“Ano? Ako? Bakit ako? Anong nagawa kong kasalanan?” Naguguluhang tanong ni Jake.“Oo ikaw! Ang kulit mo kasi kanina pa ako nagsasabing wala, pero pinipilit mo.” Singhal ni Xoe.Lihim na napabuntong-hininga si Xoe. Ganoon din si Jake na napapaisip kung anong kasalanan niya.“Akala ko kung ano na. Pero bakit namumugto ang mga mata mo? May nang-away ba sayo? Sabihin mo kay Kuya,” saad ni Jake.‘Bukod sayo, walang nanakit sakin. Ikaw at ikaw lamang ang taong dahilan kung bakit ako umiiyak, araw-araw, gabi-gabi.’ Gusto itong sabihin ni Xoe sa kanya, ngunit pinili na lamang niyang manahimik.“Wala. Napuwing lang ako kanina.” Sagot ni Xoe.“Isa pa… Malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Kung may mananakit man sa akin sa hinaharap, alam ko ang gagawin ko.” Dagdag ni Xoe.Tila naman di naintindihan ni Jake ang sinasabi ni Xoe.“Kahit pa. Babae ka pa rin at hindi kita puwedeng pabayaan. At sa ngayon, wala pang lalaking magliligtas sa'yo. Kaya habang wala pa ang magtatanggol sa iyo, ako na muna
Baca selengkapnya