LOGIN“Huwag kang magtiwala kay Adrian Virelli.” Ilang minuto na akong nakatitig sa linyang iyon. Paulit-ulit ko itong binabasa na para bang may magbabago sa mga salita kapag ginawa ko iyon.
Sino ang nag-iwan ng sobre? At paano niya nalaman na may hawak akong necklace? Binaliktad ko ang papel. Walang pangalan, walang pirma, at walang ibang paliwanag. Gusto kong tawagin si Adrian at ipakita ito sa kanya, pero naalala ko ang sinabi niya kanina.
I didn't know who I could
“Huwag kang magtiwala kay Adrian Virelli.” Ilang minuto na akong nakatitig sa linyang iyon. Paulit-ulit ko itong binabasa na para bang may magbabago sa mga salita kapag ginawa ko iyon.Sino ang nag-iwan ng sobre? At paano niya nalaman na may hawak akong necklace? Binaliktad ko ang papel. Walang pangalan, walang pirma, at walang ibang paliwanag. Gusto kong tawagin si Adrian at ipakita ito sa kanya, pero naalala ko ang sinabi niya kanina.I didn't know who I could trust. Paano kung pati siya ay may kinalaman sa lahat ng ito?Nang marinig ko ang mga yabag sa hallway, mabilis kong itinago ang sulat sa bulsa ng uniform ko. Bumukas ang pinto ng kitchen at pumasok si Liza.“Nasaan si Sir Adrian?” tanong ko.“Sa study. May kausap siya, si Marcus.” Napansin niya ang mukha ko. “Elena, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya sa akin.“May itatanong lang po sana ako.” Saad ko. Tumin
Baka matagal na nila akong hinihintay. Hawak ko ang pendant na ibinigay ni Adrian. Tinitigan ko ang maliit na ukit sa likod nito.E.R. Elena Reyes. Hindi puwedeng coincidence lang iyon. Pero kung talagang akin ang initials na iyon, bakit nasa isang necklace ng ina ni Adrian ang pangalan ko?At bakit parang alam ni Adrian ang sagot pero ayaw niya akong bigyan ng kahit isang diretsong paliwanag?Tumayo ako at humarap sa salamin. Nakabitin pa rin sa leeg ko ang necklace. Naalala ko ang sinabi niya. Don't remove it. Mas lalo akong naging curious.Bumaba ako sa kitchen. Nandoon si Liza, abala sa paghahanda ng breakfast. Pagkakita niya sa akin, napatingin siya sa necklace.“Liza,” tawag ko. “What?”“May alam ka ba tungkol dito?” tanong ko at pinakita sa kanya ang hawak ko.Ipinatong niya ang hawak na kutsara at tumingin sa akin.“About the necklace?” Tumango ako.“Alam mo kung kanino iyon?” tanong ko. “Alam kong kay Madam iyon dati.” Sagot niya.“Madam?” tanong ko.“Mother ni Sir Adrian.”“
“You have no idea whose necklace you're wearing, do you?” Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Isabella. Hindi ko alam kung bakit parang biglang bumigat ang necklace sa leeg ko.Kanina, isa lang itong simpleng accessory para sa isang papel na kailangan kong gampanan. Ngayon, parang may sarili na itong kahulugan. Napahawak ako rito habang nakatingin kay Isabella.“Anong ibig mong sabihin?” Hindi siya agad sumagot. Sa halip, tumingin siya sa direksyong nilakaran ni Adrian. Then back at me. “Ask him.”“Bakit hindi ikaw ang magsabi?” Bahagya siyang ngumiti, pero malungkot ang expression niya. “Because it's his secret.”“Secret tungkol sa necklace?” tanong ko. “About you,” sagot niya.Nanigas ako. “Ako?” Tumango siya nang mabagal. “Your surname.” Napakunot ang noo ko. “Reyes?”“Yes.” Maikling sagot niya.“Anong meron sa apelyido ko?” Bago pa siya makasagot, may narinig kaming yabag mula sa kabilang hallway. Pareho kaming napalingon. Si Adrian. Mabilis siyang naglalakad pap
Hindi ako nakatulog nang maayos. Halos buong gabi kong iniisip ang sinabi ni Adrian.“You're coming as my guest.” Simple lang dapat iyon. Business meeting. Guest. Walang kakaiba. Pero sa paraan ng pagsasalita niya, parang may mas malaking dahilan.Bandang alas-dos ng madaling-araw, napaupo ako sa kama at napahawak sa noo.“Bakit ba ako pumayag sa trabahong ito?” Agad kong naalala ang dahilan. Kailangan ko ng pera. Kailangan ko ng trabaho. Sa hirap ba naman mag-apply ng trabaho ngayon lahat kailangan may experience. Pinatulan ko na itong trabaho na ‘to, no choice eh. Walang maraming kaek-ekan na requirements tsaka mataas pa sahod kesa sa mga nasa office work.At kailangan kong manatili sa Virelli Mansion. Kaya kahit anong kakaiba ang ipagawa ni Adrian, kailangan kong pag-isipan muna bago ako umatras.“Basta trabaho,” bulong ko. Pero kahit sinabi ko iyon, hindi pa rin mawala ang kaba ko.Alas-singko y medya pa lang ay gising na ako. Nagbihis ako nang mas maayos kaysa dati. Pinili ko ang
Hindi ako agad nakatulog nang gabing iyon. Hindi dahil bago ang kama. Hindi dahil tahimik ang mansion. Kundi dahil sa isang bagay na hindi ko maintindihan.Bakit ako inilagay sa wing ni Adrian? Paulit-ulit kong iniisip iyon habang nakahiga. Baka dahil doon ako pinakamadaling tawagin kapag may kailangan siya. Iyon ang pinaka-logical na dahilan.Trabaho lang. Boss ko siya. Employee niya ako. Wala nang iba.“Exactly,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame. Pero kahit paulit-ulit kong sabihin iyon, hindi pa rin nawawala ang kaba ko. Kaya bandang alas-onse ng gabi, bumangon ako at inayos ang mga gamit ko.Mas malaki ang bagong room kaysa sa una kong tinulugan. May sariling bathroom, cabinet, maliit na desk, at malaking bintana na tanaw ang garden.Maganda. Sobrang ganda. Pero ang pinaka-hindi ko gusto? Ilang hakbang lang ang pagitan ng kwarto ko at ng study ni Adrian.“Great.” Napailing ako. “Trabaho lang.”Alas-sais ng umaga pa lang ay gising na ako. Hindi ko gustong mahuli s
Hindi ko alam kung ilang beses kong binasa ang address sa cellphone ko bago ako tuluyang huminto sa harap ng isang napakalaking gate. Virelli Mansion. Iyon ang nakalagay sa message na ipinadala sa akin kagabi matapos akong tawagan ng agency tungkol sa trabaho.Live-in housemaid. Wala akong experience bilang katulong, pero sinabi nilang willing silang mag-train ng bagong employee basta responsable, masipag, at willing tumira sa mansion. Kaya nandito ako.Huminga ako nang malalim habang nakatingala sa mataas na bakal na gate. Nang unti-unti itong bumukas, napalunok ako. “Okay, Elena. Trabaho lang.” Mas hinigpitan ko ang hawak sa strap ng bag ko bago ako naglakad papasok.Kahit gaano ko kagustong maging confident, hindi ko maikakaila na kinakabahan ako. Ang laki ng property. Mahaba ang driveway, maayos ang damuhan, at sa dulo nito ay nakatayo ang mansion na mas mukhang luxury hotel kaysa bahay.Napatingin ako sa suot kong simpleng blouse at pantalon. Bigla akong napaisip kung tama ba tal







