LOGINHindi ako nakatulog nang maayos. Halos buong gabi kong iniisip ang sinabi ni Adrian.
“You're coming as my guest.” Simple lang dapat iyon. Business meeting. Guest. Walang kakaiba. Pero sa paraan ng pagsasalita niya, parang may mas malaking dahilan.
Bandang alas-dos ng madaling-araw, napaupo ako sa kama at napahawak sa noo.
“Bakit ba ako pumayag sa trabahong ito?” Agad kong naalala ang dahilan. Kailangan ko ng pera. Kailangan ko ng trabaho. Sa hirap ba naman mag-apply ng trabaho ngayon lahat kailangan may experience. Pinatulan ko na itong trabaho na ‘to, no choice eh. Walang maraming kaek-ekan na requirements tsaka mataas pa sahod kesa sa mga nasa office work.
At kailangan kong manatili sa Virelli Mansion. Kaya kahit anong kakaiba ang ipagawa ni Adrian, kailangan kong pag-isipan muna bago ako umatras.
“Basta trabaho,” bulong ko. Pero kahit sinabi ko iyon, hindi pa rin mawala ang kaba ko.
Alas-singko y medya pa lang ay gising na ako. Nagbihis ako nang mas maayos kaysa dati. Pinili ko ang isang simpleng black dress na hanggang tuhod at cardigan. Wala akong mamahaling accessories. Simple lang.
Nang tumingin ako sa salamin, napabuntong-hininga ako. “Okay na 'to.”
Eksaktong alas-siyete, pumunta ako sa study. Bukas ang p***o kaya diretso akong pumasok. Nasa desk si Adrian. Pagkakita niya sa akin, tumigil siya sa pagbabasa.
Mula ulo hanggang paa, tahimik niya akong tiningnan. Bigla akong naging conscious. “Too simple?” conscious na tanong ko.
“It'll do.” Sagot naman niya. Tumango ako. Akala ko tapos na. Pero itinuro niya ang maliit na kahon sa desk. “Open it.” Utos niya.
Lumapit ako at binuksan iyon. Nanlaki nang bahagya ang mga mata ko nang makita ang eleganteng necklace sa loob. “Hindi ko po puwedeng isuot 'to.”
“You can.” He said. Sinuri ko ang kwintas. “Mahal siguro 'to.”
“It's not yours.” Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. “Exactly.” Sagot ko. “Then why do I need it?” dagdag na tanong ko pa.
“Because you're going to be seen.” Malamig na sagot niya. Napakunot ang noo ko. “Seen by who?”
“My family.” Sagot niya kaya natahimik ako.
Lumapit siya at kinuha niya ang necklace. “Turn around.” Napatingin ako sa kanya. “Ha?” taking-tanong ko. “Turn around, Elena.” Inip na utos niya.
Dahan-dahan akong tumalikod. Ilang segundo lang ang lumipas bago ko naramdaman ang malamig na metal sa leeg ko.
Maingat niyang ikinabit ang necklace. “Done.” Humarap ako. Tiningnan niya ang necklace. Then me. “Better.”
Hindi ko napigilang hawakan iyon. “Bakit parang may role akong gagampanan?” tanong ko sa sarli ko at sa kanya. “Because you do.” Sagot niya.
Napatingin ako sa kanya. “What role?” Hindi siya sumagot. Sa halip, kinuha niya ang car keys. “Let's go.”
Tahimik ako habang nasa sasakyan kami. Si Adrian ang nagmamaneho. Makalipas ang ilang minuto, hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Anong klaseng business meeting ba ito?” tanong ko, kasi para naman alam ko kung anong gagawin ko kapag.
“Family gathering.” Tanging sagot niya. Napalingon ako sa kanya. “Family?” Nakangiwi kong tanong. “Yes.” Maikling sagot niya.
“Bakit kailangan akong sumama?” Hindi siya tumingin sa akin. “You'll understand when we get there.”
Napabuntong-hininga ako. “Hindi ba puwedeng sabihin mo na lang ngayon?”
“No.” pirming sagot niya. “Ang hirap mong kausap.” Hindi ko napigilan ang tono ng boses ko na medyo nainis na. kinabahan ako kasi baka magalit siya pero sumagot lang siya na parang wala lang. “I know.” Napatingin ako sa kanya.
Hindi ko alam kung seryoso siya o sadyang wala lang siyang pakialam. Maya-maya, huminto ang sasakyan sa harap ng isang luxury hotel. May mga luxury cars sa entrance. May photographers. May mga taong naka-formal attire.
Napatingin ako sa paligid. Huminto si Adrian bago bumaba. “When we get out, stay beside me.”
Tumango ako. “Okay.”
“Don't walk ahead.” Dagdag niyang bilin. “Opo.”
“And don't answer questions about the family.” Dagdag niya ulit. “Opo.”
“Don't call me sir.” Napatingin ako sa kanya. “Adrian.”
Tumango siya. “Good.”
Bumaba siya at pumunta sa side ko. Pagbukas niya ng p***o, iniabot niya ang kamay niya.
Tinitigan ko iyon. “Seriously?” kunot-noong saad ko. Kinuha ko ang kamay niya. At sa sandaling lumabas kami, agad kaming napatingin ng mga tao. May mga bulungan. May ilang nakatingin sa akin. Mas lalo akong kinabahan.
Pero hindi bumitaw si Adrian. Sa halip, bahagya niyang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko. May isang babae na agad na lumapit.
“Adrian.” Napahinto kami. Maganda siya. Eleganteng-elegante. At halatang kilalang-kilala niya si Adrian. Tumingin siya sa akin. Then back at him. “Who is she?” tanong niya.
Hindi pa ako nakapagsalita nang sumagot si Adrian. “Elena.”
Naghintay ang babae ng susnod pang sasabihin ni Adrian. “My girlfriend.” Nanigas ako.
Hindi ko alam kung bakit kahit alam kong iyon ang role ko, iba pa rin ang pakiramdam nang marinig ko iyon mula sa bibig niya.
Napatingin ang babae sa akin. “Your girlfriend?” paguulit ng babae. Halatang hindi siya makapaniwala sa narinig niya. “Yes.” Seryosong sagot ni Adrian.
Bahagya siyang ngumiti, pero walang warmth sa expression niya. “You can't be serious.” Natatawang sagot ng babae pero maririnig ang pagkasarcasm.
Malamig ang tingin ni Adrian. “I don't joke about my personal life.”
Tumingin ang babae sa akin. “Do you know who he is?”
Napakunot ang noo ko. “Of course.” Mas lumawak nang kaunti ang ngiti niyang parang nang-aasar. “Then you should know Adrian Virelli doesn't keep women around for long.” Nakangising pang-aasar ng babae sa akin. Na para bang maaasar ako.
“Isabella.” Malamig na pangbabanta ni Adrian sa babae.
Biglang nawala ang ngiti niya. May kung anong tensyon sa pagitan nila. Napatingin ako kay Adrian.
“She's not important,” malamig niyang sabi.
Napatingin si Isabella sa kanya. “Really?”
Hindi sumagot si Adrian. Sa halip, hinila niya ako nang bahagya palapit sa kanya. “Let's go.” Sumunod ako. Pero habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang lingunin si Isabella. Nakatayo pa rin siya roon. At nakatingin siya kay Adrian na parang may alam siyang hindi ko alam.
Pagdating namin sa private function room, maraming tao na ang naroon. May mga executives. May mga matatandang miyembro ng pamilya. At may ilang taong hindi ko kilala.
Umupo ako sa tabi ni Adrian. Tahimik siya habang tinitingnan ang mga taong nasa paligid. Napansin kong naging mas malamig ang mukha niya.
“Remember,” bulong niya nang hindi ako tinitingnan. “Don't answer questions about the family.” Tumango ako. “Opo.”
“Stay beside me.” Dagdag pa niya. “Opo.”
“And whatever you hear, don't react.” Napatingin ako sa kanya. “Bakit?” Doon lang siya tumingin sa akin. “Because they'll test you.” Napakunot ang noo ko. “Test me?”
Hindi na siya sumagot. Tumayo ang isang matandang lalaki sa kabilang dulo ng table. Agad na tumahimik ang buong room. Tumingin siya sa akin. Matagal. Hindi ko alam kung bakit parang bigla siyang nakakita ng multo. Unti-unting nagbago ang expression niya.
Napahawak siya sa mesa. “Reyes...” Nanigas ako. Napatingin ako kay Adrian. Sa unang pagkakataon, nakita kong bahagyang nagbago ang expression niya. Hindi siya nagulat. Mas parang may kinatatakutan siyang mangyari.
Tumingin ulit ang matanda sa akin. “How did a Reyes girl end up beside my grandson?” Nawala ang ingay sa buong room. Napatingin ako kay Adrian.
“Adrian...” Hindi siya sumagot. Sa halip, tumingin siya sa matanda. “That's enough.” Malamig ang boses niya. Pero hindi umatras ang matanda. “Does she know?” Nanigas ang katawan ko.
“Know what?” tanong ko bago ko napigilan ang sarili ko. Mabilis na napatingin sa akin si Adrian. “Elena.” May babala sa tono niya. Pero huli na.
Tumingin sa akin ang matanda. Then kay Adrian. “Apparently, she doesn't.”
Tumayo si Adrian. Mabilis niyang hinawakan ang braso ko at pinatayo rin ako. “We're leaving.”
“Pero—” Pinutol niya ang sasabihin ko, “NOW.” Hindi siya sumigaw. Pero sa unang pagkakataon, narinig ko ang tunay na bigat ng utos niya. Sumunod ako. Habang palabas kami, narinig ko ang matanda sa likod namin.
“Adrian, you can't hide this forever.” Huminto sandali si Adrian. Pero hindi siya lumingon. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko. Pagdating namin sa hallway, saka niya ako binitawan.
Humarap siya sa akin. “Did I tell you not to react?” Napatingin ako sa kanya. “Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react!” napataas ang boses ko dahil kanina pa ako naguguluhan.
“That's exactly why you should have stayed quiet.” Madiin na sabi niya.
“Then tell me what's going on.” Sagot ko. Tahimik siya.
“Bakit niya kilala ang apelyido ko?” Hindi siya sumagot.
“Adrian.” Nanatiling malamig ang mukha niya. Pero may kakaibang tensyon sa mga mata niya. At bago pa ako makapagsalita ulit, sinabi niya ang isang bagay na nagpabigat lalo sa pakiramdam ko. “You shouldn't have come here.”
Napakunot ang noo ko at narakamdam na ng inis. “Pero ikaw ang nagdala sa akin.”
“I know.”
“Then why?” Hindi siya agad sumagot. Sa halip, tumingin siya sa likod ko. May nakita siyang tao sa dulo ng hallway.
Biglang nagbago ang expression niya. “Stay here.” “Don't move.” Dagdag pa niya. Pagkatapos ay mabilis siyang naglakad palayo. Sinundan ko siya ng tingin. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, narinig ko ang boses ng isang babae sa likod ko.
“Are you really Elena Reyes?” Dahan-dahan akong napalingon. Si Isabella. Nakatayo siya ilang hakbang mula sa akin. At sa pagkakataong ito, wala na ang malamig niyang ngiti.
Mukhang seryoso siya. “Because if you are...” Huminto siya. Tumingin siya sa necklace na suot ko at biglang nanlaki ang mga mata niya. “You have no idea whose necklace you're wearing, do you?”
Napahawak ako sa leeg ko. “Anong ibig mong sabihin?” Hindi siya sumagot agad. Sa halip, tumingin siya sa direksyong nilakaran ni Adrian. Then back at me. “At mas malala,” mahina niyang sabi, “you don't even know why Adrian chose you.”
Nanlamig ang buong katawan ko.
Doon ko unang naramdaman na baka hindi talaga aksidente ang pagkakapunta ko sa Virelli Mansion. At baka ang trabaho bilang katulong ay simula lang ng isang bagay na matagal nang konektado sa apelyido ko.
“You were never hired to become his maid, Elena. You were meant to become his wife.”Paulit-ulit kong binasa ang mensahe hanggang sa tila nagsimulang lumabo ang mga letra sa screen. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang malaman na may lihim na kasunduan ang pamilya ko at ang mga Virelli, o ang posibilidad na ang bawat hakbang ko papunta sa mansiyong iyon ay matagal nang itinakda ng ibang tao.“Let me see.”Inabot ni Adrian ang cellphone ko. Nakatayo siya sa likuran ko, isang kamay sa balikat ko. Ramdam ko ang init ng palad niya, pero hindi nito napawi ang lamig na gumapang sa dibdib ko.Binasa niya ang mensahe. Tumigas ang panga niya. “Whoever sent this wants you to believe that our relationship was arranged.”“Was it?” mahinang tanong ko. Napatingin siya sa akin. “Elena.”“Please. Huwag mo akong sagutin bilang Adrian na mahal ako. Sagutin mo ako bilang tagapagmana ng pamilyang may hawak ng kontratang iyon.”Sandaling natahimik siya. Napansin ko ang paggalaw ng lalamunan niya ha
Hindi ko maalis ang tingin ko sa litrato ni Mama. Ilang beses kong sinubukang palakihin ang larawan sa cellphone ko, umaasang may mapapansin akong detalye na makatutulong para maintindihan kung bakit may taong gustong ipaalala sa akin ang isang bagay na nangyari dalawampung taon na ang nakalipas.“Are you okay?”Napatingin ako kay Adrian. Nakatayo siya sa tabi ko, nakakunot ang noo habang pinag-aaralan ang mukha ko.“I'm fine,” sagot ko, kahit alam kong hindi iyon totoo.Kinuha niya nang marahan ang cellphone ko. Tiningnan niya ang litrato at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin.“We need to find out where this picture was taken.”“Do you recognize the building?”He studied it for several seconds before shaking his head. “No. But Marcus might.”Agad niyang tinawagan si Marcus at ipinadala ang larawan. Habang naghihintay kami ng sagot, umupo ako sa gilid ng sofa at napahawak sa aking noo.Dalawampung taon. Hindi ko alam kung anong klaseng kasunduan ang pinirmahan ni Mama noon. Ang
Ang Sikretong Nakatago sa Ngiti ng Lolo Niya Hindi agad nakapagsalita si Adrian matapos ibaba ni Marcus ang tawag. Nakatayo siya sa tabi ng desk, nakatitig sa screen na para bang magbabago ang pangalan sa access log kapag matagal niya iyong tinitigan.Ang grandfather niya. Ang taong nagpalaki sa kaniya at nagturo na mas mahalaga ang katapatan sa pamilya kaysa sa sariling kaligayahan. Ang taong paulit-ulit na nanggigipit sa kaniya na pakasalan si Isabella. Ang taong may malaking impluwensiya sa halos lahat ng naging desisyon niya sa buhay.Siya rin ang pumasok sa office ni Adrian pagkatapos ng hatinggabi, noong gabing may gumamit ng credentials ko para palabasing ako ang may kasalanan sa kahina-hinalang transaction.“Maybe there's another explanation,” mahina kong sabi.Tumingin sa akin si Adrian. “I want there to be.” Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya.“Then let's find out what happened before we decide what it means.”Pinisil niya ang kamay ko. “Thank you for not assuming the w
Dalawang beses kong binasa ang pangalan ni Marcus.Hindi ito makatuwiran. Siya ang tumulong kay Adrian na imbestigahan si Victor. Siya rin ang sumuporta sa amin noong pinakamahirap na bahagi ng misteryo. Siya ang tumawag para sabihin sa akin na pinatunayan ng security footage na hindi ako pumasok sa office ni Adrian noong naganap ang transaction.Pero ngayon, pangalan niya ang nasa report tungkol sa taong binayaran para ako ang mapagbintangan.“Are they sure?” tanong ko.Umiling si Adrian.“It's a lead, not a conclusion. The payment came from an account connected to a company Marcus used to consult for. We need to establish whether he knew about the transfer.”Tumingin ako sa kaniya. “Have you spoken to Marcus?”“Not yet. The legal team is reviewing the evidence.”Hindi ako mapakali. Paano kung may taong gustong isisi kay Marcus ang lahat? Paano kung isa rin siya sa mga pinaglalaruan nila?“What if someone is trying to frame him too?”“That's possible.”“Then we shouldn't assume he's
Ilang segundo akong hindi nakapagsalita. Narinig kong lumayo si Adrian sa phone, kasunod ang mahina at hindi ko maintindihang usapan. Pagbalik niya sa linya, agad siyang nagsalita.“Elena, listen to me.” Muli kong tiningnan ang litrato. “Were you with Isabella last night?”“Yes.” Parang may humigpit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang pag-amin niyang kasama niya si Isabella o ang katotohanang kailangan ko pang itanong iyon.Mabilis siyang nagpatuloy. “But not in the way you're thinking. She asked to meet me because she had information about the company. I met her at the hotel conference room, and—”“Why were you there overnight?”“The meeting lasted longer than expected. There was an emergency involving the company's legal documents, and I stayed while the lawyers reviewed everything.”“And she was in your room?”“No. She was in the adjoining suite. We were using the hotel's private meeting area.”Napapikit ako. Gusto kong maniwala sa kaniya, pero hindi ko kayang
Dalawang araw akong nanatili sa bahay ni Mama.Sinabi ko lang sa kaniya na nag-away kami ni Adrian. Hindi ko na ikinuwento ang lahat dahil ayokong madagdagan ang mga iniisip niya, lalo na pagkatapos ng katotohanang nalaman namin tungkol kay Tita Eloisa.Hindi niya ako pinilit na magsalita. Sa halip, ipinagluto niya ako ng almusal, nakinig siya kapag gusto kong magkuwento, at paulit-ulit niyang ipinaalala na puwede kong mahalin ang isang tao nang hindi kinakalimutan ang sarili ko.Noong ikalawang gabi, hindi ko na napigilang ikuwento ang tungkol sa kahina-hinalang transaction.“Do you think Adrian believes you did it?” tanong ni Mama.Napayuko ako at pinagmasdan ang mga kamay ko. “I don't know.”“Did he accuse you?”“No. But he didn't tell me he believed me either.”Napabuntong-hininga siya.“Sometimes people are so afraid of making the wrong decision that they forget how much their silence can hurt.”Napakagat ako sa labi. “I thought we were past that.”“Maybe you're learning what lov







