Share

CHAPTER 3: Rafael's audacity

NAGULAT si Lacy Rose nang makita ang resulta ng kanyang exam. Matataas lahat ang mga iyon. Iyon ang huling exam nila sa finals at siya ang tatanghalin na valedictorian.

"Congratulations, Lacy!" sabay-sabay na pagbati ng mga kaklase niya nang hapong iyon. Nai-announce na kanina ng teacher nila about the ranking at siya ang may pinakamataas.

"Thank you, guys." nakangiting pasasalamat niya sa mga ito.

"Lacy! We should celebrate your victory manood kaya tayo ng The Last band mamaya sabado naman bukas, di ba guys!" suhestiyon ni Gelly.

Sa bayan lang din naman gaganapin ang concert ng THE LAST BAND at medyo malapit lang din sa school nila ang plasa. Pwede naman niyang tawagan o i-text ang daddy niya para makapag-paalam siya na manunuod muna siya.

"S-sure anong oras ba iyon?" tanong niya.

"Mamayang alas-sais." sagot ni Mia

"Pero hanggang alas otso lamang ako ng gabi, ah." sabi niya

"Syempre alas otso tayo uuwi," sang-ayon din ng isa nilang kaklase.

Masaya siya at naging kaklase niya ang mga ito sa pribadong eskwelahan ng San Vicente.

Paano na lang kaya kung matapos na ang bahaging iyon ng highschool life nila? Kaya i-enjoy'n na muna nila habang magkakasama pa sila dahil malapit na rin naman na ang graduation nila sa susunod na buwan na 'yon.

Pagsapit ng alas singko nagsilabasan na ang mga estudyante. Ang usapan nilang magkaklase magkikita-kita sila sa plaza.

"Bye, guys see you later!" paalam nila sa sa isa't-isa ng makalabas sila sa may gate.

Hinanap ng mga mata niya si Mang Ernesto ang driver nila at nakita nga niya ito sa dulo nito ipinarada ang sasakyan nila. Kaagad niyang tinungo iyon at sumakay.

Napag-alaman niya na nasa kanilang bahay ang kanyang ama. Excited muli siya na makita ito. Kada weekends na lang niya kasi ito nakikita sa kanilang bahay at biyernes palang nasa kanilang bahay na ito. Ang huling nakita niya ito noong may bisita ito sa kanilang bahay.

Pagkababa niya ng kotse patakbo siyang pumanaog sa kanilang bahay.

"Yaya Nelia, nasaan si Daddy?" tanong niya ng makasalabong ito.

"Nasa study room iha," kaagad niyang tinungo ito.

Nagbigay muna siya ng tatlong katok at marahang binuksan ang pintuan.

"Hi dad, I miss you, mabuti naman at maaga ka ngayong umuwi." kaagad niya itong hinalikan sa pisngi.

"Syempre namimiss ko na rin ang kaisa-isa kong anak." natatawang wika nito.

Umupo siya kaharap nito. "Dad, my goodnews ako sayo!"

"Then what is it, iha?" sabi nito habang abala ito sa pag-aayos ng kung anong mahalagang papel na hawak nito.

"Mataas po ang nakuha ko sa exam!" masayang pahayag niya.

"Well that's good, iha."

"And ako ang magiging valedictorian dad!"

Tinignan siya nito na humahanga. "Talaga anak? I'm so proud of you manang-mana ka talaga sakin anak. Kung nandito lang ang mommy mo—proud na proud siya sayo." bigla itong nalungkot sa huling sinabi nito.

"Dad, kung nasaan man ngayon si mommy alam ko na masayang masaya siya para sa akin."

Ngumiti ang daddy niya. "Alam ko anak."

"Ah by the way dad, magpapaalam sana ako sa inyo. Niyaya kasi ako ng mga kaklase ko na manood ng banda sa bayan. I hope papayag ka dad." tila nag-isip pa ito kung papayagan siya o hindi.

"Sige na dad, please?"

"Sige papayagan kita anak total naman you did your best on your study pero maaga ka ding uuwi ipapasundo nalang kita." lumiwanag ang mukha niya at pinayagan siya nito.

"Thank you, dad. Promise magpapakabait po ako dun."

Nagpaalam na siya sa kanyang ama at patakbong tinungo na niya ang kanyang kwarto.

**************************************

BUMABA si Lacy sa kanyang kwarto pagkatapos niyang maligo at magbihis. Magpapaalam na muna siya sa ama bago umalis.

She was wearing a long high waisted denim skirt na tinernuhan ng white halter croptop, litaw ang makinis at mapuputi niyang balikat with a black stiletto and a signature sling bag. Hinayaan niyang nakalugay ang tuwid na tuwid niyang mahabang buhok. Kung wawariin pwede siyang pumasok na modelo sa gayak niya. Hindi na siya naglagay ng anumang kolorete sa mukha naglagay lang siya ng polbo at likas na mapupula ang labi niya and her pinkish cheeks.

Hinanap ng mga mata niya ang kanyang ama.

"May bisita ang daddy mo iha," si yaya Nelia niya ng bumaba siya.

"Nasaan sila yaya? Magpapaalam lang sana ako."

"Nasa function room sila iha puntahan mo na doon para makapagpaalam ka. Ihahanda ko lang itong dinner."

Tinungo niya ang function room na sadyang pinagawa iyon ng daddy niya para kapag may bisita itong importante doon niya nilalagay na may kinalaman sa negosyo.

She knocked the door for three times bago siya tuluyang makapasok.

Pagkapasok niya nakita niya agad ang pamilyar na lalaki sa kanya. Iyon ulit ang bisita ng daddy niya makaraang isang linggo at may kasama itong kaedad din ng daddy niya.

Mataman siyang tinitigan ng pinakabatang bisita ng daddy niya. Hinagod siya ng tingin. Tila siya sinusuri. Hindi niya alam kung humahanga ba ito sa kanya. Nag-init ang mga pisngi niya sa ginawa nito. She felt embarrassed.

Ang daddy naman niya nakayuko lang tila problemado ito.

"Good Evening dad, aalis na po ako." doon na tumingin ang daddy niya sa kanya.

"Iha—,"

"Henares, where did she go? Have you already told her about what I've told you?" tanong ng batang bisita niya ngunit sa kanya nakatutok ang mga mata ng lalaki.

Nangunot ang noo niya sa tanong na iyon ng lalaki tila may authority ito na pagsalitaan ng ganun ang daddy niya.

"N-not yet just please give me more time, Mr. Delgado."sabi ng ama niya na parang takot na takot.

"This is the right time now, Henares. Why don't you sit down first young lady so we could start it now?" tila ito nanunuya sa sinabi at tinignan siya ng may pagka-malisya, tumatayo ang mga balahibo niya sa ginawa nito. At anong dapat na pag-usapan nila na kasama siya? Parang may mali na sa sitwasyon.

Hindi niya pinapansin ang lalaki tila siya nababastusan sa paraan ng pakikipag-usap nito sa kanyang ama.

"D-dad ano po ba ang sinasabi niya?"

"Lacy, umupo ka muna at may pag-uusapan tayo," sabi ng daddy niya na mukhang seryoso.

" P-pwedeng some other time na lang dad, na sumali ako sa usapan ninyo mala-late na kasi ako sa lakad namin." mag aalas-sais na kasi baka hinihintay na siya ng mga katagpo niya sa plasa.

"At pinapayagan mo pa pala siyang lumabas sa ganitong oras Henares without my permission." galit na sabi nito.

Naguguluhan siya sa mga sinasabi ng lalaki at bakit ito nangingialam.

"Lacy, just sit down, I have something to discuss." sabi ng ama.

Nanginginig ang mga tuhod niyang napasunod sa ama. Kaharap na niya ngayon ang lalaki. Kampanteng-kampante ang lalaki samantalang ang ama problemado.

She took a deep breath. She admit the man was arrogant and handsome. Nakakapang-hipnotismo ang mga titig nito. A deep amber brown eyes with a heavy lids and a thick eyebrow. His lips was sensible at may matangos na ilong. His hair was a clean wave in naka-business attire. She can sense a very powerful aura of wealth, position, and influence.

But now to her utter amazement, she saw that he was smiling, and this time the smile seemed genuine. It was remarkably attractive.

Tinignan siya ng ama. "Iha, huwag ka sanang mabibigla sa anumang marinig mo. Huwag mo sanang iisipin na napakasama ko. No one in this world is precious as you darling. Mahal na mahal kita anak." her dad choked and feel nervous. Mamasa-masa din ang mga mata nito na anumang oras iiyak ito.

"Dad, anuman ang marinig ko ngayon I'm pleased to know everything and I will never hate you." nakakaunawang sagot niya.

Totoo iyon kung anuman ang maging problema sa pag-uusap na iyon hindi dapat siya kailanman magalit sa ama dahil ito na lamang ang natitirang karamay niya.

"Thank you, iha." nakangiti na ang ama at mukhang nabawasan ang tensyon nito.

"Shall we start now?" tanong ng abogado.

"Go on." sabi ni Mr Delgado.

Matamang nakikinig si Lacy habang nagsasalita ang judge halos hindi na niya maikurap ang mga mata sa mga narinig.

"...And two years from now Ms. Lacy Rose Henares will be married to Rafael Iñego Delgado IV. Bilang kabayaran ng pagkakadispalto ni Mr. Daniel Henares sa kompanya ng mga Delgado."

Anong ibig sabihin ng lahat ng mga narinig niya? Was she dreaming? At kung masamang panaginip iyon gusto na niyang magising!

"Malinaw na ba sayo ang lahat Lacy Rose?" tanong ng binata pagkatapos ang ilang sandaling diskusyon ng abogado.

"N-no I am just dreaming this isn't true." she was now trembling. Tinignan niya ang ama na hindi makatingin sa kanya.

"You're not dreaming, you heard everything." sabi ng binata.

Tinitigan na niya ang kaharap. "At paano kung hindi ako pumayag sa pagpapakasal sayo after two years?"

"Well, if you refuse it , will your dad take the consequences ang makulong siya ng habambuhay?" tila bombang sumabog iyon sa kanyang pandinig.

No! Hindi pwedeng makulong ang ama niya.

Tinignan niya ang ama na ngayon nakatingin na sa kanya.

"Iha, ayokong magsakripisyo ka sa kasalanang ginawa ko hayaan mong ako ang magbayad nun."

"But how Henares? Ni wala ka ng trabaho at lalong lalo na ang mga negosyo mo na nakasangla na din ngayon. Kung pipiliin mong makulong then well tapos na ang usapang ito theres no need to fill up the contract.....Bukas na bukas din ihanda mo na ang sarili mo, sa kulungan na ang bagsak mo. Time wasted let's go attorney."

No! Hindi pwedeng makulong ang ama niya hindi pwede!

"Sandali!" ang akmang pagtayo ng dalawa kaagad niya iyong tinutulan.

Tila aliw na aliw sa kanya ang binata. "What is it, Rose?" nagulat siya sa itinawag nito sa kanya. Only her mother called her by that name.

Rose... Rose... Rose.....

tila musika iyon sa kanyang pandinig.

"I am willing to take all the risks." matapang na sagot niya.

"A-anak hindi mo na kailangang gawin 'yan ayokong masira ang kabataan mo dahil sa ginawa ko." hinawakan niya ang kamay ng ama at tinignan ito.

"Dad, kung anuman ang dahilan kung bakit nagawa mo iyon. I know there's a reason behind it at ayokong makulong ka, kayo nalang ang natitira kong pamilya at ayokong mawala kayo sakin."

"Oh, Lacy, anak how lucky I am to have you both with your mother. Sobrang napakaswerte ko sa inyo." ngumiti siya bilang pagtugon sa sinabi nito at binitawan ang kamay ng ama. Tumingin siya sa lalaki.

"P-pumapayag na ako Mr. Delgado. But may I know your reason kung bakit mas ako pa ang gusto mong kabayaran kaysa ang ipakulong nalang ang daddy ko?"

Ngumiti ang lalaki sa sinabi niya. Ngiting hindi niya kailanman gugustuhing makita dahil may kasamang ngisi iyon.

"I like your question. You ask like business, manang-mana ka talaga sa ama mo pwera nalang syempre ang kalokohang ginawa ng ama mo." tinignan niya ng masama ang lalaki.

"About sa tanong mo kanina Rose, tama ka bakit hindi ko mas naisin nalang na ipakulong ang ama mo sabihin na nating a marriage for convenience, kung hindi ka marahil nagpakita ng araw na singilin ko ang ama mo malamang nakulong na ang ama mo. As of now hindi mo pa marahil naiintindihan pero sa oras na makasal tayo doon mo maiintindihan ang lahat now sign the contract." may inilabas ang abogado. Iyon marahil ang kontrata.

Hindi na siya nagdalawang-isip pinirmahan na niya ang dapat pirmahan maging ang kanyang ama.

"Good. Attorney, may I have the box." may inilabas ang abogado nito isang maliit na kahon.

Kinuha iyon ng lalaki at marahang lumapit sa kanya pumakabila ito sa mahabang mesa.

Binuksan nito ang kahon kasabay niyon napasinghap siya. Tumambad sa kanya ang isang singsing na hugis rosas na napapalibutan ng nagkikislapang dyamante at alam niyang mamahalin iyon.

Nagulat siya sa sumunod na ginawa nito.

Lumuhod ito at kinuha ang isa niyang kamay. Tila may kung anong kuryente na gumapang sa kanyang katawan.

Para siyang puppet na sunod-sunuran lang dito. Hindi humihiwalay ang mga mata niya sa binata. "Take this engagement ring as a sign that you're now mine. Sooner or later you will be my wife my beautiful Rose." pagkasabi nito'y isinuot nito ang singsing sa kanyang palasingsingan at hinalikan nito ang likod ng kamay niya.

Nag-init ang mga pisngi niya sa ginawa nito ang lakas din ng kabog ng dibdib niya. Parang sila lamang ang tao sa paligid.

Tumayo na ito na hindi pa rin humihiwalay ang mga titig nito sa kanya na sa pakiramdam niya kanina pa siya nalusaw.

"Henares ,huwag kang magbabalak na itakas ang anak mo kahit saang lupalop pa kayo magtago hahanapin ko kayo. At huwag mo ng balaking umalis ngayon your mine already at susundin mo lahat ng gusto ko. Let's go attorney." naiwan silang mag-ama sa loob na walang namutawing salita. Nagulat na lang siya ng makitang humihikbi ang ama.

Nabaghan siya sa nakikita niya ang ama sa ganung kalagayan. "I'm sorry anak! Nilagay ko ang buhay mo sa alanganin."

Maging siya ang kanina pang tinitimpi niyang mga luha kusa na iyong naglandas.

"It's okay dad, ang mahalaga sakin ngayon ligtas kayo at ayokong iwan mo din ako." pang-aalo niya sa ama.

Sana nga isa lamang bangungot ang nangyayari ngayon sa kanyang buhay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status