Home / Romance / The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG) / CHAPTER 9: TOO HOT WHILE COOKING SPAGHETTI

Share

CHAPTER 9: TOO HOT WHILE COOKING SPAGHETTI

Author: yunays
last update Last Updated: 2025-03-16 20:14:59

Pagkatapos ng tawag kay Polly, napabuntong-hininga si Vivienne. Alam niyang hindi niya pwedeng ipagsabi ang lahat ng nangyari, kahit kanino. Lalo na sa kaibigan niyang si Polly, na siguradong gagawa ng paraan para tulungan siya kahit hindi niya naman kayang solusyunan ang sitwasyon.

Para maibsan ang bigat sa dibdib, nagpasya siyang magluto. Isa ito sa mga bagay na nagbibigay sa kanya ng aliw, ang nagbibigay sa kanya ng kontrol kahit sa sandaling panahon lang.

Kinuha niya ang mga sangkap mula sa ref at inilagay sa countertop.

"Wala man lang kalaman laman yung ref, para namang hindi tao nakatira rito," bulong niya sa sarili.

Ang spaghetti. Isa sa mga paborito niya.

Habang pinapakuluan ang tubig para sa pasta, binuksan niya ang cellphone at naghanap ng cooking tutorial sa YouTube. Kahit alam na niya kung paano ito gawin, gusto niyang may napapakinggang iba—parang may kasama siyang nagluluto.

Sinimulan niyang igisa ang bawang at sibuyas, ang amoy nito ay unti-unting bumalot sa buong kusin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 39: SILLY VI

    Pagkatapos ng matagal na pagbabasa ng listahan ng mga dadalo sa party, napabuntong-hininga si Vivienne. Nakatitig siya sa makapal na papel na hawak niya habang si Dominic naman ay abala sa pag-aayos ng mga gamit nila para sa event bukas."Grabe, hindi ko na kaya!" reklamo niya at itinapon ang papel sa tabi. "Andami naman nito! Parang mas mahirap pa ‘to kaysa sa final exam!"Hindi siya pinansin ni Dominic at patuloy lang sa paglalagay ng mga damit sa maletang nakabukas sa kama niya. Tahimik itong nagtupi ng mga pormal na damit, parang walang narinig sa reklamo ni Vivienne.Dahil sa inis at pagkainip, nagdesisyon si Vivienne na abalahin ang ginagawa nito. Dahan-dahan siyang lumapit kay Dominic at mahina itong sinuntok sa braso."Hoy, Dominic," tawag niya, pero wala pa ring reaksyon mula sa lalaki.Ngumiti si Vivienne at muling sinuntok ito, mas mahina pa kaysa kanina. "O, ano? Hindi mo ba ako papansinin?"Wala pa ring sagot.Napangisi siya. "Ah ganun, ha?"Bigla siyang lumapit at kinuro

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 38: THE PEOPLE

    Habang patuloy na kinakain ni Vivienne ang kanyang dessert, napabuntong-hininga siya at muling binalingan ang makapal na papel na ibinigay ni Dominic. Sa dami ng mga pangalang nakalista, tila ba mas gusto niyang lumamon na lang ng cake buong gabi kaysa isa-isahin ang mga ito."Ang dami naman nito! Ano 'to, phonebook?" reklamo niya, tinuturo ang listahan gamit ang tinidor niya.Hindi natinag si Dominic. Kinuha niya ang papel at binuklat ito. "Isa-isahin natin ngayon habang kumakain tayo. Mas mabuting alam mo kung sino ang mga dapat mong lapitan at kung sino ang dapat mong iwasan."Napangiwi si Vivienne. "Wala na ba akong choice?""Wala. Simulan na natin."Napabuntong-hininga si Vivienne at sumandal sa upuan. "Fine. Sino ang una?"Tumingin si Dominic sa papel at binasa ang unang pangalan. "Unang-una, si Mr. William Sterling. Siya ang chairman ng Sterling Group. Mahigpit siya pagdating sa negosyo. Huwag kang basta-basta magsasalita sa harap niya kung hindi ka sigurado."Napataas ang kila

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 37: TAKING THE CARD OR GOING TO THE PARTY

    Habang patuloy na kumakain si Vivienne, biglang lumingon sa kanya si Dominic at nagsalita nang malamig at walang emosyon."Sumama ka sa akin bukas."Napakunot ang noo ni Vivienne at bahagyang tumigil sa pagnguya. "Ha? Saan?""Sa isang party," sagot nito, walang pagbabago sa tono.Dahil sa narinig, biglang nanlaki ang mga mata ni Vivienne. Napatalon siya sa saya at halos matapon ang hawak niyang kutsara. "Party?! Oh my gosh, Dominic! Hindi ko inakalang mahilig ka rin pala sa party! Ano ‘to? Yung tipong may DJ? May ilaw na umiikot? Tapos may free drinks? Grabe, sigurado akong mag-eenjoy tayo n’yan!"Habang masayang-masaya si Vivienne at hindi mapakali sa excitement, nanatili lang na walang emosyon si Dominic at tinignan siya nang diretso. Maya-maya pa, malamig itong nagsalita."Hindi iyon ang party na iniisip mo."Biglang natigilan si Vivienne. "Huh? Anong ibig mong sabihin?"Inayos ni Dominic ang pagkakaupo niya bago ipinaliwanag. "Ito ay isang business party ng pamilya Sterling. Isa i

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 36: UR CUTE WHEN YOU LAUGH

    Habang tahimik na kumakain si Vivienne, pakiramdam niya ay medyo bumibigat na ang kanyang tiyan. Masarap ang luto ni Dominic, kahit na ayaw niyang aminin nang harapan. Isa pa, hindi niya inaasahan na magiging ganito kaayos ang kusina matapos niyang makita itong magluto noong una. Sa pagkakataong ito, malinis ang paligid, at hindi magulo ang countertop.Katatapos niya lang ubusin ang laman ng kanyang plato nang biglang lagyan ulit ito ni Dominic ng mas maraming kare-kare at kanin. Napakunot ang kanyang noo at agad na tinignan ito."Hoy, hindi ko ‘yan hiningi, ah," reklamo niya, tinitigan ito nang masama.Ngunit hindi man lang natinag si Dominic, nanatiling malamig ang ekspresyon. "Alam kong gusto mo pa. Kumain ka na lang. Hindi mo kailangang magpanggap."Natahimik si Vivienne, alam niyang totoo ang sinabi nito. Mahilig siyang kumain, pero madalas niyang itinatago iyon. Hindi niya alam kung paano napansin ni Dominic, pero hindi rin siya ganoon kahirap basahin pagdating sa pagkain. Napal

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 35: IPAD

    Nagising si Vivienne nang maramdaman niyang malamig na ang paligid. Nang dumilat siya, napansin niyang madilim na sa labas. Agad siyang bumangon, bahagyang nag-panic nang makita niyang lubog na ang araw. "Ano ba ‘to? Ang tagal ko palang nakatulog!" Napakamot siya sa ulo habang iniinat ang kanyang katawan, pero napairap rin dahil ramdam pa rin niya ang panghihina.Sa pag-upo niya sa couch, naamoy niya ang malakas na aroma ng kare-kare na nagmumula sa kusina. Napaangat ang kanyang kilay. "Hala, ang bilis naman ni Polly! Nakaluto na agad siya?" Tumayo siya nang dahan-dahan at lumakad papunta sa kusina. "Polly? Ikaw na ba—"Naputol ang kanyang sasabihin nang makita kung sino talaga ang nasa harapan ng kalan.Si Dominic.Nakahawak ito sa isang sandok habang nakatingin sa kanyang phone, tila sinusundan ang isang recipe. Nakasuot ito ng itim na fitted shirt at dark sweatpants, at kahit na simple lang ang itsura, hindi pa rin maitatangging malakas ang dating nito.Napalunok si Vivienne, hin

  • The Billionaire's Game: Seduction and Secrets (TAGALOG)   CHAPTER 34: I WANTED IT LAST NIGHT

    Matapos nilang kumain at mag-usap, napabuntong-hininga si Vivienne habang nakasandal sa upuan. Pakiramdam niya ay sobrang bigat ng kanyang katawan, para bang naubos lahat ng lakas niya sa simpleng pagkain lang."Bes, halika na. Samahan mo ako sa supermarket, bibili tayo ng groceries," aya ni Vivienne kay Polly habang pilit na tinutukod ang sarili upang tumayo.Ngunit sa kanyang paggalaw, agad niyang naramdaman ang panghihina ng kanyang katawan. Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay parang bumagsak na ang kanyang buong sistema pabalik sa upuan."Aray!" reklamo niya, sabay hawak sa kanyang mga hita. "Polly, hindi ako makatayo…"Napatawa nang malakas si Polly habang nakatitig sa kanya. "Hala ka, bes! Mahina ka talaga! Naku, akala ko pa naman malakas ka! Mukhang may ginawa ka talagang matindi kagabi, ha?""Polly!" sigaw ni Vivienne, pinamulahan ng mukha. "Hindi mo na kailangang sabihin ‘yan, saka baka may makarinig pa sa iyo. At hindi ako mahina!"Ngunit hindi siya makagalaw, at mas la

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status