Share

KABANATA 3

Hindi alam ni Hera kung ano ba ang kaniyang magigising reaksyon. Matatawa ba siya o magugulat o ano. Ito ang pinaka unang beses na may nakita siyang tao na walang kahit ni isang saplot sa katawan. At sa kasamaang palad ay sa isang lalaki pa talaga. Okay lang sana kung babae ay dahil na rin sa babae rin siya at hindi naman siya mahihiya dahil magkapareho lang naman ang kanilang mga parte sa katawan. Pero lalaki?

Halos dumugo na ang kaniyang ilong at nakatitig pa rin sa katawan nito, partikular sa pang-ibabang katawan nito. Medyo tanned ang kulay ng katawan ng lalaki at kahit saan man siya tumingin ay napaka perpekto ng katawan nito. Nasa tamang lugar ang mga muscles ng lalaki at hindi pareho sa mga nakikita niya sa tv na halos lumuwa na ang mga muscles sa sobrang laki. Hindi ganoon kalaki o ka liit ang mga muscles nito sa katawan. Masasabi niyang sakto lang, lalo na ang walong pandesal sa tiyan nito.

Ito ang pinakunang beses na nakakita siya ng katawan ng lalaki, at hindi niya inaakala na ganito ka gandang katawan pa ang kaniyang makikita. Sa buong buhay niya ay kahit kailan ay hindi siya nakakita ng nude picture. Kahit na mga naka brief lang na lalaki sa magazine ay hindi rin. Iwan niya ba pero na-iilang kasi siya sa tuwing iniisip niya mga katawan ng lalaki.

Pero sa pagkakataong ito ay imbes na mailang ay parang may kakaibang puwersa ang humihila sa kaniyang mga mata para mas lalong tumitig sa katawan nito. Ang mga mata ni Hera ay namimilog na dahil sa sobrang panlalaki habang nakatitig pa rin. Gulat ang kaniyang ekspresyon hindi dahil sa nakakakita na siya ng abs at muscles ng lalaki sa wakas. Ang dahilan kung bakit siya ngayon ay gulat na gulat ay dahil sa malaki, mahaba at nakatayong hotdog na nasa pagitan ng mga hita ng lalaki. Na mas malaki pa ata sa Isang jumbo hotdog. Maugat ito at tayong-tayo na. At sa tingin niya ay napakatigas. Nagsimulang manuyo ang lalamunan ni Hera dahilan nang pag sunod-sunod niya ng paglunok ng laway. Agad na may pumasok sa kaniyang isipan.

Ang haba at laki naman. Ano kaya ang pakiramdam kong hawakan ko it–

Mabilis na tinampal ni Hera ang magkabilang pisngi at umiling-iling. Winaksi ng babae ang masamang naisip at napaiwas ng tingin sa hotdog ng lalaki. Kahit na anong gusto niyang hawakan ito ay hindi pa rin maganda na tumitig lang siya at hawakan ito basta-basta na walang pahintulot mula sa lalaki na natutulog. Kaya imbes na titigan ang hotdog ng lalaki ay nag pasiya siya na tingnan na lang ang mukha nito. Pero nawala rin ang excitement sa kaniyang loob nang hindi makita ang mukha nito.

May nakatakip kasi na unan sa mukhang ng lalaki kaya hindi niya mapagmasdan ang mukha nito. Kaya nilibot na lang niya ang kaniyang paningin sa buong paligid. May mga nagkalat na mga bote ng inumin at ang iba pa sa kanila ay nabasag. Huwag mong sabihin na itong magiging amo niya ay lasinggero?

Kahit na ayaw na ayaw niya sa mga lasinggero ay wala pa rin siya magagawa kung hindi lunukin ang kaniyang hindi pagkagusto. Kailangan na kailangan niya ang trabahong ito.

Napabuntong hininga siya at binitawan ang dala-dalang maleta. Lumapit siya sa kung saan nagkalat ang mga bote at nagsimulang mag linis. Total ay 'yan naman ang kaniyang trabaho. Sa gitna ng kaniyang paglilinis ay may bigla na lang humila sa kaniyang braso. Dahilan nang pagkakasalampak niya sa couch. Hindi niya mapigilang mapasigaw na lang bigla dahil sa gulat. Nang minulat niya ang kaniyang mga mata at tiningnan kung sino ang may gawa noon, ay napaawang ang kaniyang labi sa gulat nang may isang guwapong mukha ang sumalubong sa kaniya.

"Who are you?" Malamig at walang kahit ni isang emosyon kang maririnig sa boses nito. Nakakunot ang noo nito at madilim na nakatingin sa kaniya. Hindi maiwasan mapadaing ni Hera dahil sa higpit ng pagkakakapit ng lalaki sa kaniya. Nakadagan ito sa kaniyang katawan at mahigpit na hawak-hawak ang kaniyang dalawang pulso na itinaas nito kanina.

Gusto niyang mapaiyak dahil sa sakit na para bang mababali na ang kaniyang mga buto sa higpit ng hawak nito. Galit ang mga mata ng lalaki na para bang papatayin siya nito kapag hindi siya nagsalita. Inipon niya ang lahat ng lakas loob niya at nagsalita.

"A-ako po 'yong bagong kasambahay na n-ni hire ni S-sir Bryle…" Nang marinig ng lalaki ang pangalan noong lalaking nag-alok sa kaniya ng trabaho ay lumuwag ang pagkakahawak nito sa kaniya. Ang kaninang galit at madilim na mga mata nito ay naging blangko at panatag. Malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan.

Sobrang nakakatakot ang lalaki kahit na may mala anghel itong ka guwapohan. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon ang reaksyon ng kaniyang magiging amo. Akala niya kasi ay sinabihan na ito ni Sir Bryle na darating siya ngayon dahil 'yon naman ang sinabi nito sa kaniya kahapon. Mabuti na lang talaga at hindi siya nagpadala sa kaniyang takot sa lalaki. Kung hindi ay baka nabali na talaga ang kaniyang buto sa katawan.

Pinakawalan siya nito kaya dali-dali siyang bumangon at umalis sa couch. Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin sa lalaki. Sobrang bilis nang takbo ng kaniyang puso na tila ba nakikipag karera ang kaniyang dibdib. Hinihingal din siya sa hindi malamang dahilan at sobrang init ng kaniyang mukha. Na kahit naka on naman ang aircon ay hindi niya pa rin mapigilan mainitan.

Ano ang nangyayari sa akin? Bakit nakakaramdam ako ng init?

“Fuck…” Dahan-dahan na napatingin si Hera sa lalaki nang marinig niya itong malutong na nagmura. Napalunok siya nang paulit-ulit nang makita kung ano ang itsura nito ngayon. Nakaupo na ito sa couch at nakahawak sa sariling ulo. Nakalukot ang mukha nito at mariin na nakapikit ang mga mata. Napalunok ulit siya nang laway dahil sa sobrang guwapo at sexy ng mukha nito. Wala sa sarili na bumaba ang kaniyang paningin sa pagitan ng hita nito.

Mas lalong nagwala ang kaniyang puso at kaagad na nag-iwas ng tingin. Bakit ba palagi na lang napupunta ang kaniyang mga mata sa parteng iyon? Kahit na na c-curious siya kung anong pakiramdam no'n kung hahawakan ay hindi pa rin ito tama. Parang nagmumukha siyang manyak kapag ganoon. Kahit na matanda na siya ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng nobyo.

Hindi pa rin siya n*******n at nakapanood ng mga naghahalikang tao o kung ano. Napaka inosente ng kaniyang isip na minsan ay hindi niya ma gets ang mga nangyayari sa kaniyang paligid. Pero kahit ganoon ay malakas pa rin ang kaniyang pakiramdam, lalo na kapag may masamang balak ang isang tao sa kaniya.

At dahil hindi matiis ni Hera ang kaniyang pagiging usyoso ay tumingin ulit siya sa pagkalalaki nito. Pero laking gulat na lang niya nang magtama ang paningin nila ng kaniyang Amo. Tumaas ang kilay ng lalaki dahil sa kaniyang pagtingin sa pang- ibabang parte ng katawan nito.

"What? First time seeing a c*ck this big?" nakataas kilay na tanong ng lalaki at may pagka aliw sa tono nito. Gustong magpalamon ni Hera sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdam. Ito ang pinakaunang beses na napahiya siya ng ganito. Kahit kailan ay wala pang taong nagsabi sa kaniya ng ganoon ka straightforward.

Sobrang guwapo ng lalaki pero arogante naman ito. Lalo na ang tono ng pagsasalita nito. Magkasalubong din ang makapal nitong kilay na para bang galit ito o ano. Halata din sa guwapong mukha ng lalaki na hindi ito mabait. Napalunok na lang si Hera ng laway. Hindi niya alam kung makaka survive ba siya sa pagiging kasambahay sa malaking mansyon na ito.

May pakiramdam kasi siya na ipriprito siya ng lalaki kapag may nagawa siyang mali. Sana naman mali ang kaniyang pakiramdam.

Hindi nagsalita si Hera at nanahimik lang dahil hindi naman din niya alam kung ano ang kaniyang sasabihin. Napailing-iling na lang ang lalaki sabay tayo. Lumapit ito sa katabing couch kung saan may lamesa sa harap nito. Yumuko ang lalaki at kaagad na dinampot ang kaniyang cellphone na nakalatag sa ibabaw ng lamesa.

Kaagad na dinial ng lalaki ang numero ng kaniyang kaibigan. Masakit pa ang kaniyang ulo dahil sa hangover at gusto pa niyang matulog. Pero mukhang may ginawa namang kalokohan ang kaniyang kaibigan na si Bryle. Kaya imbes na matulog ay may aasikasuhin na naman siya. Mga ilang ring pa ang lumipas bago sinagot ni Bryle ang kaniyang tawag.

"Hel–"

"Brute, why is there another woman here? I clearly told you that I won't be getting any maids!" dumagundong ang galit na boses ng lalaki sa loob ng mansyon. Hindi mapigilan mapa-igtad ni Hera dahil sa gulat. Sa boses pa lang nito at sa pagsigaw ay halatang galit na galit ito. Kahit na hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Hera ay naiintindihan niya pa rin ang sinabi ng lalaki.

Napakagat na lang siya ng pang-ibabang labi at hindi mapigilang sumakit ng kaniya v puso. Akala niya ay nakahanap na siya ng simpleng trabaho na may maayos na sahod. Pero mukhang akala lang pala niya 'yon. Nagtiwala kasi siya kay Sir Bryle dahil nga ay sabi nito sa kaniya na nangangailangan daw ng kasambahay ang kaibigan nito. Pero base sa reaksyon ng lalaki, na ngayon ay galit na kausap si Sir Bryle sa kabilang linya ay mukhang nagsinungaling lang si Sir Bryle.

Nakatalikod ang lalaki sa kaniya at wala pa ring kahit ni isang saplot sa katawan . Kaya kitang-kita niya ang malaki at bilogang puwet nito. Kung hindi lang sana siya na dismaya ngayon ay baka uminit na ang kaniyang pisngi sa hiya.

Hindi na nakinig pa si Hera sa pag-uusap ng lalaki at ni Sir Bryle dahil ayaw niyang mas lalong masaktan. Ang kaniyang pangarap ay parang naudlot na lang bigla. At dahil mukhang mapapalayas siya sa una niyang araw ay bala babalik ulit siya sa kanilang tirahan. Iniisip niya pa lang magiging reaksyon ng kaniyang Ina ay nagdudugo na ang kaniyang utak.

Iwan ko ba, parang na scam ata ako. Mas masakit pa ata ito kaysa sa mga salita ng aking Ina–

"Ha, fine! I'll do as you say. But this will be the last time, understand?" Ang kaninang nakakunot na noo nito ay ngayon ay maayos na. Ang kaniyang ekspresyon ay mukhang hindi na rin galit na nagpasiklab ng pag-asa sa loob ng puso ni Hera.

Mabilis na pinatay ng lalaki ang tawag at malamig na binalingan ng tingin si Hera. Napaigtad ang babae dahil sa biglang pag tingin ng lalaki sa kaniya. Hindi kagaya kanina na napakalamig ng mga mata nito na para bang papatayin siya, ngayon ay wala na itong emosyon at blangko lang na nakatingin sa kaniya.

"What's your name?" tanong ng lalaki sa kaniya. Napalunok nang laway si Hera at mabilis na sumagot.

"Hera po..."

"How old are you?"

"25 po." Tumaas ang kilay nang malalaki matapos marinig ang kaniyang sinabi. Hindi na naman mapigilan kabahan ni Hera dahil sa pagtaas ng kilay ito. Kanina kasi na tumaas ang kilay ng lalaki ay galit ito.

"Drop the po. I'm not that old."

"A-ah, okay..." Hindi mapigilany mailang ni Hera habang umiiwas ng tingin sa lalaki. Hindi kasi siya sanay na hindi gumagamit ng po at opo. Pati nga sa mga kapatid niya ay gumagamit siya no'n kahit na siya naman ang matanda sa dalawa.

Hindi na nagsalita ang lalaki at may kung anong kinuha sa gilid ng couch. Dahil na curious siya kung ano ang ginagawa ng lalaki ay itinaas niya ang kaniyang ulo para tingnan ang ginagawa nito.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita itong walang hiyang nagbibihis sa harap niya. Nakasaludo ang malaking pagkalalaki nito na para bang handa na itong makipag bakbakan. Bago pa man siya mahuli ng lalaki ay mabilis na nag-iwas ng tingin si Hera.

Hindi niya maintindihan kung bakit palagi na lang siyang nakakakita sa ano ng lalaki. Bakit ganoon? Bakit hindi mawala-wala sa kaniyang isipan ang itsura no'n? Bakit ang laki?

Hindi mapigilang magtaka nang lalaki nang makita ang nanginginig na katawan ni Hera. Nakatalikod ito sa kaniyang pero kahit ganoon ay kitang-kita niya ang pamumula ng tainga nito pababa sa kaniyang leeg. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at mabilis na lumapit sa babae.

"Hey, what are you doing–"

"Kyah! Hot dog na maugat!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status