"Kalilah. Right, it's you!" sabi ni Anthony.
Kita ko pa rin ang gulat sa mga mata niya, medyo namumula nga rin ito dahil siguro sa alak na nainom niya. Nakaawang ang labi niya habang tinitignan ako na parang manghang-mangha sa nakikita niya.
"Do you know him, Kali?" tanong sa akin ni Angelo.
Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil kahit ako ay gulat sa mga nangyayari ngayon. Alam kong magkakatagpo muli kami ni Anthony pero hindi ko expected na sa ganitong paraan at lugar.
Anthony looked at me from head to toe as if he had seen something very alluring. Of course, he did. Ako na ang nasa harapan niya ngayon at alam kong maganda ako.
"Is that really you? You look better now," sabi niya gamit ang hindi makapaniwalang boses.
Syempre mas better na ako ngayon dahil sobrang worst ng kalagayan ko noon nang kami pa lalo na nang iwan niya ako mag-isa habang buntis ako.
"Angelo, let's go," sabi ko kay Angelo.
Wala akong balak na makipag-usap kay Anthony or mas humaba pa ang interaction namin doon kaya mas minabuti kong umalis na lang doon. Isa pa, wala akong panahon para makipag-kumustahan sa kaniya. Sapat na ang nakita namin ulit ang isa't-isa.
"Kali, wait!" tawag nito sa akin.
Binilisan ko ang pag-alis doon pero kumalabog ang dibdib ko nang abutan niya ako. Hinawakan pa niya ang kamay ko para lang mapigilan ako sa pag-alis doon kaya naman agad akong napatingin doon.
"Let me go," utos ko sa kaniya.
"You look different person now, Kali. Can I invite you tonight-"
"No, I'm not interested. So, take your hand out of me," sagot ko dahilan nang pagkahinto niya sa pagsasalita.
"You've changed," sabi niya.
Nanatili ang kamay niyang nakahawak sa akin kaya naman nakaramdam ako ng inis dahil doon. How dare him to touch me after all? Pilit kong inalis ang kamay ko sa hawak niya pero mas malakas siya sa akin at mukhang wala siyang balak na alisin 'yon hangga't hindi ako napapapayag na sumama sa kaniya ngayong gabi. Hanggang ngayon ay wala pa rin pa lang nagbabago sa ugali niya dahil gusto niya na siya ang laging masunod sa mga gusto niya.
"Bro, let her go," sabi ni Angelo na nasa likod ko.
Lumipat ang tingin ni Anthony kay Angelo at halata naman sa kaniya na lasing na siya.
"And who do you think you are to command me?" mayabang na tanong ni Anthony kay Angelo.
"Wow," mahinang sabi ni Angelo.
Napalingon ako kaagad sa kaniya at sumenyas sa kaniya na 'wag na lang niyang patulan. I know, Anthony for a very long time at kahit na lumipas na ang limang taon ay sigurado akong gano'n pa rin ang ugali niya. He's still a war freak.
"Are you her new boyfriend?" dagdag na tanong ni Anthony.
Sa inis ko roon ay buong lakas kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Nagulat siya nang makawala ako sa kaniya kaya naman muli akong lumingon kay Angelo para hilahin siya palayo roon.
Hindi ko alam kung saan humuhugot ng lakas loob si Anthony pagkatapos lahat ng nangyari sa aming dalawa noon. Pagkatapos niya akong akusahan na ang dinadala kong bata ay sa ibang lalaki at hindi sa kaniya. Pagkatapos niyang ipagtabuyan ako kahit na alam niyang wala naman akong ibang matutuluyan na bahay. Pagkatapos niyang magdala ng babae sa bahay na tinutuluyan namin para lang ipamukha sa akin na wala akong halaga at ang habol niya lang ay ang katawan ko.
Naramdaman ko tuloy na para bang may bukol na bumara sa lalamunan ko habang inaalala ko ang nakaraan na halos masira ang buhay ko.
"Kali, are you alright? Do you know that guy? Did he hurt you?" sunod-sunod na tanong naman sa akin ni Angelo.
Binitawan ko na ang kamay niya kanina pa nang makalayo ako mula kay Anthony. Hindi ko rin namalayan na nasa labas na pala ako ng bar dahil wala ng ingay roon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko si Anthony at ang kamay niyang nakahawak sa akin nang mahigpit. Pakiramdam ko ay nag-iwan 'yon ng marka dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Nasaktan na niya ako physically noon at hindi malabong mangyari 'yon ulit ngayon kaya naman natatakot ako.
"I-I'm sorry, Angelo but I have to go," sabi ko.
Hindi ko na hinintay pang magsalita si Angelo at agad na akong tumalikod para makaalis doon.
"Wait, wait! Where are you going?" tanong niya sa akin.
Napahinto naman ako sa paglalakad at napalingon sa kaniya bago magsalita.
"Sa hotel. Mauuna na akong umuwi sa inyo. Paki-sabi na lang kay Claire kapag hinanap niya ako," sabi ko pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.
"Then I'll go home too with you. It's already late and it's dangerous to go home alone," sabi sa akin ni Angelo.
Nasa tabi ko na siya at sinasabayan ako sa paglalakad kaya naman napailing na lang ako sa kaniya.
"Nasa ibang bansa tayo. No one will try to harm me here," sagot ko sa kaniya.
"I know but I just can't back to the party knowing that you're on your way to hotel alone," sagot niya sa akin.
Nagkibit lang naman ako ng balikat at hinayaan na lang siya sa gusto niya. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko habang lumilipad ang isip. Why do I have to see him again? For what? Para maalala ang masasakit na dinanas ko sa nakaraan? Para saktan ako ulit at ma-trigger ang trauma?
"I'm sorry, Kali. Pwede ko bang malaman kung sino ang lalaking 'yon? Kung bakit gano'n ka na lang niya ayaw pakawalan kanina?" tanong ni Angelo.
Walang nakakaalam kung sino ang Daddy ni Agatha at wala akong pinagsabihan ng past ko bukod kat Tita Cindy at Eunice. Kahit isa sa mga naging malapit sa buhay ko at naging kaibigan ko ay walang alam sa mga nangyari sa akin noon sa probinsya.
Wala akong balak na sabihin sa iba kung ano ang dinanas ko sa huling relationship ko, kung paano ako sobrang nasaktan, kung paano ako lumaban, at kung paano ko kinaya mag-isa para lang maipagpatuloy ko ang buhay ko.
"H-He's just an old friend," sagot ko at hindi naiwasan ang mautal.
"Old friend or Ex-Boyfriend?" tanong muli ni Angelo.
"Both," tipid na sagot ko.
"Mukhang hindi pa siya nakaka-move on sa'yo," sabi ni Angelo.
"That's impossible," sabi ko pagkatapos ay mahinang tumawa.
Nakita niya lang kasi na nay nagbago sa akin kaya gusto niya ulit ako makausap pero kung gano'n pa rin ako sa dati na walang-wala at hindi pala-ayos ay sigurado akong pagtatawanan niya lang ulit ako.
Nakarating kami sa hotel at nagpahinga ako kaagad doon. Si Angelo na raw ang bahalang mag-message sa mga kasama namin na naiwan sa bar na walang kaalam-alam sa pag-alis naming dalawa. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka kung ano ang isipin nila.
Tulala lang naman ako sa hotel room at pinipilit na alisin sa isip si Anthony. Matagal kaming hindi nagkita at wala akong alam na ibang information tungkol sa mga nangyayari sa kaniya. Ang huling pagkikita namin ay ang palayasin niya ako sa apartment dahil wala na akong maambag sa pagbabayad ng rent. Kasalukuyang nagrebelde siya sa mga magulang niya kaya kami naging live in partner.
May trabaho ako noon pero maliit lang ang sweldo ko kaya naman nauuwi lang 'yon sa pagkain naming dalawa habang siya ay abala sa pambababae. Nang hindi na niya ako mapakinabangan ay pinaalis niya na ako.
I was so young and naive that time. Akala ko kapag laging nand'yan para sa'yo ay mahal ka na. Akala ko kapag ibinigay mo ang lahat ng pagmamahal, matatanggap mo rin 'yon ng sobra pa, but I was wrong. Hindi pala gano'n ang pagmamahal, dahil ang tunay na pagmamahal ay mararamdaman mong masaya kayong dalawa even you both have nothing. Ang tunay na pagmamahal ay ipa-realize sa'yo na mahalaga ka, na deserve mo ang lahat, na itrato ka ng tama, at higit sa lahat ay may ititira kang pagmamahal para sa sarili mo.
Self love ang nakalimutan kong itira para sa sarili ko no'ng mga panahon na 'yon, dahil sa takot kong walang magmahal sa akin ay ibinuhos ko lahat ng pagmamahal sa kaniya. Hindi ko nga lang akalain na sa lahat ng pagmamahal na ibinigay at ipinaramdam ko sa lalaking akala ay mahal ako, lolokohin lang pala ako.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Masakit pa rin pala sa tuwing naaalala ko ang pagiging tanga ko noon. Kung pwede lang talagang maibalik ang panahon ay itatama ko ang pagkakamali kong minahal ang lalaking 'yon.
Kinabukasan ay naabutan kong tulog si Claire sa kabilang bed. Hindi ko na namalayan na nakauwi siya kagabi at hindi ko na rin alam kung paano ako nakatulog dahil sa pag-iyak ko. Bakit ba ako umiyak kagabi? Bakit ko ba kailangan iyakan ulit ang lalaking 'yon? Gusto kong mainis sa sarili ko dahil naging mahina na naman ako.
Bumangon ako para maligo kaagad. Pagkatapos ko ay iniligpit ko na ang mga gamit kong inilabas sa maleta ko. Wala naman akong masyadong dalang gamit at hindi ko na rin inalis 'yon kahapon sa bag dahil mahihirapan lang ako ulit ibalik 'yon.
I was wearing pink dress dahil magpi-picture ako sa labas mamaya. Sakto naman na katatapos ko lang sa ginagawa ko nang may kumatok sa room namin kaya agad akong nagpunta roon para buksan.
"Good morning!" masiglang bati sa akin ni Angelo.
Napangiti naman ako at naalala ang pagsama niya sa akin kagabi sa pag-uwi. Hindi ko tuloy alam kung may nasabi na ba ang mga kasama namin dahil sa pagkawala naming dalawa kagabi.
"Good morning, Captain. Tulog pa si Claire, mukhang nasobrahan sila sa pag-inom kagabi," sabi ko sa kaniya.
Nakaligo na rin si Angelo habang nakasuot ng plain white shirt at black pants. I could also smell his manly perfume.
"Oh, yeah. One am na yata sila nakauwi kaya hanggang ngayon ay tulog pa rin ang iba," sagot naman niya sa akin.
"Si second officer Enrico at Miss Diane pa lang ang gising. So, I think mauna na tayong mag-breakfast sa kanila?" sagot niya sa akin.
Napayuko naman ako at napatingin sa paa ko dahil nakatapak lang ako.
"Yeah, sure! I'll just wear my sandals first," sabi ko sa kaniya.
Kinuha ko ang sling bag ko bago ako tuluyang lumabas sa hotel room. Naabutan ko namang nakapamulsa si Angelo sa labas habang naghihintay sa akin doon. Kagaya nga nang sabi ni Angelo ay apat pa lang kaming gising. Eight kaming magkakasama, so basically tulog pa ang apat.
"Do you have plans for today? Mamayang gabi pa ang balik natin sa Pilipinas. Pwede pa tayo maglibot at mag-shopping," suhestiyon na sabi ni Angelo.
"I'll go for shopping later, Capt. Malapit na kasi birthday ng mother ko. Kasama ko si Ria and you guys can go with us too," sagot ni Diane.
"How about you, Kali?" Tanong sa akin ni Angelo.
"I have no plans except for taking a picture of myself later. So, I'll just go wherever you guys go," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat.
Iyon ang napag-usapan namin habang kumakain kami ng breakfast. Nakaalis na rin sina Enrico at Diane kaya naiwan na naman ako kasama si Angelo sa table. Hindi pa kasi siya tapos kumain at si Diane naman ay umalis kaagad para makaligo, si Enrico naman ay gigisingin ang iba pa.
"Shoot! I forgot my phone sa room," sabi ko nang buksan ko ang sling bag ko at nakitang walang phone roon.
"'Yon ba ang gagamitin mo para mag-picture? I have my DSLR here, pwede kong ipahiram sa'yo," sabi ni Angelo.
Napatingin naman ako sa gilid niya at ngayon ko lang napansin na may dala rin pala siyang bag. Napailing naman ako bago muling magsalita.
"No, it's okay. Nakakahiya kung hihiramin ko 'yan, isa pa hindi ko alam kung paano gamitin," sagot ko naman sa kaniya.
"No, hindi 'yon nakakahiya. Alright, kung ayaw mong hiramin. Ako na lang ang magpi-picture sa'yo para hindi ka mahirapan," sabi niya.
Imbis na hiya ang maramdaman ko sa suhestiyon niya ay bigla naman akong na-excite. Isa 'yon sa mga pangarap ko, ang may mag-picture sa akin gamit ang mamahaling camera kaya naman nag-agree ako sa kaniya.
"I don't want you to cry, Kali. I'll be okay. I promise," sabi niya habang patuloy na pinapalis ang mga luha sa pisngi ko."I-I'm just worried," sagot ko sa kaniya pagkatapos ay napahikbi ako.Napatango naman niya sa akin."I know. Kaya nga nahirapan akong sabihin sa'yo dahil ayaw kong mag-alala ka," sabi niya sa akin."Are you crazy? You're important to me, Damian! Kaya mag-aalala talaga ako para sa'yo," inis na sabi ko sa kaniya.Bahagya naman siyang natawa at napatangong muli bago ako muling niyakap. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming magkayakap doon at aaminin ko na mami-miss ko siya kapag umalis siya.Naupo kami sa dalampasigan habang tinatanaw ang nagbabadyang paglabas ng araw. Tahimik lang kami roon at walang nagsasalita kaya naman humugot ako nang malalim na hininga at tumingin sa kaniya."Can't you extend your days here? Kahit two days pa para naman makapag-prepare ako sa pag-alis mo," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay napanguso ako.Bahagya naman siyang natawa at napailing
Kabado ako nang bumalik ako sa labas na para bang walang nangyari. Hindi sumunod sa akin kaagad si Roswell dahil mas nauna akong lumabas kaysa sa kaniya. Magkakasama ang mga boys at girls sa isang table at mukhang nakakarami na ng inom ang mga boys. Napansin ko rin na nakisali si Vera sa inuman nila kaya."Are you drinking with them, Vera?" tanong ko sa kaniya pagkatapos ay bahagya akong natawa."Yup! Perks of not being pregnant," sagot niya pagkatapos ay natawa para mang-asar.Napanguso naman ako dahil matagal kaming hindi makaka-inom ng alak ni Eunice, pero wala namang problema 'yon sa akin dahil hindi naman talaga ako mahilig uminom ng alak."Dapat ay magbuntis ka na rin, Vera. Kailan niyo ba balak ni Felix?" tanong naman ni Eunice.Napangisi naman ako at naupo sa isang upuan habang sinisimulan ko na ang pagkain ng nilutong salmon ni Roswell. Tinignan ko naman si Vera at hinintay ang magiging sagot niya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam kung ano nga ba ang plano niya.
Isang linggo muli ang lumipas at gano'n pa rin kami sa dati. Mailap pa rin sa amin si Roswell at napapansin kong iniiwasan niya ako.Sobrang saya ko naman nang bisitahin kami ni Vera, Felix, Eunice, at Phil. Marami silang dala na gamit at mga pagkain at aaminin ko na na-miss ko sila. Tatlong araw lang sila roon at bukas ay uuwi na sila kaya naman nagba-barbecue kami sa labas."Kumusta ka naman dito? Hindi ka ba nabo-bored?" tanong sa akin ni Eunice.Nag-iinuman ang mga boys at mukhang nagkakasiyahan sila hindi kalayuan sa amin. Naka-upo lang kaming mga girls sa lounger habang nagkukwentuhan."Not really. I'm having fun with Roswell and Damian naman. Hindi nila hinahayaan na ma-bored ako rito," sagot ko pagkatapos ay nagkibit ng balikat."Do you think they're okay now? Hindi ba at may gusto sa'yo si Damian?" tanong naman ni Vera.Napangisi naman ako at nagkibit ng balikat."Gosh! Mag-bestfriend nga talaga silang dalawa. Lagi na lang silang nagkakagusto sa iisang babae. Gan'yan din ang
Dinama ko ang hangin na humahampas sa buong katawan ko at hinayaan kong sumabog ang mahaba kong buhok. Napayuko ako at tinignan ang paa ko na hinahampas ng alon ng dagat. It was peaceful here and I want to stay here for long, pero alam kong hindi 'yon pwede.Sobrang daming nangyari sa buhay ko at hindi ko na 'yon maisa-isa pa. Ang mahalaga sa akin ngayon ay alam kong safe na kami ng anak ko. Wala ng tao ang gagawa nang hindi maganda sa amin dahil nakulong na si Anthony."Kali."Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Roswell mula sa likuran ko kaya napabaling ako sa kaniya. He was wearing a black t-shirt and gray sweat short. Naka-suot din siya ng shades at inalis niya 'yon nang humarap ako sa kaniya."Nag-utos ako kay Manang at Kuya Lito na mag-grocery sa supermarket. May gusto ka bang ipabili?" tanong niya sa akin.Simula nang nalaman niyang buntis ako ay hindi siya pumayag na hindi ako sumama sa kaniya para sa safety ko. Nasa isang isla kami ngayon at iyon ang napili k
Nagtatakbo lang kami ni Damian palayo roon at sinundan ko lang siya dahil hindi ko naman alam ang labas papunta sa labas. Siya ang nakapasok dito kaya sigurado akong alam niya rin kung paano makalabas. Hinihingal ako habang nakahawak sa tiyan ko at halos paimpit akong mapatili nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril. "Oh my gosh!" nag-aalalang sabi ko. "I think they're here," sabi ni Damian sa akin. Napakunot naman ang noo ko at pinagpatuloy ang pagsunod sa kaniya habang siya ay abala sa pagtingin sa paligid. Labis ang takot na nararamdaman ko lalo na nang hindi tumigil ang mga pagputok ng baril. "What do you mean? Sinong sila?" curious na tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita at agad akong hinila para magtago dahilan nang pagkagulat ko. "Stop asking and keep your mouth close," sabi niya sa akin. Hindi ko naman napigilan ang mapairap dahil sa pagsusuplado niya sa akin kaya nanahimik na lang ako. Sumenyas siya sa akin na 'wag akong maingay at naglakad kami nang d
"Alam mo? Kung tumawag ka na lang sana nang tuloy ay sana kanina pa tayo wala rito!" reklamo ko kay Damian.Imbis na matutulungan niya akong makaalis dito ay pati siya nadamay na kuhanin ni Anthony. Nawalan lang tuloy ako nang pag-asa na makakalabas pa rito!"Wow, Kali! Ngayon pa talaga tayo magsisisihan?" sarkastikong tanong niya kaya naman napairap ako.Hindi na ako nagsalita dahil nakakaramdam na ako ng pagod. Hindi kami nakatali, pero nakakulong kami roon kaya naman lumapit ako sa pintuan para tignan kung makakagawa ba kami ng paraan para makalabas doon habang si Damian ay nanatiling tahimik na naka-upo sa sahig.Napabuntong hininga ako at bumagsak ang dalawa kong palad nang ma-realize ko na wala talaga kaming magagawang ibang paraan para makalabas doon. Naka-lock ang pintuan mula sa labas at may rehas naman ang bintana kaya hindi kami makakalabas doon."Buntis ka pala. Bakit hindi mo sinabi sa amin?" tanong ni Damian mula sa likuran ko.Napairap akong muli at humarap sa kaniya ba