LOGINHindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip ko sa mga sinabi ni Rule sa akin kahapon. Hindi din mawala sa isipan ko kung paano niya ako niyakap nang mahigpit. Nag-aalala ba siya para sa akin? Pero bakit? Hindi ko alam. Para akong mababaliw. Konti na lang. Malapit nang sumabog ang utak ko dahil sa paulit-ulit kong tanong na siya lamang ang makakasagot, kaya lang ay wala akong lakas ng loob. Baka mamaya ay isipin niyang ilusyunada ako. Ang laki tuloy ng eyebags ko. May tumubo din na pimple sa may bandang ilong ko. Ngali-ngali kong pisatin iyon pero buti na lang at napigilan ko. Tinakpan ko na lang ito ng concealer at nang matakpan ay kaagad na din akong lumabas ng kwarto at bumaba. Sinilip ko muna si Aurora sa kanyang kwarto at nakahinga ako ng maluwag dahil nauna na naman akong gumising sa kanya. Siguro ay napagod siya dahil may tutorial class pa siya sa gabi. Naawa nga ako sa kanya eh, kasi ang bata-bata pa niya pero masyadong mahigpit sa kanya si Chloe pagdating sa pag-a
Kinabukasan ay maaga akong gumising para magpaalam sana kay Rule. Balak kong bumalik sa apartment ni Sunny para tingnan kung nandoon pa rin ba siya. Kukunin ko din ang mga naiwan kong gamit dahil hindi ako kumportable sa mga damit na nasa closet. Nahihiya na din kasi ako sa mga kasambahay na nandito. Alam kong nagtataka na sila kung bakit ang gaganda ng mga damit na isinusuot ko, samantalang sila ay naka-uniform lamang.Balak ko din kausapin si Rule na bigyan din ako ng uniform na katulad sa mga kasambahay para naman kahit papaano ay mabawasan ang kanilang pagtataka sa akin. Sa ngayon ay magtitiis muna ako sa suot kong floral dress dahil sa tingin ko ay ito lang ang pinaka-simple na damit na nasa closet ko.Tulog pa si Aurora sa mga oras na ito. Pinagluto ko siya ng sopas para sa umagahan niya. Nabanggit niya kasi sa akin na gusto daw niyang kumain ng ganoon. Sana lang talaga ay hindi iyon ipatapon ni Chloe o kaya naman ay ipakain sa aso. Sayang naman kasi, madami-dami pa naman ang ni
Mag-aalas otso na nang magising ako. Mukhang napasarap ang tulog ko sa malambot na kama kaya kahit nag-alarm ako ay hindi ko iyon narinig.Lagot ako nito! Tiyak na magagalit na naman sa akin si Rule.Kaagad akong bumalikwas ng bangon at nagtungo sa banyo upang maghilamos at maligo nang mabilis, at pagkatapos ay nag-toothbrush na rin ako. Mabuti na lang at kahit wala akong dalang gamit ay meron naman dito sa bathroom at mukhang mga bago lang din ang mga ito.Naka-tapis lang ako ng tuwalya nang lumabas ako ng bathroom at pagkatapos ay nagtungo sa malaking closet. May ilang damit doon at saktong-sakto lang ang mga ito sa akin. Hindi ko alam kung para kanino ang mga ito, pero mukhang hindi pa rin ito nagagamit dahil napansin ko na may tag pa ang mga damit. Halos malula nga ako sa presyo. Ayaw ko sanang gamitin pero wala naman akong choice dahil wala naman akong dalang damit.Nang matapos kong pumili ng damit ay kaagad ko itong sinuot at inayos ang sarili ko. Hindi na ako nagsuklay dahil n
Matapos ang usapan namin ni Aurora ay nakatulog na rin siya. Mukhang hindi na niya kinaya dahil sa sobrang antok. Inayos ko ang kanyang kumot pagkatapos ay itinabi sa kanya ang stuff toy na iniregalo ko sa kanya noong nag-birthday siya.Hindi ko napigilan ang sarili ko at binigyan ko siya ng halik sa kanyang pisngi pagkatapos ay tahimik akong lumabas sa kanyang kwarto.“Is she asleep?” Kung may sakit lamang ako sa puso ay tiyak na inatake na ako. Paano ba naman, nagulat ako kay Rule pagkabukas ko ng pinto. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na nakatayo dito sa labas pero mukhang kanina pa.Narinig kaya niya ang pinag-usapan namin ni Aurora? Kung kanina pa siya nandito, ibig sabihin ay oo. Tiningnan ko ang mukha niya. Mukha siyang malungkot. Marahil ay narinig nga niya ang paglalabas ng sama ng loob sa akin ng aming anak.“Kakatulog lang niya,” mahinang sagot ko sa kanya. Tiningnan lamang niya ako pagkatapos ay bumalik sa pagiging seryoso at masungit ang kanyang expression.Kaila
“Wear this.” Inihagis ni Rule sa mukha ko ang isang itim na jacket. Kaagad ko itong kinuha at isinuot. Umabot ang jacket hanggang sa tuhod ko. Tama lang para matakpan ang malaswang suot ko. Nang masiguro niyang maayos na ako ay kaagad niya akong tinalikuran at lumabas ng kanyang sasakyan, habang tahimik lamang akong nakasunod sa kanya. Nang marating ang pinto ng malaking bahay ay binuksan niya ito. Saglit niya akong nilingon pero nang masigurong nakasunod ako sa kanya ay mabilis siyang pumasok sa loob nang hindi man lamang ako hinihintay Nang makapasok kami ay kaagad kaming sinalubong ng katahimikan at tanging mga hakbang lamang namin ang naririnig. Siguro ay dahil anong oras na. Wala na kasi akong nakikitang mga kasambahay sa paligid, o baka naman masyado lang malawak ang bahay kaya hindi sila matanaw ng mga mata ko. Hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita ko. Maliwanag ang buong paligid dahil sa napakalaking chandelier, at halos lahat ng mga gamit ay kulay ginto. Parang ang hira
“You’d rather do this? Dance for random men? Sell yourself like this?” Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso. Parang kutsilyo na sumasaksak sa akin ang mga masasakit na salitang binibitawan niya sa akin.Gusto kong magreklamo pero wala akong lakas ng loob para magsalita. Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko na para bang nalunok ko ang sariling dila ko. Nakatingin lang siya sa akin habang naghihintay ng sagot pero wala siyang narinig. Sa huli ay napailing-iling siya. Halatang disappointed sa nasaksihan niya kanina.“Unbelievable.” Tumawa siya pero halatang peke lang iyon. Tumalikod siya sa akin pagkatapos ay napaigtad ako nang bigla niyang suntukin ang pader na nasa kanyang harapan. Alam kong masakit iyon pero mukhang balewala lang iyon sa kanya. Dumako ang tingin ko sa nasaktan niyang kamay at nakita ko ang pulang dugo na umaagos mula doon.Hindi ko maiwasan ang mag-alala. Gusto kong hawakan ang kamay niyang nasaktan pero baka mas lalo lang siyang magalit sa akin.“At sa tingin m







