Share

Chapter 15: Sweet

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sobrang comfortable akong nakatulog sa guest room ni Roswell, pero maaga pa rin ako nagising. Ngayon ko lang nailibot nang maayos ang mga mata ko sa buong kwarto. Sobrang luwang nito at wala pang masyadong mga gamit na nakalagay. May isang malaking cabinet lang doon at isang bathroom. In-off ko lang din ang aircon dahil sapat na ang lamig sa loob ng kwarto.

Nanatili akong nakahiga habang pinagmamasdan si Agatha na mahimbing pa rin ang tulog. Hindi ko maiwasang hindi maawa sa kaniya dahil nararanasan niya ang ganito na lumilipat kami ng bahay dahil lang sa pag-iwas namin kay Anthony. Nagdadalawang isip tuloy ako kung itutuloy ko ba ang pagpapa-aral sa kaniya sa mismong school or i-home school ko na lang siya ulit.

Natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Napahugot naman ako nang malalim na hininga at agad na tumayo para pagbuksan kung sino 'yon. Alam kong si Roswell lang naman ang kakatok sa amin nang ganitong oras, at hanggan
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status