LOGINNoong hapong iyon, nakatanggap si Erin ng tawag mula sa isang kinatawan ng mga manggagawa na kinausap niya dati.Halatang balisa ang tumatawag. Sinabi nito na may isang trabahador na palihim na nagtago ng kopya ng resibo para sa mga substandard na bakal na ginamit sa nakaraang proyekto. Gusto raw itong ibigay sa kanya, pero dahil sa takot na mabalikan, iginiit ng lalaki na sa kanya lang ito iaabot nang personal. Hiniling nito na magkita sila sa isang abandonadong pabrika sa dulo ng lungsod.Itinakda ang pagkikita ng alas-otso ng gabi.Masama ang loob ni Erin. Parang masyadong mabilis ang mga pangyayari. Kung kailan siya nag-aalala sa kawalan ng ebidensya, bigla na lang may mag-aalok sa kanya?“Boss, baka bitag ito? Ako na lang ang pupunta sa lugar na iyon,” suhestiyon ni Arcel na halatang naghihinala rin.Umiling si Erin. “Ako ang hinahanap nila. Kung totoo ito, napakahalaga ng ebidensyang ito.”“Pero masyadong delikado!” giit ni Arcel.“Wala na tayong oras para mag-alala,” seryosong
Habang nangyayari iyon, nakakunot ang noo ni Erin sa mga dokumentong ipinadala ni Arcel sa kanyang computer. Ang mga supplier ng materyales para sa silangang bahagi ng lungsod ay may magulong background. Dahil sa dami ng mga subcontracting at isang "shell company" na nakarehistro pa sa ibang bansa, naging sobrang hirap ng imbestigasyon.Tahimik namang nakaupo si Timothy sa isang maliit na bangko sa sulok ng opisina, seryosong pinupunasan ang isang lumang takure. Nakatutok ang kanyang bawat galaw, na tila ba isang mamahaling kayamanan ang hawak niya. Paminsan-minsan, tumitingala siya para sulyapan si Erin bago muling ibababa ang tingin.Eksakto namang tumunog ang telepono ni Erin. Si Blake ang tumatawag. “Tapos ka na ba sa trabaho? Nandito na ako sa baba.” Tiningnan ni Erin ang oras at nagulat na lampas alas-sais na pala. “Bababa na ako.”Nag-ayos siya ng gamit, kinuha ang bag, at nagsabi kay Timothy, “Uuwi na ako. Magpahinga ka na rin—at huwag mong kalimutang i-lock ang pinto.” Tuma
Kahit nakaalis na si William, ramdam pa rin ni Erin ang sikip sa kanyang dibdib. Paulit-ulit sa isip niya ang mga sinabi nito.Winston Construction. Benito…Mukhang konektado nga talaga ito kay Ryan. Nakahiga ang tatay niya sa ospital, at muntik nang mawasak ang pamilya niya. Ang utang na ito—sisingilin niya. Isa-isa.May kumatok sa pinto. Pumasok si Arcel, seryoso ang mukha.“Boss, nakontak na namin ang mga kinatawan ng mga manggagawa, pero takot na takot sila. May pumunta raw sa tinutuluyan nila kahapon para ‘kausapin’ sila—pasimpleng babala na manahimik na lang.”Natawa nang malamig si Erin. “Ang bilis nila, ah.”“At may isa pa,” hininaan ni Arcel ang boses. “Pina-imbestigahan ko ang Winston Construction. Sa labas, mukhang malinis sila. Pero sa likod, may mga shell company na mabilis maglipat ng pera. Lahat ng iyon, tumutuloy sa isang account sa ibang bansa.”Tumigil siya sandali.“Ang paraan nila... katulad na katulad ng mga dayuhang investor na nanloko sa pamilya niyo.”Naningkit
Naglakad palapit si Erin at tinapik nang bahagya si Timothy sa balikat.Agad itong napabalikwas. Matapos ang sandaling pagkalito, naging matalas at alerto ang kanyang mga mata. Nang makita niyang si Erin ito, agad na nawala ang bagsik sa kanyang tingin. Umupo siya nang medyo balisa, at pilit na itinago ang sugatang kamay sa likuran.“Bakit hindi ka doon tumitira sa ipinaayos ko para sa iyo?” tanong ni Erin.Ibinaba ni Timothy ang kanyang tingin, tila itinatago ang nararamdaman sa likod ng kanyang mahahabang pilikmata. Mahina ang kanyang boses. “Mas… ligtas dito.”Tiningnan ni Erin ang naninigas na panga nito at ang nakakuyom na mga kamao—at agad niyang naintindihan. Siguro ang law firm na ito, na nagbibigay sa kanya ng trabaho at pagkain, ang tanging lugar na itinuturing niyang "ligtas." Kaya naman instinct na niya na bantayan ito.“Sige, simula ngayon, pwede ka nang tumira dito.” Itinuro ni Erin ang isang silid sa malapit. “Linisin mo iyong bakanteng storage room. Iyon ang magiging k
Pagkatapos ng matinding gulo sa mansyon ng pamilya Gener, tuluyan nang naglaho si Jerwin.Nagbitiw siya sa lahat ng kanyang posisyon sa Gener Corporation at nawala nang walang bakas. Maliban kay Lolo Jo, walang nakakaalam kung nasaan siya. Hindi siya pinigilan ni Blake at hindi rin ito nagtanong, na tila ba inaasahan na nito iyon—o sadyang wala lang itong pakialam.Sa halip, ibinuhos ni Blake ang lahat ng kanyang oras sa dalawang bagay: ang pagpapatatag sa Gener Group at ang pagbabantay sa lagay ni Edward Sandoval.Dumating na rin ang mga batikang doktor sa neurosurgery na ipinatawag niya mula sa ibang bansa. Matapos ang masusing pagsusuri, nagbigay sila ng balitang muling nagbigay ng pag-asa sa pamilya Sandoval..“Nang mahulog si Mr. Sandoval, mapalad na tumama muna siya sa isang air-conditioning unit sa ibaba kaya nabawasan ang lakas ng pagbagsak. Dahil din sa naging matagumpay na operasyon noon para tanggalin ang mga namuong dugo, malaki ang tsansa na magising pa siya. Maaaring ma
“Walang kinalaman?”Napangisi si Lolo Jo habang dahan-dahang lumalapit, ang kanyang malabo pero matalas na mga mata ay nakatitig sa mukha ni Jerwin. “Kung ganoon, sabihin mo sa akin—bakit? Ha? Kalokohan lang ba ang mga sinabi ni Ryan kahapon?! Totoo ba na—”“Hindi!” putol ni Jerwin nang paos ang tinig, litaw ang mga ugat sa kanyang leeg sa tindi ng tensyon. “Kahit sabihin nating loko-loko ako, alam ko pa rin kung saan ang hangganan ko!”“Hangganan?” pang uuyam ng matanda, sabay hampas ng baston sa sahig. “Ang hangganan mo ay ang iwan ang lahat at tumakbo sa impiyernong iyon para mamatay?!”“Hindi iyon kamatayan.” Sinalubong ni Jerwin ang titig nito nang hindi kumukurap. “Iyon ay paraan para makawala.”“Paraan para makawala?” Humalakhak nang malamig si Lolo Jo, na tila nakarinig ng pinakakatawa-tawang biro sa mundo. “Kulang pa ba ang mga pagkakataong ibinigay sa iyo ng pamilya natin? Hawak mo na ang yaman at kapangyarihan—mga bagay na papatay ang ibang tao para makuha—tapos sasabihin m
Napakagaling ng pagkakabukod ng tunog ng VIP box, lubusang hinihiwalay ang ingay at kaguluhan sa labas. Sa gilid ng mesa, puno ang ice bucket ng piling vintage wine, at ang hangin, ay amoy mayaman talaga, may banayad na aroma ng mamahaling sigarilyo.Ilang lalaki ang nakaupo sa mamahaling leather
Pagkalipas ng anim na buwan...Makulimlim ang kalangitan, at ang amoy ng nababasang lupa ay humahalo sa hangin.. Bahagyang umaambon.. At ang daloy ng trapiko sa kalsada, ay hindi ganoon kabigat.Nakatanaw si Erin sa bintana ng sasakyan, at ang magandang kapaligiran sa bagong dinedevelop na lungsod
Napatawa siya bago hinawakan ang kanyang baba, at hindi niya napigilang alalahanin ang eksena ng pagkikita nila ni Erin kahapon. Kasabay nito, pumasok sa isip niya ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa panliligaw.. Sasabihan niya ng kaunting advise ang idiot na ito.“Kung ako ang tatanungin mo,
Nanginig ang mga labi ni Menchie sa galit.“Ikaw… anong kalokohan ang pinagsasasabi mo…? Si- sinong nagbigay sayo ng karapatang lapastanganin ako ng ganyan?”“Kalokohan?” malamig ang titig ni Jhonary. “Menchie, magtira ka naman ng kaunting dignidad para sa sarili mo. Bakit ka iniiwasan ni William n







