Share

CHAPTER 5: The wedding preparations

ABALA ang lahat sa pag-aayos ng venue sa debut ni Lacy Rose. Gaganapin iyon sa maluwang nilang bakuran.

Hindi na sana niya gugustuhing mag celebrate pa ng debu at gusto niya simpleng handaan lang kaya nga lang mapilit ang daddy niya. Minsanan lang daw ang pagiging ganap na babae sabi ng ama niya kaya lubus-lubusin nalang daw niya.

Imbitado ang mga kaklase niya sa kolehiyo at mga ilang bisita ng daddy niya.

Kinakabahan siya ngayong gabi pakiwari niya may sisira sa okasyong iyon. Binalewala na lamang niya iyon.

Excited lang siguro siya.

"Dad, kinakabahan ako, pano kung dumating siya." tanong niya habang nakatingin sa salamin. She look stunning tonight. Ang kulay carnation niyang off shoulder long gown na hapit na hapit sa maliit niyang baywang ay kumorte pa lalo ang balakang niya. And exposing her fair shoulders. Isinuot niya ang kwentas na binigay ni Rafael noong graduation niya maging ang engagement ring ay iyon lang ang tanging alahas na suot niya.

"Well, kilala mo naman 'yon anak pabigla-bigla 'yon."

"It's been two years dad, simula nung huli natin siyang nakita."

"I know him iha, maparaan 'yon lalong lalo na ngayong disi-otso ka na." malumay na sagot ng ama.

"And do you think anytime he can pick me up here dad?"

Nag-isip muna ang ama bago sumagot. "Oo marahil iha."

"Dad, ayoko munang mahiwalay sa inyo." natatakot siya na mangyari 'yon.

"Huwag mo munang alalahanin 'yan anak maging masaya ka ngayong gabi. Happy birthday ulit iha." nakangiting wika ng ama mula sa salamin.

"Thank you dad!"

"Tara na sa baba iha your party must begin now." tumayo na siya at ikinawit niya ang isang kamay sa braso ng daddy niya.

Nakangiting bumaba siya. Napapalibutan ng iba't-ibang kulay ng rosas ang bawat paligid. Marami na din siyang bisita na may kanya-kanya ring table.

"Happy birthday Lacy!" sabay-sabay na bati sa kanya ng mga kaklase niya sa kolehiyo ng mapadaan siya sa gawi ng mga ito. Ang ama niya ang naging scort niya.

"Thank you so much ghuys!" ganito pala ang feeling kapag ang isang babae nagsi-celebrate ng debut. Napaka special lang ng feeling niya.

Nagtuloy-tuloy siya sa stage at inumpisahan na nila ang dapat na umpisahan. Mula sa candles , roses , baloons, at wine wala silang pinalampas na oras napuno ng halakhak ang paligid hanggang sa sinimulan na nilang kumain.

Pagkatapos ng mahabang sandali ang debutant naman ang magsasalita tumayo si Lacy at tinungo ang mic.

"Thank you so much, for coming this party ! I enjoy it so much specially sa mga taong walang sawang nagmamahal sakin, lalong lalo na kay daddy my father and my bestfriend! At kay yaya Nelia na hindi kami iniiwan and of course to my dearest mother na nasa heaven na ngayon I will never forget you mommy and I love you so much kayo ni daddy." maluha-luhang sabi niya ng mag speech na siya.

Lumapit ang ama niya at niyakap siya ng mahigpit at inabutan siya ng ama ng panyo pamunas sa mga mata niya.

"I love you so much anak." sabi ng ama at iniwan ulit siya.

Nagpalakpakan ang mga tao sa kanyang paligid. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at nakangiti na siya ngayon.

Nawala ang ngiti niya sa mga labi ng mamataan niya ang pamilyar na bultong papalapit sa kanya. Hindi siya maaring magkamali.

Si Rafael.... with his exclusive suit at may hawak itong bungkos ng bulaklak.

Biglang bumilis ang pintig ng puso niya ng tuluyang makalapit ito sa kanya.

Maging ang mga tao sa paligid napatingin sa lalaki.

"Happy birthday to my dearest fiancee. It's been a long time since the last time we see each other?" nakangiting bati ng lalaki at iniabot nito ang bungkos ng mga pulang rosas sa kanya sabay kuha sa kanyang kamay niya at hinalikan iyon. Napapitlag siya sa ginawa nito. Bakit ganun lagi ang nararamdaman niya tuwing napapalapit ito ng husto sa kanya. Para siyang prinsesa kung ituring siya nito.

"W-why are you here?" hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas na tanungin iyon sa lalaki.

Nangunot noo ito sa tanong niya. "What kind of question is that sweetheart? Of course Im just claiming what is supposed to be mine now."

"B-Bakit madalian?" tanong niya na hindi nito pinansin iyon bagkus kinuha nito ang mikropono.

"May I have your attention everyone, I would like to announce something important tonight. Ako at si Rose ay magpapakasal sa susunod na buwan and all of you here will be invited. Gusto ko sanang isabay nalang ang birthday at ang wedding but ofcourse I don't want to spoil her greatest night. " nakangiting pahayag ni Rafael habang siya napapasinghap nalang sa mga sinabi nito.

Bakit kinailangan pa nitong i-pucblic ang tungkol sa kasal nila? Mga bulungan na lang ang tanging naririnig niya sa paligid. Tinignan niya ang ama sa di kalayuan sa kanila wala siyang mabasa sa reaction nito na sa tingin niya'y alam na ng ama niya na darating ang lalaki.

Sa kung saan may lumitaw na dalawang lalaki na may dala-dalang inbitasyon at ibinahagi nito sa mga dumalo sa party niya! Bakit napakabilis?

"Common sweetheart ,I owe a dance for this" kinuha nito ang bulaklak at inalagay sa kalakip na mesa. Kinuha nito ang kamay niya at hinila siya papalapit dito. Napasinghap siya sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Naamoy pa niya ang mabangong hininga nito.

"What was that for? Have'nt you miss me sweetheart?" sabi nito habang isinasayaw siya nito. Idinuduyan siya ng musika na para bang iyon na ang sayaw na pinakakaiba sa lahat maliban syempre ang ama niya na isinayaw siya kanina. Hindi siya maaring magpatangay sa karisma nito.

"Your spoiling the greatest night of my life!"

"Relax , I'll have to take that chance at ayokong gawing private ang kasal natin. Ipaubaya mo na lang sakin ang lahat."

Hindi pa rin siya makapaniwala sobrang bilis ng pangyayari a month after ikakasal na siya!

Muli na naman siyang nagpatangay sa mga bisig nito.

"You look beautiful tonight sweetheart. I want to sealed you with a kiss." walang paalam siya nitong hinalikan sa mga labi! It was her first kiss! His kiss was warmth and passionate. Kung hindi siya nakahawak sa balikat nito malamang kanina pa siya nabuway! Tila wala itong paki-alam kung may makakita sa kanilang dalawa. Mabuti na lamang at may mga iba na ring nakisali sa kanilang sayaw at sa gitna tanging dilim nalang ang nakikita sa paligid. Pinakawalan nito ang mga labi niya.

"Nasasabik na akong pakasalan ka,"

nanginig siya sa sinabi nito.

Tahimik lang siya. Hindi niya magawang magsalita dahil hindi pa siya makahuma sa nangyayari.

"The last time we danced together, tinulugan mo ako."

Nag-angat siya ng tingin dito. "D-did I?" hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon noong isinayaw siya nito ang akala niya nanaginip lang siya at sa pagggising niya hindi siya nag-usisa sa ama kung anong nangyari nang gabing iyon.

"Yes, sweetheart! Gusto kitang nakawan ng halik noon but I attempt to do that."

"I-Im sorry about that,"

"Forgiven, marami ka ng utang sakin na kailangan mo ng bayaran."

Oh, tama ito magsisimula na siyang magbayad dahil disi-otso na siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status