Share

CHAPTER 3

Author: Megan Jurado
last update Huling Na-update: 2025-01-24 15:59:58

“May karapatan pa ba ako?” Umupo si Xoe sa kama, matapos siyang masuri.

Namumugto ang mga matang nakatingin sa kaibigan at tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan dahilan upang manginig ang kanyang boses. “Ngayong andito na si Kendra… Saan ako sa buhay niya?” tanong niya.

Maya-maya pa ay natawa si Xoe habang pinupunasan ang luhang tumakas sa kanyang mga mata. “Bakit pa ako nag aaksaya ng luha. Ang hirap pagbuntis, masyadong nagiging emosyonal.” Muli pa siyang tumawa na tira nasisisraan ng bait.

Binuka ni Maggie ang kanyang braso upang bigyan ng mainit na yakap ang kaibigan. Sa ilang taon nilang pagkakakilanlan, alam niya kung gaano ka mahal ni Xoe si Jake.

“Ano ka ba? Ikaw ang asawa… Mag-asawa kayo sa mata ng Diyos at sa mata ng batas. Sa inyong dalawa ng babaengiyon, ikaw nag mas may karapatan. Kaya huwag ka nang mag-alala. Gusto mo aminin mong may anak din kayo, at dinadala mo siya ngayon.” pag-aalo sa kaibigan.

Nagkibit balikat si Xoe at mahinang itinulak si Maggie. “Maaari ngang mag-asawa kami. Pero sa papel lamang iyon. Hindi naman niya ako pinakasalan dahil mahal niya ako. At alam ko iyon. Wala nang papalit pa sa puso ni Kendra kay Jake.”

“Sa ngayon, hanggang hindi ako siguradong ako ang pipiliin, hindi ko ipapaalam ang pagbubuntis ko.” Determinadong sagot ni Xoe.

“Hindi mo na iyan maitatago. Habang tumatagal lalaki at lalaki ang bata sa sinapupunan mo. At magkasama kayo sa iisang bahay. Kaya paano mo maililihim sa kanya?”

“Bahala na. Basta sa ngayon, ayoko na munang ipaalam.”

Nagpaalam si Xoe kay Maggie at muling hinarap ang asawa matapos niyang makapagpalit ng damit.

“Xoe,” Agad na nilapitan ni Jake si Xoe ng mapansin niya itong papalabas ng kanyang opisina.

“Kanina pa kita gustong makausap. May ginagawa ka ba?” tanong nito.

Mariing tinitigan ni Xoe ang asawa habang hinihintay ang sasabihin nito. Napansin niiyang lumiwanag na ang kaninang madilim na mukha ni Jake at tila ba nabuhayan ito ng loob. Tila alam na niya kung para saan ang pag-uusapan nila.

“Tungkol saan?” maang na tanong ni Xoe na pinipilit itago ang nararamdamang sakit at pinilit na ngumiti.

Inaya niya sa loob ng kanyang opisina si Jake. At inalok ng maiinom. Nagpasalamat naman ang lalaki sa kanya.

“Tungkol sana kay Kendra.”

“Gising na ba siya? Wala ka nang masyadong aalalahanin pa dahil ligtas ang bata at si Kendra.”

“Alam ko.” Ngumiti si Jake ng matamis. “Alam kong kaya mong iligtas sila. At may tiwala ako sa galing mo.” pagpuri niya sa asawa.

“Kailan pa pala bumalik si Kendra? Nito lang din ba?” Kaswal na tanong ni Xoe bago uminom ng tubig at umupo sa kanyang upuan.

“Tatlong buwan na ang lumipas. Gusto ko sanang sabihn sayo, pero masyado kang abala dito sa ospital at hindi na tayo nagkaroon ng oras na mag-usap pa para sabihin sayo ito.” tila naman naiwan sa ere ang kamay ni Xoe na may hawak na baso nang sabihin iyon ni Jake.

“Masasabi mo ba ngayon ang kasarian ng pinagbubuntis niya.” kaswal na tanong ni Jake, na tila hindi iniisip ang nararamdaman ng babaeng nasa kanyang harapan… Ang babaeng kanyang pinakasalan.

Marahang inilapag ni Xoe ang basong kanyang hawak. “Mahirap pa sabihin sa ngayon. Malalaman natin ang kasarian ng bata kapag nasa apat na buwan na ito o di kaya ay mas mabuti kung mga limang buwan para sigurado na ang kasarian ng bata sa sinapupunan. Ngayon kasi, masyado pang maaga. Malabo pang malaman.”

“Nagpasuri kami noon. At ang sabi ay babae, pero base sa sinasabi mo, baka nga lalaki. Pero gusto ko sana babae, pero kung lalaki man iyon, ay okay lang basta anak ko at si Kendra ang ina.”

Ibinaba ni Xoe ang kanyang kamay upang di mapansin ni Jake na nakakuyom ito. Tila naman may pumiga sa puso niya. At sa kanyang pagkakarinig ang may lamat niyang puso ay tuluyang nabasag.

“Nga pala may pakiusap ako.”

“Ano yun?” Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Xoe. Pinipigilan ang pagsabog nito.

“Ngayong nandito si Kendra at maselan ang kanyang kalagayan… Gusto ko sana siyang alagaan. Pwede bang dalhin ko siya sa bahay at doon muna manirahan sa atin?” pakiusap ni Jake.

‘Binuntis mo na nga, dadalhin mo pa sa bahay natin?’ Gustong sabihin iyon ni Xoe ngunit nanatili na lamang siyang tahimik.

“Wala ba siyang ibang mapupuntahan? Saan siya nakatira nitong mga nakaraan tatlong buwan?” Tanong ni Xoe.

“Sa motell lamang. Alam mo naman siguro ang nangyari sa pamilya niya. Tyaka sa ngayon mas makakabuting doon siya sa bahay natin. Bukod sa maalagaan ko siya at matututukan ang mga pangangailangan, ay andoon ka rin upang tuguan kung magkaroon man siya ng problema sa kanyang pagbubuntis.”

Nagtaas ng kilay si Xoe sa paliwanag ni Jake.

‘Buti sa kanya, alalalang-alala ka. Paano naman ako? Paano ang nararamdaman ko?’ tanong ni XOe sa sarili habang tahimik na nakatingin sa asawa.

Nag-iwas ng tingin si Xoe at nagkunwari na lamang na may ginagawa sa kanyang kompyuter. “Bahala ka. Ikaw naman ang bumili ng bahay na iyon. At bihira lang din naman ako sa bahay.” saad ni Xoe.

“Salamat.” sagot ni Jake na ikinangiti niya.

“May isa pa pala akong pabor… Kung okay lang sayo.” Nag aalangang sabi ni Jake.

“Ano yun?” tanong ni Xoe.

“Gusto ko sanang maghiwalay na tayo.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 28

    Nakaigting ang pangang mariin ang mga titig ni Jake kay Xoe na tila ba napapaso na si Xoe sa masakit na titig nito. Gayunpaman, hindi ito nagsalita at agad na binuhat ang asawa papalabas ng mall upang makalanghap ng sariwang hangin. Hindi alintana sa lalaki ang mga titig ng mga tao na kanilang nadaraanan at nakakasalubong.“Ibaba mo ako. Kailangan kong bumalik sa loob. Kailangan ko pang tulungan ang sales clerk sa paglilinis ng suka ko.” Sinusubukan ni Xoe na magpumiglas mula sa pagkakakarga sa kanya ni Jake.“Mahuhulog ka huwag ka nang gumalaw.” sagot nito.Nang makarating sila sa labas, ay agad siyang binaba ng lalaki.“Ilang buwan na iyan? Kaya ba gustong gusto mo nang mapawalang bisa ang kasal natin dahil dyan sa lalaking nakabuntis sayo? Sino ba iyan? Doktor? KAsama mo sa trabaho? Sino? Sagutin mo ako!” Hindi mapigilan ni Jake ang magtaas ng boses sa taas na kanyang emosyon na nararamdaman. Inis, pagkadismaya at galit. “Ano bang pinagsasabi mo?” Pagtatanggi ni Xoe.“Nahihilo ka,

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 27

    Dumating sila sa mall na nakabusangot ang mukha ni Xoe. Habang patungo sila sa loob ng department store, nadaanan nila ang mga bilihan ng mga gamit ng mga pambata at mga pambuntis. Agad na napukaw ang atensyon ni Xoe sa isang manekin na may suot na damit ng pangbuntis. Bagamat nasa pangbuntis na mga paninda ito nakalagay, tila hindi mahahalata sa isang buntis na ina ang mag susuot nito. Isa itong maluwag na maternity dress na iyon at iniisip na ni Xoe na tipong kakailanganin niya itong damit sa mga darating na araw.Napansin naman ni Dustin ang paghinto ni Xoe sa isang manekin na nakasuot ng damit.“Bakit ka napahinto? Gusto mo na bang bilhin yan? Balak mo ba agad na magpabuntis sa boyfriend mo?” Nagtaas ng kilay si Xoe ng mapansin ang pagkasarkastikong saad ni Jake.“Napatingin lang ako. Masama ba? Tyaka mukha naman siyang hindi halatang pangbuntis. Sa katulad kong pusunin at malusog ng bahagya, bagay sa akin ang ganitong damit.” Pagtatanggol nito sa sarili.“Mataba ka na sa lagay na

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 26

    Magkatapat silang nakaupo sa isang lamesa, ngunit ni isa sa kanila ay walang may gustong magsalita. Inorderan ng sopas ni Jake si Xoe, upang mainitan ang sikmura nito. Ngunit, ni isa sa kanila ang walang may gustong gumalaw ng pagkain. Parehong mga walang gana.Tulalang hinahalo halo lamang ni Xoe ang sopas. At kahit walang gana itong kumain dahil sa bigat na nararamdaman… Ay kailangan niyang kumain kahit kaunti. ‘May anak akong umaasa sa tiyan ko. Hindi ako pwedeng magutuman.’ PAalala ni Xoe sa sarili.‘Kailangan na naming bumalik sa munisipyo.’ Nagtaas ng kamay si Xoe upang magtawag ng waiter para hingiin ang bill ng kanilang kinain. Lumapit naman ang isang waiter at binigay sa kanila ang kanilang bill na babayaran.“Hindi ka pa nga kumakain. Ni hindi mo nagalaw iyang sopas.” Saad ni Jake.“Nawalan na ako ng gana.” Sagot ni Xoe.“Ubusin mo iyan.” Utos ni Jake at agad na kinuha mula sa kamay ni Xoe ang bill, pagkatapos ay dinukot niya mula sa kanyang pitaka ang kanyang card para sa

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 25

    “Sa ayaw at sa gusto mo… Asawa pa rin kita. At ikaw lang ang asawa ko. Kaya may karapatan kang umupo sa tabi ko.”“...”Napaawang ang bibig ni Xoe at di makapaniwalang tumingin kay Jake na hindi na maipinta ang mukha.‘Bakit ka ba ganito? Ginugulo mo ang utak ko.’ Gustong sabihin ni Xoe iyon pero minabuti na lamang niyang manahimik.“Bakit ba kahit masama na ang pakiramdam mo, ay gusto mo pang unahin ang pag aasikaso ng annulment papers natin. Ganyan ka ba ka atat na humiwalay sakin?” Hindi makapaniwalang tiningnan ni Xoe si Jake sa sinabi nito. “Siguro may lalaki nang naghihintay sayo at hinihintay lamang ang pagpapawalang bisa ng kasal natin.“Wow!” Sarkastiko itong natawa. “Ako pa talaga? Sa pagkakaalala ko ikaw itong gusto nang makipaghiwalay matapos bumalik dito ng Kendra mo. Gusto ko lang naman tulungan kang maging malaya sa akin.” Sagot ni Xoe.“Ikaw nga itong nagmamadali tapos nagdesisyon ka na agad na umalis ng bansa. At ikaw ang unang mang iiwan. Baka ikaw itong nagmamadali.

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 24

    Pagkapasok nila, ay hindi inaasahan ni Xoe at Jake na maraming pupunta ng munsipyo. Ngunit lahat ng mga iyon ay nakapila sa mga magpaparehistro ng kasal. Ngunit kung gaano man kagulo at kaingay ang linya ng mga ikakasal, siya namang tahimik at tila nilalangaw na pwesto ng mga nagpapasa ng aplikasyon para sa annulment.“Mabuti at walang pila dito. Mabilis tayong matatapos.” Saad ni Xoe.Patuloy niyang hinila si Jake patungo sa pila ng mga nag-aaplay ng annulment. Umupo si Xoe sa upuan kaharap ng isang tagapagtala at inilabas ang mga papeles na kanyang inihanda sa para sa pagproseso ng kanilang annulment.“Mukhang naligaw ata kayo ng pila… Doon ang pila ng magpapakasal.” Saad ng isang aleng tagapagtala.“Ay naku hindi po kami magpapakasal. Andito po kami para ipagwalang bisa ang aming kasal.” Sagot ni Xoe na ikinaawang ng bibig ng babaeng kanyang kaharap.“Sigurado ka? At ngayong araw pa na ito?” tanong nito.“Opo. Bakit ano pong meron?” Naguguluhang tanong ni Xoe.“Hindi mo alam? Araw n

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 23

    Matapos niyang tawagan ng ilang beses si Xoe ay sinagot na din ito agad ng babae. Sinabi niya ang lokasyon kung saan siya naroon bago pinatay ang tawag.Huminto si Jake sa harap ng hotel na tinutuluyan ni Xoe.Nasa labas naman ng lobby si Xoe, nakatayong naghihintay kay Jake. MAy hawak itong brown na envelop na naglalaman ng kanilang mga papeles. Agad siyang umayos ng tayo nang mapansin ang paglabas ni Jake sa kotse. Nakakunot ang noo ng lalaki na tila ba pinagsakluban ng lupa ang mukha.“Bakit umalis ka kagabi? Maayos na ba ang pakiramdam mo? May bahay ka naman bakit dito ka pa natulog?” Sunod sunod na tanong ni Jake kay Xoe.Nagtaas ng isang kilay si Xoe. “Bahay? Ako? Sa pagkakaalam ko pamamahay mo iyon.” Sarkastikong ngumiti si XOe. “Isa pa… HIndi ako komportable sa higaan ko masyadong makati ang kutson na hinihigaan ko. Daming surot.” Sagot ni Xoe.“Ang bahay ko, ay bahay mo.” Sagot ni Jake ngunit umiling na lamang si Xoe.Imbes na magsalita ay dumerecho na lamang ito sa kotse. Aga

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status