Hindi ko alam kung ilang beses kong binasa ang address sa cellphone ko bago ako tuluyang huminto sa harap ng isang napakalaking gate. Virelli Mansion. Iyon ang nakalagay sa message na ipinadala sa akin kagabi matapos akong tawagan ng agency tungkol sa trabaho.Live-in housemaid. Wala akong experience bilang katulong, pero sinabi nilang willing silang mag-train ng bagong employee basta responsable, masipag, at willing tumira sa mansion. Kaya nandito ako.Huminga ako nang malalim habang nakatingala sa mataas na bakal na gate. Nang unti-unti itong bumukas, napalunok ako. “Okay, Elena. Trabaho lang.” Mas hinigpitan ko ang hawak sa strap ng bag ko bago ako naglakad papasok.Kahit gaano ko kagustong maging confident, hindi ko maikakaila na kinakabahan ako. Ang laki ng property. Mahaba ang driveway, maayos ang damuhan, at sa dulo nito ay nakatayo ang mansion na mas mukhang luxury hotel kaysa bahay.Napatingin ako sa suot kong simpleng blouse at pantalon. Bigla akong napaisip kung tama ba tal
Última actualización : 2026-10-10 Leer más