Share

Chapter 6

Ally's PoV

Nandito ako ngayon sa garden ng bahay ko at kasama ang aking nakababatang kapatid na si Gilbert. Hindi ko katulad si Gilbert na business ang priority. Abala ito sa ibang bagay katulad ng pagbabanda. Madalas na sa akin siya lumapit kaysa sa aming mga magulang.

"Bakit ka ba nandito? Nakabuntis ka ba kaya mo ako nilapitan?" naiinis na tanong ko.

"Kuya Al, nandito lang naman ako para bisitahin si Lola Constancia dahil nabalitaan ko na may alzheimer na siya. Gusto kong magpakita sa kaniya para hindi niya ako makalimutan ng tuluyan."

"Si lola ba talaga ang dahilan?" paniniguro kong tanong sa aking bunsong kapatid.

Parehong graduate kami ni Gilbert ng Marketing Management at pareho din kaming inalok ni daddy ng trabaho sa aming company. Tumanggi si Gilbert dahil nagbago ang gusto nito sa buhay. Mas pinili nitong magbanda kaysa tulungan ako sa aming negosyo.

Mahaba ang buhok ni Gilbert na nakapusod at may tattoo ito sa kaliwang pisngi. Kung gayahin ako ni Gilbert baka maging batang version ko siya dahil magkamukha kaming dalawa. Apat na taon ang tanda ko kay Gilbert ngunit mas matanda itong tignan kaysa sa akin dahil sa itsura nito.

"Kuya Al, hindi ako uuwi rito sa bahay kung hindi dahil kay Lola Constancia. Aminado akong masama akong anak, matigas ang ulo pero alam mo naman kung gaano ko kamahal si lola dahil pareho lang tayong lumaki sa kaniya. Nalulungkot ako dahil napabayaan ko si lola noong malakas pa siya." Nagpahid ng luha si Gilbert at habang nakatingin ako sa mukha ng kapatid ko alam kong nagsasabi ito ng totoo.

"Kung ganoon, titigil ka na sa pagbabanda mo at aasikasuhin mo si lola?"

Tumango naman si Gilbert sa sinabi ko. "Isang buwan akong nagpaalam sa mga bandmate ko para alagaan si lola, naiintindihan naman nila ako kaya pumayag sila sa gusto. Hindi pa ba umuuwi si daddy?"

Sumandal ako sa inuupuan ko at umiling.

"Mas mahalaga sa mga magulang natin ang trabaho. Nandito naman tayo para kay lola kaya tayong dalawa lang ang aasahan niya at wala ng iba. Oo nga pala. Nasabi sa akin ng isang employee ko na nakita ka nila sa company kanina? Ano naman ang ginagawa mo roon?"

"Ang akala ko kasi naroon ka pa kaya ako pumasok sa loob. Hindi ko na kasi kabisado ang number mo kaya hindi na kita natawagan."

Tumingin muli ako kay Gilbert. "Kumakain ka pa ba? Ang payat-payat mo na. May mga pagkain sa refrigerator, gusto mo bang kumain?" pang-aalok ko sa kaniya.

"Iyon din ang sadya ko kaya ako nandito."

"Tsk! Huwag mong sabihin na gumagamit ka ng ipinagbabawal na gamot? Alam mo naman na---"

"Kuya Al, hindi lang ako madalas kumain kaya ako mapayat. Huwag mong isipin na gumagamit ako dahil never ko iyong ginawa."

"Mabuti naman." Nakahiga ako ng maluwag. Tumayo ako at nagtungo sa loob ng bahay na kasunod si Gilbert.

"Walang nagbago sa mansion," mahinang sabi nito sa akin.

"Hindi dito umuuwi si daddy kaya walang magbabago rito. Kung buhay pa sana si mommy tiyak ako na hindi umaalis ng bansa si daddy."

"Mula noong mamatay si mommy nawalan na rin siya ng panahon sa atin," malungkot na sabi ni Gilbert.

Iniisip ko ang isang dahilan kung bakit nagrebelde si Gilbert at dahil sa kanilang pamilya. Naiintindihan ko ang aking kapatid dahil sinsisi nito ang sarili sa pagkamatay ni mommy. Kung hindi sinundan ni mommy si Gilbert sa Baguio noon baka buhay pa ito hanggang ngayon.

"Gilbert, ang mabuti pa maligo ka na muna. Ako na ang bahalang maghanda ng pagkain natin. Sabayan mo na rin ako dahil hindi pa ako naghahapunan."

"Salamat Kuya Al."

Ang aking bunsong kapatid. Naawa ako sa kaniya dahil napapabayaan na niya ang kaniyang sarili.

"Sir Ally, ako na ho ang maghahanda ng pagkain ninyo ni Sir Gilbert," sabi ni Aling Asun na lumabas mula sa tinutulugan nitong kuwarto sa maid's quarter.

"Matulog na lang po kayo ulit, manang. Ako na ho ang bahala rito. Sige na ho. Alam kong napagod kayo sa pag-aalaga kay lola."

"Pero sir," nahihiyang sabi ni Aling Asun.

"Kaya ko na po kaya matulog na po kayo." Ngumiti ako sa matanda at sinamahan ko siya pabalik sa kaniyang kuwarto. "Nagpapahinga na po si Manong Celso kaya matulog na rin po kayo ng maaga. Goodnight po."

"Pero Sir Ally, nakakahiya naman po."

"Ako ang boss mo rito manang kaya susundin mo ako. Matulog na po kayo para makapagpahinga kayo ng maaga. Ako na po ang bahala sa kakainin namin ni Gilbert."

"Noon pa man ay ikaw na ang nag-aasikaso sa kapatid mo. O siya mukha naman na hindi ko maipipilit ang gusto ko kaya matutulog na ako."

"Good night po, manang," magalang na sabi ko ko rito. Nagtungo ako sa kusina ulit matapos kong papasukin si Aling Asun sa kuwarto nila ni Manong Celso.

Habang pinapainit ko ang mga lutong ulam sa microwave ay tumunog ang cellphone ko na nasa aking bulsa.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag at rumehistro sa screen ang pangalan ni Bianca. Walaa kong panahon para kausapin si Bianca ngayon dahil busy ako sa aking trabaho.

Isa pa mag-aaway din naman kami kapag mag-uusap kaming dalawa. Ipipilit lang niya ang mga mali ko at pipilitin akong suyuin siya.

Ipinatong ko ang cellphone ko sa chopping table.

"Ang bango talaga ng luto ni Manang Asun, Kuya Al."

Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Gilbert.

Nakasuot lamang ng brief at sando. May towel ito sa balikat na pinupunas sa basang buhok nito na hanggang balikat ang haba.

"Wala ka na bang damit sa drawer mo?"

Tinulungan ako ni Gilbert na maghain sa lamesa.

"Maliliit na sa akin ang mga damit ko sa closet ko kaya hindi ko na isinuot. Matagal akong nawala rito sa bahay at never pa akong umuuwi kaya naliitan ko ang mga damit ko."

"Limang taon kang hindi nagpakita sa amin ni Lola Constancia. Limang taon ka ring hindi nagpakita kay daddy at sa akin. Nagtataka nga ako kung paano ka nabuhay."

"Hindi ako pinabayaan ng bandmates ko Kuya Al," pagmamayabang ni Gilbert.

"Hindi habang buhay kasama mo ang mga kaibigan mo Gilbert. To tell you frankly, wala kang napala sa limang taon mong pagrerebelde. Hindi umayos ang buhay mo at lalo mo lang pinalaki ang problema. Gilbert, bumalik ka na sa company at sa pamilya natin."

Hindi umimik si Gilbert sa sinabi ko. Alam ko na deep inside nasasaktan ko ang damdamin ng aking kapatid. At iyon ang gusto ko ang magising siya sa katotohanan na wala siyang mararating sa buhay kung hindi niya ako pakikinggan bilang kaniyang kuya.

"Pag-iisipan ko Kuya Al. Kumain na tayo, nagugutom na talaga ako."

Pinanuod kong kumain ang aking kapatid dahil para itong batang paslit na ngayon lang ulit nakatikim ng mga masasarap na pagkain.

Napansin ni Gilbert ang ginagawa kong pagtitig sa kaniya. Hindi ko pa kasi nagagalaw ang pagkain ko.

"Iniisip mo pa rin ba kung papayag ako sa gusto mo Kuya Al?"

"Masaya lang ako dahil nandito ka na ulit, Gilbert. Kumain ka ng marami mukha kasing hindi ka na kumakain." Ginulo ko ang buhok ng aking nakababatang kapatid.

Matigas ang puso ko sa ibang tao pero pagdating sa aking bunsong kapatid hindi ko magawang maging matigas dahil sinisisi ko rin ang sarili ko kung bakit ko siya napabayaan.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status