Share

Chapter 3: The Ex-Boyfriend

Sa sumunod na araw ay maaga akong umalis sa apartment para madala si Agatha kay Eunice. Maaga kasi ang flight ko papunta sa Singapore at Singapore to Tokyo. Mahabang byahe rin 'yon kaya siguradong nakakapagod na naman pero ayos lang naman sa akin.

As usual ay si Claire na naman ang kasama ko buong byahe at ilan ko pang kakilala na cabin crew. Habang sa flight naman ay nag-alok ako ng pagkain sa mga pasahero pagkatapos ay bumalik ako galley para makapag-prepare rin ng mga order nilang foods. Gano'n lang naman ang routine ko sa trabaho at nag-eenjoy naman ako. Kapag long flight ay may crew compartment naman kami kung saan pwede kaming matulog, basta ay hindi kami naka-duty.

Nang makarating kami sa Singapore ay nagtuloy din ang byahe namin papunta sa Tokyo. Mahabang flight 'yon at marami rin pasahero ang nag-order ng foods nila. Ako ang nag-serve at as usual ay hindi mawawala sa mga pasahero ang bumabati sa akin at pinupuri ako dahil maganda raw ako.

Hindi din ako nakaiwas sa ilang foreigner na mahilig magbigay sa akin ng regalo. Ang iba kasi sa kanila ay regular passenger na namin at nagkakataon na isa ako sa cabin crew kapag nagf-flight sila. Hindi ko naman tinatanggap ang binibigay nila sa akin dahil baka magkaroon pa ng meaning 'yon sa kanila. 

Gabi na nang makarating kami sa Tokyo at bukas pa rin daw kami uuwi ng gabi kaya naman may isang buong araw para makapaglibot. Ito naman ang ayaw ko minsan dahil kapag nagi-stay kami sa isang bansa ay hindi ko naiiwasang mapagastos dahil bili ako nang bili para kay Agatha. Halos maipon na nga rin ang mga damit niyang hindi pa nagagamit dahil sa sobrang dami.

Kumain kami sa isang restaurant kung saan malapit ang hotel na tinutuluyan namin. Sobrang lamig do'n kaya naman laking pasasalamat ko dahil nagdala ako ng pang winter jacket. Nag-snow roon kaya naman naalala ko si Agatha dahil sa tuwing ipinapakita ko sa kaniya ang mga lugar na napupuntahan kong may snow ay natutuwa siya. Gusto niya rin makapunta sa ganito kaya dadalhin ko siya rito once na maayos ko ang mga papers niya.

"Want to go club?" Angelo, our pilot asked us there.

Tuwang-tuwa naman ang mga kasama ko dahil mukhang gusto nga nilang mag-club ngayon kahit na pare-parehas kaming may jetlag. I do parties naman at naglalasing din ako pero mukhang hindi kaya ng katawan ko 'yon.

"We're in, Capt!" sabi ni Claire.

Napatingin naman ako sa kaniya nang isali niya ako roon kahit na wala pa akong sinasabi na sasama ako sa kanila.

"No, no. I much prepare na magpahinga na lang muna. Next time na lang ako sasama sa inyo," sabi ko naman.

Napapahikab pa ako roon dahil sa antok pero agad silang umangal dahil lahat sila ay sasama sa club.

"Don't be kill joy, Kali! Let's just have fun tonight!" pamimit na sabi sa akin ni Claire.

"Claire is right, Kali. Minsan lang naman mangyari 'to," pagkumbinsi rin sa akin ni Angelo.

"It's my treat don't worry. Ang gusto ko lang ay magka-bonding tayong lahat," dagdag na sabi a niya.

Lahat sila ay marami pang sinabi para lang makumbinsi ako kaya sa huli ay napapayag naman nila ako. Wala rin naman akong makakasama sa hotel room kung magpapaiwan ako, inisip ko na lang na deseve ng sarili ko ang mag-relax kahit isang gabi lang.

Sa pinaka-malapit na club kami nagpunta at kahit na hindi pa masyadong gabi ay marami ng mga tao roon na nag-iinom. Nang marinig ko naman ang music doon ay halos mapaindak ako at mas na-excite ako na uminom ng alak.

"Can I order my drink now?" tanong ko sa kanila.

Kapapasok pa lang namin doon at bigla akong nauhaw sa cocktail. 

"Wow! Parang kanina lang ayaw mong sumama!" natatawang sabi sa akin ni Claire.

"Sure, Kali. You can order the drinks that you want. Gusto mo ako na ang mag-order para sa'yo?" pag-alok sa akin ni Angelo.

Napangiti naman ako sa kaniya at napailing kaagad dahil nakakahiya naman kung siya pa ang gagawa no'n para sa akin. Ayos na sa akin na tinreat niya kami rito.

"No, it's okay. Ako na lang ang mag-order para sa akin, Capt." Sagot ko naman sa kaniya.

"Oh, come on. Drop the 'Capt'. Wala tayo sa aircraft," sabi niya pagkatapos ay bahagyang natawa.

Natawa at napailing na lang din ako sa kaniya. Nag-order sila ng maraming alak at ako naman ay nagpagawa sa counter ng mix cocktails, pagkatapos ay bumalik na rin ako sa table namin.

"Tingin ko, may gusto talaga si Captain Angelo sa'yo," bulong sa akin ni Claire.

Nagsimula na kaming mag-inuman doon at nagkakatuwaan na ang bawat isa sa amin. Habang ito namang si Clara ay gumagawa na naman ng issue kaya I just glaret at her because of what she said.

"Stop it, Claire. You're starting again," sabi ko sa kaniya.

Humagalpak naman siya ng tawa pagkatapos ay mas lumapit pa sa akin para muling makabulong.

"I can feel and sense it. Kanina ka pa nga niya tinitignan e," dagdag niya.

"No. I don't even noticing it," pagkontra ko naman sa kaniya.

I have to deny it para matigil lang sa paggawa ng issue si Claire. Hindi naman ako manhid at bulag para hindi maramdaman at makita ang mga lalaking nagpapakita ng motibo na gusto nila ako. Pinipili ko lang talagang magbulag-bulagan dahil ayaw kong ma-attach sa kanila lalo na at hindi naman bukas ang puso ko sa pag-ibig. 

Matagal na rin nagpaparamdam si Angelo sa akin ng feelings niya at nakikita kong iba ang treatment niya sa akin at sa ibang mga babae. Sinabihan ko lang siya na kung ano ang nararamdaman niya para sa akin ay 'wag na lang ipagsabi sa iba dahil ayaw kong mapag-usapan kami.

Hindi ko alam kung naka-ilang bottle na kami ng alak at medyo tipsy na rin ako. Tumayo naman ako roon para maka-order ng margarita sa counter.

"Where are you going?" tanong sa akin ni Claire.

Pulang-pula na ang mukha ni Claire at ang tono ng pananatila niya ay halatang lasing na siya.

"I'll just order some margarita. You want some?" tanong ko naman sa kaniya.

"Oh, no. Thanks! Ingat ka ha!" sabi niya pagkatapos ay kumaway pa.

 "I'll go with you, Kali. Mag-order rin ako ng something," sabi ni Angelo.

Nakita kong nakatayo na rin siya ngayon kaya naman nagkibit na lang ako ng balikat at nauna nang umalis doon. Nasa tabi ko naman na siya ilang segundo lang ang lumipas.

Nagpunta kami sa bar counter at sinabi ko lang ang order kong margarita roon. Si Angelo naman ay halatang kilala ng marami dahil may mga lumapit sa kaniya para kausapin siya kaya nagkahiwalay rin kami.

"Thanks!" masayang sabi ko sa bartender.

Dahan-dahan ko naman akong sumimsim sa margarita ko at naupo sa harap ng counter. Babalik na lang ako mamaya sa table namin at doon ko na lang uubusin ang alak na iniinom ko. Tahimik lang ako roon at sumasabay sa music habang umiinom. May naramdaman naman akong isang lalaki na nasa gilid ko para mag-order ng inumin niya.

"A hard one, please." Sabi nito.

Wala akong intensyon na pakinggan kung ano ang order niya pero para bang lumakas ang pandinig ko nang marinig ko ang pamilyar nitong boses.  Gusto kong lingunin kung sino 'yon pero napigilan ko ang sarili ko.

"Can I have all that shots? Thank you," muling sabi nito.

Kilalang-kilala ko ang boses na 'yon at kahit na ilang taon na ang lumipas ay hindi ko pa rin 'yon nakakalimutan. Para makasiguro ako sa hinala ko ay tuluyan ko itong tinignan at halos mabitawan ko naman ang hawak kong glass nang makita ko kung sino 'yon.

"Sh*t!" napamura ako.

"Hey, Ma'am. Are you alright?" tanong sa akin ng bartender.

Halos tumapon kasi 'yon pati sa damit ko kaya agad akong napatayo. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.

"Here, tissue." Sabi ng lalaki na nasa tabi ko.

Hindi ko pinansin ang tissue na ibinibigay niya sa akin at nanatili lang akong nakayuko. Hindi ko alam kung paano ako makakaalis doon. Nakilala niya kaya ako? Sana hindi! 

"Kalilah! Are you alright?" 

Halos manlaki naman ang mga mata ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Angelo at naramdaman ko siya na nasa likod ko na siya.

"Kalilah? Wait.."  

Napahugot naman ako nang malalim na hininga bago tuluyang nagtaas ng tingin. Nagtama ang tingin namin ni Anthony. Anthony is my ex-boyfriend and he's the father of Agatha na nag-abandona sa amin noong nagbubuntis pa lang ako para sumama sa ibang babae. Siya rin ang rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko binubuksan ang puso ko para sa iba dahil natatakot akong muling masaktan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status