Share

Chapter 47

last update Last Updated: 2025-09-02 17:04:35

Payapa at napakasimpleng namuhay ang mag-inang Naomi at Abby sa probinsya ng Saskatchewan sa Canda kung saan ang bayan ay kilala bilang panglima sa pinakamalaking nagsusupply ng langis sa North America. Tinatawag din itong ‘Land of Living Skies’ dahil sa ganda at lawak ng mga palayan at kaparangan.

Walong buwan na ang nakalipas buhat ng umalis siya sa Spire Valley Hospital upang maitago ang kanyang anak mula sa tunay na ama nito na si Lucien Maxwell Alegria; ang asawa ng kanyang kakambal na pinagsilbihan at inibig niya ng tunay habang ito ay hindi pa nakakakita . Nang huli silang magkausap ay ilang araw lamang nang makaalis sila upang magtago. Gusto niyang ipakilala si Abby kay Lucien bilang ama nito ngunit natatakot naman siya na baka kung ano ang gawin sa kanyang anak ni Sienna kapag nalaman nito na nagbunga ang panlolokong ginawa nila kay Lucien, maglilimang taon na ang nakalipas.

“Mommy, I missed Mama and Papa. When are we going to visit them?” tanong ni Abby sa kanyang ina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Caroline Leduna
..hindi anak ni lucien yan..!?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Impostor Bride   Chapter 52

    LUCIEN’S POVWala akong ibang ginawa kung hindi mahinahon na pagsabihan si Sienna na bigyan ng pansin ang aming anak pero may mga pagkakataon na sumisigaw na ito sunod ay nag-uumpisa ng mag-drama na hindi niya pa kaya mag-alaga ng bata na kesyo binigyan niya ako ng isang anak upang maging masaya ako at hindi maghanap ng iba. Ginawa niya iyon kahit na hindi niya iyon para sa akin kahit na hindi pa siya handang magkaroon ng anak. Gusto kong maawa sa anak namin dahil parang pinapakiramdam ni Sienna na hindi niya ginusto ang bata. Kung pwede nga lang ay sa ibang babae na lang…Napabuntong hininga ako nang muling sumagi sa aking isipan si Naomi Sierra. Maraming sana ang muling umusbong sa aking isip. Kung sana ay siya na lang.Kung sana ay bigyan ako ng pagkakataon ng kapalaran na makasama ko man lang ito. Kung sana noong una pa lang ay nalaman ko na ang totoo, sana ay masaya ako ngayon kasama sila ni Abi. Ipinagdadasal ko na bigyan Niya ako ng kahit isang pagkakataon upang makalay

  • The Billionaire's Impostor Bride   Chapter 51

    LUCIEN’S POV“My God, why is the child crying? Kanina pa ba siya umiiyak” ring kong tanong ni Mama sa taga pag-alaga, ang kanyang boses ay may bahid ng pag- aalala. Mula sa labas ng bahay ay dinig na dinig ang malakas na iyak ng bata. Nagmamadali akong pumasok ng bahay patungo sa sala kung saan naroroon si Mama at ang nanny ni Baby Lemuel buhat ang bata. Nakita kong kinuha ni Mama ang bata mula sa tagapag-alaga nito at saka isinayaw sayaw para lang mapatigil ito sa pag-iyak. “Anong nangyayari Ma? May problema ba?” tanong ko kaagad pagkababa ko pa lang ng dala kong black attache case. Mas lalo pang lumakas ang iyak ng bata habang ang tagapag-alaga naman ay hindi magkandaugaga. “Sir, kanina pa po umiiyak si baby Lemuel, hindi ko na po alam kung paano patatahanin,” naiiyak na sabi ng tagapag-alaga. Kung anu- ano na ang ginawa ni Mama para mapatahan ang bata. Pinalitan ang diaper, chineck ang katawan dahil baka may kumagat na insekto at saka pinaggatas na rin pero ayaw dumede ng bata.

  • The Billionaire's Impostor Bride   Chapter 50

    LUCIEN'S POVI can't help but sigh seeing my wife going out again kahit na kabuwanan niya na. Kahit may pagdududa ako sa kanya ay hindi ko naman idadamay dito ang bata but it's different. It's seems like she's being reckless.Ang ibang buntis na nakilala ko like my employees, and wife of my friend told me that when they're pregnant they have to be extra careful, especially during the first trimester and last month. The day she said she's pregnant was the day I decided to end our marriage. I don't have enough proof about the incident kung saan pinalitan siya ni Naomi sa mismo naming kasal at noong nasa Isla kami. She and her father lies.Pero lahat ng plano ay nagbago, paano ako aalis sa isang relasyon kung alam Kong may isang batang hindi pa naisisilang ang mawawalan ng ama?But thinking being a father ay naalala ko si Abi. I already lose once for being a father to my child which I didn't know she existed at ayaw kong maulit muli iyon sa anak namin ni Sienna that's why I'm still stu

  • The Billionaire's Impostor Bride   Chapter 49

    SIENNA’S POV Nang makaalis sa lugar na iyon ay nagtungo ako sa bahay ni Flora sa isang pribadong subdibisyon. Here, hindi nila ako kilala bilang asawa ng isang Alegria kung hindi isa sa mga malalapit na kaibigan ni Flora kung kaya malaya akong nakakapasok at hindi na ako tinatanong pa ng gwardiya. Magkakalayo ang mga bahay na parang mahigit sampung metro ang layo sa isa’t isa. Kita ko na kaagad na may isang kotseng itim ang nakaparada sa harap ng kanyang bahay iba pa sa kanyang kulay pulang kotse na nasa garahe. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay maririnig mo na ang malakas na halinghing na nagmumula sa kanyang kwarto. Naiikot ko ang aking mga mata nang makarinig pa ng ung0l na mula sa dalawang lalaki. There’s nothing new. She’s doing it kahit pa tanghaling tapat. Nagtungo ako sa kusina na parang sa akin ang bahay na iyon, kumuha ako ng juice at pop corn bago humiga sa kanyang sofa at binuksan ang tv. Binalewala ko ang malaswang ingay na aking naririnig at patay malisyang nanood

  • The Billionaire's Impostor Bride   Chapter 48

    SIENNA’S POVPagkatapos maligo ay muli kong isinuot ang aking fake pregnancy belly na kasing laki na ng tiyan ng isang tunay na buntis may lamang walo hanggang siyam na buwang gulang na bata. Nagsuot ako ng maternity shorts upang hindi nito malaman na peke ang aking tiyan at isa lamang iyong silicon. Naging maingat ang aking bawat kilos at hangga’t maaari ay hindi ko pinapahawakan.Walong buwan na akong nagpapanggap na buntis at dahil sa galing kong umakting na mukhang papasok bilang isang aktres ay walang isang nakahalata na hindi totoo ang aking ipinagbubuntis kahit pa ang mismo kong ama. Mas madalas akong nasa Condo dahil hindi ako makagalaw kapag nasa loob ako ng mansyon ng mga Alegria. Naging para akong isang babasaging plorera na iniingatan ng lahat. Isang prinsesa na pinagsisilbihan at ibinibigay ang lahat ng aking gusto ngunit hindi ako makakilos ng maayos at kinakailangan kong parating isuot ang peke kong tiyan. Nang makapagbihis ay saka ako nagmamadaling lumabas ngunit s

  • The Billionaire's Impostor Bride   Chapter 47

    Payapa at napakasimpleng namuhay ang mag-inang Naomi at Abby sa probinsya ng Saskatchewan sa Canda kung saan ang bayan ay kilala bilang panglima sa pinakamalaking nagsusupply ng langis sa North America. Tinatawag din itong ‘Land of Living Skies’ dahil sa ganda at lawak ng mga palayan at kaparangan. Walong buwan na ang nakalipas buhat ng umalis siya sa Spire Valley Hospital upang maitago ang kanyang anak mula sa tunay na ama nito na si Lucien Maxwell Alegria; ang asawa ng kanyang kakambal na pinagsilbihan at inibig niya ng tunay habang ito ay hindi pa nakakakita . Nang huli silang magkausap ay ilang araw lamang nang makaalis sila upang magtago. Gusto niyang ipakilala si Abby kay Lucien bilang ama nito ngunit natatakot naman siya na baka kung ano ang gawin sa kanyang anak ni Sienna kapag nalaman nito na nagbunga ang panlolokong ginawa nila kay Lucien, maglilimang taon na ang nakalipas. “Mommy, I missed Mama and Papa. When are we going to visit them?” tanong ni Abby sa kanyang ina. “

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status