Share

Chapter 4: P.1

Penulis: Marifer
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-20 21:24:56

Ibinitin ng lalaki ang tawag, wala nang boses na maririnig sa kabilang linya.

Tahimik na bumalik si Andrea sa loob ng sasakyan, maingat na isinara ang pinto, saka marahang inapakan ang silinyador.

Dahan-dahang umurong ang kotse mula sa kinatatayuang paradahan, at sa isang iglap, humarurot palabas, tila ba tinatalikuran ang lahat ng naiwan.

Hindi niya napansin na may isang itim na sportscar na tahimik na sumusunod sa kanya, hindi naglalayo.

Ang tanawin sa magkabilang panig ng kalsada ay mabilis na naglaho sa likuran, tila binubura ng bilis ang lahat ng iniwang alaala.

Ang pilak na Volvo ay naging tila kidlat na gumuhit sa madilim na aspaltadong daan mabilis, matalim, at walang lingon.

Ang maitim na mga mata ni Andrea ay nakatuon lamang sa kalsadang nasa harapan, matatag, walang alinlangan.

Matagal na rin mula nang huli siyang magmaneho nang ganoon kabilis. Kasabay ng pag-akyat ng karayom sa dashboard ay ang pagragasa ng adrenalina sa kanyang mga ugat.

Sunod-sunod niyang nilampasan ang tatlong magagarang sportscar, animo'y wala lamang isang aninong dumaan na hindi nila inaasahan.

Mula sa loob ng isa sa mga kotse, may nagsigawang tinig: “Diyos ko! Sino 'yon?!”

Mula sa isa pang sportscar, malamig ang tinig ng lalaking nag-utos sa pamamagitan ng Bluetooth headset,

“Tingnan n’yo nga ang plaka ng sasakyang 'yan.”

Isa-isang naiwan sa likuran ang mga binagong sportscar, tila wala ni isa mang nakaagpang sa bilis ni Andrea.

Pagsapit sa kurbada, hindi man lamang siya nag-atubiling bumagal, matatag ang kanyang kamay sa manibela, waring sanay makipagkarera sa hangin.

Bumungad sa mga earphone ng ilang anak-mayamang binata ang isang tinig na may bahid ng pagkabigla:

“Nasilip ko na! Sa pamilya Samonte ang sasakyang 'yan!”

Agad namang may nagtanong, may halong pagtataka sa tinig: “Pamilya Samonte? Si Clarisse kaya ang nagmamaneho niyan?”

“Ganiyan na ba kagaling si Clarisse? Tuwing nakakalaban natin siya noon, palaging may tinatagong alas 'yang babae, hindi ba?”

Samantala, ang pilak na Volvo ay patuloy na umiikot sa paliku-likong daan paakyat ng bundok, isang matalim na aninong nililipad sa pagitan ng katahimikan.

Sa likuran nito, tanging isang itim na Ferrari na lamang ang patuloy na nakakasunod.

Bahagyang kumislot ang labi ni Rey jhon waring may ngiting hindi lubos mabasa, habang isang hibla ng buhok niya’y nahulog sa tapat ng kanyang noo.

Minsan na niyang nasilayan si Andrea sa ganitong anyo, mapusok, buhay na buhay, at taglay ang alab na hindi matatawaran.

Isang tunay na henyo, labing-apat pa lamang ay nakapasok na si Andrea sa junior class ng  

Pamantasan ng Agham at Teknolohiya.

Tatlong sunod-sunod na taon siyang nag-uwi ng gintong medalya sa Pandaigdigang Paligsahan sa Matematika.

Sa edad na labing-siyam, nag-aplay siya sa Pederasyon ng Palakasan sa Sasakyang de- motor, nagtamo ng lisensya sa karera, at sa unang salang sa World Rally Championship, agad niyang nabasag ang pader ng mahuhusay, nakapasok siya sa nangungunang sampu sa buong mundo.

Ang kanyang buhay ay laging maningning, laging may kasamang mga bulaklak at palakpakan.

Ngunit sa ikatlong taon ng kanyang tuwirang pagkuha ng doktorado, bigla siyang huminto.

Ipinagpalit niya ang mga pangarap at karangalan upang ialay ang sarili sa kanyang asawa’t mga anak, naging isang maybahay sa piling ng isang marangyang angkan.

Mula noon, palagi siyang nakaupo nang mataas sa loob ng kanyang sasakyan, laging maingat, hindi na muling lumampas sa pitumpung kilometro bawat oras ang kanyang takbo.

Ngunit ngayon, ang mga gulong ay sumayad sa kalsada na may matinis na tunog, habang puting usok ang bumalot sa paligid, biglaang huminto ang sasakyan ni Andrea marahas at walang pasabi.

Lumagpas si Rey John sakay ng kanyang Ferrari, ngayo’y ang nakahimpil na Volvo ni Andrea na lamang ang nasisinag niya sa salamin sa likod.

Sa loob ng Volvo, marahang hinaplos ni Andrea ang screen ng kanyang telepono, at mula sa mga speaker ng sasakyan ay umalingawngaw ang tinig ng punong-guro ni Aliana.

“Ginang Tolentino, mangyaring dumalo po kayo agad sa paaralan! Nagdala po si Liam ng kendi sa bote ng waks para sa kanyang mga kamag-aral, at ngayon ay ilang bata ang sumasakit ang tiyan matapos itong kainin!” mariing sabi sa kabilang linya, kapansin-pansin ang taranta sa boses.

Hindi pa lubos nakakabawi si Andrea mula sa biglaan at matinding pagpreno sa kanyang mabilis na pagmamaneho.

"Teacher Almira," ani Andrea sa malamig ngunit mahinahong tinig, "hindi na ako ang ina ni Liam Tolentino. Kung may anumang nangyari sa kanya sa paaralan, mangyaring siyasatin n'yo na lamang po ang kanyang ama, hindi na ako ang dapat lapitan."

Itinaas ni Andrea ang kamay upang igilid ang mga hiblang buhok na tumabing sa kanyang mukha. Matatag at buo ang kanyang tinig nang muling magsalita:

"Wala na akong pakialam sa kanya."

“Ha?!” gulat na usal ng punong-guro, hindi makapaniwala sa narinig.

Ngunit wala siyang ibang mapaglapitan sa mga sandaling iyon, kailangan niyang maharap si Andrea upang maresolba ang kaguluhang kasalukuyang nangyayari sa eskwelahan.

“Ah, eh, sinabi kasi ni Liam na ikaw ang nagbigay sa kanya ng wax kendi na dinala niya. Ilang bata ang nakalunok ng beeswax. Kung hindi lang namin agad naagapan, baka kung anong kapahamakan na ang nangyari!” muling sambit ng guro.

“Ngayon, narito na ang mga ina ng ilang batang nasangkot. Ginang Tolentino mangyaring pumunta kayo agad sa eskwelahan at magbigay ng paliwanag sa kanila!” dagdag nito.

Sina Liam at Liana ay kasalukuyang pumapasok sa Northvale Bilingual na paaralan, isang paaralang para lamang sa mga anak ng mayayaman at may dugong marangal.

Habang kausap ng punong-guro si Andrea sa cellphone, malinaw niyang narinig sa kabilang linya ang galit na tinig ng isang babae, nag-uumapaw sa hinanakit at pagtatanong.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 8: P.2

    Nakasulat sa malaking pulang karton ang “Mga Pinakamahusay na Gawa.”"Ano’ng ginagawa mo?!” singhal ng Guro. “Bawat likhang-kamay ng mga bata ay dapat munang pagbotohan at piliin ng mga kaklase bago malagyan ng tatak na ‘Mga Pinakamahusay na Gawa!"Hinawi ni Clarrise ang mahabang buhok na dumadampi sa kaniyang balikat, sabay taas ng baba na para bang siya ang may pinakamakapangyarihang tinig sa silid. Buo ang kumpiyansa habang isinambit niya,“Walang sinuman, walang gawa ninuman, ang maaaring pumantay sa proyekto ni Liam! Ito ang obra na higit sa lahat, at kung may karapat-dapat na tawaging pinakamahusay, ito iyon!” “Alam kong naroon na ang mga tauhan ng istasyon ng TV sa auditorium. Para mapanatili ang gulat at paghanga ng mga bata, hindi pwedeng buksan ang gawa ni Liam ngayon. Tanging sa entablado lamang, sa harap ng lahat, unang masisilayan ang kaniyang proyekto!” sumunod niyang bulalas.Mahigpit na niyakap ni Clarrise ang karton. Sabi niya kay Liam, “Akin munang iingatan ang proy

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 8: P.1

    Mariing tumutol si Liana, “Si Mommy nagpuyat buong gabi para lang gawin ang kuta sa kalawakan mo!”Pero agad na sumagot si Liam na may diin at pangmamaliit, “Bulok ang kuta ni Mommy, parang gawa sa sirang kahoy! Matagal na ’yong sira! Si Tita Clarrise ang gumawa ng bago, at iyon ang pinakamaganda sa lahat!” Lalong tumikas ang dibdib ng batang si Liam sa sobrang yabang, samantalang si Liana ay mariing pinisil ang kamao niya.Pareho nilang nasaksihan kung paano nagpupuyat ang kanilang ina gabi-gabi para lang matapos ang kanilang mga takdang-aralin. Kaya’t hindi niya matanggap na basta na lang binabalewala nang kambal niya ang lahat ng hirap at sakripisyo ng kanilang ina.Ayaw rin naman sanang mahirapan pa ni Andrea.Kaya’t binabayaran niya ang mga katulong para mag-overtime at sila na ang gumagawa ng takdang-aralin nina Liam at Liana. Pero sa halip na makagaan sa kanya, umangal ang mga ito at nagsumbong pa sa kanyang biyenan, dahilan para lalo siyang mapahiya at mabigatan.Biglang suma

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 7: P.2

    Napataas ang boses ni Liam, puno ng hinanakit, “Gusto mo bang dalhin ko sa paaralan ang mga pulang bulaklak na binili mo lang? Gusto mo ba akong pagtawanan ng ibang mga bata? Ang tunay na pulang bulaklak ay yung ibinibigay ng guro, ’yun lang ang totoo!” bulalas nito.Mariin niyang tinitigan si Clarrise, bago muling nagsalita, mas matalim ang tono, “Narinig mo na ba ang kuwento tungkol sa bagong kasuotan ng emperador?”Suminghal si Liam, galit na galit. “Niloloko mo lang ang sarili mo!” aniya.Napahiya si Clarrise, ang mukha niya’y parang mas makulay pa kaysa paleta ng pintor matapos pagalitan ng isang walong taong gulang na bata.Napilitang ngumiti, napataas ang tono ng boses niya para magpanggap na kalmado. “Sige na, sige na! Tutulungan na lang kitang buuin ang kutang pagkalawakan.”Kung si Andrea nga ay kayang bumuo ng isang kutang pangkalawakan gamit lang ang mga plastik na dayami, paano pa kaya’t siya hindi makakagawa nang maayos? Bulong niya sa sarili.Pagkaraan ng sampung minuto

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 7: P.1

    Iniabot ni Andrea ang panulat sa kanya.Sa gilid naman, namulat nang malaki ang mga mata ni Clarrise, kumikislap sa pananabik.At nang makita niyang nilagdaan nga ni Alejandro ang kasunduan sa diborsyo, lihim siyang nagdiwang sa kanyang isipan.“Andrea, napakapakipot mo naman! Kung ako ang may asawang gaya ni Alejandro, baka tuwing hatinggabi ay nagigising akong natatawa sa tuwa!” mapang-uyam na usal ni Clarrise.Sinulyapan ni Andrea si Clarrise na may kalahating ngiti sa labi. “Tingnan mo nga ang mukha mong sabik na sabik.” aniya.Inihagis ni Alejandro ang nilagdaang kasunduan ng diborsyo kay Andrea.“Pwede mo akong guluhin, pero bakit si Clarrise, ang pinupuntirya mo?” galit na bulalas ng lalaki.Ayaw na niyang pag-aksayahan pa ng oras si Andrea. Ibinaling niya ang boses at marahang sinabi sa anak niyang babae, “Kung gusto mong umuwi, lagi mong matatawagan si Daddy.”Tumingala si Liana kay Eduardo. Wala siyang binigkas na salita, subalit mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng kanyan

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 6: P.2

    Unti-unting lumamig ang boses ni Alejandro. Hawak-hawak ang kasunduan sa diborsyo, tinanong niya, "Ginagamit mo ba itong bagay na ’to para takutin ako, masaya ka ba?" aniya."Andrea, makikipaghiwalay ka ba kay Alejandro nang dahil lang sa’kin?" tanong ni Clarrise na kunwari’y naguguluhan.Kumawala ang isang mapang-uyam na ngiti mula sa labi ni Andrea, at mariin niyang sambit. "Mas mabuti pa, sabihin mo ’yan nang mas malakas para marinig ng buong pamilya Tolentino.Biglang nag-iba ang anyo ni Clarrise, at kapansin-pansing humina ang kanyang boses. "Andrea, bakit ka naging ganito ka-tapang? Hindi ka naman ganito dati!" Samantala, ang batang si Liam, nang makita na dehado si Clarrise, tumalon siya mula sa sofa at, parang isang munting sundalo, pumagitna para harangan ang kanyang Tita."Mommy, pwede bang huminahon ka muna?!" anito.Naka-krus ang mga braso ni Liam sa kanyang dibdib at sumunod nitong usal, “Si Daddy nagtatrabaho nang sobra, tapos pag-uwi niya kailangan pa niyang pagtiisan

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 6: P.1

    Nanlumo si Andrea, tila baga sinalanta ng dambuhalang along dumagundong at bumasag sa katauhan niya, pinunit-punit ang laman at isinukloban ng nag-aalimpuyong galit at matinding pagkalupig.Ngunit sa kabila ng lahat, nanatiling malamig ang kanyang anyo. Marahan niyang iniunat ang kamay at dinampot ang kwintas.Samantala, nagningning ang mga mata ni Clarrise, kumikislap sa pang-aalipustang hindi niya itinago.Si Alejandro nama’y nakasandal sa sofa, iniwas ang tingin. Para sa lalaki, si Andrea ay parang isang aso, minsan ay walang pakialam, pero sa isang tawag lang ay agad kumakawag ang buntot.Dahan-dahang gumuhit ang daliri ni Andrea sa kwintas na nakasukbit sa leeg ni Clarrise.Magkalapit niyang inilagay ang dalawang kwintas.“Clarrise, mas maganda ang kalidad ng ina ng perlas sa suot mo. Gusto ko sanang ipagpalit sa iyo… ano sa tingin mo?” ani Andrea.Kung diretsahan niyang sasabihin na peke iyon, siguradong maghahanap lang si Clarrise ng kung anu-anong palusot para umiwas sa panana

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status