Napatuptop siya sa kaniyang sariling labi at nanlaki ang mga mata na napatingin sa lalaki na may seryosong mukha na nakatingin sa kaniya. Nagsimulang bumilis ang pintig ng kaniyang puso kasabay nang pangangatog ng kaniyang mga binti. Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki nang hindi makayanan ang intensidad ng mga mata nito.
Ang berde nitong mga mata na sa tuwing tinitigan mo ay para bang hinihila ka nito pailalim. Maputla ang berde nitong mga mata na para bang nawalan ito ng kulay at buhay. Pero kahit ganoon ay pakiramdam ni Hera ay may kakaiba sa mga mata nito. Iba ang mata ng lalaki kumpara sa mga mata ng ibang tao na nakita niya noon. Para bang may madilim ito na nakaraan na pilit nitong tinatago."Where are you looking at? Look at me." Napahigit si Hera ng malalim na hininga nang hawakan ng lalaki ang kaniyang mukha at pinaharap. Ramdam niya ang pagtulo ng malamig na pawis sa kaniyang noo dahil sa kakaunting takot at kaba na kaniyang nararamdaman. Sumalubong sa kaniyang paningin ang nakakunot noong mukha ng lalaki."You're trembling," puna nito at pinasadahan ng tingin ang kaniyang katawan. Mas lalong nanginig ang kaniyang katawan at mabilis na nag-iwas ng tingin ulit. Mariin na pinikit niya ang kaniyang mga mata at winaksi ang imahe ng ano ng lalaki sa kaniyang isip.Sobrang lapit ng lalaki sa kay Hera kaya kitang-kita niya ang bukol sa harap ng shorts nito. Kahit may suot na itong shorts ay bakat na bakat pa rin ito. Gusto nang magpalamon ng babae sa lupa at lumayo sa lalaki bago pa man siya makaisip ng kung ano. Ba't ba naman kasi ang laki sa punto na nakakaagaw na ito ng pansin?Pilit na nilalabanan ng babae ang umuudyok sa kaniya na tingnan ang bakat nito. Nang mapansin ng lalaki ang ekspresyon ni Hera na tila nabasa nito ang iniisip ng babae ay napailing-iling na lang siya. Bumaba ang kaniyang tingin sa pang-ibabang parte ng kaniyang katawan kung saan ay bakat na bakat ang kaniyang pagkalalaki. Napabuntong hininga na lang siya at kaagad na lumayo sa nanginginig na si Hera.Napaka inosente ng maganda nitong mukha at ngayon lang siya nakakita ng babae na parang hindi pa ito nakakita ng katawan ng lalaki sa buong buhay niya. Nasanay na kasi siya na sa tuwing may mga babaeng lumalapit sa kaniya ay kaagad na pinagnanasaan siya ng mga ito. It makes him sick and disgusted. But just remembering her curious brown eyes earlier while staring at his dick makes him wonder if all the girls are the same."Open your eyes, you can't just close your eyes forever," he muttered coldly and turned around. Dahan-dahan na minulat ni Hera ang kaniyang mga mata at napatingin sa likod ng lalaki. May kinuha itong ano sa pants nito na nasa ibabaw ng couch at humarap sa kaniya. Nagulat si Hera nang may bigla na lang itong ihagis sa kaniya.Mabilis na sinalo iyon ng babae at tiningnan kong ano ang hinagis sa kaniya ng lalaki.Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita kung ano 'yon. Isang makapal at kumpol na tig i-isang libo ang hinagis sa kaniya. Gulat na napatingin siya sa lalaki na tumalikod sa kaniya at naglakad paalis. Pero bago pa man ito tuluyang nawala sa kaniyang paningin ay huminto ito at nagsalita."That's your payment for this month. Bryle will call you later so don't be stiff." 'Yon lang ang sinabi ng lalaki at kaagad na itong umalis sa kaniyang harap. Nakatulala pa rin si Hera at hindi makapaniwala na matatanggap niya na agad ang kaniyang unang sahod sa pinakaunang araw niya.Paki ramdam niya ay nananaginip lang siya. Pero nang sampalin niya ang sarili para malaman kung nanaginip lang ba siya ay hindi niya mapigilang mapangiwi dahil sa sakit. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at napatakip na lang ng kaniyang buong mukha.Everything felt so unreal. Ito ang pinakaunang beses na nakahawak siya ng ganito ka laking pera. Hindi niya alam kong deserve ba niya but she'll do her best to be deserving. Nanginginig ang kaniyang kamay habang mahigpit na nakahawak sa pera. Kaya gagawin niya ang kaniyang best para mapanatili ang ka linisan ng mansion na ito.Nang ma settle na niya ang kaniyang nararamdaman ay nagsimula na siyang maglinis sa buong living room na puno ng mga bubog at basag na bote. Sobrang bilis lumipas ng oras at hindi namalayan ni Hera na hapon na pala. Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at napabaling sa malaking hagdanan kung saan umakyat kanina ang lalaking kaniyang amo.Hindi pa rin ito bumaba at sa tingin niya ay natutulog pa rin. Hindi pa rin alam ni Hera kung ano ang pangalan ng lalaki pero sabi naman nito na tatawag daw si Sir Bryle mamaya kaya magtatanong na lang siya. Mabilis na tinali niya ang plastic bag kung saan nandoon ang hindi basag na mga bote at nilabas sa malaking bahay.Malapit na mag alas sais at madilim na rin sa labas. May mga ilaw naman sa labas kaya hindi problema. Magkalayo ang mga bahay sa subdivision na ito kaya madilim talaga ang paligid kung ang isang bahay ay walang ilaw. Hindi na rin siya nagkaproblema sa pag bukas ng mga ilaw ay dahil na rin sa automatic na nag-oon ang mga ilaw at nag o-off. Nagulat talaga siya nang bigla na lang umilaw kanina. First time niyang makaranas ng ganoon at feel niya tuloy ay naging mayaman siya saglit.Napailing-iling na lang si Hera sa naisip at napagpasyahan na umupo muna sa bench na nakita sa labas ng mansyon.Magpapahinga muna siya dahil ilang oras ba siyang walang tigil na naglinis kanina? Kahit na mga basag na bote at mga nagkalat na gamit lang ang kaniyang dapat na linisin ay hindi siya naging kampante at nagsimulang mag mop ng sahig. At dahil nga napakalaki ng bahay na ito ay natagalan siya bago natapos.Nagsimula siyang mag stretching at sa kalagitnaan ng kaniyang ginagawa ay bigla na lang tumunog ang kaniyang di pindot na cellphone. Mabilis na kinuha niya iyon at tiningnan kung sino ang tumawag. Kumabog ang kaniyang puso nang makita ang pangalan ni Sir Bryle."H-hello?""Miss Hera, how was your first day?" kaagad na bungad sa kaniya ng lalaki. Mahigpit na napakapit siya sa kaniyang damit at napalunok ng sariling laway."O-okay lang naman po. Medyo nagka problema lang kanina..." Tukoy niya doon sa nangyari kung saan ay napagkamalan siyang kung ano ng kaniyang magiging amo. Narinig ni Hera na tumawa ito sa kabilang linya. Ang mababa nitong tinig habang tumatawa ay napakasarap sa tainga."Oh that? I'm sorry. I didn't informed Lucas about it. I hope you don't mind," panghinging paumanhin nito at tumikhim. Bumilis ang pintig ng kaniyang puso nang marinig ang pangalan na binanggit ng lalaking nag-alok sa kaniya ng trabaho. Lucas? 'Yan ba ang pangalan ng lalaki?Napalunok ulit siya nang paulit-ulit kasabay nang pagdaan ng kung anong emosyon sa kaniyang puso."O-okay lang naman po sa akin. B-basta po ay may trabaho na ako." Totoo naman talaga. Kaya niyang kalimutan ang nangyari kanina basta ang mahalaga ay ngayon ay may trabaho na siya sa wakas at may pa advance payment pa. Utang na loob niya ang lahat ng ito kay Sir Bryle kaya wala siyang karapatang magalit sa lalaki."It's good to hear that then." Napangiti siya at kahit na hindi naman nakikita ng lalaki."By the way po, puwede po bangmagtanong?" untag ni Hera at napakagat pa ng pang-ibabang labi dahil sa nahihiya ito."Yes, sure. What is it?""May mga kasama pa po ba akong dadating?" Natahimik ang kabilang linya matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Kumabog ang kaniyang puso dahil sa kaba na baka ay na o-offend niya ang lalaki dahil sa kaniyang tanong."No, you're the only maid on that house," seryosong sagot sa kaniya ng lalaki. Natigilan si Hera matapos marinig ang sinabi ng lalaki. Para ata siyang na semento sa kaniyang kinauupuan dahil hindi siya makagalaw. Tumikhim ulit si Sir Bryle bago nagpatuloy."That's why the payment was given to you on your first day. The payment is not that big, but you can request a raise from Lucas. He'll give it to you. His full name is Lucas Whitfield by the way. If you're having a hard time cleaning by yourself, you can tell me right away so we can talk things out." Hindi alam ni Hera kung ano ba ang kaniyang magiging reaksyon. Akala niya ay may kasama siya, pero wala pala.Napalunok na lang siya ng bumabara sa kaniyang lalamunan at hindi makapagsalita. Sa totoo lang ay okay lang sa kaniya kung siya lang mag-isa maglilinis. Dahil sanay naman siya na ganoon at isa pa ay makakaya naman niya. Napalaki ng sahod at kung hindi siya tutuloy ay hindi niya alam kung saan siya pupulutin. Ang sahod sa pagiging maid sa mansyong ito ay buong sahod siguro niya sa limang taong nagtratrabaho siya bilang waitress.Pero kasi ay natatakot siya sa kaniyang magiging amo. His name is Lucas Whitfield right? Pamilyar ang apelyido nito at parang narinig niya na ito kung saan. Pero magrereklamo pa ba siya? Binigay na sa kaniya ang advance payment. Ayaw na niyang mag back out pa."So you'll accept the job right? I expect yes, Miss Hera." Napalunok siya nang paulit-ulit bago binuka ang mga labi para sumagot."Yes, tinatanggap ko po..."Nang wala nang makitang gagawin si Hera ay kaagad na naglakad na siya papunta sa kaniyang magiging silid. Kahit na sanay na siya sa gawaing bahay ay hindi pa rin niya mapigilan na makaramdam ng pagod at sakit lalo na sa kaniyang likod at balakang dahil palagi siyang yumuyuko.Nang makarating siya sa tapat ng pinto ng kaniyang silid ay kaagad na binuksan niya iyon. Sumalubong sa kaniya ang isang malaking silid. Walang kahit ni isang mga gamit doon maliban na lang si may kalakihang kama, isang kabinet at isang study table. Ang kaniyang silid ay nasa pangalawang palapag din kagaya ng sa silid ng kaniyang amo na si Lucas.Kaagad na pumasok si Hera at lumapit sa kabinet. Umupo siya sa malamig na sahig at binuksan iyon. Nagsimula siyang ilagay ang kaniyang mga damit doon at ibang kagamitan. Sa gitna ng kaniyang ginagawa ay napatigil siya nang makita sa kaniyang bag ang litrato ng kaniyang pamilya.Nakangiti ang kaniyang dalawang nakakabatang kapatid kagaya ng kaniyang Step father at Ina. Habang siya ay malungkot ang ekspresyon sa likod ng mga ito. Nakaupo ang apat habang siya ay nasa likod at nakatayo. Kung sino man ang makakakita sa litratong ito ay siguro ay iisipin nila na isa siyang kasambahay o outcast sa pamilya.Pero kahit na ganoon ay masaya na siya dahil napasali siya sa picture taking. Sa totoo lang ay ang kaniyang dalawang kapatid lang dapat pero dahil pinilit niya ang kaniyang Ina at naawa siguro ay napilitan ito na isama siya. Kaya lang ay nasa likod siya ng mga ito na para bang anak siya sa labas.Ito lang ang nag-iisang litrato na meron siya sa kaniyang sarili at kasama ang mga ito. Masaya na siya kahit na ganito lang.At dahil may pa advance payment na siya sa kaniyang trabaho ay plano niyang ibigay lahat ng 'yon sa kaniyang Ina. Para naman ay sumaya ito at maging proud sa kaniya kahit na isang segundo lang.Napabuntong hininga na lang siya at mabilis na tinapos ang ginagawa. Mabilis na naglinis siya ng kaniyang katawan sa CR at kaagad na humiga sa malambot na kama. Kinuha niya ang dipindot niyang cellphone na pinaglumaan na ng panahon. Kaagad na hinanap niya ang phone number ng kaniyang Ina at dinial ito.Makalipas ang ilang ring ay wala pa ring sumasagot. Sumakit na naman ang kaniyang puso kaya napabuntong hininga na lang siya sa sakit. Nilagay niya ang dipindot na cellphone sa kaniyang tabi at pinikit ang mga mata.Sana naman ay maganda ang gising ko bukas at sa boss ko na si Lucas.That's her last thought before darkness pulled her inside the endless void of darkness.Sobrang bilis lumipas ng panahon at hindi namalayan ni Hera na isang linggo na pala ang lumipas mula noong unang tapak niya dito sa mansyon. Hindi niya alam kung dahil ba ay na enjoy niya ang mga segundo na nandito siya kaya hindi niya namalayan ang oras o kung ano. Sa lahat ng naging trabaho niya ay dito lang ata siya naging masaya at kuntento.Iwan niya ba pero nag eenjoy talaga siya maglinis sa buong mansyon. Walang nagdidikta sa kaniya kung ano ang gagawin at siya lang sa kaniyang sarili kung kailan niya gusto maglinis. Wala atang araw na hindi niya inaalagaan at nililinisan ang napakagandang mansyon na ito. Kahit na wala namang pake ang kaniyang boss kung mag lilinis ba siya o ano ay hindi pa rin niya magawang maging tamad at tanggapin lang basta ang malaking sahod na hindi ginagawa nang maayos ang kaniyang trabaho. Speaking of her boss, minsan lang niya itong nakikita. Kaya kapag minsan ay may hindi siya alam kung paano gamitin ay nagtatanong siya kay Sir Bryle sa pamamagitan n
Hindi alam ni Hera kung ilang minuto o oras na ba siyang nakatayo roon at nakatingin lang sa sahig. Mariin na nakapikit ang kaniyang mga mata at pinagpapawisan na rin siya. Hindi niya alam kung paano niya nakayanan ang mga ungol at tunog ng paghahalikan ng babae at ng kaniyang boss.Napaka laswa ng tunog sa kaniyang pandinig pero kahit ganoon ay nag-iinit ang kaniyang katawan sa hindi malamang dahilan. Kaya nga ay ngayon ay pinagpapawisan na siya. Pero dahil nga ay nilabanan niya ang init na namumuo sa kaniyang katawan ay masasabi niya na parang wala lang din. Gusto na niyang umalis sa mga harap nito at hayaan ang dala na gumawa ng kababalaghan dito sa living room. Total ay sanay naman siya na ganoon ang kaniyang amo na si Lucas. Palaging pinag-iinitan at may ginagawang kababalaghan. Pero kahit na anong pilit niya ay hindi gumagalaw ang kaniyang paa para umalis. Parang may kung anong puwersa ang nagpapanatili sa kaniya dito sa loob ng kuwarto. Napahigpit na lang ang kaniyang kapit s
Why is he holding a broken glass?Hindi mapigilan mapa tanong ni Hera sa kaniyang sarili habang nakatingin sa kaniyang amo. Duguan ito at may hawak na basag na bote. Hinihingal at puno ng pawis ang katawan nito. Maliban sa magulong silid at mga nagkalat na mga gamit, ang sitwasyon ngayon ng lalaki ang mas nagpapa bahala sa kaniya. Napalunok na lang si Hera nang paulit-ulit at nilibot ang paningin sa loob ng silid. Ito ang pangalawang beses na nakapasok siya sa silid ng kaniya amo. Noong una ay noong nagdala siya ng tubig para sa lalaki. Malaki ang silid nito at puno ng mamahaling gamit. Pero ang mga mamahaling gamit na iyon ay ngayon ay mga sira na.Hindi alam ni Hera kung ano ba ang kaniyang magiging reaksyon. Matatakot ba siya, magugulat o magagalit. Hindi niya alam kung bakit nagwawala na lang bigla si Lucas. Wala namang sinabi si Bryle sa kaniya tungkol dito. Dapat nga ay tawagan niya ang lalaki ngayon pero wala naman siyang load. Litong-lito na siya at hindi alam ang gagawin.Hi
Kinabukasan ay halos ayaw nang tumayo ni Hera at magsimulang mag trabaho. Natatakot siya na baka ito na ang kaniyang huling araw na mukhang mangyayari talaga dahil sa ginawa niya sa kaniyang Amo kahapon. Matapos ang nangyari sa gabing iyon ay kaagad na bumalik siya sa kaniyang silid at doon nagkulong sa pinaka sulok ng kaniyang kuwarto.Hindi rin siya nakatulog nang maayos kagabi dahil nga sa nangyari. Sobrang lakas at bilis nang tibok ng kaniyang puso kagabi na para bang sasabog na ito. Hindi siya magawang makapagpahinga kagabi dahil sa mga what ifs na pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi niya rin mapigilan mapaiyak kagabi dahil sa pinaghalo-halong emosyon na nararamdaman niya. Nasa isip ni Hera ay baka patay na si Lucas dahil sa kaniyang paghampas kagabi. Hindi na kasi ito nag-ingay pa at mukhang patay na nga. Hindi rin siya bumalik sa silid nito para tingnan kung buhay pa ba ito ay dahil natatakot siya na baka ay may gawin ulit ito sa kaniya tulad kagabi. Alam ni Hera na lasing an
Ah, gusto ko nang umalis dito.Napakagat na lang si Hera ng kaniyang labi at hindi alam ang gagawin. Nanginginig pa rin ang kaniyang katawan dahil sa takot. Hindi niya inaakala na ganoon pala kalala ang magiging reaksyon ni Lucas matapos niyang sabihin sa lalaki na hinampas niya ito ng matigas na bagay kagabi kaya siya nakatakas.Sa totoo lang ay wala talaga siyang plano na sabihin sa lalaki ang totoo nang mag tanong ito sa kaniya kanina. Pero wala siyang nagawa kung hindi ang sabihin sa lalaki ang totoo sa takot na mapalayas nga siya ng tuluyan dahil sa kaniyang pagsisinungaling. Wala siyang pagpipilian kanina. Pakiramdam niya ay na korner siya sa isang sulok at hindi makaga ng desisyon na mag liligtas sa kaniya.Dalawa lang ang kaniyang pagpipilian nang tanungin siya ni Lucas kanina. Una ay sasabihin niya sa lalaki ang totoo kahit na mapapatalsik siya at pangalawa ay hindi niya sasabihin ang totoo kahit na mapapatalsik siya. Kahit na ano sa dalawa ang kaniyang piliin ay isa lang nam
"How was she?" Kaagad na bungad sa kaniya ni Bryle nang makarating na ito sa hospital. Bumaling ang kaniyang tingin sa kaibigan at nagkibit balikat. Binalik niya ulit ang kaniyang atensyon sa kaniyang cell phone at tinuloy ang kaniyang ginagawa bago pa man makarating ang lalaki dito sa loob ng silid. "I don't know. Don't worry to much, she's not yet dead," tamad na wika ni Lucas at nagpatuloy sa pagtipa sa screen ng kaniyang cellphone. Napailing-iling na lang si Bryle at lumapit sa kaibigan na mukhang busy. Umupo siya sa tabi nito at tumingin sa gitna kung nasaan ang babae. Nakahiga ito sa stretcher at walang malay.Busy siya sa kaniyang trabaho nang bigla na lang tumawag si Lucas sa kaniya na papuntahin siya sa hospital dahil nawalan daw ng malay si Hera. Wala naman siyang choice kung hindi pumunta dahil na rin kay Lucas. Kahit na sobrang dami niya pang gagawin sa kaniyang kompanya ay nagawa pa niyang pumunta dito.Napabuntong hininga na lang siya at pagod na sinandal ang kaniyang l
Ang pait at sakit na naramdaman ni Hera ay nasa kaniyang puso pa rin kahit na isang araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang kaganapan na 'yon. Hindi niya alam kung bitter lang ba siya o ano pero masakit pa rin talaga sa loob at hindi siya kaagad maka move on. Sa lahat ng tao, siya ang mas nakakaalam kung ano ang ugali ng kaniyang Ina at kung ano ang turing nito sa kaniya. Pero mas pinili niya ang mag bulag-bulagan sa katotohanan at maniwala sa kaniyang pantasya na kahit kailan ay hinding-hindi magiging totoo. Iwan niya ba kung bakit nagpaka martyr pa siya sa kaniyang Ina.Halos lahat na ata ay ginawa niya para lang mahalin din siya nito katulad ng pagmamahal nito sa kaniyang mga kapatid. Magsisinungaling siya kung sasabihin niya na kahit kailan ay hindi siya nagalit sa kaniyang Ina sa pagiging unfair nito at pagiging walang puso pagdating sa kaniya, pero kahit na anong gawin niya ay Ina pa rin niya ito. Ito ang nagluwal sa kaniya at nagpalaki.Noong buhay pa ang kaniyang Ama ay
Sa mga sandaling iyon, ang nasa isip lang ni Hera ang ipalabas ang lahat ng sakit na kinimkim niya sa matagal na panahon. Nawalan na siya ng pakialam sa kaniyang paligid. Ang gusto lang niya ay ang iiyak ang sakit at pagkapagod na nararamdaman. Wala siyang pakialam kung yakap-yakap niya ngayon ang kaniyang Amo at parang bata na umiiyak sa dibdib nito.Tila na blangko ang kaniyang isip. Pagod na pagod na ang kaniyang puso kakaintindi sa ugali ng kaniyang Ina at mga kapatid. Kung ituring siya ng mga ito ay parang hindi siya ng mga ito kadugo. Minsan din ay naisip niya na baka nga hindi siya tunay na anak ng kaniyang Ina. Pero imposible rin naman kasi iyon dahil kamukha niya ang kaniyang Ina at ang kaniyang kapatid na si Natalie. Isa lang naman ang ibig-sabihin no'n, pamilya sila pero hindi pamilya ang turing ng mga ito sa kaniya.Pilit na nilulunok ni Hera ang katotohanan na hindi siya parte ng pamilya, na outcast ang turing ng mga ito sa kaniya. Pero ano nga ba ang magagawa niya? Gusto