapat na lapat ang mga kamay ko sa kanyang hubad at matigas na dibdib.

Ang kanyang mga kamay ay ramdam na ramdam ko mula sa aking baywang habang ang mga mata namin ay nakatitig sa isa't-isa at dahil mas matangkad siya sa akin ay nakayuko siya ngayon.

At sa muling pagkakataon, kaagad ko na namang naramdaman ang kirot mula sa aking puso habang nagsisimula na ring magbadya ang aking mga luha, umaasang magkakaroon ng milagro at titigil ang oras para lang mas matagal pa niya akong mayakap ng ganito.

Alam kong napakaimposibleng mangyari ng bagay na 'yon kaya naman nang makita kong kumunot na ang noo ni Greg at dumapo na ang kanyang mga mata sa mga kamay kong nagpapahinga sa kanyang dibdib ay mabilis na rin akong humiwalay sa kanya kahit na ang totoo ay labag na labag 'yon sa aking kalooban.

Kaagad akong lumuhod upang pulutin ang mga gamit na nabitaw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status