Share

CHAPTER 4: Engaged

MASAYANG nagtapos ng highschool si Lacy at naging valedictorian pa siya. Iyon na ang simula ng pag-abot niya sa kanyang mga pangarap. Iyon na din marahil ang paghihiwalay nila ng landas ng mga kaklase niya dahil kanya-kanya na sila ng kolehiyong papasukin. But the memories will still remains.

Bago matapos ang graduation nila naghandog muna ng isang awitin si Lacy this time hindi siya gumamit ng piano kundi ang kaklase nila at ang violinista.

Ang kantang aawitin niya ay ang paborito nang kanyang ina.

Tila nagkaroon siya ng kaginhawaan sa katawan ng matapos siyang umawit.

Masigabong palakpakan ang narinig niya sa paligid.

"Ang galing mo talaga anak, I'm so proud of you !" maluha-luhang bati ng ama niya pagkatapos ng awitin niyang iyon.

"Thank you dad," niyakap niya ito. Masayang masaya siya dahil tapos na ang yugto ng buhay niyang 'yon.

"Sa bahay na tayo magsi-celebrate anak."

"Sure dad, tiyak magluluto si yaya Nelia ng pinakapaborito kong dinner tonight."

Natatawang inakbayan siya ng ama. "Oo naman anak sinabi ko kay ate Nelia na magluluto siya ng napakarami ngayon."

"Talaga dad? Yehey! And I know may naghihintay ding gift sa bahay am I right dad?"

"Of course iha, makikita mo mamaya."

"Excited na ako!" napakasaya niya ng gabing iyon at lalong lalo na nitong nakaraang buwan dahil madalas na ulit sa bahay nila ang daddy niya.

"Lacy, sandali." napalingon si Lacy ng may tumawag sa kanya. Si Javier ang salutatorian nila.

"Yes?" nginitian niya ito.

"Will you accept this as a sign of our friendship? Kahit ito man lang tanggapin mo." medyo nahiya pa ito sabay abot sa kanya ng bungkos ng tulips.

"Thank you Javier, napakaganda nila!" naalala na naman niya ang mommy niya.

"Salamat din at nagustuhan mo." nankangiting wika nito.

Sinuklian din niya ito ng ngiti. "Syempre naman, Oh pano aalis na kami, salamat ulit dito." sabi niya sabay amoy ng bulaklak at tumalikod na dito.

"Anak mukhang may gusto sayo ang kaklase mong 'yon." kapagkuwa'y sabi ng daddy niya habang naglalakad sila patungong sasakyan nila.

"Huh? Talaga dad, pero sorry na lang siya wala pakong balak magka boyfriend—soon to be married na nga pala ako." sabi niya ng maalala ang kontratatang pinirmahan nila last month.

Napabuntong hininga ang daddy niya. "Anak kung nandito lang ang mommy mo malamang galit na galit na iyon sa akin."

Napatawa siya sa sinabi nito. "Of course dad, kilala ko si mommy at malamang babatukan ka na 'nun!"

Tumawa ang daddy niya sa sinabi niya. Bumuntong hininga ito.

"Namimiss ko na ang mommy mo," maging siya man ganun din sobrang miss na miss na din niya ang mommy niya.

Nakasakay na sila ng kotse ng daddy niya. Pagkarating nila sa bahay nila parang kinakabahan siya na hindi niya mawari.

Pagkapasok pa lang niya nakalatag na ang red carpet sa lalakaran niya at may mga petals iyon ng rosas. Ito ba ang surpresa ng daddy niya napaka romantic naman. Magde-date silang mag-ama. Bumabawi na nga ang daddy niya natutuwa siya.

"Dad, ito ba ang surpresa mo? I like it." sabi niya at nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad. Nakasunod lang ang daddy niya sa likod at tahimik lang.

Sinundan niya ang arrow at nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa taniman ng mga rosas. Ganun nalang ang gulat niya ng may piyanista sa gilid at nagpa-play ng violin.

"Why dad, this is so romantic!" sabi niya sa ama tumalikod siya pero wala na doon ang ama.

"Dad naman tinaguan niyo pa ako." natatawang wika niya. Kamuntik na siyang matapilok. Naka casual dress pa naman siya off shoulder iyon na hanggang sa kanyang tuhod at kulay asul iyon.

Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad napatda siya ng matanawan ang lalaking nakatayo malapit sa mesa na may pandalawahang upuan at may alak at may natatakpang pagkain din sa mesa. Nakatalikod ang lalaki hindi siya maaring magkamali ang lalaking iyon ay walang iba kundi si...

Rafael... kasabay niyon ay ang pagharap nito sa kanya.

Napasinghap siya sa angking kakisigan nito. Bumagay ang suot nitong tuxedo. Bakit napakapormal nito? Hindi niya magawang kumurap napakagwapo nito. Ang bilis din ng pintig ng puso niya. Tila may kung anong paru-paro na naglalaro sa kanyang tiyan.

"Congratulations, sweetheart!" sabi nito sabay ngiti sa kanya. Ibinigay nito ang hawak na bungkos ng rosas sa kanya nang makalapit na siya. A color of purple and white roses.

Ngayon lang niya napansin na wala na ang kaninang hawak-hawak niyang tulips na binigay ni Javier kanina. Iginaya siya nito upang makaupo siya. Did this mean she was supposed to sit down with this man? Bakit napaka gentleman nito? Ganun ba talaga ito? Hindi ba dapat tratuhin siya nito ng hindi kanais-nais dahil sa kasalanan ng ama niya?

Wala pa ring namutawing salita sa kanyang bibig. Tila siya dinuduyan ng isang napakagandang panaginip.

Ang musika na kanyang naririnig nagbigay iyon ng romantiko sa paligid.

Magkaharap na sila ngayon ng lalaki.

"Wala ka bang sasabihin?" tanong nito na may ngiti pa rin sa labi.

"No. I'm just dreaming. Hindi ito totoo." sabay pikit ng kanyang mga mata na sana sa pagmulat niya wala na ito sa kanyang harapan. Ngunit naririnig na lamang niya ang mga halakhak nito.

"You're not dreaming, sweetheart!"

Nagmulat siya ng mga mata tila aliw na aliw ito sa kanya.

"W-why are you here?"

Nangunot ang noo nito. "Did I surprise you? Well mahilig akong mag surprise."

"Oh yes! You surprised me I don't expect you to be here." ang alam niya magsi-celebrate sila ng ama niya ngayon. Pero mukhang kuntsaba pa ata nito.

Binuksan nito ang champagne hindi siya aware sa mga klase ng alak. Sinalinan nito ang champagne glass.

"Care for a toss for my beautiful fiancee?" Nag-init ang mga pisngi niya sa huling sinabi nito. Kinuha niya ang champagne at nakipag toss dito.

"I'm sorry but I don't drink alcohol."

"Yeah sure, I'm just teasing you. Do you know the reason why I'm here?"

Umiling siya bilang sagot.

Sumimsim ito ng alak. "I want to get to know you better. Napapabilib mo na ako sa ilang araw palang na nakasama kita. Tama lang ang naging desisyon ko na ikaw ang pakakasalan ko." Hindi naging madali sa kanya ang pagtanggap na makakasal siya dito pagkatapos ng dalawang taon.

Tumayo ito at nilapatan siya. Hindi niya magawang lingunin ito sa kanyang likuran. Napapiksi siya ng maramdaman ang kung anong bagay sa kanyang leeg. It was a necklace!

Hindi ito nahirapan na ilagay niyon dahil nakatali ang mahaba niyang buhok. Nagkikislapan ang mga diyamente niyon kahit na nga dim light lang ang nagsisilbing ilaw nila.

"Accept this gift sweetheart, for your victory. It seems we're expected to dance; May I have the pleasure?" bago pa siya nakasagot inakay na siya nito patayo. Naririnig na niya ang tugtog.

"H-hindi mo na dapat ako binigyan ng ganitong mamahaling alahas, Mr. Delgado."

"I insist and why not you look stunning and beautiful and please don't call me with that formality. Call me by my name" sabi nito.

"T-thank you," maikling sabi niya. Hindi niya magawang titigan ito sa mga mata at baka kapag ginawa niya iyon mahulog nalang bigla ang batang puso niya.

His arm was clasped masterfully around her waist and he was holding her close, but not quit touching her body, as the band began to play again from the beginning. Tila siya idinuduyan sa mga bisig nito. Hindi iyon ang unang bese na naisayaw siya maliban sa promenade nila noon pero pakiramdam niya iyon ang kauna-unahang sayaw niya.

Rafael had the opportunity to pull her closer, and now she was pressed against him.

"Look at me sweetheart You didn't know how my body ached when I got to you this closer." paanas na wika nito.

She swallowed nervously and tried to pull away but he never let her go. Hawak nito ng mahigpit ang baywang niya at ang isang kamay nito nakahawak sa kamay niya.

"I-I'm afraid."

"Are you afraid of me?" he raised his eyebrow.

"No not literally you. I'm afraid of myself na baka-oh nothing!" hindi niya naituloy ang sasabihin niya.

"What is it sweetheart tell me?"

"Please, huwag mo nalang muna alamin iyon. Bata pa ako para sa ganoong bagay."

Ngumiti ito sa sinabi niya. "If that's the case then, I respect your feelings to me. And someday I'll give it in return." hindi niya naintindihan ang makahulugang sinabi nito pero alam niya sa kanyang kaibuturan that there is hope at masaya na siya doon. Wala sasariling naihilig niya ang ulo sa dibdib nito at marahang pumikit.

Nakaramdam siya ng kahungkagan sa mga bisig nito.

Hindi alam ng dalawang nilalang na may mga matang nakamasid sa kanila. Hindi niya alam kung tama nga ba ang nagawa niya at sa nakikita naman niya na magiging masaya ang kanyang anak sa piling ng binata because the man has dignity and gentleness. Naalala na naman niya noon si Aurelia ganun din niya ito kung ituring na parang prinsesa he always give surprises to her wife. Atleast mawala man siya sa mundo maiiwan niya ang kanyang anak na nasa mabuting kamay. Naniniwala siya na natututunan ang pagmamahal.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status